Bukas ulit. Maraming salamat! 🫶
Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ko. Bibisitahin namin ang magulang ko dahil nagtatampo na raw si Daddy sa akin. Hindi ko kasi tinanggap ang alok niyang mamahala sa ospital namin. Gusto ko lang ng tahimik na buhay at ayaw kong madawit ang pangalan ko sa kung anuman ang meron sa pamilya namin. Ayaw ko rin iasa sa pamilya ko ang mga sarili kong gastusin kaya mas pinili ko ang magtrabaho.Pagkakita pa lang ni Mommy kay Drako nang pumasok kami, agad na kumuyom ang mga palad niya."You shouldn't have come here," malamig at matalim ang tinig niya."Mom, please…" mahinahon kong sabi, pilit siyang nilalapit sa kama ni Daddy.Nakaupo roon si Daddy Chester, naka-dextrose, pero nakangiti pa rin sa amin. Nang makita si Drako, bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung dismayado o nalilito."Dad, he just wants to visit. Gusto niya lang makabawi," paliwanag ko kahit ako mismo ay hindi sigurado sa nararamdaman.Pero si Mommy Celeste, hindi
Muli akong napaikot ang mga mata ko habang nakatingin kay Drako na mukhang walang balak tumigil sa kanyang mga manipulative antics nang malaman niyang niyaya ako ni Drugo na kumain sa labas.“Mommy!” sabay-sabay na sigaw ng apat na munting tinig mula sa likod.Agad akong napalingon at hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko sina Camila, Calliope, Daemon, at Dax na patakbong papalapit sa akin.“Mommy, let’s play again! Please?” si Dax, sabay yakap sa hita ko.“Yeah! You promised we’d dance again after lunch!” reklamo ni Calliope, habang sabay na nagtatatalon ang kambal niyang si Camila.“Mommy, Daddy said you can’t leave,” bulong naman ni Daemon habang tinitingnan si Drugo, na nakatayo sa gilid at tahimik lang na pinagmamasdan ang nangyayari.Napatingin ako kay Drako, na nakaupo sa couch, kalmado, at tila walang kasalanan habang pinagmamasdan kaming lahat. Para bang wala siyang kinalaman sa pagdating ng mga bata—pero kilala ko siya.He planned this.Ayaw niya lang talaga akong pal
Nakatayo sa tabi ni Drako habang pilit niyang iniayos ang sarili sa kama. Hindi na ako kumibo nang pinilit niyang tumayo, kahit halatang nanginginig pa ang mga tuhod niya.Drugo crossed his arms, watching him with narrowed eyes. “You’re still weak. You shouldn’t be getting up.”“I’m not weak,” mariing sagot ni Drako, tumitig sa kanya. “I just need to remember.”“You need to rest,” sagot ko naman, pilit siyang tinutulak pabalik sa kama pero tinabig niya ng marahan ang kamay ko.Tumingin si Drako sa akin, para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya maiporma sa mga labi niya.“I’ll get her back,” he whispered, but loud enough for Drugo to hear. “I’ll remember everything. And I’ll make her fall in love with me again.”Nag-angat ng kilay si Drugo. “Then I guess I should tell you this now—”Tumigil siya saglit at lumapit sa akin, and without warning, hinawakan niya ang kamay ko. His touch was firm, claiming.“I’ll be courting her too,” deretsong sabi niya. “I won’t hold back this tim
Maliwanag na ang sikat ng araw nang magising ako, ngunit sa halip na karaniwang init ng liwanag ang sumalubong sa akin, malamig na kaba ang gumapang sa dibdib ko.Tahimik ang paligid. Walang maririnig kundi ang mahinang tik-tak ng wall clock at huni ng mga ibon sa labas.Bumangon ako mula sa kama, nagtataka kung bakit tila may kulang. Usually, naririnig ko ang hagikhikan ng mga bata o ang mahinang tunog ng piano na pinipilit tugtugin ni Drako kahit hindi pa niya ganap na naaalaala ang lahat. Pero ngayon, wala.Pagbaba ko ng hagdan, doon ko nakita si Drako.“D-Drako?” halos pabulong kong tawag.Nasa paanan siya ng hagdan. Nakahandusay. Duguan ang gilid ng ulo at walang malay.Parang may sumabog sa dibdib ko.“DRAKO!”Mabilis akong bumaba, halos madulas pa sa hagdan. Lumuhod ako sa tabi niya at marahang niyugyog ang katawan niya.“Drako, wake up! Hey—Drako!” nanginginig ang boses ko, nanginginig rin ang mga kamay ko habang pinipisil ang pisngi niya, sinusubukang pagisingin siya.May dug
Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ng mansiyon, agad akong napatigil. Isang pamilyar na melodiya ang tumambad sa akin. Clair de Lune. It was playing softly, with precise emotion, as if each note held a memory.Napalingon ako sa grand piano sa may sala, at doon ko nakita si Drako, nakaupo sa harap ng piano, nakayuko habang hinahaplos ng mga daliri ang mga ivory keys na tila ba iyon lang ang naiintindihan niyang mundo sa sandaling ‘yon. His profile looked calm... almost peaceful.But it was deceiving. Dahil ang bawat tugtog niya ay may kirot. May lalim. May hinahanap.“Mommy!” isang matinis na boses ang gumising sa pagkakatulala ko.“Liliane?” Napalingon ako at nakita ang matalik kong kaibigan, nakaupo sa sofa habang yakap-yakap ang apat kong anak.“Surprise,” ngumiti siya at kumindat. “We had a little playdate today.”Hindi pa man ako nakaka-react ay agad nang tumakbo ang quadruplets sa akin—sina Camila, Calliope, Daemon, at Dax.“Mommy!” sabay-sabay nilang sigaw habang yumakap
