LOGINLaura POV Umalis na si Nikolas papunta sa kompanya niya. Ramdam ko sa dibdib ko ang bigat ng katahimikan ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, kahit wala siya rito, naroroon pa rin ang presensya niya sa paligid. Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ang pinto. Huminga ako nang malalim, iniwasang gumawa ng kahit anong ingay. Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang hallway. Wala ni isang tunogโmaliban sa mahinang dagundong ng mga paa ko sa sahig. Bumaba ako ng hagdan. Marahan, kontrolado ang bawat galaw, parang bawat hakbang ay kailangang walang bakas. Diretso akong lumapit sa bintana sa sala. Pinisil ko ang kurtina, sumilip sa labas. At nandoon sila. Marami pa rin ang nakabantay sa gateโmga lalaking naka-itim, tahimik at alerto. Nakatayo, nakatingin sa paligid, parang mga anino. Dalawang lalaki sa gilid, isang lalaki sa gitna, at isa pang naka-position sa likod. Hindi sila nag-uusap, hindi nagmamadali, pero halata sa kilos at tindig na sanay sila sa pagbabanta
Ako si Nikolas Valente, ang nag-iisang anak ni Alfredo Valente. Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang pinakamahalaga sa ama koโhindi pamilya, hindi ako, kundi ang imperyong itinayo niya: La Valente Company. Doon umiikot ang mundo niya. Doon umiikot ang lahat. Mula pagkabata, tinuruan na ako kung paano mag-isip gaya niyaโmalamig, kalkulado, walang espasyo para sa damdamin. Habang ang ibang bata ay naglalaro, akoโy binababad sa mga librong may kinalaman sa negosyo, ekonomiya, at kapangyarihan. Wala akong pagpipilian. Planado na ang buhay ko bago pa ako matutong mangarap para sa sarili ko. Ako ang magiging tagapagmana ng lahatโng kumpanya, ng pangalan, ng bigat ng salitang Valente. Ngunit may isang bagay na hindi kailanman naiplano ng ama koโang gabing nawala ang aking ina. Isang car accident, sabi nila. Mabilis ang pangyayari, at parang bula siyang naglaho. Walang imbestigasyon. Walang hustisya. Walang kahit anong paliwanag. At alam kong may mali. Simula noon, nagbago ang
Maaga akong nagising. Hindi ko alam kung anong oras, pero ang unang naramdaman ko ay ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Tahimik pa rin ang paligid, pero may kakaibang ingayโmga mahinang tunog ng paggalaw, ng tela, ng sinturon na mahina niyang inaayos. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At doon ko siya nakita. Si Nikolasโnakatalikod, suot ang puting long sleeves na bahagyang nakabukas sa leeg. May hawak siyang itim na necktie, abala sa pagtatali nito sa harap ng salamin. Ang bawat galaw niya ay kalmado, eksakto, at may disiplina. Parang walang kahit anong puwedeng magkamali. Tahimik akong napaupo sa kama, pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kumurot sa dibdib ko habang tinitingnan ko siya. Siguro dahil ngayon ko lang siya nakita sa ganitong liwanagโliwanag ng umaga, hindi ng gabi. Mas totoo, pero hindi mas mabait. โLet me,โ mahina kong sabi. Napalingon siya saโkin. Ilang segundo lang โyong titig na โyon pero pakiramdam
Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang tunog lang ng ulan sa labas at ang mabagal na paghinga ni Nikolas ang naririnig ko. Nakahiga siya sa tabi ko, bahagyang nakasandal ang isang braso sa ulo, habang ang isa ay nakapatong sa gilid ng kamaโrelaxed, pero nakakatakot pa rin. Mula rito, kita ko ang malalim na anino sa ilalim ng mga mata niya. Parang kahit sa pagtulog, hindi siya kailanman ganap na nagpapahinga. Huminga ako nang dahan-dahan, pinipilit kong panatilihing steady ang paghinga koโkailangang magmukhang tulog din ako. Isang maling galaw lang, at magigising siya. Ilang minuto akong nanatiling nakapikit, hanggang sa tuluyang tumahimik ang lahat. Walang galaw. Walang boses. Walang tunog kundi ang ulan. Doon ako marahang gumalaw. Unti-unti kong inalis ang kumot na nakatakip sa amin, maingat na parang inaangat ang sarili mula sa bangungot. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa talampakan ko, pero hindi ko pinansin. Kailangan kong gumalaw ngayonโhabang tulog siya.
