Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga sensitibong salita o tema kaugnay ng imbestigasyon, krimen, at mga operasyon ng mga ahensiyang tulad ng NBI, CIDG, at PNP.
Ang lahat ng tauhan at tagpo ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakatulad sa tunay na pangalan o pangyayari ay hindi sinasadiya.
“Dad, please, tell me it’s not true!” malakas na sambit ni Katrina sa ama nitong halos hindi alam kung ano ang isasagot sa anak.
Kasalukuyan na rin na nakatutok sa mga ito ang mga camera ng media, na kasalukuyan din na naka-live. Lihim siyang napangisi dahil nangyari na ang pinagpuyatan at pinagpaguran niyang plano.
“Anak, haharapin ko lang sila, okay? Pagkatapos, ay makakauwi rin ako,” sagot ni Bastian sa anak.
“May karapatan po kayong manahimik. Anumang inyong sasabihin ay maaaring gamitin laban sa inyo sa hukuman. May karapatan po kayong kumuha ng abogado. Kung wala po kayong makuhang abogado, ang pamahalaan ay maglaan para sa inyo,” pagpaptuloy ng NBI agent, hindi pansin ang nangyayaring pagdadrama ng mag-ama.
Kahit nang suotan ng posas ng isang agent na naroroon si Bastian, ay kataka-takang hindi ito gumawa ng marahas na hakbang. Pero isang kaduda-dudang tingin ang ipinukol nito sa kanya.
“Sana lang ay hindi tama ang hinala ko na may kinalaman ka rito, Weston. Ang galing mo rin, hindi ko natunugan ang mga kilos at galaw mo,” sambit nito na may kaunting ngisi sa labi.
“Nanghihinala ka pa lang, pero hinusgahan mo na agad ako, Bastian. Isang taong katulad mo ang ayaw kong maging parte ng pamilya ko, at mas lalo nang ayaw kong maging ama ka ng magiging asawa ko,” seryoso at may diin sa bawat mga binibitiwan niyang salita.
“Ipanalangin mo lang na hindi ko maipanalo ang kaso ko, dahil kapag naipanalo ko, ikaw naman ang ipakukulong ko sa salang pambibintang at pangtatraydor sa ‘kin!” lumabas na rin ang itinatago nitong bangis. Sinusubukan pa nitong magpumiglas, pero malakas ang pagkakahawak dito ng mga agent, kaya hindi ito makapalag man lang.
“Hindi marunong mambintang at magtraydor ang mga ebidensiya, Bastian! Iyan ang tatandaan mo!”
Lumapit naman sa kanya si Katrina na umiiyak at nagmamakaawa.
“Hon, totoo ba iyon? Ikaw ang nasa likod ng ito? Please, kausapin mo sila na pakawalan na si Daddy dahil wala siyang kasalanan! Mabuti siyang ama! please, Hon! Regalo mo na lang ito sa ‘kin bilang asawa, bilang bago tayong kasal!”
Tumingin siya rito ng seryoso at sumagot.
“Yes, ako ang nasa likod ng lahat ng ito. At hindi ko sila papaki-usapan na pakawalan ang Daddy mo dahil mali ang pag-aakala mo na wala siyang kasalanan. Siguro, marahil ay mabuti siyang ama sa ‘yo, pero hindi siya mabuting tao sa lahat. At regalo ba kamo dahil asawa na kita ngayon? Huh, hindi kita asawa, Katrina! Dahil hindi totoo ang kasal natin ngayon! Hindi totoong pari ang nagkasal sa ‘tin. At lahat ng mga naririto? Lahat sila ay kasabwat ko. At itong pekeng kasal natin ang naging daan para matuldukan na ang pagiging masamang damo ng Daddy mo!” sambit niya sa nabiglang si Katrina.
Larawan ng pagkalito ang mukha nito, wari’y hindi matanggap ang mga isiniwalat niya.
