تسجيل الدخولHindi mapakali si Joan buong umaga.
Tahimik siyang naglalakad sa hallway ng Standford International University habang yakap ang books niya. Pero kahit anong pilit niyang mag-focus sa klase, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi. Si Larry. Ang break up nila. Mahal nya si Larry pero kailangan nyang makipaghiwalay dahil baka kung anong gawin ni Aaron kay Larry. Mahigpit niyang kinagat ang labi niya. Masakit pa rin. Tangina. "Joan?" Napakurap siya nang marinig ang boses ni Camille. Nasa locker area sila ngayon kasama sina Trish at Ben. "You okay?" tanong ni Trish habang inaabot ang iced coffee sa kanya. Napangiti siya. "Yeah..." Pero halatang hindi sila kumbinsido. Hindi na lang nagsalita si Ben dahil alam niyang umiiyak si Joan kagabi. Tahimik silang apat. Hanggang sa- VIIIIIBRRRRT. Nagvibrate at nagliwanag ang phone ni Joan. Si Larry ang tumatawag. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. "Hey." Biglang nanikip ang dibdib niya. "Larry..." Naririnig niya ang ingay sa background. Airport announcements. Rolling luggage. People talking. Paalis na siya. "Aalis ka na?" mahina niyang tanong. Napangiti si Larry sa kabilang linya kahit ramdam niyang pilit iyon. "Yeah. and Joan..." Napapikit siya. "I already settled everything." Natigilan siya. "What?" "Your tuition." Nanlaki mata niya. "Larry-" "Your dorm fees. Research expenses. Remaining balances." "Pati..." huminga nang malalim si Larry, "hospital bills ni Jaya." Biglang nangilid luha niya. "L-Larry..." "She's already approved for transfer sa Standford International Hospital." Tuluyan nang namuo luha sa mata niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. "I told you wag na and besides break na tayo!" Kunwaring galit nya dahil mawawalan ng saysay ang pakikipagbreak nya dito kung hindi man lang nya maprotektahan si Larry kay Aaron. Natatakot sya sa magiging reaksyon ni Aaron. "Joan I love you. At gusto kong maging okay ka kahit wala ako." Napahawak siya sa bibig niya habang pilit pinipigilan ang pag hikbi. Kahit sinaktan nya ito, hindi si Larry nagagalit sa kanya. Minamahal pa rin siya ni Larry. "Focus on your studies, okay? Finish your thesis. Finish your internship. Become a doctor you want to be." malambing nitong sabi. Tahimik siyang umiiyak. Narinig niya ang mahinang buntong-hininga nito bago muling nagsalita. "I also talked to Aaron." Biglang natigilan si Joan. Parang nanlamig bigla buong katawan niya. "...What?" "Don't panic," mabilis agad nitong sabi na parang alam na agad magiging reaksyon niya. "I already handled it." Napahigpit ang hawak ni Joan sa phone. "A-anong ibig mong sabihin?" Natahimik si Larry saglit. Naririnig pa rin nya ang boarding announcements sa background. "Sinabi ko na sa kanya na tigilan ka na." Nanlaki ang mata ni Joan. "L-Larry... what did you do?" Mahina itong natawa pero ramdam niya ang pagod sa boses nito. "Nothing messy, baby. Just a talk." Pero mas lalo lang kumabog dibdib ni Joan dahil kilala niya si Aaron. "He won't pester you anymore," mahinang dagdag nito. "So stop being scared." Napasinghap si Joan nang marinig ang final boarding call sa background. "Looks like I really have to go. Take care baby and I'll see you next year." Biglang sumikip ang dibdib niya. "W-Wait..." CLICK. Naputol ang tawag. At doon tuluyang bumigay si Joan. Napaupo siya agad sa bench habang umiiyak. "Joan?!" Mabilis na lumapit sina Camille. "Ano nangyari?!" Hindi agad siya nakapagsalita. Iniabot niya lang phone niya habang