مشاركة

Kabanata 178

مؤلف: Docky
last update تاريخ النشر: 2026-05-09 20:18:25

Sa loob ng bahay, mag-isang nakaupo si Yvee sa may hapag malapit sa bintana. Nasa harap niya ang isang baso ng tubig na matagal nang hindi nababawasan. Tahimik niyang pinagmamasdan ang munting alon na nililikha ng hangin sa malinaw nitong ibabaw.

Dahan-dahan siyang napabuntong-hininga at isinandal ang likod sa upuan. Hindi niya maunawaan kung ano talaga ang nararamdaman niya.

Maya-maya, isang marahang yabag ang gumambala sa katahimikan.

Napatingala siya.

Nakatayo roon si Gideon, bahagyang n
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 178

    Sa loob ng bahay, mag-isang nakaupo si Yvee sa may hapag malapit sa bintana. Nasa harap niya ang isang baso ng tubig na matagal nang hindi nababawasan. Tahimik niyang pinagmamasdan ang munting alon na nililikha ng hangin sa malinaw nitong ibabaw. Dahan-dahan siyang napabuntong-hininga at isinandal ang likod sa upuan. Hindi niya maunawaan kung ano talaga ang nararamdaman niya. Maya-maya, isang marahang yabag ang gumambala sa katahimikan.Napatingala siya.Nakatayo roon si Gideon, bahagyang nakasandal sa pintuan habang pinagmamasdan siya. Hindi ito agad nagsalita, tila sinusukat muna kung tama bang lapitan siya sa sandaling iyon.“Ah… pagod ka ba?” tanong nito pagkaraan, kahit halatang alam naman na nito ang sagot.Mahinang tumango si Yvee. “Oo.”Bahagyang nagkamot sa batok si Gideon bago muling nagsalita. “Gusto mong… magpahinga na muna sa taas?“Hindi, isa pa ay kakatapos ko lang kumain.” Napalunok si Gideon, “Eh, ang maglakad?”“That would be nice,”; tugon ni Yvee. Tumayo si Yv

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 177

    Sa dalampasigan, abala na sina Drew at ang kambal. Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang hangin mula sa dagat. Habang marahang humahampas ang alon sa pampang, kanya-kanyang yuko ang dalawa sa paghahanap ng mga kabibe.“Tito Drew! Tingnan mo ’to!” masiglang sigaw ni Atticus habang tumatakbo palapit, halos madulas pa sa buhangin. Inilahad niya ang palad niya kung saan nakapatong ang isang maliit na kabibe na kulay peach at puti.Lumuhod si Drew para mas makita iyon. “Uy, ang ganda ah. Mukhang perfect spiral pa.”Ngumisi si Atticus, halatang proud. “Sabi ko sa ’yo, ako ang pinakamagaling maghanap.”“Ha?” singit agad ni Atlas mula sa likuran nila. Lumapit ito na may hawak namang mas malaking kabibe na medyo kumikislap dahil basa pa ng tubig-dagat. “Mas maganda kaya ’to.”Napatingin si Drew sa hawak ni Atlas at napataas ang kilay. “Okay… mukhang may competition tayo rito.”“Opo,” mabilis na sagot ni Atticus habang nakakunot-noo na nakatingin sa kapatid niya.“Winner ako,” dagdag ni Atl

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 176

    “Here, Ma’am,” magalang na sabi ng caretaker habang inaabot kay Yvee ang isang puting plato.“Thank you,” mahinang sagot niya, saka ito tinanggap gamit ang dalawang kamay.Mainit pa ang pagkain. Umaakyat ang amoy ng inihaw na isda at buttered shrimp sa hangin, humahalo sa maalat na simoy ng dagat na pumapasok mula sa bukas na bintana ng rest house. Sa labas, rinig ang tuloy-tuloy na hampas ng alon sa dalampasigan—payapa, pero sapat para punuin ang katahimikan sa pagitan nila.Tinanggap ni Yvee ang plato, at napatingin sa naghihilirang mga pagkain sa mesa. Amoy niya ang bahagyang halimuyak ng sabon at dagat na kumapit sa lalaki. Kahit na ilang oras ang byinahe nila ay napakabango pa rin nito at mukhang malinis. ‘Masyadong unfair ang mundo,’ sa isip-isip ni Yvee habang nagnanakaw ng sulyap kay Gideon. “Gusto mo nito?”Bahagyang napaangat ang tingin ni Yvee nang marinig ang boses ni Gideon sa tabi niya.Nakalahad ang kamay nito, may hawak na serving spoon ng calamares. Saglit siyang n