“No! No! Hindi ito totoo! Asawa na kita ngayon! At walang peke sa kasal natin!” para na itong nababaliw sa paraan ng pananalita nito.
“Totoo ang lahat ng iyan, Katrina! At kasama kami ng anak ko sa planong ito ni Weston! Alam mo kung bakit? Dahil may malaking kasalanan sa ‘kin ang ama mo na sumira sa aking pagkatao!” sabat ng ate Gladys niya, may mumunting luha na nakatanaw sa mga mata nitong nang-uusig.
“W-What do you me-mean, ate?” garalgal na tanong dito ni Katrina.
“Ni-r*pe lang naman ako ni Bastian noong college ako, isa ako sa mga biktima niya sa human trafficking. Hindi niya ako isinama sa mga ibinebenta niyang babae dahil ginawa niya akong parausan. At si Gerald, si Gerald ang bunga ng kahayupan niya sa ‘kin!” nanggagalaiting sigaw ng kanyang ate.
Agad naman itong dinaluhan ng kanyang Mommy at Daddy, maging ni Gerald dahil halos manghina ito at muntikan ng matumba.
Tumingin ng dahan-dahan si Katrina kay Bastian, nagtatanong ang mga mata. Habang ang asawa ni Bastian ay tahimik lamang na lumuluha sa isang tabi, at halos walang balak na makisali sa diskusyon.
“To-totoo ba ang mga paratang nila, Dad? Ni-r*pe mo ba talaga si ate Gladys? At…at ikaw ang ama ni Gerald? Ibig sabihin, ay magkapatid kami?” umiiyak na tanong ni Katrina sa amang halos wala ng maiharap na mukha sa madla.
Ngunit wala ni isang sagot na namutawi sa mga labi ni Bastian, nanatili itong tikom hanggang sa akayin na ito palabas ng mga agent ng NBI.
Dahan-dahang napasalampak sa sahig si Katrina, at umiyak nang umiyak na halos wala ng katapusan. Sila naman ng kanyang pamilya ay mabilis na umalis sa hotel na iyon at sama-samang umuwi.
***
LIVE NATIONWIDE sa telebisyon ang nangyaring pag-aresto kay Bastian. At napanood iyon ni Saskia. Napaluha na lang siya sa sobrang kasiyahan. Dahil lahat ng mga sinabi sa kanya ni Weston patungkol sa plano nito ay pawang totoo. Ngayon, kahit pa hindi na ito magpaliwanag sa kanya na setup lang ni Katrina ang nasa video, ay patatawarin na niya ito.
Pero nalulungkot din siya para kay Gerald, siguro, kaya nakagawa ito ng masama sa kanya rati, dahil wala itong kinalakihang ama na maggagabay sa kanya. At ngayon naman, nalaman nga nito na may ama siya, pero isa namang masamang tao. At naaawa rin siya sa ina nito, dahil may malagim pala itong pinagdaanan sa mga kamay ni Bastian. Pero masaya siya at the same time, dahil magkakaroon na ng hustisya ang ginawang kasamaan ni Bastian sa mag-ina, pati na rin sa ibang mga inosenteng tao na nabiktima nito.
