Home / Mafia / OWNED (TAGALOG) / CHAPTER 10 (BLOODLINE OF SECRETS NIKOLAS POV)

Share

CHAPTER 10 (BLOODLINE OF SECRETS NIKOLAS POV)

last update Last Updated: 2025-11-12 22:14:50
Ako si Nikolas Valente, ang nag-iisang anak ni Alfredo Valente. Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang pinakamahalaga sa ama ko—hindi pamilya, hindi ako, kundi ang imperyong itinayo niya: La Valente Company.

Doon umiikot ang mundo niya. Doon umiikot ang lahat.

Mula pagkabata, tinuruan na ako kung paano mag-isip gaya niya—malamig, kalkulado, walang espasyo para sa damdamin. Habang ang ibang bata ay naglalaro, ako’y binababad sa mga librong may kinalaman sa negosyo, ekonomiya, at kapangyarihan. Wala akong pagpipilian. Planado na ang buhay ko bago pa ako matutong mangarap para sa sarili ko.

Ako ang magiging tagapagmana ng lahat—ng kumpanya, ng pangalan, ng bigat ng salitang Valente.

Ngunit may isang bagay na hindi kailanman naiplano ng ama ko—ang gabing nawala ang aking ina.

Isang car accident, sabi nila. Mabilis ang pangyayari, at parang bula siyang naglaho. Walang imbestigasyon. Walang hustisya. Walang kahit anong paliwanag. At alam kong may mali.

Simula noon, nagbago ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Hazel Florebelle Pelletero
update pls
goodnovel comment avatar
꧁𝐌𝐢𝐬꧂
Tagal naman nang update......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 11 (A PRISON WITHOUT CHAINS)

    Laura POV Umalis na si Nikolas papunta sa kompanya niya. Ramdam ko sa dibdib ko ang bigat ng katahimikan ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, kahit wala siya rito, naroroon pa rin ang presensya niya sa paligid. Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ang pinto. Huminga ako nang malalim, iniwasang gumawa ng kahit anong ingay. Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang hallway. Wala ni isang tunog—maliban sa mahinang dagundong ng mga paa ko sa sahig. Bumaba ako ng hagdan. Marahan, kontrolado ang bawat galaw, parang bawat hakbang ay kailangang walang bakas. Diretso akong lumapit sa bintana sa sala. Pinisil ko ang kurtina, sumilip sa labas. At nandoon sila. Marami pa rin ang nakabantay sa gate—mga lalaking naka-itim, tahimik at alerto. Nakatayo, nakatingin sa paligid, parang mga anino. Dalawang lalaki sa gilid, isang lalaki sa gitna, at isa pang naka-position sa likod. Hindi sila nag-uusap, hindi nagmamadali, pero halata sa kilos at tindig na sanay sila sa pagbabanta

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 10 (BLOODLINE OF SECRETS NIKOLAS POV)

    Ako si Nikolas Valente, ang nag-iisang anak ni Alfredo Valente. Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang pinakamahalaga sa ama ko—hindi pamilya, hindi ako, kundi ang imperyong itinayo niya: La Valente Company. Doon umiikot ang mundo niya. Doon umiikot ang lahat. Mula pagkabata, tinuruan na ako kung paano mag-isip gaya niya—malamig, kalkulado, walang espasyo para sa damdamin. Habang ang ibang bata ay naglalaro, ako’y binababad sa mga librong may kinalaman sa negosyo, ekonomiya, at kapangyarihan. Wala akong pagpipilian. Planado na ang buhay ko bago pa ako matutong mangarap para sa sarili ko. Ako ang magiging tagapagmana ng lahat—ng kumpanya, ng pangalan, ng bigat ng salitang Valente. Ngunit may isang bagay na hindi kailanman naiplano ng ama ko—ang gabing nawala ang aking ina. Isang car accident, sabi nila. Mabilis ang pangyayari, at parang bula siyang naglaho. Walang imbestigasyon. Walang hustisya. Walang kahit anong paliwanag. At alam kong may mali. Simula noon, nagbago ang

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 9 (KNOWING HIM)

