FAZER LOGINHindi ko alam kung paano ako nakalabas sa office ni Aaron nang hindi bumibigay ang mga tuhod ko.
Pakiramdam ko may mabigat na kadena na nakapulupot sa buong katawan ko. Paglabas ko ng building, agad akong sinalubong nina Camille, Trish, at Ben sa campus garden. "Joan!" mabilis na lumapit si Camille. "Kanina ka pa namin hinahanap!" Napilitan akong ngumiti. "Busy lang." Pero halata sigurong namumugto ang mata ko dahil agad silang nagkatinginan. "Did something happen?" tanong ni Trish. Tahimik lang ako sandali bago ako napabuntong hininga. "Natanggal scholarship ko." sabay silang natigilan at hindi makapaniwala "What?!" gulat ni Ben. "Paano?! Youre the top student here!" Kumuyom agad ang kamao ko. "Rejected him once and suddenly nawalan ako ng scholarship." mapait akong natawa. "Coincidence ba 'yon?" "Grabe talaga 'yang si Aaron." bulong ni Camille. "Masyado siyang nasanay na nakukuha niya lahat ng gusto niya." dagdag ni Ben. "Pero this? This is messed up." Tahimik lang ako. Hindi ko sinabi ang tungkol sa kontrata. Hindi ko kayang sabihin. Na gusto niya akong bilhin. Na gusto niya akong ariin. Napayuko ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Agad umupo si Trish sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "We'll help you." Napangiti ako nang mahina. "You don't have to-" "No," seryoso niyang sabi. "We'll ask around. Maybe our parents can help." Pero kinabukasan... Isa-isa silang bumalik na hindi mabasa ang mukha na akala mo pinagsukluban sila ng langit at lupa. "Joan... sorry..." Pilit akong ngumiti dahil alam ko naman na ang mangyayari. "Dad told me not to get involved daw." umiwas siya ng tingin. "He said... no one wants to cross the Standfords." Natahimik kami ng ilang minuto. Hindi lang pala ako ang takot kay Aaron. Lahat sila. "Even my mom warned me," mahinang sabi ni Camille. "Joan... the Standfords are scary people." "Especially Aaron," dagdag ni Ben. "He practically controls the university." Napayuko ako. "You probably don't know how huge the Standford family really is." Unti-unti akong napatingin sa kanya. "The Standford Group owns hospitals, pharmaceutical companies, luxury hotels, private banks, real estate corporations..." isa-isang sabi niya. "Hell, even politicians attend their parties." "At etong Standford International University?" dagdag ni Camille. "Parang side business lang nila" Napatitig lang ako. Hindi ko kasi talaga inisip dati. Oo, alam kong mayaman si Aaron. Pero hindi ko alam na gano'n kalala. "Ang sabi ng dad ko," muling sabi ni Ben, "kapag may binangga kang Standford... para ka na ring bumangga sa buong bansa." Nanlamig ako lalo. Kasi totoo. Isang salita lang ni Aaron- Natanggal ang scholarship ko. Nawala lahat ng sponsors. Pati mga taong dating willing tumulong sakin... umatras. isang salita nya lang. Ganun siya kapowerful. "Aaron is different from the rest of their family," mahinang sabi ni Camille. "Different how?" tanong ko. Nagkatinginan sila. Parang nag-aalangan. Hanggang sa nagsalita si Ben. "He's terrifying." Napakunot noo ako. "He's only twenty-eight," dagdag niya. "Pero siya na agad ang Vice President ng Standford Group." "Top graduate ng med school," sabi ni Ben. "Youngest award-winning surgeon sa Standford International Hospital." "And yet mas focus siya sa university," dagdag ni Camille. "Because according to rumors... Dati naman walang interest si Aaron sa campus life." "Totoo," sagot ni Camille. "Actually ayaw niya nga raw mag-handle ng university." "Then suddenly..." ngumisi si Ben habang nakatingin sakin, "lagi na siyang nasa campus." Nanlamig ako. "At mas naging madalas siya dito after..." natigil si Trish ng mapatingin sya sa akin. