Share

Kabanata 201

Author: Docky
last update publish date: 2026-05-24 02:08:05

Maagang naging abala ang buong Revamonte mansion.

Sa gitna ng malaking salas, nakaupo si Yvee sa carpet kasama ang kambal na sina Atticus at Atlas. Nakakalat sa center table ang ilang folders, notepad, ballpen, at tablet na ginagamit nila sa paglista ng mga bisita. Samantalang si Ahma naman ay komportableng nakaupo sa sofa habang suot ang reading glasses nito.

“Hindi p'wedeng simpleng engagement party lang ito,” seryosong sabi ni Ahma habang may sinusulat sa hawak na notebook. “Revamonte engage
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 20

    Lumipas pa ang halos tatlumpung minuto. Hanggang sa bumukas ang pintuan. Naunang lumabas ang stylist. "Sir, ready na po si Miss Monteverde."Tumayo si Drew. Kaswal lang sana niyang lilingunin ang pint0 ngunit nang lumabas na mula roon si Iya. Biglang tumigil ang lahat. Nawala ang ingay. Huminto ang oras. Para bang huminto ang pag-ikot ng mundo.Nakasuot si Iya ng isang eleganteng off-shoulder evening gown na kulay champagne. Lalong luminaw ang kaniyang maputing balat. Natural lamang ang makeup niya ngunit lalo nitong inilabas ang kaniyang kagandahan. Malambot ang pagkakakulot ng kaniyang buhok na nakalaylay sa isang balikat. May suot siyang simpleng diamond earrings, manipis na kuwintas at pares ng high heels na lalo pang nagpahaba sa kaniyang tindig. Hindi na siya mukhang sekretarya. Mas lalong hindi na rin siya mukhang ordinaryong babae. Para na siyang isang prinsesa. Hindi, mas bagay siyang tawaging reyna.Hindi namalayan ni Drew na nakatitig na pala siya kay Iya. Hindi rin niya n

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 19

    Abala pa rin ang mga tauhan ng Revamonte Group sa pag-aayos ng dalawang condominium unit nang marahang tinapik ni Drew ang balikat ni Iya."Sumama ka sa akin."Napalingon si Iya. "Saan?""Sa unit ko."Natigilan si Iya. “H-Ha? A-Anong gagawin natin doon? B-Bakit isasama mo a-ako?” Napalunok siya. Kung ano-ano na agad ang sumagi sa isip niya.Hindi sumagot si Drew. Tahimik lang siyang naglakad patungo sa katabing unit. Napilitan siya Iya na sumunod sa boss niya habang nagtataka siya kung ano na naman ang nasa isip ng kaniyang boss.Pagkabukas pa lamang ng pinto ay bumungad agad ang napakalawak na penthouse unit. Mas elegante, mas moderno at mas malawak kaysa sa dalawang unit na ibinigay ni Drew kay Iya.Napanganga si Iya. "Grabe, parang hotel." Hindi pa man siya nakakahakbang nang tuluyan sa loob ay may apat na babae ang sabay-sabay na lumapit."Good afternoon, Miss Monteverde!"Napakurap si Iya. “Ano na naman ito?" Lumabas naman mula sa dining area si Gibo na may hawak na tablet. "Fi

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 18

    Tahimik ang buong biyahe matapos nilang mamili. Nakaupo si Iya sa passenger seat habang paulit-ulit na sinusulyapan ang mga paper bags na nasa likuran ng sasakyan. Hindi pa rin siya makapaniwalang lahat ng iyon ay para sa kaniya.Wala namang anumang emosyon sa mukha ni Drew habang nakatutok sa pagmamaneho. Para bang ordinaryong araw lang ang lahat ng nangyari.Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakataas at marangyang condominium building sa sentro ng lungsod.Napakunot ang noo ni Iya. "Sir—"“Drop the honorifics, Iya." "Sorry. Nasanay na po kasi akong tinatawag kayong sir.”"I said drop it. Huwag mo rin akong po in.”Napangibit si Iya. Napalunok siya bago siya muling nagsalita. "Drew... bakit tayo nandito?"Hindi agad sumagot si Drew. Tahimik lamang siyang bumaba ng sasakyan saka umikot upang pagbuksan siya ng pinto."Sumunod ka na lang."Nag-aalinlangan mang bumaba ay sumunod pa rin si Iya. Napakaganda ng lobby ng condominium. Kumikinang ang marmol na sahig h