nanginginig. Nanlaki ang mata nila ng makita ang sunod sunod na notifications sa cellphone ni Joan. "Larry paid everything?!" Tumango siya habang umiiyak. Tanging ang kaibigan nya lang ang may alam sa relasyon nila ni Larry. Agad siyang niyakap ni Trish. "Oh my God..." Maging si Ben natulala. "Bro actually did it..." Pero maya-maya seryoso ring napabuntong hininga si Ben. "Aaron won't like this." Natahimik silang lahat. Parang biglang lumamig ang paligid. Napayuko si Joan. Kinakabahan parin sya kahit na simabi ni Larry na hindi na sya guguluhin ni Aaron. "Larry said..." pilit niyang inayos boses niya, "kinausap niya raw si Aaron." Natigilan sila. "At sinabi niyang hindi nya na raw ako guguluhin." Natahimik ang grupo. Pero walang mukhang kumbinsido. Lalo na si Ben. Kilalang-kilala niya si Aaron. At alam niyang hindi ganoon kadaling umatras ang lalaking iyon. "Then maybe things will finally calm down." Napilitan ngumiti si Joan. Sana nga. Sana. Then suddenly- RIIIING! Mabilis niyang sinagot ang tawag. "Mamang Love?" Halos umiiyak agad ang matanda sa kabilang linya. "Joan! Nak!" Biglang syang kinabahan. "Mamang bakit po?! Si Jaya?!" "H-hindi nak!" umiiyak pero masaya nitong sabi. "Good news!" Natigilan siya. "The hospital staff said! Fully paid na raw lahat ng bills ni Jaya!" Hindi parin si Joan makapaniwala sa ginawang tulong ni Larry sa kanya. Kung sinabi ba nya ang totoo kay Larry, mas magiging mapadali ba ang lahat? Kung tinanggap nya nalang ang tulong ng boyfriend nya? Talaga bang hindi sila guguluhin ni Aaron? Baka nga hindi na kailangan pa nilang maghiwalay. "At ililipat na raw siya ngayon sa Standford International Hospital!VIP room daw nak..." naiiyak na sabi ni Mamang Love. "May private doctors na raw hahawak kay Jaya..." Tuluyan nang bumigay luha niya. "Oh my God..." Biglang napahagulgol siya. Simula ng mamatay ang mga magulang nya ngayon nalang ulit sya nakahinga ng maluwag na para bang nabunot ang malaking tinik sa dibdib nya. "J-Joan?" gulat na sabi ni Camille. "Magiging okay na si Jaya..." umiiyak pero natatawa niyang sabi. "Paid na lahat..." Biglang nagsigawan friends niya sa tuwa. "No way!" "Oh my God!" "Larry actually did it!" Mabilis siyang tumayo. "Kailangan kong pumunta doon!" "Come on!" mabilis na sabi ni Camille habang kinukuha susi ng kotse niya. "We're going with you." Mabilis silang tumakbo palabas ng campus. Pero habang naglalakad si Joan- Hindi niya napansin ang lalaking tahimik na nakatayo sa second floor balcony ng main building. Malamig na malamig ang tingin. Nakatitig lang kay Joan. Si Aaron Standford. Tahimik niyang pinagmamasdan kung paano ngumiti si Joan. Kung paano ito tumawa kasama mga kaibigan niya. At lalo siyang nagdilim nang maalala ang usapan nila ni Larry. Humigpit ang hawak niya sa railings. Hanggang sa halos mamuti ang mga daliri niya. Hindi siya sanay maagawan. Hindi siya sanay matalo. **** Hindi mapigilan ni Joan ang bilis ng tibok ng puso niya habang nakasakay sila sa kotse ni Camille. Tahimik ang buong byahe. Pero hindi dahil walang gustong magsalita- Kundi dahil lahat sila hindi pa rin makapaniwala. Fully paid. VIP transfer. Standford International Hospital. Isa iyon sa pinaka-eksklusibo at pinakamahal na ospital sa bansa. Hindi basta-basta nakakapasok doon. At ngayon... Nandoon si Jaya. "Grabe..." mahinang bulong ni Trish habang nakatingin sa phone. "Do you even realize how expensive the cardiac wing there is?" Tahimik lang si Joan habang nakatingin sa labas ng bintana. Mas lalo niyang naiisip kung ano ang magiging reaksyon ni Aaron. Napapikit siya sandali. Sana tama si Larry. Sana tigilan na siya ni Aaron. Pagdating nila sa Standford International Hospital, agad silang natigilan. Napakalaki ng gusali. Glass walls. Elegant fountains. Luxury cars parked outside. Hindi ito mukhang ordinaryong ospital- Mas mukha itong five-star hotel. "Damn..." bulong ni Ben habang napapatingala. "One month from now dito na tayo mag-OJT." Napalunok si Joan. Oo nga. Dito magsisimula ang internship nila. Sa Standford International Hospital. Dream hospital ng halos lahat ng medical students sa bansa. Mabilis silang pumasok sa loob. At agad silang sinalubong ng malamig na airconditioning at amoy ng mamahaling disinfectant. "Good afternoon, Miss Tan." Napakurap si Joan nang biglang lumapit ang isang babae na naka-formal uniform. Hospital administrator. Ngumiti ito nang propesyonal. "We've been waiting for you." Natigilan si Joan. "P-po?" "This way please." Nagkatinginan silang magkakaibigan bago sumunod. Habang naglalakad sila sa hallway, hindi mapigilan nina Camille at Trish ang mapatingin sa paligid. Advanced equipment. Private nurses. VIP lounges. International doctors. Everything screamed money. "Tangina..." mahinang sabi ni Ben. "This hospital alone probably costs billions." Nakarating sila sa private elevator. VIP access. Pagbukas nito- Diretso silang dinala sa top cardiac floor. Tahimik. Exclusive. At halos walang tao. Paglabas nila- Agad nilang nakita si Mamang Love na umiiyak habang kausap ang nurse. "Joan!" Mabilis siyang niyakap ng matanda. "Nak... ang ganda dito..." Napangiti si Joan kahit naiiyak. "Kumusta po si Jaya?" "Okay na okay nak! Nililipat na siya sa room!" Agad silang sumunod kay Mamang love ng pumasok ito sa kwarto. At pagpasok nila- Tuluyan silang natulala. Napakalaking private suite. May couch. Mini kitchen. Large television. Private bathroom. Floor-to-ceiling windows overlooking the city. Parang condo at hindi hospital room. At sa gitna noon- Nakahiga si Jaya habang mahina pero masayang nakangiti. "Ate..." Agad lumapit si Joan at niyakap siya nang mahigpit. Napapikit siya habang pilit pinipigilan muling umiyak. "okay ka na?" Tumango si Jaya. "Oo ate... sobrang bait nila dito..." Biglang bumukas ang pinto. At pumasok ang isang doctor kasama ang dalawang nurses. Calm and authoritative aura. At nang makita siya nina Ben- Bigla silang natigilan. "No freaking way..." bulong ni Camille. Nanlaki mata ni Trish. "Doctor Sebastian Cortez?!" Napatingin agad si Joan. At doon niya nakita ang nameplate nito. Dr. Sebastian Cortez Chief Cardiothoracic Surgeon. Biglang bumilis tibok ng puso nilang lahat. Kilalang-kilala nila ang pangalan nito. Internationally awarded surgeon. Young genius doctor. Isa sa pinaka-magaling na heart surgeons sa Asia. May published medical journals. Guest speakers at international conferences. At pinaka-importante- Siya mismo ang future mentor ng top surgical interns sa Standford International Hospital. Which means... Possible na maging direct supervisor nila sa OJT. Napatingin si Dr. Cortez sa kanila bago bahagyang ngumiti. "Medical students?" Agad tumango si Ben. "Yes, doc." "Standford International University?" "Yes po." Bahagyang tumaas ang kilay nito. "Ah." Tumingin ito kay Joan. "You're Joan Tan." Natigilan siya. "K-kilala niyo po ako?" Tumango siya. "Top students from Standford International University." Tumingin siya isa-isa sa kanila. "Joan Tan.Future cardiothoracic