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin nya dahil alam naman naming lahat kung ano. Tahimik akong napayuko. Siguro kaya lalo siyang nagalit sakin. Kasi ako yung unang tumanggi sa kanya. Napabuntong hininga ako. "Alam mo bang halos lahat ng departments dito may direct approval niya?" tanong ni Ben. "Professors fear him." "Even the board fears him," dagdag ni Camille. Napahigpit ang hawak ko sa uniform ko. Hindi ko maintindihan. Bakit ako? Sa dami ng babae sa campus... Bakit ako pa? "Because Aaron Standford always gets what he wants," mahina pero diretsong sabi ni Trish. Tahimik ako. At doon ko naalala yung sinabi niya sakin. 'You embarrassed me publicly.' 'I don't share what's mine.' Unti-unting bumigat dibdib ko. "And he's the only son," dagdag ni Camille. "Everything will eventually belong to him." Kinagabihan, nasa soccer field ako. Nakaupo lang ako sa bleachers habang pinapanood si Larry na mag-practice. He's Larry Villareal. Two years older than me. My boyfriend. Campus heartthrob noon dahil Varsity soccer captain. Matalino. Mabait. At higit sa lahat... Hindi babaero. Noong first year college ako, crush na crush ko na siya. Halos lahat ng laro niya pinapanood ko. Then everything changed. Second year college nang mamatay sina Mama at Papa. Isang araw lang... Biglang nawala lahat. Yung bahay namin. Mga negosyo. Savings. At doon nagsimulang lumala ang sakit ni Jaya. Habang lahat ng tao unti-unting lumalayo sa'kin... Si Larry lang yung patuloy na lumalapit. Hindi niya ako pinabayaan. Madalas niya akong hintayin matapos ang klase. Dinadalhan ng pagkain. Kino-comfort kapag umiiyak ako. Noong graduation niya... Doon siya nag-confess. Na matagal na rin daw niya akong gusto. Akala ko noon nananaginip lang ako. Larry Villareal liked me back? Pero anim na buwan niya muna akong niligawan bago ako pumayag. Dahil takot ako. Takot na baka isipin ng iba... pera lang habol ko sa kanya. Mayaman si Larry. Galing siya sa isang kilalang international athlete family na may iba't ibang sports businesses sa loob at labas ng bansa. May sariling sports brands. Training centers. Fitness companies. At endorsements na bilyon ang halaga. At si Larry mismo? Isa siyang international soccer athlete. Future soccer superstar. Pangarap ng maraming brands. Paborito ng media. Habang ako? Isang scholarship student na baon sa utang at halos hindi malaman kung saan kukuha ng pambayad sa hospital bills ng kapatid ko. Magkaibang-magkaiba ang mundo namin. Kaya naging sikreto ang relasyon namin. Ayokong isipin ng iba na ginagamit ko lang siya dahil mayaman siya. Ayokong makarinig ng mga bulong na pera lang habol ko kay Larry Villareal at masira ko ang pangalan nya. Kaya tahimik lang kami. Pinilit kong isekreto muna ang relasyon namin. Hanggang makagraduate ako. Hanggang maging stable ako. Hanggang kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa. Yun ang plano namin. "Joan?" Napakurap ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "You've been quiet lately." Napaiwas ako ng tingin. Nakatayo na siya sa harap ko habang pinupunasan pawis niya gamit towel. Tangina. Kahit ilang taon na... Kinakabahan pa rin ako sa kanya. Ang lakas ng epekto nya sakin. Umupo siya sa tabi ko. Pero mabilis ding nawala ngiti niya. "You've been avoiding me. Are you okay?" Napaiwas ako ng tingin. "You heard?" mahina kong tanong. "About your scholarship? Yeah." Napayuko ako. "Did Aaron do this?" Hindi ako agad nakasagot. Kumuyom agad kamao niya. "Fuck." Tahimik lang akong napapikit dahil kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Larry. "Joan baby" Humarap siya sa'kin. "Look at me." Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "I'll help you." Agad akong umiling. "No." "I can pay your tuition." "No." "Hospital bills too." "Larry-" "Why are you refusing me?" frustradong tanong niya. "I'm your boyfriend." Napapikit ako at napabuntong hininga. Mas naging seryoso ang mukha nya. "Did Aaron threaten you?" Tahimik akong napaiwas ng tingin. "Son of a bitch-" "Larry, stop." "I'm talking to him." Bigla akong kinabahan. Dahil kahit magkaibigan silang dalawa ay ayokong masira ang buhay nya tulad ng ginagawa sa akin ngayon ng demonyong iyon. Agad akong tumayo. "Please... wag." Hinawakan niya mukha ko. "No one gets to hurt you even if he is my friend." Tangina. Kung gaano kabait si Larry... Ganoon kasama ni Aaron. Huminga ako nang malalim. At doon ko narealize-Kailangan ko siyang pakawalan. Hindi dahil hindi ko siya mahal. Kundi dahil mahal na mahal ko siya. Ayokong masira siya dahil sakin. Ayokong madamay siya sa gulo ko kay Aaron. Ayokong dumating sa punto na masira ang kinabukasan nya dahil sakin. Alam ko naman kung gaano nya kamahal ang soccer. Napabuntong hininga ako. "Larry..." nanginginig boses ko. "Maghiwalay na tayo." "...What?" "I'm serious." Agad siyang umiling. "No." Kumunot ang noo niya habang nakatitig sakin na parang hindi niya kayang paniwalaan ang narinig niya. "I'm not accepting that." "Please... pakinggan mo muna ako. Focus on your soccer career." Natigilan siya. "You worked too hard for this." "Joan-" "And I need to focus on my studies," putol ko agad habang pilit na ngumiti. "Thesis year ko na. Hindi ko kayang pagsabayin lahat." "Bullshit. This is because of Aaron!" Doon ko nakita kung paano unti-unting nagdilim ang mukha niya. "Did he force you?!" "Larry please..." nanginginig kong sabi. "Ayoko lang na masira future mo dahil sakin." Biglang tumigas ang panga niya. "ikaw ang future ko Joan." Napapikit ako sandali dahil hindi ko kayanin tingnan siya. Si Larry... Yung lalaking minahal ako sa panahon na wala akong kahit ano. Yung lalaking hindi ako iniwan noong bumagsak buong mundo ko. At ngayon...sinasaktan ko sya. "Please..." basag kong bulong. "Don't make this harder." Bigla siyang natawa nang mahina. "You're asking me to let go of the girl I planned my whole future with." Tuluyan nang pumatak ang luha ko. Naalala ko lahat. Yung mga plano namin. Ang pagsigaw namin sa buong mundo na magkarelasyon kami, na nagmamahalan kami. Yung simpleng dreamhouse na gusto naming tirhan someday. Yung pangako niyang dadalhin niya ako sa first international game niya. At heto ako ngayon- Sinisira lahat. "One year," umiiyak kong sabi. Natigilan siya. "What?" "Let's stop... for one year. If after one year..." nanginginig kong sabi, "single pa rin tayo pareho..." Napangiti ako nang mahina kahit sobrang sakit na. "...maybe we can find each other again." Nakatitig lang siya sakin habang unti-unting namumula ang mata niya. At doon ako mas nasaktan. Kasi kahit nasasaktan siya... hindi pa rin siya nagagalit sakin. "Joan..." mahina niyang tawag. "I love you," tuluyan na akong napaiyak. "Kaya please... hayaan mo muna akong ayusin ang sarili ko." Tahimik ang buong field ng natahimik sya ng ilang minuto. Mahangin. Malamig. Rinig na rinig ko tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya. Hanggang sa marahan siyang tumawa. "You're seriously breaking my heart right now." Mas lalo akong umiyak. Dahan-dahan siyang lumapit sakin. At walang kahit anong galit sa mga mata niya. Puro sakit lang. Puro pagmamahal. Then he pulled me into his arms. Mahigpit. Kaya napayakap din ako sa kanya habang umiiyak sa dibdib niya. "I don't want to lose you," paos niyang bulong "I'm sorry..." paulit-ulit kong iyak. "I'm so sorry..." Mahigpit niya akong niyakap. Then marahan siyang tumango at napabuntong hininga "Okay." Halos pabulong na lang ang boses niya. "One year. At kapag bumalik ako..." mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko, "I will fight for us."Hindi mapakali si Joan buong umaga.Tahimik siyang naglalakad sa hallway ng Standford International University habang yakap ang books niya. Pero kahit anong pilit