LOGINNagising si Yvee dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya at tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Daig niya pa ang sumali sa marathon sa sobrang pagod na nararamdaman niya.Dahan-dahang dumilat so Yvee. Bumungad sa kaniya ang kulay tsokolateng kisame at puting ilaw. Isang pamilyar na hindi pamilyar na kuwarto. At bago pa niya tuluyang maunawaan ang lahat ay may naramdaman siyang mainit na bagay sa tabi niya. De javu… Para siyang ibinabalik sa nakaraan. Dahan-dahan siyang napalingon at doon tumigil ang mundo niya. Nakita ni Yvee si Gideon na mahimbing ang tulog at walang suot na pang-itaas na damit. Bigla itong gumalaw at bumaling sa gawi niya, bumaba nang kaunti ang kumot nito at napalunok siya nang masilip niyang wala itong suot na pang-ibaba. Napatingin si Yvee sa sarili niya. Unti-unti niyang inangat ang kumot at mariin siyang napapikit. Sa isang iglap ay napagtanto niya ang lahat—kung ano ang nangyari kagabi.Katulad ni Gideon ay wala ring su
Habang papaakyat sina Gideon at Yvee sa second floor ay hawak-hawak ni Gideon ang kamay ni Yvee. Inaalalayan niya ito sa bawat hakbang nila. Hanggang sa makarating sila sa second floor. Sumalubong sa kanila ang may kadilimang hallway ng inn. Medyo may kalumaan na rin ang kulay ng pintura sa pader, ang ilaw rin ay halos wala ng liwanag. Nakarating sina Gideon at Yvee sa tapat ng room 18. Kinuha ni Gideon ang susi ng kuwarto at sinubukang buksan ang pinto. Habang nakahawak si Yvee sa kaniya—tila wala pa rin sa sarili. Pagbukas pa lang ng pinto ay inalalayan muli ni Gideon si Yvee. Hilong-hilo pa rin si Yvee, kaya kapit na kapit siya kay Gideon. Umiikot ang buong mundo niya at pakiramdam niya ay isang maling hakbang niya lang ay gugulong na siya sa sahig. “Kaya mo pa?” tanong ni Gideon nang mapansin niyang pumipikit-pikit pa si Yvee. Sabay na napahinto sina Yvee at Gideon nang makapasok sila sa loob. Para bang parehong nagpoproseso sa utak nila ang nakita nila. Ang inaasahan nila
Parehong napalingon sina Gideon at Yvee nang marinig nila ang boses na iyon. Isang lalaking nakasuot ng kaswal na damit at shades ang nasa likuran nila. Mukha itong turista dahil mestizo ang balat nito. “Long time no see,” sabi ng lalaki sabay abot ng kamay niya. “Kumusta, Peter?” bati pabalik ni Gideon. Nagkamayan silang dalawa. “I am doing fine. Busy sa trabaho at anak ko—” Natigilan si Gideon nang mapansin niyang nakatingin si Peter kay Yvee. Tumikhim si Peter. “Sino itong magandang dilag sa tabi mo? Is this your wife?” Unti-unting lumiwanag ang ekspresyon ni Gideon at hinila papalapit si Yvee sa kaniya. “Well… this is my girlfriend—my soon-to-be-wife—” “Gideon!” saway ni Yvee nang marinig niya iyon at bumulong. “Ano ka ba? Nakakahiya, kahapon lang tayo naging mag-on.” Natawa si Gideon. “Do’n din naman ‘yon papunta, ‘di ba?” “P-Pero nakakahiya!” giit ni Yvee. Tumikhim si Peter. “What a lovely couple. Care to catch up with me, Gideon? Mukhang marami-rami tayon
Bandang tanghali nang magising sina Yvee at Gideon dahil sa mainit na ang sikat ng araw. Nagpasya muna silang maglakad-lakad sa dalampasigan. Ninanamnam nila ang sariwang hangin at magandang tanawin. Minsan ay nagkakasabay ang mga hakbang nila. Minsan naman ay nagkakasalubong ang kanilang mga kamay hanggang sa kusa na lang hinawakan ni Gideon ang kamay ni Yvee. Hindi na siya nagpaalam. Hindi na rin siya nagtanong. Napatingin si Yvee sa kamay niyang hawak na ngayon ni Gideon. Kinakabahan siya pero hindi niya magawang hilahin ang kamay niya papalayo. “Grabe ka talaga,” sabi niya, pilit na kalmado. “Hindi ka ba marunong magtanong muna o magpaalam man lang?”Bahagyang ngumiti si Gideon. Hindi siya tumitingin kay Yvee. “Kung magtatanong pa ako ay baka umatras ka pa. Isa pa, I am your boyfriend now. Holding your hand is one of my rights as your boyfriend.”Ngumiwi si Yvee. “P’wede ka namang magtanong muna. Masyado ka lang asyumero.”“Realistic,” sagot ni Gideon.Napailing si Yvee pero hin