surgeon candidate." Napatigil si Joan. Nanlaki ang mata niya. "You ranked first in advanced surgical simulations last semester." Hindi makapagsalita si Joan. "Tapos..." tumingin ito kay Ben, "Benjamin Castillo. Emergency trauma specialist candidate." Halos matulala si Ben. "Camille Reyes." Napatuwid agad si Camille. "Emergency medicine and surgical response." Pagkatapos tumingin siya kay Trish. "And Patricia Gomez." Ngumiti si Trish nang kinakabahan. "Top nursing excellence awardee." Natulala silang apat. Kilala sila nito? Bahagyang ngumiti si Dr. Cortez. "The hospital receives profiles of outstanding interns every year." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "You four are promising." Halos hindi makahinga si Joan. Ito yung pangarap niya. Makapasok dito. Makapag-OJT dito. Makapag-training sa isa sa pinakamagandang hospital sa bansa. Para maging isang successful na heart surgeon para may kakayahan syang makagamot ng may mga sakit katulad ng kapatid nyam At ngayon... Nasa harap niya mismo ang surgeon na matagal na niyang iniidolo. "Next month officially magsisimula internship niyo," dagdag ni Dr. Cortez. Biglang kinabahan silang lahat. "Especially you, Joan." Napatingin siya rito. "The Cardiothoracic department requested you personally." Literal na natulala siya. "...What?" Tumango si Dr. Cortez. "You have exceptional grades." Hindi niya alam kung anong sasabihin. "By the way," dagdag ni Dr. Cortez habang tinitingnan ang chart ni Jaya, "all financial concerns regarding Miss Jaya Tan have already been cleared permanently." Natigilan si Joan. "P-permanently?" Tumango ang doctor. "No need to worry about the hospital expenses anymore." Pagkatapos no'n lumapit ito kay Jaya at chineck ang chart nito. "Your sister has dilated cardiomyopathy. Severe case." Biglang natahimik si Joan. Alam nya ang case ni Jaya dahil matagal na nya itong pinag aaralan. "The hospital will also prioritize her for heart transplant matching. Her condition is serious. But not hopeless." Tahimik lang ang buong room na nakikinig kay Doctor Cortez. "We already submitted her profile to international donor networks." Nanlaki mata nina Ben. International donor list? VIP-level iyon. Napakamahal. Napakahirap ma-approve. "At habang naghihintay," dagdag ni Dr. Cortez, "we'll stabilize her condition first." Tumingin siya kay Joan. "She's in good hands now." Maya-maya ay nagpaalam muna ang doctor at nurses. Hanggang sa biglang mapaupo si Camille sa couch. "Oh my God..." "Chief Surgeon Sebastian Cortez knows us..." bulong ni Trish. "Bro..." natatawang sabi ni Ben habang napapailing. "Do you realize how insane this is?" Sa kabilang banda. Nakaupo si Aaron Standford sa office nito. Habang pinapanood sa CCTV screen ang kwarto ni Jaya. At ang masayang mukha ni Joan. Humigpit ang hawak niya sa baso ng whiskey. Then- Marahan siyang ngumisi. "She looks happier now..." Mababa niyang bulong. Tumabi ang assistant niya. "Sir... should we proceed with the arrangements?" Tahimik lang si Aaron. Matagal. Hanggang sa dahan-dahan siyang sumandal sa upuan. "Let her breathe first." Natigilan ang assistant niya. "Sir?" Tumingin si Aaron sa screen. Diretso kay Joan. "She's entering OJT next month." Unti-unting nagdilim ang tingin niya. "And once she steps inside my hospital..." Mabagal siyang ngumisi. "that's when I'll start owning her."Tahimik ang dorm room nang gabing iyon.Tanging ilaw lang mula sa laptop screen ang nagbibigay liwanag sa mukha ni Joan.Nakaharap siya sa video call.At sa kabilang linya—Si Larry.