LOGINWalang nagawa si Yvee kung hindi ang kumapit sa lalaki. Nahampas ulit niya sa inis si Gideon sa dibdib, pero imbes na magreklamo ang lalaki ay tumawa lang ito. Naglakad si Gideon pabalik sa tent kung saan nadatnan nilang nakangisi ang dalawang bata at mapanudyong nakatitig sa kanila. Dahan-dahan niyang ibinaba si Yvee sa tent. Kagat-kagat naman ni Yvee ang labi niya na halos magdugo na. Hiyang-hiya siya at nakita sila ng mga anak nila. “Mommy?” biglang nagsalita si Atticus.“Hmm?” nahihiyang tanong ni Yvee. Seryoso ang mukha ni Atticus. “Nagkiss na po kayo ni daddy, ‘di ba?” Napaubo si Yvee. “Atticus!” Dumagundong naman ang tawa ni Gideon. Halatang tuwang-tuwa siya sa nangyayari kaya naman mabilis na bumaling sa kanya si Yvee at sinamaan siya ng tingin. “Gideon, tuwang-tuwa ka yata, ah?” Natigil sa pagtawa si Gideon at napakamot na lang sa batok niya. “Hindi naman…” sabi niya, pilit pinipigilan ang ngiti. “Just a little happy?”Inirapan ni Yvee si Gideon bago siya agad bumalin
Napalunok lang si Yvee, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Tila ba naumid ang kaniyang dila at walang boses na lumalabas sa bibig niya. Masyado siyang na overwhelm sa mga narinig niya. It was the first time that someone confessed to her. Maganda siyap. Hindi niya ibababa ang sariling bangko. Pero halos lahat ng lalaki ay naiintimidate sa kaniya kaya sa mga nagdaang taon ay wala siyang naging kasintahan. Hanggang dates lang, at walang nangyayari sa huli. Kaya napakasarap pala sa pakiramdam na may taong nagsasabi na kamahal-mahal siya. Sa napakahabang panahon ay hindi niya naramdaman na kamahal-mahal siya. And it was Gideon who made her feel whole. Na kamahal-mahal siya, na may taong handang ibigay ang lahat sa kaniya. Napapikit si Yvee. Kinabahan naman agad si Gideon. “Are you okay?”Umiling si Yvee. Nanatili siyang nakayuko at nakapikit. Mabilis na inangat ni Gideon ang mukha ni Yvee. “What’s wrong?” Hindi sumagot si Yvee. Hindi rin siya nagmulat ng mata. Hinawakan niya
“Nang makita kita, hindi ko alam kung bakit iba agad ang nararamdaman ko sa iyo. Noong una akala ko ay may gusto ka sa akin kaya palagi kitang nakakasalubong. Kaya mas lalo akong naging confident na makukuha kita. Nagpasya akong kalimutan ang kung anong nararamdaman ko para sa inaakala kong ina ni Atlas. And I decided to pursue you. And I was disappointed when Atticus told me he wants you and his father to be together. Not knowing na ako pala ang tinutukoy niya. I acted like a child in front of him dahil sa kagustuhan kong mas piliin niya ako kaysa sa tatay niya. I realized, hindi lang kita gusto, Yvangeline. I want you in our lives. Dahil nakikita ko kung gaano mo kamahal si Atlas. At alam ko rin kung gaano ka nais ni Atlas na magkaroon ng ina. And I was stupid not to realized he knew you were his mother.” Bahagyang natawa si Gideon, inaalala ang katangahan niya. “I was determined to make you my wife and become Atlas’ mother. And I was stupid not to realise my true feelings for you.
