Share

Chapter 208

Author: Serene Hope
last update Huling Na-update: 2025-07-11 12:50:56

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga sensitibong salita o tema kaugnay ng imbestigasyon, krimen, at mga operasyon ng mga ahensiyang tulad ng NBI, CIDG, at PNP.

Ang lahat ng tauhan at tagpo ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad sa tunay na pangalan o pangyayari ay hindi sinasadiya.

NAKITA AT NARAMDAMAN ni Saskia na sinsero si Gerald sa ginawa nitong paghingi ng tawad sa kanya. Kaya sino ba naman siya para hindi magpatawad? At least, gumaan ang pakiramdam niya dahil may isa na namang tao ang nagkasala sa kanya sa nakaraan na kusang lumapit at humingi ng tawad.

Tinanaw pa niya ang mag-ina matapos magpaalam na uuwi na, dahil bukas ay hindi raw pwedeng mawala ang mga ito sa kasal nina Weston at Katrina, dahil kasama ang mga ito sa ginawang plano ni Weston.

Siya naman ay maghihintay na lang sa muling pagbabalik ni Weston para pakinggan ang paliwanag nito sa mga nangyaring malabo sa kanyang pang-unawa.

***

WALANG TULOG si Weston sa halos buong gabi dahil sa pinaghahandaang plano ngayong araw. Alas sinco na ng umaga, pero hindi pa rin siya natatapos sa pakikipag-usap sa kabilang linya sa mga taong sangkot sa mga plano niya simula pa kahapon pagkauwi niya.

At dahil alas otso magsisimula ang kasal nila ni Katrina mamaya, ay sinigurado niyang kumpleto at nailagay na sa mga tamang lugar ang mga hidden cameras, kung saan dadaan si Bastian. Naroroon na rin sa sekretong lugar ang mga NBI, CIDG, at PNP SAF para sa paghahanda.

Halos mag a-alas siete na siya nakapag-ayos ng kanyang sarili. Dali-dali siyang pumasok sa kanyang sasakyan at mabilis na pinasibad iyon. Dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ay halos mahigit sampong minuto lang ay naroroon na siya sa hotel. Kailangang mauna siyang dumating doon kina Bastian. Nakahinga siya ng maluwag ng pagdating niya sa hotel ay wala pa roon sina Katrina. Kaya malaya pa siyang nakakagalaw at nakikipag-usap sa mga taong kasabawat niya roon.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay siya namang pagdating nina Katrina.  Sobrang lawak ng pagkakangiti nito na parang ngayon niya lang nakita sa buong buhay niya simula nung madalas na niya itong nakakasama.

Ang simula ng kasal nila ay tahimik at walang problema, simula sa processional, homily ng nagpapanggap na pari na siyang kasabwat niya rin, vows guidance, nuptial blessing, at final blessing. At nang sabihin ng pari ang “You may now kiss the bride” hinalikan naman niya ng pahapyaw si Katrina sa labi. Hindi nga niya naramdaman kung dumapo ba sa mga labi nito ang kanyang mga labi.

Habang nagaganap ang kasal sa loob, ay may command van na puno ng screen sa hindi kalayuan sa sekretong lugar sa hotel na kung saan, nakikita ng mga nagbabantay mula roon ang real-time feed na kasalukuyang nangyayari mula sa mga hidden cameras na ini-setup nila.

Pagkatapos na pagkatapos ng kasal nila ni Katrina ay agad silang pumunta sa katabing venue ng hotel wedding ceremony. Natuwa siya dahil sobrang kaunti ng bilang ng kanilang mga bisita, marahil dahil sa biglaan ang naging kasal nila at hindi nakapaghanda ang iba.

Narinig niya mula sa suot na earpiece ang pag-uusap ng mga agent ng NBI, CIDG, at PNP SAF.

“Team, nakatayo ang target habang nakikipagkamay sa ibang mga bisita. Ama ng bride. Kumpirmado. Handa na ba kayo?” dinig niyang sambit ng NBI agent. Natatanaw niya ito dahil naroon lamang ito sa may hindi kalayuan sa kanila, nagpapanggap na isa sa mga wedding organizer.

Sa kabilang linya, sumagot ang isang CIDG agent na nagpapanggap bilang photographer.

“Nakikita ko. Handa na kami. Magsabi lang kayo kung kailan kikilos.”

“Target in sight. Lahat ng exit ay may bantay na,” ani ng PNP SAF.

Pagkatapos na makamayan lahat ni Bastian ang mga bisita nila sa kasal, ay narinig niya mula sa suot na earpiece ang utos mula sa mobile command van.

“Green light. Simulan na ang operasyon. Siguraduhing walang masasaktan.”

Tumango ang agent ng NBI. Ang limang lalaking nagpapanggap na staff ng hotel, ay biglang lumapit dito, pagkatapos ay sabay-sabay na kumilos. Bago pa man mangyari iyon, ay ramdam na ni Weston ang mga nagdadamihang mga tauhan ng perimeter team na nakapwesto sa bawat sulok ng hotel, sa labas man at sa loob, armado, alerto at handang umaksyon kung may tatakas man o gagawa ng masamang hakbang.

“Mr. Bastian Gudo Almeda?” tawag pansin ng NBI agent kay Bastian, habang nasa likuran nito ang limang nagpapanggap na staff ng hotel.

Lumingon naman dito si Bastian habang hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi.

“Oo, ako nga.”

“Kami po ay mula sa National Bureau of Investigation, katuwang ang CIDG at PNP SAF,” sambit ng NBI agent kasabay ng pagpapakita ng ID at kopya ng warrant.

Napakunot-noo naman si Bastian, wari’y wala sa hinagap nito o hindi nito inaasahan na may mangyayaring ganoong senaryo sa araw mismo ng kasal ng kanyang unica hija. Pinaghalong pagkalito at pagtataka ang makikitang nakalarawan sa mabagsik nitong mukha.

“Inaaresto po namin kayo sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong: human trafficking, large-scale drug trafficking, and money laundering, ayon sa Article 1** ng Revised Penal Code at RA 9***,” ani agent ng NBI.

Nagulat ang lahat ng mga bisita sa narinig, lalong-lalo na ang asawa ni Bastian, at higit sa lahat, ay si Katrina. Bigla itong napabitiw sa pagkakahawak sa braso niya at mabilis na itong lumapit sa ama.

“Da-Dad? W-What’s happening? Totoo ba ang lahat ng ito?” nanginginig at maluha-luha nitong tanong sa ama.

Nagsisimula na rin ang bulong-bulungan sa lahat ng mga bisitang nakasaksi.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 228 (Final Chapter/ The End)

    “M-MARIE? P-paano kang nakapasok dito? At ano ang ginagawa mo rito?” nakanunot noo niyang tanong sa dating kaklaseng itinuring niyang matalik na kaibigan, pero ipinagpalit lang nito ang tiwala niyang ibinigay dahil sa perang inialok dito ni Vivian, kapalit ng pag-kidnap sa kanya.“Ah, si Gerald, siya ang nagpapasok sa ‘kin dito. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag muna bago mo ako itaboy…” nakayuko nitong sambit.“Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran sa ‘yo, dahil nagawa kitang traydurin noon. Pero ang desisyon kong iyon ang nagpanatili sa pamilya ko na mabuhay hanggang ngayon. Sinadya akong puntahan doon ni Vivian para gawing kasabwat sa plano niyang pag-kidnap sa ‘yo. At kapag tumutol ako, buhay ng pamilya kong inosente ang mawawala. Alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko sa isiping ikaw naman ang napahamak sa pagpayag ko sa kagustuhan niya?” nanunubig ang mga matang sambit nito.“Naiipit ako between you at sa pamilya ko, dahil pareho k

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 227

    “M-MOMMY, so-sobra a-ako n-natakot sa k-kanya…” pautal-utal at humihikbing sumbong sa kanya ng anak na ngayon ay wala ng busal sa bibig at wala na rin ang mga tali sa kamay. Mugtong-mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.“Sssh! Tahan na, Baby. Hindi ka na niya makukuha o kahit ang masaktan pa…” sambit niya rito sabay haplos sa likod nito.“Kayo na ang bahala sa babaeng iyan!” dinig niyang sambit ni Weston sa mga pulis na kasalukuyang nakahawak nay Vivian habang inaalalayan itong makapasok sa police mobile.“Yes, Sir!” dinig naman niyang sagot ng mga ito.Siya namang pagdating nina Jedrick at Gerald, mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila para kumustahin ang kalagayan nila.“Sas, okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo ni Vivian?” sunud-sunod na tanong sa kanila ni Jedrick.“Si little Bro, bakit miserable ang hitsura niyan? Sinaktan ba ‘yan ni Vivian?” nag-aalalang sambit ni Gerald nang makita ang kalagayan ni Wesley.“Maraming salamat sa tulong ninyo, kuya Jed, Gerald.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 226

    “KAHIT KAILAN talaga, ang tanga-tanga mo, my dear, Sissy…” nakangising sagot sa kanya ni Vivian.“Nagawa nga kitang traydurin noon, ‘di ba? So bakit hindi ko kayang gawin iyon sa anak mo ngayon? Common sense naman, Sissy! Naturingan kang matalino at CEO ng MS Wine Haven, pero simpleng mga galawan ko lang hindi mo pa makabisado, hay naku…” dugtong pa nito.“Dahil umaasa ako na baka nagbago ka na lalo na at halos ilang taon din tayong hindi nagkita! Pero nagkamali ako! Hindi nga pala marunong magsisi ang mga alagad ng diyablo!”Dahil sa sinabi niya ay napikon si Vivian. Mabilis nitong itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Pero hindi siya nagpakita ni katiting na pagkatakot.“Sige, iputok mo! Bakit, kapag ba napatay mo ba ako, magiging masaya ba ang magiging buhay mo sa hinaharap? Para sabihin ko sa ‘yo, ang kulungan na ang magiging panghabambuhay mong kanlungan! At baka nga, doon ka pa makakuha ng katapat! Baka roon din matapos ang buhay mo!”“Huwag mong sinasabi sa ‘kin ‘yan dahil

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 225

    PAGKAHINTONG-PAGKAHINTO ng sasakyan na kinalululanan nila ni Weston ay walang sinayang na sandali si Saskia. Mabilis siyang bumaba mula roon, ganoon din si Weston.Halos gusto na niyang lusubin si Vivian at pagsasabunutan ito, dahil tuwid itong nakatayo at may nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Weston. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kanilang anak.Alam naman niyang hindi naman ito magtatagumpay sa plano nitong makuha si Weston o ang mapahamak ang kahit na sino sa kanila, dahil bago sila pumunta sa ipinadala nitong address kung saan sila ngayon naroroon, ay nakapaghanda na sila.Pero naninigurado pa rin siya dahil hindi niya kayang basahin ang takbo ng utak ng baliw niyang pinsan, at baka hindi pa umayon sa oras ang takbo ng kanilang mga plano sa pagdakip dito kapag nagpadalos-dalos siya at nagpadala sa emosyon.Bago pa man sila nagpunta roon, ay nakapagtimbre na si Weston sa mga pulis. Nakasunod at nakabantay na

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 224

    NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 223

    “HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status