Share

#7

HINDI ko na namalayan kung gaano ako katagal ng restroom. Pagkatapos umiyak ay naghilamos ako at nag-retouch ng makeup kahit lutang pa rin ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan ay saka lamang ako lumabas ng restroom para hanapin si auntie Levi.

Bumalik ako sa counter. Nandoon pa rin si Bart pero wala pa rin si auntie. Iginala ko ang tingin ko pero mukhang hindi pa yata siya nakakabalik. Napaisip tuloy ako kung nasaan ang opisina ng boss niya para mapuntahan ko siya.

"Bart, saan ang opisina no'ng boss niyo?" kuryoso kong tanong at mahigpit na kumapit sa silya para hindi ako mabuwal.

"Ah, opisina ba ni boss? Naroon 'yon sa second floor. Sa pinakadulong pinto sa kanang pasilyo." sagot niya habang abala sa paghahanda ng alak dahil may ibang customers na rin sa counter.

"Sige, salamat."

Ilang beses muna akong kumurap at hinagilap ang natitirang wisyo bago ako maglakad paakyat sa second floor. Hindi yata magandang ideya ang umakyat doon dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo hab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status