GULAT NA GULAT si Saskia sa sinabi sa kanya ng estrangherong lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ito nang maigi habang nakakunot ang kanyang noo. Kanina pa man din siya nagtataka kung paano siya nakilala ng lalaki, kaya naguguluhan siya at pilit na inaalala kung nagkita na ba sila noon.
Ngunit habang tumatagal ang pagkakatitig niya rito, para siyang nawawala sa kanyang sarili, na para bang nahihipnotismo. Napakagwapo pala nito at parang wala man lang kapintasan sa hitsura. Perkpektong-perpekto sa kanyang paningin ang pagkakahulma sa bawat bahagi ng pigura nito na para bang inukit ng isang magaling na manlililok.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang malaki at maskulado nitong katawan na hindi kayang itago ng suot nitong makapal na jacket. Pakiramdam niya’y nakita na niya ito dahil naging pamilyar sa kanya ang mukha nito matapos niya itong titigan.
Nagbalik lang siya sa reyalidad nang tumikhim ito.
“Hmmm, may problema ba sa mukha ko at ganoon ka na lang makatitig sa ‘kin?” tila may halong pang-aasar sa tono nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki. Gaano ba siya katagal tumitig sa mukha nito? Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil sa kahihiyang naramdaman. Alam niyang namumula na rin ang kanyang mga pisngi dahil ramdam niya ang pag-iinit nito.
Hindi tuloy niya malaman kung paano magsisimulang magsalita. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila nang sa wakas, ito na ang bumasag sa katahimikan.
“I’m serious about what I told you earlier, Saskia. That we should get married. Let’s say, kapag tinanggap mo ang alok ko, pareho naman tayong makikinabang doon. First, makakaganti ka na sa ex-boyfriend mong nagloko, and second, makakalaya na ako sa babaeng walang ibang ginawa sa araw-araw kundi ang bumuntot sa ‘kin na parang aso. Iyon ang dahilan kung bakit ako naririto, you know, tumakas sa nakakarinding kakulitan. Hindi na nga siya ang tipo ko, ipinipilit pa ng parents ko na pakasalan ko siya. Ang saklap, ‘di ba? Nasaan ang hustisya ng damdamin ko roon?” mahaba nitong litanya, kasabay ng mapaklang pagtawa.
“P-pepero, imposible naman kasi ang gusto mong mangyari. At saka, ngayon lang tayo nagkita, ni hindi ko nga alam ang pangalan mo, eh.” Kandautal na tugon niya.
“Oh, sorry, I forgot to introduce myself. I’m Weston Del Flores, the CEO and owner of Del Flores Winery,” pagpapakilala nito sa sarili.
Nabigla siya sa binaggit nitong pangalan. Ito lang naman ang iniidolo ng kanyang mga magulang pagdating sa larangan ng negosyo. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya ito, at inaalok pa siya ng kasal. Madalas ay sa TV at sa mga magazine niya lang ito nakikita. Kaya pala pamilyar na ito sa kanya, hindi niya lang maalala.
Napausod siya sa kinauupuan nang tumayo ito. Pagkatapos ay nagsalita.
“Gusto kong pag-isipan mo ang inaalok kong kasal sa ‘yo. Hindi kita mamadaliin, pero hindi rin ako tumatanggap ng sagot na hindi. Tandaan mo ‘yan, Saskia. Una pa lang kitang nakita, alam ko sa sarili kong magiging akin ka pagdating ng araw. Malas lang ng nobyo mo at niloko ka lang niya sa kabila ng pagiging perpekto mong babae,” sambit nito sa seryosong tinig.
“Pe-pero,” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil agad itong sumabat.
“As I’ve said, hindi ako tatanggap ng sagot na hindi. Tawagan mo na lang ako kapag nakapagdesisyon ka nang magpakasal sa ‘kin,” sambit nito at inilapag sa tabi niya ang isang maliit na calling card. Pagkatapos ay lumabas na ito ng cottage at dire-diretsong umalis.
Napabuntong-hininga na lang siya at wala sa sariling dinampot ang calling card na iniwan nito at isinilid iyon sa bulsa ng kanyang pantalon. Nawala tuloy ang nararamdaman niyang lungkot at pagkasawi dahil sa lalaki. Pagkatapos ay naglakad na rin siya para pumunta sa silid na ookupahin niya habang naroroon siya sa nasabing resort.
MALAPAD ang pagkakangiti ni Weston habang inaalala ang magandang mukha ng dalaga, at kung paano siya nito titigan ng may paghanga. Malakas ang pakiramdam niyang tatanggapin nito ang inaalok niyang kasal.
Sa uri ng mga tinging ipinupukol nito sa kanya, alam niyang mahihirapan itong tanggihan siya. Naalala pa niya kung kailan niya unang nasilayan ang kagandahan nito na siyang nagpagising sa natutulog niyang puso.
May ginanap noon na business gathering na kung saan ay imbitado ang pamilya niya at pamilya nito. Disi-otso pa lang ito at siya naman ay nasa trenta’y tres na. Nalaman niya ang edad at buong pangalan nito dahil ipinagtanong niya sa mga naroroong kakilala ng dalaga. Aksidente kasi nitong natapunan ng juice ang suot niyang suit, kaya nabaling ang atensyon sa kanya ng karamihan sa mga bisita.
Samantalang ang dalaga ay iniwan lang siya at hindi man lang humingi ng pasensiya. Pero sa ilang segundong pagtitig niya sa maamo at maganda nitong inosenteng mukha, nakaukit na agad iyon sa kanyang isipan. Nagmarka ito sa kanyang puso, kaya nangako siyang hahanapin ito balang araw, para maging kabiyak niya. At ngayon nga, nalalapit na sa katotohanan ang dati’y pangarap lang niya.
***
Hindi nga siya nagkamali, dahil makalipas ang isang linggo, nakatanggap siya ng tawag mula sa dalaga.
“Ano, nakapagdesisyon ka na ba?” agad na bungad niya pagkatapos sagutin ang tawag.
“O-oo. Saan ba tayo pwedeng magkita?” tanong nito.
“Sa dati, kung saan una tayong nag-usap.”
“Okay,”
Pagkatapos, pinutol na nito ang linya. Agad siyang nag-ayos ng sarili at hindi nakalimutang dalhin ang isang bagay na halos buong linggo niyang pinagkaabalahang pagtuunan ng pansin.
Malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang dalaga, nakatalikod ito sa kanyang direksyon. Habang papalapit siya sa kinaroroonan nito, lumalakas din ang pagkabog ng kanyang dibdib.
“Saskia!” tawag niya rito upang kunin ang atensyon nito.
Nang bumaling ito sa kanya, parang bumagal ang takbo ng oras. Anong ganda nito sa mga mata niya!
“Tara sa loob, doon tayo mag-usap!” yakag niya sa dalaga at itinuro ang loob ng cottage.
Agad naman itong tumalima kaya sumunod na siya. Pagkaupo nila, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, agad na niyang inumpisahan ang usapan.
“Alam kong tumawag ka dahil pumapayag ka na sa alok ko, tama ba?” paninigurado niya.
“Yes, Mr. Del Flores!” sambit nito sa pinasiglang tinig. Ngunit hindi maitatago ang kaba sa reaksyon nito.
“Alright, here is the contract! Read it and sign it, it contains the things we should and should not do once we are married,” sambit niya at marahang inilapat ang brown envelope na naglalaman ng kontrata sa harapan ng dalaga.
“Ma-may kontrata?” gulat na tanong nito.
“Kailangan natin ‘yan para maiwasan nating labagin ang karapatan ng isa ‘t isa,” kalmadong tugon niya.
NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.
“HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har
TULUYAN na ngang kinalimutan nina Weston at Saskia ang pagbabanta sa kanila ni Vivian. Hindi na nila iyon pinag-aksayahan pang alalahanin o isipin, kaya kahit ang sabihin ito sa kani-kanilang pamilya bilang babala ay hindi na nila ginawa sa pag-aakalang tinatakot at ginugulo lang sila ni Vivian.Ngunit isang umaga ay isang pangyayari ang nagpagulantang sa kanilang lahat. Si Wesley, nawawala ito. Kasalukuyang masaya silang magkakaharap sa dining table habang kumakain ng agahan, kaya ng magpaalam kay Saskia si Wesley na kukunin lang daw nito ang laruan sa living area, ay agad naman niya itong pinayagan.Wala sa hinagap niya na lalabas ito ng bahay o kung saan man ito magpupupunta. Sigurado siyang may tumawag ng pansin nito, o baka naman sapilitan itong kinuha o dinukot. Kilala niya ang kanyang anak, kahit bata pa ito, alam na nito ang dapat na gagawin, na hindi ito basta-basta pwedeng sumama sa taong hindi nito kilala, o ang maniwala sa sasabihin ng iba, maliban na lang kung sapilitan i
NAWALAN tuloy ng gana sa kanyang ginagawa si Saskia. Nagbago rin ang kanyang pakiramdam. Ang kaninang kasiyahang nararamdaman niya ay bigla na lang na napalitan ng takot at pangamba.“Weston, anong gagawin natin? Mukhang malalim ang galit sa ‘kin ni Vivian base roon sa pagkakasabi niya sa sulat! Kung nagawa niya akong traydurin noon, ano pa kaya ngayon?” nangangambang sambit niya sa asawa.“Baby, huwag kang mag-alala. Huwag kang matakot at mangamba dahil naririto lang ako, kami ng pamilya ko sa tabi mo, sa tabi ninyo ng anak natin para protektahan kayo. Sa ngayon, magsaya na lang muna tayo, okay? Hanggang pagbabanta lang naman iyon si Vivian. Kailan ba siya nagtagumpay na makuha ako sa ‘yo, at masira niya ang relasyon natin? Hindi ba matagal na niyang ginagawa iyon, pero hindi siya nagtatagumpay?”Nabawasan ang pangamba at takot na nararamdaman niya dahil sa sinabing iyon ni Weston. kaya ang ginawa niya ay inilagay niya sa pinag-iihiwan niya ng manok at isda ang papel na ipinadala ni
NAPAGKASUNDUAN nina Saskia at Weston na magkaroon ng salo-salo ang kani-kanilang pamilya sa bahay mismo nina Saskia. Para silang nag pi-picnic dahil sa labas ng bahay sa mini garden nila naisip na magtipon-tipon.Naglagay sila roon ng lamesa at tent, at doon sila nagluto. Parang nakikisabay din ang ganda ng panahon sa ganda ng pakiramdam nila, dahil maaliwalas ang panahon dahil sa sikat ng araw na hindi pa naman masakit sa balat, sabayan pa ng presko at malamyos na simoy ng hangin na siyang nagpapasayaw sa mga bulaklak at mga sanga ng punong kahoy na naroroon. Para sa kanila, iyon ang araw na sila ay nagkaisa.Pero lingid sa kaalaman nila, ay may dalawang pares ng mga matang naglalagablab sa galit ang siyang masamang nakatingin sa kanilang lahat. Nakakubli ito sa isang malaking puno malapit sa gate ng kanilang bahay, at tila hindi ito masaya sa nakikita.“Weston, si Wesley, ha? Pakibantayan at baka makalabas ng gate, baka kung saan-saan ‘yon makapunta at maligaw pa,” paalala niya sa a
“I-isa ka sa mga biktima ni Dad? P-pero paano?” punung-puno ng pagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.“Dapat ay hindi ka na nagtataka dahil normal naman kay Bastian ang maging masama, kaya hindi na rin ako nagtataka na ganyan din ang ugali mo. Pero ngayon, katapusan niyo na dahil wala na ang pundasyon ninyo na magtatanggol sa inyo, hahaha! Hahaha!”“Baliw!” sigaw sa kanya ni Katrina.Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kabilang pisngi nito.“Wala kang karapatan na sabihan ako ng baliw! Naiitindihan mo?!” nanggagalaiting balik sigaw niya rin dito. “Kung may baliw man sa ating dalawa rito, ikaw iyon at hindi ako! Akalain mo iyon, feeling mo mahal na mahal ka ni Weston dahil pakakasalan ka? Huhulihin lang pala ang demonyo mong ama!”Nagulat siya ng isang malakas na sampal din ang iginanti nito sa kanya.“How dare you para tawagin na demonyo si Daddy! Wala ka ring karapatan na sabihin iyan, bitch!”Sa pangalawang pagkakataon, ay ang hawak na niyang baril ang isinampal niya rito.