LOGIN“Mommy! Ang linaw!” sigaw ni Atticus.“Kita ko ’yong ilalim!” dagdag ni Atlas habang excited na itinuturo ang mga maliliit na isdang dumaraan.Hinawi ni Yvee ang buhok na nililipad ng hangin habang pinagmamasdan ang dalawa niyang anak. Malamig ang simoy ng dagat at sa unang pagkakataon, matapos ang mahabang panahon, pakiramdam niya ay wala muna siyang kailangang isipin. Napakunot ang noo niya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Sa gilid ng paningin niya, nakita niya si Gideon. Hindi sa dagat nakatuon ang tingin nito kung hindi, sa kaniya.“Anong iniisip mo?” tanong ni Yvee nang hindi niya direktang nililingon si Gideon.Bahagyang ngumiti si Gideon bago tumingin saglit sa kambal. “Kayo…ang pamilya natin.”Napalingon si Yvee kay Gideon. “What?”“Kayo.”Saglit na natahimik si Yvee. Hindi niya alam kung paano siya sasagot sa sinabi ni Gideon. Maingat siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Ilang minuto pa ang lumipas bago dahan-dahang huminto ang bangka sa gilid ng isang mali
Tahimik silang kumain. Tanging lagitik lang ng mga kubyertos at mahinang hampas ng alon mula sa hindi-kalayuan ang maririnig. Paminsan-minsan ay may mahinang tawanan mula sa kambal habang nagkukuwento ng kung anu-ano tungkol. Ilang minuto pa ang lumipas bago nila isa-isang naibaba ang mga kubyertos.“Mommy,” biglang tawag ni Atlas habang nakasandal sa upuan. “After breakfast, p'wede po ba ulit tayong pumunta sa beach?”“Beach na naman?” kunwaring reklamo ni Yvee, kahit may bahagyang aliw sa boses niya.“Yes po!” sabay na sagot ng kambal.“Please?” dagdag pa ni Atticus habang nakangiti nang ubod ng tamis.Napabuntong-hininga si Yvee at napalingon kay Gideon na agad namang ngumiti na parang matagal ng may sagot.“Game ako,” sabi ni Gideon.“Of course game ka,” mahinang bulong ni Yvee habang umiinom ng tubig.“Basta kasama ka,” mabilis na sagot ni Gideon.Saglit na napatigil si Yvee. Napakurap siya bago marahang tumingin kay Gideon.“Gideon,” babala ni Yvee, mababa ang tinig.“Hmm?” in
“Atlas!” gulat na saway ni Yvee.“Po?” inosenteng sagot ni Atlas. “Totoo naman po eh! Tayo po ang magkatabi, mommy. Si daddy nasa gilid lang po siya.”“I know, but you don’t have to shout guys. Hindi sila bingi. Sige na, anak.” Ngumuso si Atlas. “Sorry po, mommy.” Humarap siya sa gawi nina Drew at ng lola nila. “Sorry po tito and Ahma.” Napatawa si Drew. “Walang problema, bud. Ikaw pa ba? Malakas ka sa amin.”“Umupo na nga kayo,” sabi ni Gideon, halatang naiilang na siya pero may ngiti sa labi niya. Hindi niya maipagkakailang maganda ang gising niya ngayong araw. He confessed his feelings for Yvee. At higit sa lahat ay magkaayos na sila. Halos ikabaliw niya ang hindi nila pagkakaunawaan nito ng ilang araw. Muntik na nga niyang sugurin ang kapatid nitong si Ereena at ipakulong dahil sa panggugulo nito. Mabuti na lang at pinigilan siya ni Drew. “Breakfast muna bago ang interrogation,” dagdag ni Drew.Napabuntong-hininga si Yvee habang umuupo. Pero sa kabila ng pang-aasar ni Drew ay
Maagang sumilip ang araw sa loob ng tent. Mahina ang tunog ng alon, halo sa huni ng ibon…isang tahimik at preskong umaga. Dahan-dahang nagmulat si Yvee ng mata at saka bahagyang napaunat pero agad din siyang napatigil nang maramdaman niya ang bigat sa magkabilang gilid niya.Paglingon ni Yvee ay nakapulupot sa kaniya si Atlas sa kaliwa, nakayakap sa braso niya. Sa kanan naman, si Atticus, halos nakadagan pa ang paa sa kaniya. At sa kabilang side ay si Gideon. Nakahiga, nakapikit pa, pero halatang gising na rin base sa bahagyang paggalaw ng labi nito. “Mommy…” mahinang bulong ni Atlas, hindi pa nakadilat. “Good morning po…”Ngumiti si Yvee, saka marahang hinaplos ang buhok ni Atlas. “Good morning, baby.”“Mommy…” sunod na bulong ni Atticus, saka gumapang palapit at yumakap sa kaniyang ina. “Ang sarap pong matulog dito…”“Hmm,” sagot ni Yvee. “Pero ang bigat niyo pareho.”Napatawa si Atticus, saka mas lalo pang yumakap. “Eh! Miss na miss na po kita, mommy saka this is lambing!”“Saan m
Walang nagawa si Yvee kung hindi ang kumapit sa lalaki. Nahampas ulit niya sa inis si Gideon sa dibdib, pero imbes na magreklamo ang lalaki ay tumawa lang ito. Naglakad si Gideon pabalik sa tent kung saan nadatnan nilang nakangisi ang dalawang bata at mapanudyong nakatitig sa kanila. Dahan-dahan niyang ibinaba si Yvee sa tent. Kagat-kagat naman ni Yvee ang labi niya na halos magdugo na. Hiyang-hiya siya at nakita sila ng mga anak nila. “Mommy?” biglang nagsalita si Atticus.“Hmm?” nahihiyang tanong ni Yvee. Seryoso ang mukha ni Atticus. “Nagkiss na po kayo ni daddy, ‘di ba?” Napaubo si Yvee. “Atticus!” Dumagundong naman ang tawa ni Gideon. Halatang tuwang-tuwa siya sa nangyayari kaya naman mabilis na bumaling sa kanya si Yvee at sinamaan siya ng tingin. “Gideon, tuwang-tuwa ka yata, ah?” Natigil sa pagtawa si Gideon at napakamot na lang sa batok niya. “Hindi naman…” sabi niya, pilit pinipigilan ang ngiti. “Just a little happy?”Inirapan ni Yvee si Gideon bago siya agad bumalin
Napalunok lang si Yvee, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Tila ba naumid ang kaniyang dila at walang boses na lumalabas sa bibig niya. Masyado siyang na overwhelm sa mga narinig niya. It was the first time that someone confessed to her. Maganda siyap. Hindi niya ibababa ang sariling bangko. Pero halos lahat ng lalaki ay naiintimidate sa kaniya kaya sa mga nagdaang taon ay wala siyang naging kasintahan. Hanggang dates lang, at walang nangyayari sa huli. Kaya napakasarap pala sa pakiramdam na may taong nagsasabi na kamahal-mahal siya. Sa napakahabang panahon ay hindi niya naramdaman na kamahal-mahal siya. And it was Gideon who made her feel whole. Na kamahal-mahal siya, na may taong handang ibigay ang lahat sa kaniya. Napapikit si Yvee. Kinabahan naman agad si Gideon. “Are you okay?”Umiling si Yvee. Nanatili siyang nakayuko at nakapikit. Mabilis na inangat ni Gideon ang mukha ni Yvee. “What’s wrong?” Hindi sumagot si Yvee. Hindi rin siya nagmulat ng mata. Hinawakan niya
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b
“Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil
Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan







