Share

Paglayo

Author: Nelia
last update Last Updated: 2022-08-12 14:54:26

Kinabukasan,

Nagmamadaling lumabas si Venus ng kanilang bahay dahil may usapan sila ng kaibigan niyang si Glo na magkikita sa palengke.

Bukas na kasi ang kaarawan ni Ralph at naisip nilang bumili ng bagong damit dahil alam nilang engrande ang party.

Natigilan si Venus matapos niyang makita na walang Diego na nag-aantay sa kaniya sa labas. Naisip niyang marahil ay galit ito sa kaniya dahil sa ginawa niyang pambabasted dito.

Aminin man niya o hindi ay nasaktan din siya sa kaniyang nagawa. Gusto niya rin kasi ang binata ngunit kailangan niyang iisang tabi ang kaniyang nararamdaman para rito.

Habang naglalakad patungong sakayan ay hindi niya mapigilan na ilibot ang kaniyang mata. Hinahanap niya ang binata at nagbabaka sakaling nasa likuran niya ito.

"Umaasa ka pa talagang susundan ka niya?" sermon niya sa kaniyang sarili.

Pakiramdam ni Venus ay parang lalagnatin siya dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Halos hindi niya maihakbang ang kaniyang paa at hindi niya napapansin ang luhang dumadaloy sa kaniyang mukha.

"Kalma self! Kaya mo 'yan!" wika niya habang pinupunasan ang kaniyang pisngi gamit ang panyo.

Hanggang sa makarating siya sa palengke ay dala-dala niya pa rin ang lungkot ngunit pilit niyang ikinubli matapos niyang makita si Glo sa 'di kalayuan.

"Venus!" sigaw nito habang kumakaway.

"Kanina ka pa?" tanong ni Venus sa kaibigan sabay beso.

"Hindi naman masyado, kakarating ko lang din."

"So, tara na?" pilit niyang siniglahan ang kaniyang boses, kunwari ay excited siya na mamili.

Ang totoo, nawalan na siya ng gana.

"Venus, halika, tignan mo 'to." wika ni Glo habang hawak-hawak ang isang floral dress na sobrang igsi. "Sukat mo, bagay sa 'yo 'to for sure."

Alam na alam talaga ni Glo ang mga tipong damit ni Venus.

"Sige, kukunin ko na 'yan." walang gana niyang wika sa tindera habang dumudukot ng pera sa kaniyang bulsa.

Hindi naman nakalagpas kay Glo ang itsura ni Venus kaya naman diretsahan niya itong tinanong.

"May sakit ka ba?" hinipo ni Glo ang leeg ng kaibigan upang kumpirmahin ang hinala. "Hindi ka naman mainit eh,"

"Ano ka ba? Wala naman akong sinabi na may sakit ako."

"Mukha ka kasing matamlay. Tignan mo nga 'yang sarili mo, namumutla ka. Nagpuyat ka ba?"

"Hindi. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal kaya siguro matamlay ako." pagsisinungaling ni Venus sa kaibigan.

"Sus, kaya pala."

Mabilis niyang napaniwala ang kaibigan na gutom lang ang dahilan ng kaniyang pananamlay kaya naman agad siya nitong inakay papunta sa lugawan.

"Kainin mo na 'yan hanggang mainit pa ng mainitan 'yang sikmura mo." napansin kasi ni Glo na hindi ginagalaw ni Venus ang kaniyang pagkain.

"O-oo. Salamat!" isang pilit na ngiti ang iginawad niya kay Glo bago nag-umpisang kumain.

Laking gulat ni Venus nang mabilis lang inubos ng kaibigan ang isang mangkok ng mainit na lugaw.

"'Yung totoo, sino sa atin ang hindi nag-almusal?" biro niya kay Glo dahil nauna itong matapos kumain.

"Hay, bilisan mo na kasi r'yan, Marami pa tayong bibilhin." iritang sagot ni Glo sabay kamot ng kaniyang ulo.

"Ok na 'ko, bayaran mo na." utos ni Venus kay Glo habang tatawa-tawa. Tinitipid kasi niya ang pera niya dahil nasesante siya sa kaniyang ineextrahan matapos bugbugin ni Diego ang mga Photograper doon.

Matapos magbayad ni Glo ay kaagad silang tumungo sa bilihan ng mga sandals. Halos hindi sila magkandamayaw nang kakasukat ng mga sandals na may takong.

"Wow! Bagay sa dress mo 'yang isa na 'yan." puri ni Glo kay Venus. Kahit kasi hindi branded ang suot ng kaniyang kaibigan ay nagmukha itong mamahalin matapos nitong isukat.

"Sige, bil'hin ko na 'to."

Inabot ni Venus ang tatlong daang piso sa tindera at mabilis nilang nilisan ang nasabing tindahan.

Dahil tapos na siyang mamili ng damit ay sinamahan naman niya si Glo na mamili ng susuuotin.

Dahil pihikan itong si Glo ay inabot na sila ng alas-dos ng tanghali sa kakapamili.

"Girl, matagal ka pa ba? Nagugutom na kasi ako." panay na ang himas ni Venus sa kaniyang tiyan. Nalipasan na sila ng kain kaya naman napagpasyahan na nilang umuwi.

Sa bahay ni Venus nila napagkasunduan na mananghalian. Bumili na lamang sila ng lutong ulam para hindi na sila magluto.

Pagbaba nila sa kanto ay kaagad nilang nakita ang isang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman.

"Hay, mga sunog-baga!" wika ni Glo gamit ang mahinang boses.

Habang papalapit sila sa mga ito, ay kaagad bumilis ang tibok ng puso ni Venus matapos mamukhaan ang isa sa mga umiinom.

Kahit kasi nakatalikod ito ay alam na alam niya kung sino ang lalaking 'yon. Hindi siya p'wedeng magkamali.

"Uyy, Diego, 'di ba 'yun 'yung pinopormahan mo?" dinig niyang sabi ng isang lalaki sabay kalabit kay Diego dahilan para lingonin siya nito.

Malamig silang tinignan ni Diego na para bang hindi sila nito kilala. Maging si Glo ay hindi nito nagawang batiin.

"Hindi ako sanay na gan'yan siya sa atin." bulong ni Glo sabay siko kay Venus. "Pero, ba't ang guwapo pa rin niya!?"

"Hayaan mo siya, mabuti nang ganito na lang kami."

Hindi pinahalata ni Venus kay Glo na nasaktan siya sa ginawa ng binata. Tama nga si Glo, hindi siya sanay na hindi nangungulit ang binata. Ngayon lang din niya itong nakitang nakikipag-inuman.

Hanggang sa makarating sila sa bahay niya ay mukha pa rin ng guwapong si Diego ang naiisip niya. "Arrrggghhh!!" halos sabunutan niya ang kaniyang sarili dahil hindi siya makapag-concentrate sa paghahain ng pagkain.

"Ano bang ginagawa mo? Tara, kumain na tayo."

"Ok."

Ibinuhos na lang ni Venus sa pagkain ang inis niya sa binata. Para siyang patay-gutom sa paraan niya ng pagsubo sa kanin.

Napansin naman ni Glo na parang may mali sa ikinikilos ng kaibigan. Hindi kasi normal ang inaarte nito mula pa kanina sa palengke.

"Umamin ka nga! Gusto mo rin ba si Diego?"

Bigla namang natigilan si Venus at sandaling napaisip. Maya maya pa ay tumawa ito ng malakas.

"Ako? May gusto ro'n sa lalaki na 'yon? Nagpapatawa ka ba? Binasted ko na nga, 'di ba?" pagyayabang niya kay Glo pero deep inside ay totoo ngang nagkakagusto na siya rito.

"Talaga lang, ha?"

"Oo naman. May Ralph na nga, 'di ba?"

"Ayy, oo nga pala. Edi goodluck!" tila may laman ang sinabi ni Glo ngunit mas pinili na lamang niyang manahimik. Ayaw niyang pangunahan si Venus sa mga desisyon nito pero para sa kaniya ay hindi niya gusto ang hilatsa ng Ralph na 'yon. Bastos kasi ito at may pagkamayabang.

Nang matapos silang kumain ay kaagad ng nagpaalam si Glo. Naiwan naman si Venus na tulala habang nakapangalumbaba.

Hanggang sumapit na ang gabi ay hindi pa rin niya naalis si Diego sa kaniyang isipan.

Gustong-gusto niya itong tawagan ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. Alam niya kasing nasaktan ito sa mga binitawan niyang salita kahapon.

Hanggang sumapit ang alas-onse ng gabi ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok kung kaya agad siyang bumangon.

"Tama! Kailangan naming mag-usap."

Dali-dali niyang isinuot ang kaniyang Jacket at mabilis na lumabas ng kaniyang bahay.

Dahil hindi niya alam kung saan nakatira ang binata ay minabuti niyang magtanong-tanong sa lahat ng kaniyang nadaanan.

"Kuya, alam mo po ba kung saan nakatira si Diego?"

"Wala akong kilalang Diego eh, subukan mo ro'n magtanong."

"Ahh, sige po. Salamat!"

Naglakad-lakad pa siya ng bahagya at sakto naman na nakasalubong niya ang lalaking kainuman ni Diego kanina.

"Kuya, 'di ba ikaw 'yung kainuman ni Diego kanina?"

"Oo. Bakit?"

"Tatanong ko lang sana kung saan dito 'yung tinutuluyan niya."

"Ahh, gano'n ba? Doon siya nakatira, do'n sa bahay na may bakod na yero."

"Sige po, salamat!"

Masayang masaya si Venus at sa wakas ay matutunton na niya ang tinutuluyan ni Diego. Para kasing hindi buo ang araw niya nang hindi niya ito nakakausap.

Bago siya kumatok ay inayos muna ang kaniyang sarili. Dahan-dahan niyang inilugay ang kaniyang buhok at bahagyang binasa ang labi.

Kakatok na sana siya nang may narinig siyang boses ng isang babae na sa tingin niya ay tiyahin ni Diego.

"Ang kapal ng mukha mong maglasing eh palamunin ka lang dito. Mahiya ka naman do'n sa tao, sila ang nagpapalamon sa atin dito."

Bahagyang napaatras si Venus matapos marinig ang masasakit na salita. Naisip niyang si Diego ang pinagsasabihan nito.

Biglang tuloy siyang nakaramdam ng awa sa binata. Alam ni Venus na kasalanan niya kung bakit ito naglasing.

Kung kanina ay sabik na sabik siya itong makita, ngayon ay hindi na.

Sapat na sa kaniya ang nakita at narinig. Buhat kasi ng makita niyang tagpi-tagpi ang bahay na tinutuluyan nito ay bigla na siyang tinabangan. Idagdag pa ang bungangera nitong tiyahin.

Parang babala na ito sa kaniya na huwag nang makipag-ayos pa sa binata kaya minabuti na lamang niyang umuwi sa kaniyang bahay.

"Kalimutan mo na siya, wala kang mararating kapag hinayaan mo pa siyang lumapit sa 'yo." paalala niya sa sarili.

Bigla niyang naalala ang mga bagay na pinapangarap niyang maabot at hindi mangyayari 'yon kung hahayaan niya lamang ang sarili niya na mahulog sa binata na walang kapanga-pangarap sa buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Oh my venus   the end

    DIEGO'S POINT OF VIEWMaaaring naging Tanga ako noon pero Hindi na ngayon. Ngayon ko na napagtahi-tahi Ang lahat. Ngayong Nakita ko na Ang larawan ng anak namin ni Venus. Oo. Anak ko nga! Hindi ako maaaring magkamali. Sa itsura pa lang at lukso ng dugo ay Hindi ako p'wedeng magkamali. Maliwanag na maliwanag na ako Ang ama. Susuportahan na Lang ng DNA test bilang patunay. Umayon naman Ang panahon ay na cancel Ang meetings namin dahil sa darating raw na bagyo mamaya. Sinamantala ko ito upang ayusin Ang lahat ngayong Araw din na ito. Sinadya kong papuntahin rito si Venus upang maisakatuparan ko Ang aking Plano. Inoferran ko Ang Isa sa mga kaibigan ni Venus ng malaking Pera upang bigyan lamang ako ng pinag gupitan ng kuko ng hinihila Kong anak. Inutusan ko sya na iplastic iyon at may kukuha doon sa kanya. Gumana naman Ang Plano ko. Napapunta ko rito si Venus at nakuha na ng tao ko Ang pinag gupitan ng kuko. Ngayon ay paaaminin ko na Lang si Venus. "Nasaan na Ang cellphone ko?""Cellp

  • Oh my venus   pagkikitang muli

    Makalipas Ang dalawang taonFinally, masasabi na ni Diego sa kan'yang sarili na tuluyan na s'yang nakapag hilom. Nakalimutan na nya ang mga tao na nakasakit sa kanya. He is totally recovered in pain that's why he decided to go back in the Philippines. Kung mayroon man syang namimiss Yung ay Yung kan'yang mga magulang. Wala ng iba!Hindi sya nagsabi na uuwi sya dahil gusto nya nga itong mga surpresahin. "Iho!! You're back!" Tagumpay naman nyang nasurpresa Ang kan'yang Ina. Niyakap sya kaagad nito at pinaghahalikan sa pisngi. "Bakit Hindi ka nagsabi na uuwi ka? Sana nasundo ka namin.""Mom, I want to surprise you. Nasaan nga pala si dad?" Hinanap nya kaagad Ang kan'yang ama. "My sorry, iho. Nasa business trip Ang daddy mo. Hindi nya Kasi alam na darating ka. Anyway, 2 to 3 days nandito na 'yun. Sasabihin ko na nandito ka na. Kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin? I'm sure na na-miss mo Ang mga pagkain Dito.""Sinabi mo pa, mom. Sometimes nagluluto ako ng adobo kapag na hohomesick

  • Oh my venus   kaboses

    Makalipas Ang dalawang taonFinally, masasabi na ni Diego sa kan'yang sarili na tuluyan na s'yang nakapag hilom. Nakalimutan na nya ang mga tao na nakasakit sa kanya. He is totally recovered in pain that's why he decided to go back in the Philippines. Kung mayroon man syang namimiss Yung ay Yung kan'yang mga magulang. Wala ng iba!Hindi sya nagsabi na uuwi sya dahil gusto nya nga itong mga surpresahin. "Iho!! You're back!" Tagumpay naman nyang nasurpresa Ang kan'yang Ina. Niyakap sya kaagad nito at pinaghahalikan sa pisngi. "Bakit Hindi ka nagsabi na uuwi ka? Sana nasundo ka namin.""Mom, I want to surprise you. Nasaan nga pala si dad?" Hinanap nya kaagad Ang kan'yang ama. "My sorry, iho. Nasa business trip Ang daddy mo. Hindi nya Kasi alam na darating ka. Anyway, 2 to 3 days nandito na 'yun. Sasabihin ko na nandito ka na. Kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin? I'm sure na na-miss mo Ang mga pagkain Dito.""Sinabi mo pa, mom. Sometimes nagluluto ako ng adobo kapag na hohomesick