Habang inaayos ko ang maliit na medicine organizer ni Drako sa tabi ng nightstand, napansin ko ang kakaibang label ng isa sa mga gamot. Hindi ito pamilyar. Hindi ito kasama sa listahan ng maintenance meds niya base sa patient records na iniabot sa akin noong unang araw ko bilang personal nurse niya.Napakunot ang noo ko.I’ve never heard of this medication before. Agad akong tumayo, kinuha ang cellphone ko, at nagsimulang mag-search.I typed in: Side effects, purpose, classification of the medicine.Lumakas ang tibok ng dibdib ko habang binabasa ko ang description ng gamot.“A drug primarily used in experimental memory suppression. Often prescribed off-label for trauma-related anxiety, but may result in permanent or long-term memory loss if administered regularly over extended periods. Contraindicated for patients with amnesia or memory-recall therapy.”Napaupo ako sa gilid ng kama ni Drako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.“Oh my God…”This can’t be right.Muli akong bumalik
Pababa na ako ng elevator nang maramdaman ko ang biglaang paghatak sa buhok ko mula sa likod.“Ano ba—aray!” sigaw ko habang pinilit kong kumawala.Paglingon ko, halos masabunutan ko rin sa gulat at galit nang makitang si Claudine ang may hawak ng buhok ko, galit na galit ang mga mata niya—pulang-pula, nanginginig sa poot.“You bitch!” sigaw niya. “You’re trying to steal him from me, aren't you?! After all these years, hindi ka pa rin marunong makuntento!”“Claudine, let go of me!” sigaw ko pabalik, tinulak ko siya palayo pero mas lalo pa niya akong sinunggaban.“Akala mo ba hindi ko alam na pinupuntahan mo siya? That you’re trying to crawl back into his life like the snake that you are?”I snapped. “Snake? You have the audacity to call me that? You were the one who stole him from me in the first place! Ako ang asawa—ikaw ang kabit!”Nabitawan niya ang buhok ko, pero ang mukha niya ay parang sasabog na sa galit. Naglalagablab ang mga mata niya habang nilalapitan ako, waring lalapain a
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig lang sa kawalan, tahimik na hinahaplos ang buhok ni Calliope habang mahimbing siyang natutulog sa dibdib ko. Wala pa ring tigil ang kabog ng puso ko simula nang marinig ko ang balita mula sa korte: nawala ang lahat ng ebidensya namin. Parang sinakal ako ng biglaang takot, ng kawalan. Pero hindi ako puwedeng tumigil. Hindi ako puwedeng matalo—hindi pwede kung buhay ng mga anak ko ang nakataya.Habang mahigpit kong yakap ang anak ko, nag-vibrate ang cellphone ko sa tabi. Tinignan ko ang screen—isang tawag mula sa ospital. Saglit akong nagdalawang-isip bago sagutin. Malamig ang boses ng kabilang linya, pormal at diretso sa punto."Miss Devika, this is HR from Saint Agatha Medical Center. We regret to inform you that due to the sensitive legal issue you're currently facing, the hospital has decided to temporarily suspend your duties."Napapitlag ako. "W-What? You're suspending me? I haven’t even been convicted of anything!""We understand
Sandali akong huminto sa harap ng hagdang-bato ng korte. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng hangin o sa kaba sa dibdib ko, pero nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang dami ng reporters na nakapalibot.“Are you ready?” tanong ni Drugo mula sa kanan ko. Suot niya ang itim na blazer, at kahit siya mismo ay halatang tensyonado, pinilit niyang ngumiti para sa akin.Tumango lang ako. “Wala nang atrasan, Drugo. I’m doing this for my children.”Kasunod namin si Mommy Celeste, nakasuot ng kulay ivory na power suit. Matikas ang tindig, seryoso ang mukha—ang imahe ng isang abogado na hindi kailanman nagpapatalo.“Follow my lead,” sabi niya habang pumasok kami sa harapan ng mga kamera.“Ms. Caleigh! Did Claudine Morris really fake your children’s deaths?”“Is this case a personal vendetta or are you really after justice?”“Atty. Celeste! Do you think this will ruin the Morris legacy?”Sunod-sunod ang tanong. Flash ng camera. Ingay ng microphones. Hawak ni Drugo ang braso ko, mahi