“Nang ipinanganak ko ang kambal ay nagkaroon ng kidnapping. Dinukot si Atlas. I was devastated. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay. Kung paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay ako pa ang nawalan ng anak. Maiintindihan ko pa sana kung namatay dahil sa komplikasyon o ano. Pero hindi, eh. Kinuha siya sa akin. Halos ikabaliw ko ang pagkawala ni Atlas. Pero kinailangan kong magpakatatag dahil may Atticus pang umaasa sa akin. I had to endure it. Sinubukan kong maghire ng mga private investigator para mahanap si Atlas pero bigo ako. Hanggang sa nagpasya akong umalis ng bansa. Namuhay kami ni Atticus ng kami lang dalawa. Na wala kaming ibang kakampi, at sa bawat taong lumipas ay hindi ako sumuko na maghanap kay Atlas. Araw-araw ko ring ipinapaintindi kay Atticus na may kuya siya. Na balang araw ay mabubuo kami. Nagpasya kaming umuwi nang Pilipinas dahil may bagong lead sa kaso. Maniwala ka man o sa hindi ay hindi ko agad nalaman na
“Paano ba ako tumingin?” tanong ni Yvee.Nagkibit-balikat si Gideon. “Ewan, pakiramdam ko ay mawawala ka lang bigla. “Natigilan si Yvee. Napayuko siya at mariing niyakap ang kaniyang mga tuhod. “Ang dramatic mo.”“Hindi ako nagbibiro.”Mahinang napabuntong-hininga si Yvee. Hindi niya alam kung ano ang mas mahirap—ang magsinungaling o ang maramdamang may taong nakakakita sa tinatago niya?Muling nagsalita si Gideon, mas mahinahon na ngayon. “May gusto ka ba? Tubig? Kape?”Umiling si Yvee. Sandaling nagdalawang-isip si Gideon bago siya muling nagsalita. “May nakita akong alak sa loob.”Hindi agad sumagot si Yvee. Dapat hindi siya uminom, lalo pa at kasama nila ang mga bata. Dapat sapat na ang hangin, ang dagat, at ang presensya ng mga anak nila. Pero may mga gabing kahit anong lalim ng paghinga niya, hindi nawawala ang bigat sa puso niya. At ngayong gabi, gusto niya kahit saglit lang na manahimik ang isip niya. “Sige pero kaunti lang,” bulong niya.Tumingin si Gideon kay Yvee, tila si
Bandang alas nueve y media na ng gabi ay naka set-up na ang tent sa labas ng resthouse. Excited na excited na ang dalawang bata na matulog sa labas.Isang malaking tent ang naka-set up. At sa loob tent ay nakahiga na ang kambal na sina Atticus at Atlas. Napapagitnaan sila nina Gideon at Yvee.“Mommy, yakap po!” malambing na wika ni Atticus sa ina saka yumakap.Humarap si Yvee sa anak at yumakap rin. “Okay—”Nang humarap si Yvee ay nanigas siya nang makita niya si Gideon na nakaharap sa kaniya. Mariin itong nakatitig sa kaniya.“Daddy, yakapin mo rin po ako!” ungot ni Atlas.Natawa si Gideon at niyakap din pabalik si Atlas. Pero habang nakatawa siya ay ang buong atensyon niya ay na kay Yvee. She’s so close yet so far. Kahit pa magkatabi sila ay malayo ang isipan nito.“Mommy…” mahinang tawag ni Atticus habang nakapikit na. “Happy po ako kasi complete tayo ngayon.”Nanikip ang dibdib ni Yvee. Alam niya naman na kahit sinong bata ay mag nanais na magkaroon ng buong pamilya. Pero hindi ni
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan
Ngumiti nang malapad si Edwin na para bang nagmamalaki pa siya sa ibinalita niya. “Yes. And finally, matapos ang ilang taon, handa na siyang ituloy ang naudlot niyong kasal. Kaya maghanda ka na, Yvee. This time—” Tumigil siya saglit at tinaasan ng kilay ang kaniyang anak. “Matutuloy na ang kasal ni
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni A
Prenteng nakaupo sa sofa sina Gideon at ang doktor. Nag-uusap sila ng seryoso. “Sa mga ganitong kaso,” paliwanag ng doktor. “May mga batang mas mabilis ang progress kapag ang nag-aalaga o nagtuturo sa kanila ay biologically related. Halimbawa, birthmother nila. Emotional connection lang ‘yon pero







