MasukSa gitna ng masayang asaran, naramdaman ni Yvee ang paglapit ng kambal. Umakyat si Atlas sa bakanteng upuan sa tabi niya, habang si Atticus naman ay tumayo sa pagitan nina Gideon at Yvee."Mommy, may cake na po sa labas. Pwede na po ba kaming kumain ni Atticus?" tanong ni Atlas, habang itinuturo ang malaking tatlong-palapag na puting kasal na cake na may dekorasyong mga sariwang bulaklak."Oo naman, pero dapat ubusin niyo muna ang kanin at ulam niyo, okay?" malambing na sagot ni Yvee habang inaayos ang nagulong buhok ng anak."Opo, Mommy! Kakainin ko po lahat para maging malakas ako, para matulungan ko si Daddy na mag-alaga ng baby sister!" seryosong sagot ni Atlas.Napatigil si Drew sa pag-inom, habang si Gideon naman ay napailing na lang habang tumatawa nang mahigpit. Mukhang kahit ang kambal ay seryoso na rin sa hiling ni Ahma.Tumingin si Yvee kay Gideon, at sa ilalim ng mesa, naramdaman niya ang marahang paghawak ng lalaki sa kanyang kamay. Walang pangamba, walang takot. Sa bawat
Nagsimula ang seremonya sa isang taimtim na panalangin mula sa pari . Habang nagsasalita ito, nanatiling magkahawak ang mga kamay nina Gideon at Yvee sa harap ng altar. Nararamdaman ni Yvee ang banayad na pagguhit ni Gideon sa ibabaw ng kanyang balat—isang pamilyar na galaw ng lalaki na palaging nagpapababa ng anumang natitirang tensyon sa kanyang katawan."Ang kasal ay hindi lang pag-iisang-dibdib ng dalawang tao," panimula ng pari , ang boses ay umaalingawngaw sa buong garden. "Ito ay pagtatatag ng isang bagong tahanan. Isang kanlungan kung saan ang bawat isa ay may pangakong magiging kalasag at kakampi, sa hirap man o sa ginhawa."Nang dumating ang bahagi ng palitan ng mga sumpaan o wedding vows, humarap si Gideon nang buong-buo kay Yvee. Kinuha niya ang mikropono, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig lang sa mukha ng asawa, tila ba nawala ang lahat ng ibang tao sa paligid."Yvee," panimula ni Gideon, ang kanyang baritonong boses ay mas malambing kaysa sa karaniwan n
Agad na lumuhod si Gideon sa sahig upang pantayan ang taas ng kaniyang mga anak. Sinuri niya ang hitsura ng dalawa—maayos ang pagkaka-gel ng buhok ng mga ito, bagamat si Atlas ay may kaunting dumi na ng chocolate sa gilid ng labi."Atlas, ano itong nasa mukha mo?" natatawang tanong ni Gideon habang kinukuha ang panyo sa kaniyang bulsa para punasan ang mukha ng anak. "Hindi pa nga nagsisimula ang kasal, may bawas na agad ang handaan?""Si Tito Drew po kasi, binigyan kami ng chocolate cupcake habang nag-aayos si Mommy," sumbong ni Atlas, sabay ngiti nang malawak na nagpakita ng kaniyang mga ngipin. "Sabi niya bawal daw sabihin sa 'yo, pero nagtanong ka po kaya sinabi ko na.""Lagot na naman si Tito Drew mo kay Ahma mamaya," natatawang sabi ni Gideon bago hinarap si Atticus na seryosong inaayos ang kaniyang bow tie. "Ikaw, Atticus, kumusta? Handa mo na ba ang mga singsing?""Yes, Daddy. Hawak po ng coordinator 'yung unan, pero ako po ang magdadala mamaya," sagot ni Atticus, seryoso ang t
Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Ang dalawang linggong iyon ang nagsilbing pinakatahimik at pinakapayapang mga araw sa buhay ni Yvee. Tapos na ang magulo at nakakatakot na kabanata ng buhay niya. Tuluyan na rin niyang pinalaya ang sarili niya sa mga kadenang nakakamit sa kamay at mga paa niya. Wala nang ingay ng mga tsismis, wala nang takot sa mga banta, at tuluyan nang naging tahimik ang usapin sa korte habang nagdurusa sa loob ng rehas ang mga taong nanakit sa kaniya.At ngayon, ang araw na pinakahihintay ng lahat ay dumating na.Gaganapin ang kasal sa isang eksklusibo at pribadong garden resort na pag-aari ng mga Revamonte. Ayon sa kahilingan ni Yvee, ito ay isang simple ngunit napakasolemne at eleganteng kasal. Puti at pastel na mga bulaklak ang nakapaligid sa altar, habang ang banayad na simoy ng hangin at ang huni ng mga ibon ang nagsisilbing background music ng lugar. Ang mga bisita ay binubuo lamang ng pamilya, ilang pinagkakatiwalaang kaibigan, at ang mga taong naging
“Ano?” bulalas ni Ahma.“Opo,” tugon ni Gideon. “Isa pa, mas gusto namin ni Yvee na tayo-tayo lang sa kasal. Ayaw ko na nung tulad noong engagement party namin. This time we want it solemn.” Napabuntong-hininga ang matanda, “Kung ‘yan ang nais niyong dalawa. Wala naman akong magagawa pa. Ika nga, kasal niyo ito. Kahit pa na gusto ko ng engradeng kasal para sa inyo.” Unti-unting sumilay ang mapanuksong ngisi ng matanda, “basta iyong hiling ko lang ay tuparin niyo ngayong taon. “Ahma!” nahihiyang saway ni Yvee.Sa gitna ng tawanan at kulitan ng pamilya, naramdaman ni Yvee ang marahang paghalik ni Gideon sa gilid ng kanyang noo, kasabay ng pagbulong nito malapit sa kanyang tainga."We will take it one step at a time, Love. Walang nagmamadali," bulong ni Gideon, sapat lang para marinig niya.Tumingin si Yvee kay Gideon, tuluyan nang sumilay ang isang napakatamis at totoong ngiti sa kanyang mga labi. Naramdaman niyang nasa tamang lugar siya, kasama ang mga taong tunay na nagpapahalaga s
Bumaling ang matanda kay Yvee na noo'y tahimik na sumusubo. Agad na lumambot ang boses nito. "Yvangeline, Apo. Kumain ka pa ng marami. Tingnan mo ang sarili mo, parang nangangayayat ka nitong mga nakaraang araw dahil sa dami ng iniisip mo. Mula ngayon, ang tanging iisipin mo na lang ay kung ano ang gusto mong almusal, tanghalian, at hapunan. Maliwanag? Dapat bago ang kasal niyo ni Gideon sa susunod na buwan ay magaling ka na.""Opo, Ahma. Maraming salamat po," sagot ni Yvee, nakakaramdam ng init sa kanyang puso. Ang simpleng pag-aalaga ng matanda ay sapat na para burahin ang lahat ng pait na naramdaman niya kanina.Uminom muna ng konting tubig si Ahma mula sa kanyang kristal na baso. Ibinaba niya ito nang dahan-dahan bago tumingin nang makahulugan kay Yvee, at pagkatapos ay kay Gideon na kasalukuyang naglalagay ng hiwa ng liempo sa plato ng asawa."Ngayong maayos na ang lahat, may isang bagay na lang talaga akong hinihiling sa buhay," panimula ni Ahma, na naging dahilan para matigil s







