FAZER LOGIN
"Sorry, Ms. Tan, but your scholarship has been cancelled because of the sponsor you had misunderstandings with."
Parang biglang umingay ang tenga ko. Napatitig lang ako kay Principal Reyes habang mahigpit kong hawak ang laylayan ng uniform ko. "You need to settle your tuition fees if you still want to continue studying here at Standford International University." Hindi agad nagsink in sa utak ko ang sinabi niya. Scholarship... cancelled? Dahil lang doon? Dahil nireject ko siya last week?! Dahil hindi ko siya gusto? Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko. "Ma'am..." mahina kong tawag, pilit pinipigilan ang pagbitak ng boses ko. "Is there no other way?" Malungkot na umiling ang principal. "I'm sorry, Joan. The sponsor already withdrew everything. Unless makahanap ka ng bagong sponsor within two weeks... you won't be able to enroll next term." Two weeks. Parang gusto kong matawa. Hindi biro ang tuition sa Standford International University. Kahit isang sem lang, hindi ko kayang bayaran. Hindi pa kasama ang dorm, projects, pagkain, at hospital bills ni Jaya. Napalunok ako. "Thank you po..." pilit kong sabi bago tumayo. Hindi ko na kayang manatili pa roon. Baka tuluyan na akong maiyak. Paglabas ko ng office napahawak ako sa noo ko habang mabilis akong naglalakad sa hallway. "P*ta!..." bulong ko. Dalawang linggo. Muntik na akong mapahagulgol pero pinigilan ko agad ang sarili ko. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi habang nasa hospital si Jaya. Huminga ako nang malalim bago dumiretso sa part-time job ko sa library. Kailangan kong kumilos. Kinagabihan, halos lahat na yata ng pwedeng lapitan, nilapitan ko na. Former sponsors. Charity foundations. Old family friends. Mga kakilala ng parents ko noon. Pero iisa lang ang sagot. Rejected. "Pasensya na, Joan..." "Mahihirapan kami..." "Hindi kaya..." Hanggang sa tuluyan akong mawalan ng pag asa. Pagod na pagod akong nakaupo sa waiting shed habang hawak ang folder ng requirements ko. Umuulan. "Mom... Dad..." mahina kong bulong. "Anong gagawin ko?" Biglang nag-ring ang phone ko. Si Mamang Love. "Joan? Nak, nasaan ka na? Gising na si Jaya. Hinahanap ka." Napapikit ako agad. "s-sige po papunta na po ako dyan..." Pinatay ko ang tawag at agad akong tumayo at napabuntong hininga. Kailangan kong maging matatag. Para kay Jaya. Pagdating ko sa hospital, agad akong sinalubong ng mahina pero matamis na ngiti ng kapatid ko. "Ate..." Parang dinurog ang puso ko. Payat na payat na siya. Mahina. Pero pilit pa ring ngumiti para sa'kin. "okay ka lang ate?" tanong niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "pagod lang sa trabaho." pilit akong ngumiti at hinaplos ang buhok nya. Tumingin ako sa kanya. At doon ko naramdaman yung bigat. Hindi lang future ko ang nakasalalay dito. Pati buhay niya. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kaya. Kaya kahit gaano kahirap... Lalaban ako. **** Tatlong araw. Tatlong araw akong halos hindi natutulog kakahanap ng paraan. Pero wala. Parang may humaharang sa lahat. Every sponsor I contacted suddenly declined. Every application disappeared. Hindi naman kaya kitain kahit ilang sideline pa ang gawin ko sa loob lang ng dalawang linggo. Hindi rin naman nila kayang pahiramin ako ng malaking halaga. Gabi na nang makalabas ako sa convenience store kung saan ako nagpa-part time. Pagod na pagod akong naglalakad pauwi habang yakap ang bag ko. Hanggang sa- BEEEEEEP! Napaatras ako agad nang muntik nang bumangga sa'kin ang isang itim na luxury car. "What the hell?!" galit kong sigaw. Dahan-dahang bumukas ang tinted window. At doon ko siya nakita. Malamig na