FlashbackIsang tahimik na umaga. Nakaupo sa wheelchair ang ina ni Yvee. Ang kaniyang anak naman ay nakaupo sa kaniyang paanan. Nasa tabing-dagat sila. Hinihintay nila ang pagsikat ng araw. Mahina niyang hinahaplos ang mahabang buhok ng kaniyanh anak habang nakatingin sila sa sumisikat na araw. “Yvee…” mahinang tawag niya.Agad na lumingon si Yvee sa kaniyang ina. “Mommy” sagot niya. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha.Ngumiti ang ina ni Yvee. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod at panghihina pero kahit gano’n ay malambing siyang nakatingin sa kaniyang anak. “Ang ganda ng umaga, ’no?” aniya.Tumango si Yvee kahit hindi niya kayang magpakatotoo sa sandaling iyon. Dahil alam niyang unti-unti na siyang mawawalan. Natatakot siyang kumurap dahil baka sa isang iglap ay maglaho ito sa harapan niya. Dahan-dahang hinawakan ng ina niya ang kamay niya. Mahina ang kapit nito ngunit ramdam niya ang init ng palad nito.“Anak,” sabi ng ina ni Yvee, halos pabulong. “Marami ka pang pagdadaana
Bumalik si Gideon sa kasalukuyan, ngunit nanatili ang bigat sa mga mata niya. “Doon ko siya nakita,” mahina niyang sabi. “Nakasilong lang siya sa isang maliit na basket sa gitna ng ulan. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung ano ang gagawin ko. Kung kukunin ko ba siya o hindi. Pero palakas nang palakas ang iyak niya. Kaya kinuha ko siya—” Saglit na natigilan si Gideon. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing maaalala ang tagpong iyon. “Napakaliit niya. Mas malaki pa yata ang bote ng alak kaysa sa kaniya pero napakalakas ng iyak niya noong gabing iyon. Sinugod namin siya sa hospital at sabi ng doctor ay kung hindi agad namin siya nadala noong gabing iyon ay baka wala na siya ngayon.”Napatingin si Yvee kay Gideon, parang naninikip ang dibdib niya habang iniisip na muntik nang mawala ang anak niya. Paano kung hindi dumating si Gideon noong gabing ‘yon? Sana ay habang-buhay lang siyang maghahanap sa anak niya?“Kinailangang manatili si Atlas sa NICU ng isang buwan. At habang naroon siya ay nag
“When is mommy not coming back?” tanong ni Atlas sa sarili. Nakaupo siya sa sofa habang tahimik na nakatingin sa may pintuan. Hinihintay niya ang pagbabalik ng ina niya. Matapos silang magpalit ni Atticus ng damit ay pinapasok siya nito sa unit nila. Halos kalahating oras na ang lumipas, pero hindi
Biglang tumaas ang kilay ni Rania. “Are you insane? We’re in the city at ang amo ko ay si Mr. Gideon mismo. Kaya anong pinagsasabi mo? Masyado kang pakialamera.”“Let me see the kid,” mariing giit ni Yvee habang sinusubukan niyang itulak ang babae para makapasok.Pero mabilis ding itinulak ng babae
Kumurap si Atticus, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa harap niya ay isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa ilang taon niyang nabubuhay, hindi kailanman naging malinaw sa kaniya kung ano talaga ang hitsura ng kapatid niya. Masyado pa itong bata nang mawalay ito sa kanila at gano’n
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang







