LOGINBiglang napalunok nang sunod-sunod si Iya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga nang maayos. "Drew..." mahina niyang tawag ngunit hindi siya pinansin ng binata. Nakatingin lamang ito kay Ahma."Ahma, sabi mo noon sa akin, kapag nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay…ipakilala ko siya agad sa'yo." Bahagyang ngumiti si Drew. "Ahma...Nahanap ko na siya." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Iya. "At wala na akong ibang gustong makasama habambuhay kung hindi si Iya."Nanlaki ang mga mata ni Iya. Parang may sumabog sa kaniyang dibdib. Kung hindi lamang niya alam na bahagi iyon ng kanilang pagpapanggap, marahil ay naniniwala na siyang totoo ang lahat. Hindi niya napansing namumuo na pala ang luha sa kaniyang mga mata.Samantala, si Alessandra ay halos maputol ang mga kuko sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kaniyang kamao. Hindi siya makapaniwalang ipagtatanggol at ipaglalaban ni Drew sa ibang babae kay Ahma! Hindi niy
Natigilan si Iya. Maging si Alessandra ay napangisi. Napakunot naman ang noo ni Drew. "Ahma, she's my girlfriend. Bakit ayaw mong maniwala? Ikaw itong hamit na hamit na magkaroon ulit ako ng nobya tapos ngayong naiharap ko na siya sa'yo, ayaw mo namang maniwala." Umiling ang matanda. "Hindi ako naniniwala na walang pangalang babae ang napili mo, Drew. Sa dinami-rami ng mga tagapagmanang dilag na inireto ko sa'yo, sa dinami-rami ng mga nagkakandarapa sa iyo, sa kaniya ka nahulog? Sa isang ordinaryong babae? Hindi ko alam na gan'yan pala ang taste mo." Bumaling siya kay Iya. "I'm sorry, hija. Si Drew na lamang ang natitirang apo ko at mahal na mahal ko ang pilyong batang ‘yan. I only want the best for him.”“Ahma—”"Drew, tigilan mo na ang kasinungalingang ito,” dismayadong turan ni Ahma."Ahma naman. Bakit ba ayaw mong maniwalang girlfriend ko nga si Iya," pagmamatigas ni Drew."Dahil kilala kita. Kung totoong girlfriend mo siya, dapat noon mo pa siya ipinakilala. At isa pa..." Tumin
Huminto ang itim na Rolls-Royce sa harap ng Revamonte Mansion.Namangha na naman si Iya sa lawak ng tahanan ng pamilya ni Drew. Ang bawat ilaw sa hardin ay nagbibigay ng mainit na liwanag sa napakalaking mansyon, habang nakahanay ang mga luxury cars sa driveway.Huminga nang malalim si Iya. "Drew..."Napalingon ang binata. "Kinakabahan ka?"Mahinang tumango si Iya. "Sobra. Normal lang ba 'to? Hindi pa ako nakakaharap ng ganitong klaseng pamilya."Bahagyang ngumiti si Drew. "Oo normal lang na kabahan ka dahil my family are strangers to you and we are doing an act. Relax ka lang. Pamilya ko lang sila."Napatawa si Iya. "Pamilya mo lang? Drew, ang apelyido mo ay Revamonte. Hindi 'yan ordinaryong pamilya."Hindi na nakipagtalo si Drew. Sa halip ay iniabot niya ang kaniyang sekretarya. "Come here."Napatingin si Iya kay Drew. “B-Bakit?"Ikawit mo ang kamay mo sa braso ko."Napalunok si Iya. "S-Seryoso ka ba?""Magkasintahan tayo, Iya. Don't forget that. Maghihinala sila lalo na si Ahma kun
Lumipas pa ang halos tatlumpung minuto. Hanggang sa bumukas ang pintuan. Naunang lumabas ang stylist. "Sir, ready na po si Miss Monteverde."Tumayo si Drew. Kaswal lang sana niyang lilingunin ang pint0 ngunit nang lumabas na mula roon si Iya. Biglang tumigil ang lahat. Nawala ang ingay. Huminto ang oras. Para bang huminto ang pag-ikot ng mundo.Nakasuot si Iya ng isang eleganteng off-shoulder evening gown na kulay champagne. Lalong luminaw ang kaniyang maputing balat. Natural lamang ang makeup niya ngunit lalo nitong inilabas ang kaniyang kagandahan. Malambot ang pagkakakulot ng kaniyang buhok na nakalaylay sa isang balikat. May suot siyang simpleng diamond earrings, manipis na kuwintas at pares ng high heels na lalo pang nagpahaba sa kaniyang tindig. Hindi na siya mukhang sekretarya. Mas lalong hindi na rin siya mukhang ordinaryong babae. Para na siyang isang prinsesa. Hindi, mas bagay siyang tawaging reyna.Hindi namalayan ni Drew na nakatitig na pala siya kay Iya. Hindi rin niya n
Abala pa rin ang mga tauhan ng Revamonte Group sa pag-aayos ng dalawang condominium unit nang marahang tinapik ni Drew ang balikat ni Iya."Sumama ka sa akin."Napalingon si Iya. "Saan?""Sa unit ko."Natigilan si Iya. “H-Ha? A-Anong gagawin natin doon? B-Bakit isasama mo a-ako?” Napalunok siya. Kung ano-ano na agad ang sumagi sa isip niya.Hindi sumagot si Drew. Tahimik lang siyang naglakad patungo sa katabing unit. Napilitan siya Iya na sumunod sa boss niya habang nagtataka siya kung ano na naman ang nasa isip ng kaniyang boss.Pagkabukas pa lamang ng pinto ay bumungad agad ang napakalawak na penthouse unit. Mas elegante, mas moderno at mas malawak kaysa sa dalawang unit na ibinigay ni Drew kay Iya.Napanganga si Iya. "Grabe, parang hotel." Hindi pa man siya nakakahakbang nang tuluyan sa loob ay may apat na babae ang sabay-sabay na lumapit."Good afternoon, Miss Monteverde!"Napakurap si Iya. “Ano na naman ito?" Lumabas naman mula sa dining area si Gibo na may hawak na tablet. "Fi
Tahimik ang buong biyahe matapos nilang mamili. Nakaupo si Iya sa passenger seat habang paulit-ulit na sinusulyapan ang mga paper bags na nasa likuran ng sasakyan. Hindi pa rin siya makapaniwalang lahat ng iyon ay para sa kaniya.Wala namang anumang emosyon sa mukha ni Drew habang nakatutok sa pagmamaneho. Para bang ordinaryong araw lang ang lahat ng nangyari.Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakataas at marangyang condominium building sa sentro ng lungsod.Napakunot ang noo ni Iya. "Sir—"“Drop the honorifics, Iya." "Sorry. Nasanay na po kasi akong tinatawag kayong sir.”"I said drop it. Huwag mo rin akong po in.”Napangibit si Iya. Napalunok siya bago siya muling nagsalita. "Drew... bakit tayo nandito?"Hindi agad sumagot si Drew. Tahimik lamang siyang bumaba ng sasakyan saka umikot upang pagbuksan siya ng pinto."Sumunod ka na lang."Nag-aalinlangan mang bumaba ay sumunod pa rin si Iya. Napakaganda ng lobby ng condominium. Kumikinang ang marmol na sahig h

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