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 17

    Ilang sandali lamang, nakarating na sina Iya at Drew sa Revamonte Jewel House. Isa rin iyong pag-aari ng pamilya Revamonte. Napanganga si Iya. Lahat ng nakadisplay ay kumikinang.May diamond necklace, emerald sets, ruby collections, pearls at maging mga limited edition pieces. "Sir, talaga po bang need pa ng mga ganito? Ang mamahal po ng mga alahas dito," bulalas ni Iya. "Mas mahal ka kaysa sa mga ‘yan, Iya," tugon ni Drew na ikinagulat niya at ng sekretarya niya. “I-Ibig kong sabihin—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi pa rin sila tuluyang nakakapasok sa jewel house. Tiningnan ni Drew ang screen. Isa sa mga board of directors ang tumatawag sa kaniya. Napabuntong-hininga siya. "Iya." "Yes, Sir?" "I have to take this call." Tumango si Iya. "Habang wala ako..." Tumingin si Drew kay Iya. “Pumasok ka na sa loob at pumili ka ng mga alahas na gusto mo.” "P-Pero Sir Drew, masyado na po—” "No buts, Iya. You need to do as I say.

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 16

    Mula nang mangyari ang komprontasyon nila ni Alessandra sa opisina, mas naging seryoso si Drew sa papel na ginagampanan nila ni Iyan bilang magkasintahan, hindi dahil gusto niyang lokohin ang lahat. Kailangan niya lamang maging kapani-paniwala.Alam ni Drew na hindi titigil si Alessandra at lalong hindi titigil ang kaniyang lola kaya sa mismong araw na iyon, matapos ang office hours ay nagdesisyon na siyang ipapakilala na niya si Iya bilang girlfriend niya kay Ahma.Naglakad si Drew palabas ng opisina habang sinusundan siya ni Iya."Sir... saan po tayo pupunta?"Hindi nilingon ni Drew si Iya. "As I’ve said, we will go shopping."Napakurap si Iya."Ha? Seryoso po ba talaga kayo roon?"Tumigil si Drew sa paglalakad at saka niya nilingon ang sekretarya niya. "Hindi magiging kapani-paniwala ang pagpapanggap natin kung wala kang maayos na wardrobe.""S-Sir, marami naman po akong damit.""I know." Malamig pa rin ang boses ni Drew. "But my girlfriend doesn't wear worn-out office blouses outsi

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 15

    Hindi na pinigilan ng kahit sino si Alessandra nang dumiretso siya sa opisina ni Drew. Bumukas ang pinto at agad siyang sinalubong ng isang malamig at galit na tingin."What are you doing here?" diretsong tanong ni Drew.Ngumiti si Alessandra, isang kumpiyansang ngiti. "I'm here to claim what's mine." Tahimik siyang tinitigan ni Drew. Lumapit siya. "You are mine, Drew." Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya. "We are about to get married." Huminto siya at tumingin sa paligid. "At walang makakapigil noon." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "Kahit pa ang bago mong girlfriend."Natahimik ang buong opisina ni Drew Revamonte matapos ang huling sinabi ni Alessandra. Para sa ibang tao, maaaring nakakatakot ang kumpiyansang dala ng babae sa harap ni Drew pero para sa kaniya, nakakatawa lamang iyon. At hindi niya napigilan ang maikling pagtawa. Isang malamig ngunit malinaw na tawa na nagpahinto kay Alessandra.Napakunot ang noo ni Alessandra. "What’s funny?"Dahan-dahang umilin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status