Share

#6

"ANO ba talaga ang nangyari? Bakit ayaw mo na magpa-table pagkatapos mo roon sa VIP room ng grupo nina Lance? May ginawa ba sila sa 'yo?"

Kahit hindi ko tingnan si auntie, alam kong nakakunot ang noo nitong nakamasid sa akin. Pumasok kami sa apartment at agad ko namang hinubad ang suot kong stilleto heels. Kita ko ang kaunting paltos sa aking mga paa dahil hindi pa rin sanay ang mga ito sa pagsusuot ng gano'ng sapatos.

Huminga ako nang malalim at minasahe ang aking sintido. Nahihilo pa rin ako dala ng dalawang bote ng beer na naubos ko kagabi. Gayunpaman, nasa wisyo pa rin naman ako para hindi makalimutan ang lahat.

Klarong-klaro sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. . . Ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking 'yon.

"Hoy, Elle. Kinakausap kita!" inis na tawag sa akin ni auntie nang tahimik akong dumiretso sa sala.

"Pasensya na po kayo, auntie. Nalasing na ako sa unang customers ko kaya hindi ko na kayang maupo sa ibang table. Malaki naman ang tip na nakuha ko. Babawi na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status