    Maaga akong nagising. Hindi ko alam kung anong oras, pero ang unang naramdaman ko ay ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Tahimik pa rin ang paligid, pero may kakaibang ingay—mga mahinang tunog ng paggalaw, ng tela, ng sinturon na mahina niyang inaayos. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At doon ko siya nakita. Si Nikolas—nakatalikod, suot ang puting long sleeves na bahagyang nakabukas sa leeg. May hawak siyang itim na necktie, abala sa pagtatali nito sa harap ng salamin. Ang bawat galaw niya ay kalmado, eksakto, at may disiplina. Parang walang kahit anong puwedeng magkamali. Tahimik akong napaupo sa kama, pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kumurot sa dibdib ko habang tinitingnan ko siya. Siguro dahil ngayon ko lang siya nakita sa ganitong liwanag—liwanag ng umaga, hindi ng gabi. Mas totoo, pero hindi mas mabait. “Let me,” mahina kong sabi. Napalingon siya sa’kin. Ilang segundo lang ‘yong titig na ‘yon pero pakiramdam

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 8 (THE ROOM SHE MUST NOT ENTER)

    Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang tunog lang ng ulan sa labas at ang mabagal na paghinga ni Nikolas ang naririnig ko. Nakahiga siya sa tabi ko, bahagyang nakasandal ang isang braso sa ulo, habang ang isa ay nakapatong sa gilid ng kama—relaxed, pero nakakatakot pa rin. Mula rito, kita ko ang malalim na anino sa ilalim ng mga mata niya. Parang kahit sa pagtulog, hindi siya kailanman ganap na nagpapahinga. Huminga ako nang dahan-dahan, pinipilit kong panatilihing steady ang paghinga ko—kailangang magmukhang tulog din ako. Isang maling galaw lang, at magigising siya. Ilang minuto akong nanatiling nakapikit, hanggang sa tuluyang tumahimik ang lahat. Walang galaw. Walang boses. Walang tunog kundi ang ulan. Doon ako marahang gumalaw. Unti-unti kong inalis ang kumot na nakatakip sa amin, maingat na parang inaangat ang sarili mula sa bangungot. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa talampakan ko, pero hindi ko pinansin. Kailangan kong gumalaw ngayon—habang tulog siya.

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 7 (A DANGEROUS PLAN)

    Mainit at mabango ang hangin sa loob ng kusina. Una kong narinig ang mahinang tunog ng kumukulong sabaw, kasunod ang amoy ng bawang at luya na parang saglit na nagpatigil sa lahat ng bigat sa dibdib ko. Matagal na rin mula nang huli akong nakahawak ng sandok—ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gano’ng katahimikan. “Marunong ka rin palang magluto, hija,” sabi ng matandang kasambahay na kasama ko, habang nakangiti at marahang hinihiwa ang mga gulay sa kahoy na chopping board. “Sa probinsya kasi, ‘yan lang ang alam naming libangan,” sagot ko, may bahagyang tawa. “Kapag walang ginagawa, laging nasa kusina si papa. Ako naman, taga-abot lang ng kutsilyo noon.” “Ah, kaya pala ang gaan mo kumilos,” sabi ng matanda , sabay abot ng mangkok na puno ng hiniwang sibuyas. “Iba talaga ang lumaki sa simpleng buhay. Walang halong yabang.” Napangiti ako. Sa unang pagkakataon mula nang makarating ako rito, parang nakahinga ako nang maluwag. Habang nagluluto, nagkwentuhan kami tungkol sa mga s

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 6 (CAGED THOUGHTS)

    Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at malambot na tunog ng ulan sa labas ang bumabasag sa katahimikan naming dalawa. Sa tabi ko, si Nikolas—nakasandal, kalmadong-kalmado, habang ang tingin ay nakatuon sa basang kalsada sa labas ng tinted na bintana. Ako? Parang hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Sa kamay ko, nakapatong ang paper bag ng mamahaling boutique. Ilang oras lang ang nakalipas, ako ‘yong babaeng halos kainin ng hiya sa harap ng mga tindera—at siya, ang lalaking nagbayad ng lahat na para bang binibili rin pati dangal ko. Nilunok ko na lang ang lahat. Ang tingin ng mga tao. Ang bulungan. Ang bigat ng pagmamataas ni Nikolas habang inaabot sa cashier ang black card niya. At ngayon, parang wala lang lahat ‘yon sa kanya. Muling umihip ang malamig na hangin sa loob ng kotse. Tumingin siya sa akin—’yong mga mata niyang parang walang nakikita kundi laruan. “If there’s anything else you want,” sabi niya, malamig, halos may bahid n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status