LOGINHabang palabas sila ng kusina ay bahagyang nauna si Yvee. Pero hindi niya napansing sa likod niya ay nakatingin lang si Gideon sa bawat hakbang niya. Nakangiti ito, halos mapuknat pa nga ang labi nito sa lapad ng ngiti nito. Dahil sa kabila ng pagdedma niya ay kitang-kita nitong may epekto ito sa kaniya.Paglabas nina Yvee at Gideo ay agad silang sinalubong ng malamig na hangin at tunog ng alon. “Mommy!” sigaw agad ni Atlas, sabay takbo palapit. “Ang tagal mo po!”“Hindi naman ah,” sagot ni Yvee, pilit na kalmado kahit may natitirang init sa pisngi niya. “O, tingnan niyo ’to.” Itinaas niya ang tray.“Hotdog!” sabay sigaw ng kambal.“At marshmallows!” dagdag ni Atticus, halos tumalon sa tuwa.“Easy lang,” natatawang sabi ni Drew habang hinahawakan niya ang balikat ni Atticus. “Hindi mawawala ’yan.”Lumapit si Gideon at umupo malapit sa apoy. “Okay, line up. Isa-isa lang.”“Me first!” sigaw ni Atlas.“No, me!” kontra ni Atticus.“Mga bata,” saway ni Yvee. “Walang mag-aaway, okay? Laha
Ilang sandali pa ay marahang tumayo si Yvee. “Sandali lang kayo diyan,” sabi niya habang pinapagpag ang buhangin sa damit. “Maghahanda ako ng iihawin, mga hotdog at marshmallows.”“Yey!” agad na sigaw ng kambal mula sa pagkakahiga nila. “Bilisan mo po, mommy!” dagdag ni Atlas.“Tulungan ka na po namin!” sabat ni Atticus, paangat na sana.“Hindi na,” natatawang pigil ni Yvee. “Diyan na lang kayo. Bantayan niyo ang apoy at makinig kayo kay Tito Drew at sa daddy niyo, okay?”“Yes po, mommy!” sabay na sagot ng kambal.Napailing si Yvee habang naglalakad pabalik sa rest house. Pagpasok niya sa kusina, agad niyang binuksan ang ilaw. Kumalat ang mainit na dilaw na liwanag sa maliit na espasyo. Dumiretso siya sa refrigerator at isa-isa niyang kinuha ang mga hotdog, marshmallows, at ilang stick na puwedeng gamiting pang-ihaw. “Need help?”Bahagyang napalingon si Yvee. Nakatayo si Gideon sa may pintuan. Nakasandal ito sa hamba at naka-cross ang mga braso sa dibdib nito.“Akala ko ba bantay
Matapos ang hapunan, hindi agad nagmadaling pumasok sa loob ng resthouse ang pamilyang Revamonte. Mas nanaig ang pananabik ng mga bata na manatili muna sa labas upang maranasan ang bonfire na kanina pa nila bukambibig.Sa gitna ng malamig na gabi ay may maliit na siga. Ang apoy ay marahang sumasayaw kasabay ng ihip ng hangin, habang paminsan-minsa’y may mumunting kahoy na pumuputok at nagbubuga ng maiinit na baga. Ang liwanag nito ay sapat upang tabunan ang dilim sa paligid at bigyan ng maaliwalas na init ang gabi.Naupo silang lahat paikot sa bonfire.Tahimik lamang si Drew sa kaniyang camping chair. Nakasandal siya habang pinagmamasdan niya ang kambal. May bahagyang ngiti sa labi niya habang sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ng mga bata.Samantala, si Atlas ay abalang-abala sa pamumulot ng maliliit na patpat sa paligid. Maya-maya, maingat niya iyong isinundot sa apoy, tila sabik makita kung paano agad nilalamon ng apoy ang kahoy.“Anak, dahan-dahan,” mabilis na saway ni Yvee