mga mata. Arroganteng mukha. Yung lalaking sumira ng buhay ko. Si Aaron Standford. Ngumisi siya. Parang demonyong natutuwa sa paghihirap ko. "Looks like you need help, Ms. Tan." Agad uminit ang ulo ko. "Hindi ko kailangan ng tulong mo!" "Really?" tinaas niya ang kilay niya. "But I heard... you're about to lose everything." Kumuyom ang kamao ko. "OO! Dahil sa'yo!" Tahimik lang siyang nakatingin sa'kin. Gagong lalaking to! Akala kung sino! "You embarrassed me publicly," malamig niyang sabi. "Did you really think walang consequence 'yon?" "Paano ko ba ipapaintindi sayo na AYOKO NGA SAYO!" sigaw ko agad. Naningkit ang mata niya. Pero ngumisi lang siya lalo. "Still sharp." "Ano bang gusto mo?!" galit kong sigaw. Tumahimik siya sandali. Then- "Get in the car." "No." "I can give back your scholarship." Napatigil ako. Pero mabilis akong umiling. "Hindi ko kailangan ng awa mo." "Not pity," malamig niyang sabi. "A deal." "Tigilan mo 'ko." Tatalikod na sana ako nang muli siyang magsalita. "No one will help you, Joan." Huminto ako. "Because I already made sure of that." Dahan-dahan akong napalingon. Parang may yelong bumalot sa katawan ko. "What?" "I own the university," kalmado niyang sabi. "And I have connections everywhere." Parang nawalan ako ng hininga sa narinig!. "Y-You!..." "Two weeks?" bahagya siyang ngumisi. "You won't survive one." Galit na galit akong lumapit sa sasakyan niya. "Bakit mo ginagawa 'to?!" Biglang nawala ang ngisi niya. At doon ko unang nakita yung madilim niyang tingin. "Do you have any idea," bulong niya, "how many women try to get my attention?" Humigpit ang kamao ko. "They follow me. They obey me. They give me what I want... without hesitation." Napairap ako kahit nanginginig. "Pero ikaw, you rejected me. In public." dagdag niya, mas lumapit, Kumulo ang dugo ko. "So sinisira mo buhay ko?!" "Yes." Diretso nyang sabi na natutuwa pa "Unless you become my girl" dugtong nya "Hayop ka..." "Maybe," malamig niyang sagot. "But I'm giving you a choice." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. "Get in." Humigpit ang hawak ko sa bag ko. "No." Ngumisi siya ulit. "Then watch your sister die in that hospital." Parang may sumaksak sa dibdib ko. "What did you say...?!" "Hospital bills are expensive." Nanlaki ang mata ko. "You investigated me?" "I investigate everything I own." Pagkasabi niya no'n, may iniabot siyang envelope. Nanginginig kong binuksan iyon. Hospital bills. Overdue notices. Hindi ko alam kung paano niya nakuha lahat. Pero mas lalong nanlumo ako nang makita ko ang total amount. Hindi ko kaya. Kahit anong trabaho gawin ko... Hindi ko kaya. Unti-unting lumabo ang paningin ko. At doon ko unang naramdaman- Na wala na talaga akong choice. Hindi ko alam pero bigla akong tumakbo palayo. Pagdating ko sa hospital nang gabing iyon, tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Jaya habang natutulog siya. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. "Sorry..." bulong ko. Hindi ko alam kung para saan. Para sa magiging desisyon ko. O dahil mahina ako. Kinabukasan pinuntahan ko sya sa office nya pero wala sya kaya patakbo akong pumunta sa clinic dito sa campus at nandon sya nakikipagtawanan sa mga students na nagkukunwaring may sakit para macheck up nya. Napabuntong hininga ako at napatingin sya sa akin. "I knew you'd come." Galit ko siyang tiningnan. "Hindi ibig sabihin nito panalo ka." Ngumisi siya. "But you still came." Napapikit ako nang madiin. "I hate you." "you're the only one who does" Nagpaalam sya sa mga student na nandoon at pumasok kami sa office nya. Tahimik ang loob ng office nya. Malamig. Amoy mamahaling perfume at