“Jo…” mahinang tawag nito. Hindi alam kung paano sasabihin kay Larry.Saglit siyang napapikit.“Larry,” malamig niyang sagot. “We need to stop this.”Natigilan si Larry.“What?”Diretso siyang huminga.“We should stop contacting each other.”Sandaling katahimikan.“Joan, what are you saying? Okay naman tayo diba?”“I’m saying, We broke up already."“But we still talk every day.”“That’s the problem.”Napakunot noo ito.“We keep acting like nothing changed.”Tahimik ulit.Sa kabilang screen— Kitang-kita ni Joan kung paano unti-unting bumagsak ang ekspresyon ni Larry.“We promised each other, remember?” mahinang sabi niya. “Na we’ll focus on our careers first.”Napalunok si Larry.“I know…”Tahimik siyang napayuko.Kasi hindi niya kayang sabihin ang totoo. Hindi niya kayang sabihin na nakatali na siya kay Aa
Lumipas ang isang linggo.At sa loob ng pitong araw na iyon— Pakiramdam ni Joan ay ilang buwan na ang lumipas.“Ms. Tan.”Napatuwid agad siya ng tayo habang hawak ang patient chart.“Yes, doc.”Malamig lang na tumingin si Aaron mula sa kabilang side ng conference table.“Interpret the ECG.”Agad siyang napalunok bago nagsimulang magsalita.“ST elevation on anterior leads… possible acute myocardial infarction.”“What type?”“Anterior wall MI.”“Management.”“Immediate reperfusion therapy, aspirin, anticoagulants—”“Dosage?”Mabilis niyang sinagot. At this time— Hindi na siya natutulala. Hindi na siya nauutal kagaya noong unang araw.Tahimik lang siyang pinagmamasdan ni Aaron bago marahang tumango.Maging si Dr. Marco napataas anh kilay. Dahil sa loob lang ng isang linggo— Sobrang laki ng inimprove ni Joan.Hindi na siya madaling mataranta. Mas mabilis na siya mag-isip. Dahil sa loob ng isang linggo… Literal na piniga siya ni Aaron.Rounds. Case presentations. OR observations. Patient
Natahimik ang buong paligid matapos ang announcement ni Aaron.Parang hindi pa rin ma-process ni Joan ang nangyari."She will report directly under me."Paulit-ulit iyong nag-eecho sa utak niya habang nagsisimulang magsitayuan ang interns.Pero kahit pilit siyang kalmado- Ramdam niya ang kaba sa sikmura niya."Clinical Medicine interns assigned to specialized departments, follow your respective department heads."Unti-unting nagkahiwa-hiwalay ang mga interns. May apat pa na naiwan kasama ni Joan dahil sa parehas sila ng department na assign. "Ms. Tan."Natigilan agad si Joan ng nasa harap na nya si Aaron."Follow me."Biglang napatingin sa kanya ang ibang interns. May iba pang napabulong."Holy shit...""Personally supervised...""Grabe..."Mabilis na yumuko si Joan at naglakad kasunod ni Aaron habang nahihiya sa mga tinginan at bulungan ng hospital staff sa kanya.Tahimik lang si Aaron habang naglalakad sa mahabang hallway ng hospital.Napakalaki ng hospital.May mga nurses na nagma
Malakas ang tugtog ng music sa buong resort habang nagsasayawan ang mga estudyante sa gitna ng dance floor.Colorful lights flashed everywhere. Mula sa malakas na party music- Unti-unting naging mabagal at romantic ang tugtog."Dance with me."Diretso. Walang paligoy-ligoy.Nanlaki agad mata ni Joan."Huh?!"Bahagyang tumaas ang kilay ni Aaron.Napatingin agad siya sa mga kaibigan niya na halos pigil na pigil ang kilig."Just one dance." mababa nitong bulong.Tahimik siyang napatitig dito. At maya-maya- Napabuntong-hininga na lang siya."...Isa lang."Bahagyang gumalaw ang sulok ng labi ni Aaron.Mabagal nitong hinawakan ang bewang niya. At marahang inilagay ang isa nitong kamay sa kamay niya.Biglang bumilis tibok ng puso ni Joan.Masyado silang malapit.Naamoy niya agad ang pabango nito. Mainit ang palad nito sa bewang niya. At ang mas nakakainis-Napaka kalmado ni Aaron habang siya halos mawalan ng hininga."You're nervous." mahina nitong sabi."H-Hindi ah!""You're holding your b