Sa loob ng bahay, mag-isang nakaupo si Yvee sa may hapag malapit sa bintana. Nasa harap niya ang isang baso ng tubig na matagal nang hindi nababawasan. Tahimik niyang pinagmamasdan ang munting alon na nililikha ng hangin sa malinaw nitong ibabaw. Dahan-dahan siyang napabuntong-hininga at isinandal ang likod sa upuan. Hindi niya maunawaan kung ano talaga ang nararamdaman niya. Maya-maya, isang marahang yabag ang gumambala sa katahimikan.Napatingala siya.Nakatayo roon si Gideon, bahagyang nakasandal sa pintuan habang pinagmamasdan siya. Hindi ito agad nagsalita, tila sinusukat muna kung tama bang lapitan siya sa sandaling iyon.“Ah… pagod ka ba?” tanong nito pagkaraan, kahit halatang alam naman na nito ang sagot.Mahinang tumango si Yvee. “Oo.”Bahagyang nagkamot sa batok si Gideon bago muling nagsalita. “Gusto mong… magpahinga na muna sa taas?“Hindi, isa pa ay kakatapos ko lang kumain.” Napalunok si Gideon, “Eh, ang maglakad?”“That would be nice,”; tugon ni Yvee. Tumayo si Yv
Sa dalampasigan, abala na sina Drew at ang kambal. Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang hangin mula sa dagat. Habang marahang humahampas ang alon sa pampang, kanya-kanyang yuko ang dalawa sa paghahanap ng mga kabibe.“Tito Drew! Tingnan mo ’to!” masiglang sigaw ni Atticus habang tumatakbo palapit, halos madulas pa sa buhangin. Inilahad niya ang palad niya kung saan nakapatong ang isang maliit na kabibe na kulay peach at puti.Lumuhod si Drew para mas makita iyon. “Uy, ang ganda ah. Mukhang perfect spiral pa.”Ngumisi si Atticus, halatang proud. “Sabi ko sa ’yo, ako ang pinakamagaling maghanap.”“Ha?” singit agad ni Atlas mula sa likuran nila. Lumapit ito na may hawak namang mas malaking kabibe na medyo kumikislap dahil basa pa ng tubig-dagat. “Mas maganda kaya ’to.”Napatingin si Drew sa hawak ni Atlas at napataas ang kilay. “Okay… mukhang may competition tayo rito.”“Opo,” mabilis na sagot ni Atticus habang nakakunot-noo na nakatingin sa kapatid niya.“Winner ako,” dagdag ni Atl
“Here, Ma’am,” magalang na sabi ng caretaker habang inaabot kay Yvee ang isang puting plato.“Thank you,” mahinang sagot niya, saka ito tinanggap gamit ang dalawang kamay.Mainit pa ang pagkain. Umaakyat ang amoy ng inihaw na isda at buttered shrimp sa hangin, humahalo sa maalat na simoy ng dagat na pumapasok mula sa bukas na bintana ng rest house. Sa labas, rinig ang tuloy-tuloy na hampas ng alon sa dalampasigan—payapa, pero sapat para punuin ang katahimikan sa pagitan nila.Tinanggap ni Yvee ang plato, at napatingin sa naghihilirang mga pagkain sa mesa. Amoy niya ang bahagyang halimuyak ng sabon at dagat na kumapit sa lalaki. Kahit na ilang oras ang byinahe nila ay napakabango pa rin nito at mukhang malinis. ‘Masyadong unfair ang mundo,’ sa isip-isip ni Yvee habang nagnanakaw ng sulyap kay Gideon. “Gusto mo nito?”Bahagyang napaangat ang tingin ni Yvee nang marinig ang boses ni Gideon sa tabi niya.Nakalahad ang kamay nito, may hawak na serving spoon ng calamares. Saglit siyang n
Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan
Ngumiti nang malapad si Edwin na para bang nagmamalaki pa siya sa ibinalita niya. “Yes. And finally, matapos ang ilang taon, handa na siyang ituloy ang naudlot niyong kasal. Kaya maghanda ka na, Yvee. This time—” Tumigil siya saglit at tinaasan ng kilay ang kaniyang anak. “Matutuloy na ang kasal ni
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni A



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