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 175

    “Mas gusto nga rito ni Ahma kaysa sa mansyon,” sabi ni Gideon habang marahan niyang hinihimas ang batok ni Atticus na ngayo’y abalang tumitingala sa napakalaking chandelier. “Mas tahimik daw kasi rito. Pero madalang lang siya makadalaw rito pero sinisigurado naman niya na alagang-alaga ang rest house.”“At mas presko,” dagdag ni Drew habang binubuksan nang bahagya ang malaking bintana. Agad pumasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. “Saka mas homey,” ani ng matriyarka na may munting ngiti. Tumango si Yvee habang lihim na sumasang-ayon. Kahit siya ay mas komportable rito.Lumapit si Manong Tino, dala ang ilan nilang maleta. “Kami na po ang bahala sa mga gamit ninyo. Iaakyat na po namin sa mga kwarto.”Agad na tumayo nang tuwid si Drew at ibinigay rito ang hawak niyang bag. “Pakiingatan po ang mga gamit, Manong.”Ngumiti ang matanda at bahagyang yumuko. “Makakaasa po kayo, Sir Drew. Para niyo na ring iniwan sa sariling kamay ninyo.”“Salamat po,” sagot ni Yvee.Napatingin s

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 174

    Pagdating pa lang ng van sa harap ng rest house ay agad bumungad ang malawak na tanawin ng dagat. Halos didikit na sa veranda ang buhangin at mula roon ay tanaw ang walang katapusang asul. Malumanay ang hampas ng alon at sumasabay ang tunog nito sa ihip ng hangin.“Woah…” sabay na bulalas ng kambal. Hindi na sila nakapagpigil. Pagkabukas pa lang ng pinto ng sasakyan ay agad silang bumaba.“Dahan-dahan!” pahabol ni Gideon, pero may halong tawa ang boses niya. Hindi niya akalaing gano’n kakulit ang kambal kapag nagsama lalong-lalo na si Atlas. Lumaki ito sa puder niya. Simula sanggol ay nasa kaniya na ito, kaya kilalang-kilala niya ang anak. Pero hindi niya akalaing may itinatago pala itong kakulitan.“Sandali!” tawag ni Atlas, kahit siya rin ay napapabilis ang hakbang.Sa may pintuan ng bahay, nakaabang na ang mga caretaker, sina Manang Lita at Manong Tino. Sila ang namamahala sa resthouse kasama ang iilan pang trabahante. Madalang lang kung pumunta ang pamilyang Revamonte rito pero k

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 173

    Nagkagulo ulit ang kambal sa excitement.“Landing na! Landing na!” paulit-ulit na sabi ni Atticus.“Calm down,” sabi ni Atlas, pero siya mismo ay hindi rin mapakali.Hindi nagtagal ay marahan nang sumayad ang gulong ng eroplano sa runway. Nang tuluyang bumukas ang pinto, agad na sinalubong ng sariwa at maalat-alat na hangin ang pamilyang Revamonte.“Ang sarap ng hangin…” mahina ngunit puno ng pagkamanghang sabi ni Yvee. Kusa siyang napapikit sandali, tila ninanamnam ang bawat haplos nito sa kanyang balat.“Welcome,” bulong ni Gideon. Nakatingin siya kay Yvee  at hindi sa paligid. Nakatingin siya rito kung paano ito huminga, kung paano ito ngumiti nang hindi nito namamalayan.Hindi  sumagot si Yvee ngunit hindi rin siya umiwas.Sa labas ng airport, nakahimpil na ang isang maluwag at kumportableng van at nakahanda na itong ihatid ang pamilyang Revamonte patungo sa rest house ng

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 25

    Kumurap si Atticus, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa harap niya ay isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa ilang taon niyang nabubuhay, hindi kailanman naging malinaw sa kaniya kung ano talaga ang hitsura ng kapatid niya. Masyado pa itong bata nang mawalay ito sa kanila at gano’n

    last updateآخر تحديث : 2026-03-21
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 20

    Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b

    last updateآخر تحديث : 2026-03-20
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 19

    “Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil

    last updateآخر تحديث : 2026-03-20
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 18

    Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi

    last updateآخر تحديث : 2026-03-20
فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status