“M-MARIE? P-paano kang nakapasok dito? At ano ang ginagawa mo rito?” nakanunot noo niyang tanong sa dating kaklaseng itinuring niyang matalik na kaibigan, pero ipinagpalit lang nito ang tiwala niyang ibinigay dahil sa perang inialok dito ni Vivian, kapalit ng pag-kidnap sa kanya.“Ah, si Gerald, siya ang nagpapasok sa ‘kin dito. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag muna bago mo ako itaboy…” nakayuko nitong sambit.“Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran sa ‘yo, dahil nagawa kitang traydurin noon. Pero ang desisyon kong iyon ang nagpanatili sa pamilya ko na mabuhay hanggang ngayon. Sinadya akong puntahan doon ni Vivian para gawing kasabwat sa plano niyang pag-kidnap sa ‘yo. At kapag tumutol ako, buhay ng pamilya kong inosente ang mawawala. Alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko sa isiping ikaw naman ang napahamak sa pagpayag ko sa kagustuhan niya?” nanunubig ang mga matang sambit nito.“Naiipit ako between you at sa pamilya ko, dahil pareho k
“M-MOMMY, so-sobra a-ako n-natakot sa k-kanya…” pautal-utal at humihikbing sumbong sa kanya ng anak na ngayon ay wala ng busal sa bibig at wala na rin ang mga tali sa kamay. Mugtong-mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.“Sssh! Tahan na, Baby. Hindi ka na niya makukuha o kahit ang masaktan pa…” sambit niya rito sabay haplos sa likod nito.“Kayo na ang bahala sa babaeng iyan!” dinig niyang sambit ni Weston sa mga pulis na kasalukuyang nakahawak nay Vivian habang inaalalayan itong makapasok sa police mobile.“Yes, Sir!” dinig naman niyang sagot ng mga ito.Siya namang pagdating nina Jedrick at Gerald, mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila para kumustahin ang kalagayan nila.“Sas, okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo ni Vivian?” sunud-sunod na tanong sa kanila ni Jedrick.“Si little Bro, bakit miserable ang hitsura niyan? Sinaktan ba ‘yan ni Vivian?” nag-aalalang sambit ni Gerald nang makita ang kalagayan ni Wesley.“Maraming salamat sa tulong ninyo, kuya Jed, Gerald.
“KAHIT KAILAN talaga, ang tanga-tanga mo, my dear, Sissy…” nakangising sagot sa kanya ni Vivian.“Nagawa nga kitang traydurin noon, ‘di ba? So bakit hindi ko kayang gawin iyon sa anak mo ngayon? Common sense naman, Sissy! Naturingan kang matalino at CEO ng MS Wine Haven, pero simpleng mga galawan ko lang hindi mo pa makabisado, hay naku…” dugtong pa nito.“Dahil umaasa ako na baka nagbago ka na lalo na at halos ilang taon din tayong hindi nagkita! Pero nagkamali ako! Hindi nga pala marunong magsisi ang mga alagad ng diyablo!”Dahil sa sinabi niya ay napikon si Vivian. Mabilis nitong itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Pero hindi siya nagpakita ni katiting na pagkatakot.“Sige, iputok mo! Bakit, kapag ba napatay mo ba ako, magiging masaya ba ang magiging buhay mo sa hinaharap? Para sabihin ko sa ‘yo, ang kulungan na ang magiging panghabambuhay mong kanlungan! At baka nga, doon ka pa makakuha ng katapat! Baka roon din matapos ang buhay mo!”“Huwag mong sinasabi sa ‘kin ‘yan dahil
PAGKAHINTONG-PAGKAHINTO ng sasakyan na kinalululanan nila ni Weston ay walang sinayang na sandali si Saskia. Mabilis siyang bumaba mula roon, ganoon din si Weston.Halos gusto na niyang lusubin si Vivian at pagsasabunutan ito, dahil tuwid itong nakatayo at may nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Weston. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kanilang anak.Alam naman niyang hindi naman ito magtatagumpay sa plano nitong makuha si Weston o ang mapahamak ang kahit na sino sa kanila, dahil bago sila pumunta sa ipinadala nitong address kung saan sila ngayon naroroon, ay nakapaghanda na sila.Pero naninigurado pa rin siya dahil hindi niya kayang basahin ang takbo ng utak ng baliw niyang pinsan, at baka hindi pa umayon sa oras ang takbo ng kanilang mga plano sa pagdakip dito kapag nagpadalos-dalos siya at nagpadala sa emosyon.Bago pa man sila nagpunta roon, ay nakapagtimbre na si Weston sa mga pulis. Nakasunod at nakabantay na
NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.
“HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har