Lumipas ang ilang araw matapos ang nangyari sa beach resort.At kahit pilit kinakalimutan ni Joan ang nangyari sa suite ni Aaron- Hindi niya magawang mawala iyon sa isip niya.Napabuntong-hininga siya habang naglalakad sa hallway ng Standford International University."Hoy."Napakurap siya nang biglang may umakbay sa kanya."Kanina pa kita tinatawag" reklamo ni Camille."Sorry may iniisip lang" mahina niyang sagot.Biglang naningkit ang mata ni Camille."huwag mo ng isipin ang nangyari, ang mahalag hindi ka ginalaw ni Mr. Standford" seryoso nitong sabi.Biglang umiwas ng tingin si Joan habang napapahigpit ang hawak niya sa bag."Please..." mahina niyang sabi. "Huwag niyong sasabihin kay Larry."Natahimik si Camille."Jo...""Please." mas madiin niyang ulit. "Ayoko siyang mag-overthink."Napabuntong-hininga si Camille bago dahan-dahang tumango."Hindi naman talaga dapat palakihin yun."Tahimik lang si Joan habang naglalakad sila sa hallway. Hindi alam ng mga kaibigan nya na hiwalay na
Mainit ang sinag ng araw na tumatama sa manipis na kurtina ng resort suite. Mahinang napaungol si Joan habang dahan-dahang nagmulat ng mata. "Ugh..." Sobrang sakit ng ulo niya. Napahawak siya agad sa noo niya habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Bigla siyang natigilan. Dahil sa may mainit na braso na nakapulupot sa baywang niya. Nanlaki agad ang mata niya. Dahan-dahan siyang napalingon. At hindi sya makapaniwala sa nakita. Katabi niya si Aaron Standford. Mahimbing itong natutulog habang bahagyang magulo ang buhok nito. Hindi makagalaw si Joan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "What the hell-?!" Mabilis siyang napaatras hanggang halos mahulog siya sa kama. Biglang bumilis tibok ng puso niya habang nanginginig na napatingin sa sarili. Hindi na niya suot ang bikini niya. Nakasuot na siya ngayon ng soft beige resort pajama set. "H-Hindi..." Nanlaki mata niya. Unti-unti syang nag-panic. "Aaron!" Bigla niyang hinampas ng unan ang lalaking mahimbing pa sa
Lumipas ang mga araw.Pagkatapos ng nangyari kay Larry at Aaron... unti-unting naging tahimik ulit ang buhay ni Joan.At sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo- nakakahinga siya ng maluwag.Mainit ang sikat ng araw habang naglalakad siya sa campus grounds ng Standford International Universit
Kinabukasan...Diretsong pumunta si Larry sa Standford International University.Madilim ang mukha nito habang naglalakad sa hallway.Lahat napapatingin sa kanya.Hanggang sa makarating siya sa clinic office.Naroon si Aaron Standford.Relaxed itong nakasandal habang may kausap na students.Pero na
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa office ni Aaron nang hindi bumibigay ang mga tuhod ko.Pakiramdam ko may mabigat na kadena na nakapulupot sa buong katawan ko.Paglabas ko ng building, agad akong sinalubong nina Camille, Trish, at Ben sa campus garden."Joan!" mabilis na lumapit si Camille
"Sorry, Ms. Tan, but your scholarship has been cancelled because of the sponsor you had misunderstandings with."Parang biglang umingay ang tenga ko.Napatitig lang ako kay Principal Reyes habang mahigpit kong hawak ang laylayan ng uniform ko."You need to settle your tuition fees if you still want