disinfectant. Nakatayo lang ako malapit sa pinto habang siya naman ay kalmadong umupo sa swivel chair niya na parang wala lang sa kanya ang pagsira sa buhay ko. "Ano bang klaseng deal 'to?" malamig kong tanong. Tahimik siyang kumuha ng isang folder mula sa drawer niya saka iyon itinulak papunta sa'kin. "Read." Kinuha ko iyon at mabilis na binuklat. At bawat page na nababasa ko... Mas lalo akong nanlalamig. "Live exclusively under Aaron Standford..." "Obey the rules stated by the sponsor..." "What the hell is this?!" napataas agad ang boses ko habang galit siyang tinitingnan. "A contract. You need money. I want you." kalmado niyang sagot. "Baliw ka ba?!" Bahagya siyang sumandal sa upuan habang nakatitig lang sa'kin. "you'll be my girlfriend and sex slave." Napatayo ako nang tuwid. "No way!" "Your scholarship will return. You will have a monthly allowance. Plus unlimited access to all Standford Group assets." "Tigilan mo ako." "Your sister's hospital bills will be paid." "You can't buy me." Ngumisi siya nang bahagya. "But I can buy your situation." Napailing ako habang nanginginig sa galit. "Hayop ka talaga!" "Maybe." Tumayo siya at dahan-dahang lumapit. Awtomatiko akong napaatras. Napansin niya iyon kaya lalo siyang ngumisi. "You're scared of me." "I hate you." "Same thing sometimes." Napapikit ako nang madiin. "Bakit ako?" Huminto siya sa harap ko. Doon ko mas nakita kung gaano siya kataas na gwapo din pala tong gagong to kaya tinaguriang playboy dito sa campus. "You interest me." "Kadiri." Bahagya siyang natawa. "You're the first woman who looked disgusted after I asked her out." "Because you're disgusting." Biglang natahimik ang mukha niya. Then he leaned closer. "And yet you're still here." Napatitig lang ako sa kanya. Tangina. Nakakainis dahil tama siya. Kung hindi dahil kay Jaya... Hindi ako lalapit sa lalaking 'to. "I have rules too. Every Sunday I'm off" malamig kong sabi Tumitig lang siya sa'kin nang ilang segundo bago muling nagsalita. "There's one more condition." Napakunot noo ako. "What now?" Tumalikod siya at inayos ang cuff ng sleeves niya. "Break up with Larry first." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "What?" Dahan-dahan siyang tumingin sakin. "I know about your boyfriend." Nanlaki mata ko. "You investigated him too?!" "I told you," malamig niyang sabi. "I investigate everything that involves you." Humigpit ang hawak ko sa folder. "Larry has nothing to do with this." "He does if you're going to sign my contract." "Hindi ko siya hihiwalayan dahil lang sayo!" Biglang tumigas ang panga niya. "Then leave." Natigilan ako. Tumingin siya diretso sa mata ko. "Because I don't share what's mine." Kumulo lalo dugo ko. "Hindi mo ako pagmamay-ari!" "Sign the contract," malamig niyang sabi. "And you will." Napailing ako agad. "Hindi mo pwedeng kontrolin buong buhay ko!" "Watch me." Tahimik ang buong office pagkatapos no'n. Ramdam ko yung lakas ng tibok ng puso ko. Galit. Takot. Pagkalito. Mahal ko si Larry. Pero... Naalala ko ang hospital bill ni Jaya. Ang mga gamot niya. Yung future naming dalawa Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko. Napansin agad ni Aaron. "Reality hurts, doesn't it?" Galit akong napatingin sa kanya. Tumalikod siya at bumalik sa mesa. "Break up with Larry. Then come back here and sign."Hindi mapakali si Joan buong umaga.Tahimik siyang naglalakad sa hallway ng Standford International University habang yakap ang books niya. Pero kahit anong pilit niyang mag-focus sa klase, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.Si Larry. Ang break up nila. Mahal nya si Larry pero kailangan nyang makipaghiwalay dahil baka kung anong gawin ni Aaron kay Larry. Mahigpit niyang kinagat ang labi niya.Masakit pa rin.Tangina."Joan?"Napakurap siya nang marinig ang boses ni Camille.Nasa locker area sila ngayon kasama sina Trish at Ben."You okay?" tanong ni Trish habang inaabot ang iced coffee sa kanya.Napangiti siya."Yeah..."Pero halatang hindi sila kumbinsido.Hindi na lang nagsalita si Ben dahil alam niyang umiiyak si Joan kagabi.Tahimik silang apat.Hanggang sa-VIIIIIBRRRRT.Nagvibrate at nagliwanag ang phone ni Joan.Si Larry ang tumatawag. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya."Hey."Biglang nanikip ang dibdib niya."Larry..."Naririnig niya ang ingay sa back
Kinabukasan...Diretsong pumunta si Larry sa Standford International University.Madilim ang mukha nito habang naglalakad sa hallway.Lahat napapatingin sa kanya.Hanggang sa makarating siya sa clinic office.Naroon si Aaron Standford.Relaxed itong nakasandal habang may kausap na students.Pero nang makita si Larry-Bahagya itong ngumisi."Well. To what do I owe this visit?"Malamig Ang boses niya. Huminto si Larry sa harap niya."Stay away from Joan."Bahagyang tumaas sulok ang labi ni Aaron."She's my girlfriend."Tahimik lang si Aaron."And?"Natagis ang panga ni Larry."Whatever game you're playing- stop it."Marahan ibinaba ni Aaron ang baso niya."You're warning me?""Yes."Nanlaki bahagya ang mata ni Larry.Matagal na silang magkaibigan.Pero ngayon...Parang ibang tao ang kaharap niya."At what point," mapanganib at dahan dahang sabi ni Aaron "did you start believing you could challenge me?""You're going too far."Tahimik lang si Aaron habang dahan-dahang naglalakad palapit
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa office ni Aaron nang hindi bumibigay ang mga tuhod ko.Pakiramdam ko may mabigat na kadena na nakapulupot sa buong katawan ko.Paglabas ko ng building, agad akong sinalubong nina Camille, Trish, at Ben sa campus garden."Joan!" mabilis na lumapit si Camille."Kanina ka pa namin hinahanap!"Napilitan akong ngumiti."Busy lang."Pero halata sigurong namumugto ang mata ko dahil agad silang nagkatinginan."Did something happen?" tanong ni Trish.Tahimik lang ako sandali bago ako napabuntong hininga."Natanggal scholarship ko."sabay silang natigilan at hindi makapaniwala"What?!" gulat ni Ben. "Paano?! Youre the top student here!"Kumuyom agad ang kamao ko."Rejected him once and suddenly nawalan ako ng scholarship." mapait akong natawa. "Coincidence ba 'yon?""Grabe talaga 'yang si Aaron." bulong ni Camille."Masyado siyang nasanay na nakukuha niya lahat ng gusto niya." dagdag ni Ben. "Pero this? This is messed up."Tahimik lang ako.Hindi ko sin
"Sorry, Ms. Tan, but your scholarship has been cancelled because of the sponsor you had misunderstandings with."Parang biglang umingay ang tenga ko.Napatitig lang ako kay Principal Reyes habang mahigpit kong hawak ang laylayan ng uniform ko."You need to settle your tuition fees if you still want to continue studying here at Standford International University."Hindi agad nagsink in sa utak ko ang sinabi niya.Scholarship... cancelled?Dahil lang doon?Dahil nireject ko siya last week?!Dahil hindi ko siya gusto?Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko."Ma'am..." mahina kong tawag, pilit pinipigilan ang pagbitak ng boses ko. "Is there no other way?"Malungkot na umiling ang principal."I'm sorry, Joan. The sponsor already withdrew everything. Unless makahanap ka ng bagong sponsor within two weeks... you won't be able to enroll next term."Two weeks.Parang gusto kong matawa.Hindi biro ang tuition sa Standford International University. Kahit isang sem lang, hindi ko kay







