LOGIN“Alessandra,” malamig na tawag ni Ahma ngunit hindi ito nakinig sa kaniya.“Mas matagal tayong nagmahalan! Mas ako ang nararapat! Drew! Sabihin mong biro lang 'to!”“Alessandra.” Mas lumamig ang tinig ng matriyarka ngunit patuloy pa rin ito sa pagsigaw. Hanggang sa…“UMUPO KA!”Napatalon sa gulat ang lahat. Maging si Alessandra ay natigilan. Ngayon lang nila narinig si Ahma na sumigaw nang ganoong kalakas.“D-Doña...” ani Alessandra.“Umupo ka.” Mahinahon na ulit ang boses ni Ahma ngunit mas nakakatakot iyon.Dahan-dahang naupo si Alessandra. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.Kasunod noon, pumalakpak si Ahma. Isa. Dalawa. Tatlo. Palakas nang palakas. Nagkatinginan sina Drew at Iya. Naguguluhan na rin ang lahat.Maya-maya ay mabilis na tumakbo ang matriyarka patungo sa kinaroroonan nina Drew at Iya.“Ahma?” nagtatakang tawag ni Drew. Ngunit sa halip na siya ang yakapin, dumiretso ang lola niya kay Iya at mahigpit itong niyakap.“A-Ahma?” gulat na sabi ni Iya.“Salamat!” masaya
Tahimik ang buong hardin. Lahat ng mata ay nakatuon kina Drew at Iya.Patuloy na nakaluhod si Drew habang mahigpit na hawak ang maliit na velvet box. Sa loob nito ay kumikislap ang isang napakagandang diamond ring na tila sumasalamin sa bawat ilaw ng hardin.“Iya...” Mahina ngunit matatag ang boses niya. “Will you marry me?”Nanginginig ang mga kamay ni Iya. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi... Hindi ito ang napag-usapan nila. Wala sa kontrata ang proposal. Lalo nang wala sa usapan ang kasal.Napalunok si Iya bago yumuko nang bahagya upang tanging si Drew lang ang makarinig. “Drew...” mahina niyang bulong. “Bakit mo ginagawa 'to? Hindi ito kasama sa kontrata.”Bahagyang ngumiti ang binata. “Hindi nga pero kailangan natin itong gawin.”Napakurap si Iya. “Ano?”Mahina ring bulong ni Drew. “Naniniwala si Ahma na hindi kita mahal. Kung tatanggi ka ngayon... wala nang maniniwala sa relasyon natin.”Napapikit si Iya. May punto si Drew. Pero... Pr
Biglang napalunok nang sunod-sunod si Iya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga nang maayos. "Drew..." mahina niyang tawag ngunit hindi siya pinansin ng binata. Nakatingin lamang ito kay Ahma. "Ahma, sabi mo noon sa akin, kapag nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay…ipakilala ko siya agad sa'yo." Bahagyang ngumiti si Drew. "Ahma...Nahanap ko na siya." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Iya. "At wala na akong ibang gustong makasama habambuhay kung hindi si Iya." Nanlaki ang mga mata ni Iya. Parang may sumabog sa kaniyang dibdib. Kung hindi lamang niya alam na bahagi iyon ng kanilang pagpapanggap, marahil ay naniniwala na siyang totoo ang lahat. Hindi niya napansing namumuo na pala ang luha sa kaniyang mga mata. Samantala, si Alessandra ay halos maputol ang mga kuko sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kaniyang kamao. Hindi siya makapaniwalang ipagtatanggol at ipaglalaban ni Drew sa ibang babae kay Ahma! Hindi n
Natigilan si Iya. Maging si Alessandra ay napangisi. Napakunot naman ang noo ni Drew. "Ahma, she's my girlfriend. Bakit ayaw mong maniwala? Ikaw itong hamit na hamit na magkaroon ulit ako ng nobya tapos ngayong naiharap ko na siya sa'yo, ayaw mo namang maniwala." Umiling ang matanda. "Hindi ako naniniwala na walang pangalang babae ang napili mo, Drew. Sa dinami-rami ng mga tagapagmanang dilag na inireto ko sa'yo, sa dinami-rami ng mga nagkakandarapa sa iyo, sa kaniya ka nahulog? Sa isang ordinaryong babae? Hindi ko alam na gan'yan pala ang taste mo." Bumaling siya kay Iya. "I'm sorry, hija. Si Drew na lamang ang natitirang apo ko at mahal na mahal ko ang pilyong batang ‘yan. I only want the best for him.”“Ahma—”"Drew, tigilan mo na ang kasinungalingang ito,” dismayadong turan ni Ahma."Ahma naman. Bakit ba ayaw mong maniwalang girlfriend ko nga si Iya," pagmamatigas ni Drew."Dahil kilala kita. Kung totoong girlfriend mo siya, dapat noon mo pa siya ipinakilala. At isa pa..." Tumin
Huminto ang itim na Rolls-Royce sa harap ng Revamonte Mansion.Namangha na naman si Iya sa lawak ng tahanan ng pamilya ni Drew. Ang bawat ilaw sa hardin ay nagbibigay ng mainit na liwanag sa napakalaking mansyon, habang nakahanay ang mga luxury cars sa driveway.Huminga nang malalim si Iya. "Drew..."Napalingon ang binata. "Kinakabahan ka?"Mahinang tumango si Iya. "Sobra. Normal lang ba 'to? Hindi pa ako nakakaharap ng ganitong klaseng pamilya."Bahagyang ngumiti si Drew. "Oo normal lang na kabahan ka dahil my family are strangers to you and we are doing an act. Relax ka lang. Pamilya ko lang sila."Napatawa si Iya. "Pamilya mo lang? Drew, ang apelyido mo ay Revamonte. Hindi 'yan ordinaryong pamilya."Hindi na nakipagtalo si Drew. Sa halip ay iniabot niya ang kaniyang sekretarya. "Come here."Napatingin si Iya kay Drew. “B-Bakit?"Ikawit mo ang kamay mo sa braso ko."Napalunok si Iya. "S-Seryoso ka ba?""Magkasintahan tayo, Iya. Don't forget that. Maghihinala sila lalo na si Ahma kun
Lumipas pa ang halos tatlumpung minuto. Hanggang sa bumukas ang pintuan. Naunang lumabas ang stylist. "Sir, ready na po si Miss Monteverde."Tumayo si Drew. Kaswal lang sana niyang lilingunin ang pint0 ngunit nang lumabas na mula roon si Iya. Biglang tumigil ang lahat. Nawala ang ingay. Huminto ang oras. Para bang huminto ang pag-ikot ng mundo.Nakasuot si Iya ng isang eleganteng off-shoulder evening gown na kulay champagne. Lalong luminaw ang kaniyang maputing balat. Natural lamang ang makeup niya ngunit lalo nitong inilabas ang kaniyang kagandahan. Malambot ang pagkakakulot ng kaniyang buhok na nakalaylay sa isang balikat. May suot siyang simpleng diamond earrings, manipis na kuwintas at pares ng high heels na lalo pang nagpahaba sa kaniyang tindig. Hindi na siya mukhang sekretarya. Mas lalong hindi na rin siya mukhang ordinaryong babae. Para na siyang isang prinsesa. Hindi, mas bagay siyang tawaging reyna.Hindi namalayan ni Drew na nakatitig na pala siya kay Iya. Hindi rin niya n