niyang mag-focus sa klase, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.Si Larry. Ang break up nila. Mahal nya si Larry pero kailangan nyang makipaghiwalay dahil baka kung anong gawin ni Aaron kay Larry. Mahigpit niyang kinagat ang labi niya.Masakit pa rin.Tangina."Joan?"Napakurap siya nang marinig ang boses ni Camille.Nasa locker area sila ngayon kasama sina Trish at Ben."You okay?" tanong ni Trish habang inaabot ang iced coffee sa kanya.Napangiti siya."Yeah..."Pero halatang hindi sila kumbinsido.Hindi na lang nagsalita si Ben dahil alam niyang umiiyak si Joan kagabi.Tahimik silang apat.Hanggang sa-VIIIIIBRRRRT.Nagvibrate at nagliwanag ang phone ni Joan.Si Larry ang tumatawag. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya."Hey."Biglang nanikip ang dibdib niya."Larry..."Naririnig niya ang ingay sa back
Kinabukasan...Diretsong pumunta si Larry sa Standford International University.Madilim ang mukha nito habang naglalakad sa hallway.Lahat napapatingin sa kanya.Hanggang sa makarating siya sa clinic office.Naroon si Aaron Standford.Relaxed itong nakasandal habang may kausap na students.Pero nang makita si Larry-Bahagya itong ngumisi."Well. To what do I owe this visit?"Malamig Ang boses niya. Huminto si Larry sa harap niya."Stay away from Joan."Bahagyang tumaas sulok ang labi ni Aaron."She's my girlfriend."Tahimik lang si Aaron."And?"Natagis ang panga ni Larry."Whatever game you're playing- stop it."Marahan ibinaba ni Aaron ang baso niya."You're warning me?""Yes."Nanlaki bahagya ang mata ni Larry.Matagal na silang magkaibigan.Pero ngayon...Parang ibang tao ang kaharap niya."At what point," mapanganib at dahan dahang sabi ni Aaron "did you start believing you could challenge me?""You're going too far."Tahimik lang si Aaron habang dahan-dahang naglalakad palapit
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa office ni Aaron nang hindi bumibigay ang mga tuhod ko.Pakiramdam ko may mabigat na kadena na nakapulupot sa buong katawan ko.Paglabas ko ng building, agad akong sinalubong nina Camille, Trish, at Ben sa campus garden."Joan!" mabilis na lumapit si Camille."Kanina ka pa namin hinahanap!"Napilitan akong ngumiti."Busy lang."Pero halata sigurong namumugto ang mata ko dahil agad silang nagkatinginan."Did something happen?" tanong ni Trish.Tahimik lang ako sandali bago ako napabuntong hininga."Natanggal scholarship ko."sabay silang natigilan at hindi makapaniwala"What?!" gulat ni Ben. "Paano?! Youre the top student here!"Kumuyom agad ang kamao ko."Rejected him once and suddenly nawalan ako ng scholarship." mapait akong natawa. "Coincidence ba 'yon?""Grabe talaga 'yang si Aaron." bulong ni Camille."Masyado siyang nasanay na nakukuha niya lahat ng gusto niya." dagdag ni Ben. "Pero this? This is messed up."Tahimik lang ako.Hindi ko sin
"Sorry, Ms. Tan, but your scholarship has been cancelled because of the sponsor you had misunderstandings with."Parang biglang umingay ang tenga ko.Napatitig lang ako kay Principal Reyes habang mahigpit kong hawak ang laylayan ng uniform ko."You need to settle your tuition fees if you still want to continue studying here at Standford International University."Hindi agad nagsink in sa utak ko ang sinabi niya.Scholarship... cancelled?Dahil lang doon?Dahil nireject ko siya last week?!Dahil hindi ko siya gusto?Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko."Ma'am..." mahina kong tawag, pilit pinipigilan ang pagbitak ng boses ko. "Is there no other way?"Malungkot na umiling ang principal."I'm sorry, Joan. The sponsor already withdrew everything. Unless makahanap ka ng bagong sponsor within two weeks... you won't be able to enroll next term."Two weeks.Parang gusto kong matawa.Hindi biro ang tuition sa Standford International University. Kahit isang sem lang, hindi ko kay