  • Oh my venus   hulog ng langit

    Buong Akala ni Diego ay tapos na sya Kay Donna. Malaya na Kasi sya ngayon. Malaya Mula sa pilit na pag-ibig. Para sa Bago nyang simula, inumpisahan nya Ang kan'yang Araw nang walang alalahanin. Kumain, naligo at pumasok sa kumpanya. Isunubsob nya Ang sarili sa trabaho nang sa gayon ay Hindi nya maaalala si Venus at Ang mga bagay na nakakapagpasakit ng kan'yang damdamin. Habang nasa trabaho, nagkaroon sya ng Hindi inaasahang bisita. Nanlaki Ang mata nya at napalunok ng malalim. "excuse me, sir? May kailangan 'ho kayo?" Tanong nya sa unipormadong pulis. Opisina Kasi iyon at ngayon lang sya nakatanggap ng ganoong klaseng bisita. "Magandang umaga Po. Kami Po ay mga Pulis Dito sa Maynila. Kami Po ay nakatanggap ng reklamo laban sa Inyo at kailangan nyo pong sumama sa Amin sa presinto para sagutin Ang Ilan naming katanungan." Sagot naman nito. Syempre nawindang si Diego. Hindi nya maintindihan Ang sinasabi nito. "reklamo? Anong reklamo? At sino Ang tinutukoy nyong nagreklamo?"Mabilis n

  • Oh my venus   hustisya

    Ilang Araw na lang at ikakasal na si Venus Kay Ralph. Sobrang busy na sa Bahay ng kapitan at sa Gabi lang sya nadadalaw ng mapapangasawa. Talagang puspos sa preparasyon Ang pamilya ni Ralph. Talagang pinagkagastusan. Buong baranggay Kasi ay pinaka aabangan ito talaga lalo pa't bali-balita na dadaluhan ito ng mga kilalang pangalan sa Pilipinas. Mga pulitiko at artista. Si Venus naman ay nagpapatangay lang sa agos. Parang Wala pa rin sa loob nya Ang pagpapakasal ngunit ito lang Ang nakikita nyang paraan para umayos Ang Buhay nya. Ang pinanghawakan na Lang nya ay mahal sya ni Ralph. Naniniwala sya na kapag mas mahal ka ng lalaki, panalo ka. At talagang nakitaan nya ito ng character development. Malaki na Ang ipinagbago nito at Hindi biro Ang responsibilidad na inako nito alang alang sa pagmamahal nito sa kanya. Speaking of Ralph. Kinaganihan ay dumalaw ito Kay Venus. Gaya ng palagi nitong ginagawa ay parati itong may pasalubong sa kanya. 'yung mga ganitong simpleng ka-sweetan lang n

  • Oh my venus   pag-uwi

    "oh, Atty. Gutierrez. what a pleasant surprise. ano at nasadya ka rito ng ganitong kaaga. si Diego ang naunang bumaba. kinamayan nito at inistima ang nasabing atty. "oo nga. my sorry. but... sigurado naman akong matutuwa kayo sa ipinunta ko. good news ito.""wow! mukhang nagegets ko na Ang pinunta ko rito, atty." sa wakas ay nakahinga na rin ng maluwag si Diego. finally, tapos na rin Ang pagkakatali nya sa Bahay na ito. at dahil Hindi pa bumababa si Donna at inutusan Muna ni Diego Ang dalawang katulong na ipaghanda Sila ng almusal. alam nyang magaba-habang talakayin Ang nangyayari. nagkape Muna Ang dalawa habang inaantay si Donna. nagkamusta at nagkwentuhan. after 7 minutes, bumaba na si Donna. bakas sa mukha nito Ang lungkot at puyat. kahit na gano'n, nakangiti pa rin syang humarap at nakisalo sa dalawa. "goodmorning l, atty! kumusta? napadalaw ka?" masigla nyang tanong. "oh, yes. sumadya na talaga ako dahil alam Kong matagal no na itong inaantay. pasensya na kung medyo natagala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status