Mainit at mabango ang hangin sa loob ng kusina. Una kong narinig ang mahinang tunog ng kumukulong sabaw, kasunod ang amoy ng bawang at luya na parang saglit na nagpatigil sa lahat ng bigat sa dibdib ko. Matagal na rin mula nang huli akong nakahawak ng sandokโngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganoโng katahimikan. โMarunong ka rin palang magluto, hija,โ sabi ng matandang kasambahay na kasama ko, habang nakangiti at marahang hinihiwa ang mga gulay sa kahoy na chopping board. โSa probinsya kasi, โyan lang ang alam naming libangan,โ sagot ko, may bahagyang tawa. โKapag walang ginagawa, laging nasa kusina si papa. Ako naman, taga-abot lang ng kutsilyo noon.โ โAh, kaya pala ang gaan mo kumilos,โ sabi ng matanda , sabay abot ng mangkok na puno ng hiniwang sibuyas. โIba talaga ang lumaki sa simpleng buhay. Walang halong yabang.โ Napangiti ako. Sa unang pagkakataon mula nang makarating ako rito, parang nakahinga ako nang maluwag. Habang nagluluto, nagkwentuhan kami tungkol sa mga s
Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at malambot na tunog ng ulan sa labas ang bumabasag sa katahimikan naming dalawa. Sa tabi ko, si Nikolasโnakasandal, kalmadong-kalmado, habang ang tingin ay nakatuon sa basang kalsada sa labas ng tinted na bintana. Ako? Parang hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Sa kamay ko, nakapatong ang paper bag ng mamahaling boutique. Ilang oras lang ang nakalipas, ako โyong babaeng halos kainin ng hiya sa harap ng mga tinderaโat siya, ang lalaking nagbayad ng lahat na para bang binibili rin pati dangal ko. Nilunok ko na lang ang lahat. Ang tingin ng mga tao. Ang bulungan. Ang bigat ng pagmamataas ni Nikolas habang inaabot sa cashier ang black card niya. At ngayon, parang wala lang lahat โyon sa kanya. Muling umihip ang malamig na hangin sa loob ng kotse. Tumingin siya sa akinโโyong mga mata niyang parang walang nakikita kundi laruan. โIf thereโs anything else you want,โ sabi niya, malamig, halos may bahid n
Pagdilat ng mga mata ni Laura, agad siyang nabulaga sa liwanag na sumisilip mula sa malalaking bintana ng kwartong hindi niya kilala. Malamig ang hangin, amoy mamahaling pabango. Nanginginig siya, nakahiga sa malambot na kama na tila ginto ang halaga. Ngunit mas higit na nagpatindig ng kanyang ba
"Sa malamig na silid ng ospital, tanging tunog ng makinang sumusukat sa tibok ng puso ang tangi kong naririnigโmahina, paputol-putol, tila nagbibilang ng nalalabing sandali ng buhay ng aking ama. โNagkakagulo na ang lahat sa emergency room at marami ng mga nurse ang nakapalibot sa aking ama.
Mabilis ang bawat tibok ng puso ko habang pinagmamasdan kong papalayo si Nikolas. Basang-basa pa rin ang suot niyang polo, at kahit hindi ko gustong aminin, bawat patak ng tubig sa balat niya ay parang paalala ng kahihiyan koโat ng kakaibang kilig na ayaw kong maramdaman. โMiss LauraโฆโโจNatauhan
Madilim pa rin nang magising ako.โจWalang araw na sumisilip sa bintana, parang pati langit ay tinatamad na magbigay ng liwanag sa bahay na โto. Tahimik. Masyadong tahimik, na para bang ang bawat sulok ng kwarto ay may inaalagaang lihim. Napatingin ako sa kisame. Ilang segundo akong tulala bago ko n







