ログイン“Parang masarap ‘yong mga dessert nila. Gusto mo ba?” Sinusubukan tingnan ni Eclaire ang nasa bandang kaliwa ng buffet table pero nahaharangan iyon ng maraming bisita. “Kumuha ka na kasi Ate. ‘Wag mo na kong idamay.” Hindi man lang itinaas ni EJ ang tingin nito mula sa nilalaro nitong game sa Ipad. Bahagyang siyang sumilip sa gadget ng kapatid at bahagyang nagulat nang makita na naglalaro ito ng Fruit Ninja. Isang laro na nauso ilang taon na ang nakakaraan – 2010, taon na literal na wala pa ang kapatid niya dahil 2022 ito pinanganak. Kumunot ang no oni Eclaire at hindi napigilang magtanong. “Bakit iyan ang nilalaro mo?” “Ano ba dapat? Roblox? O kaya ini-expect mo na manonood ako ng Coco Melon?” “Bakit nga kasi iyan ang nilalaro mo? Luma na iyan. Isang taong gulang pa lang ako nung lumabas iyan. Alam mo ba iyon?” Umiigkas pataas ang kilay ni Eclaire dahil hindi niya masakal ang bunso nila. Lumuwang ang ngiti ni EJ nang ma-clear nito ang level na nila
“Pumasok na kayo sa kotse mga bata, baka ma-late pa tayo. Anong oras na ba?” Hawak ni Seojun ang susi ng kotse. Silang mag-asawa ang uupo sa harapan at ang dalawa nilang mga anak naman sa likuran. “Eclaire, paki-check ang seatbelt ng kapatid mo. Alam mo na ang gagawin.” “Yes Dad, ito na po.” Nagmamadali si Eclaire dahil ito na ang huling nakasakay. Naiwan pa kasi nito ang wallet nito sa loob ng mansion. Sinabi na nilang wala namang problema kahit maiwan iyon pero makulit pa rin ang dalaga. Hindi daw ito sanay na walang dalang pera kapag lalabas. “Six-forty na po, Daddy,” si Ej ang sumagot sa tanong ng ama. “Okay na, Hon. Bumalik ka na sa driver’s seat para makaalis na tayo,” untag ni Marion sa asawa. Kagaya ng nakasanayan nito, palagi itong pumupunta sa passenger’s seat para lang ma-secure na hindi siya mauuntog kapag sumakay o bumaba. Isang beses lang nangyari iyon dahil siniguro ni Seojun na hindi na iyon mauulit pa. “Wala nang nakalimutan, ha
Pagtuntong ng alas-singko y’ medya, magkakaharap na sa hapag kainan sina Marion, Eclaire at EJ. Kahit sabihin na hindi naman talaga magsisimula ang event ng saktong alas-syete ng gabi, hindi naman sila pwedeng mahuli nang sobra na mauuna pa ang mga bisita nila kaysa sa kanila. Halos nangangalahati na siya sa sinandok niyang kanin nang biglang dumating si Seojun. Halatang galing pa ito sa site dahil sa alikabok sa pantalon at sapatos nito. “Sorry, na-late ako Hon. Grabe yung traffic sa may Tagaytay area kanina. Marami kasing tourist doon kapag ganitong summer. Alam mo naman, hindi pwedeng hindi ko daanan ang paborito ng mga anak mo.” Inilagay ni Seojun ang dala nitong isang box ng custard egg pie sa lamesa bago nito hinila ang upuan na nasa gawing kaliwa niya. “Olivia, pasuyo na lang ako nitong dala ko para makakain ang mga bata nitong dessert.” “Dad, kanina pa kayo hinihintay ni Mommy. Alam niyo namang gusto niyan na palagi tayong sumusunod sa schedule niya.” H
Bahagyang iginalaw ni Irene ang mga balikat nito – pataas at pababa – bago ito sumagot. “Hindi ko rin po alam Maam. Basta ang sabi sakin, ibigay ko daw po sa inyo ito. Kayo na daw po ang bahala.” Lumapit ito sa lamesa ni Marion at inilagay ang hawak nito. Pagkatapos no’n, nagpaalam na rin kaagad ito na babalik na ulit sa trabaho. Mabilis niyang binulatlat ang mga pahina. Doon niya napansin na karamihan sa mga arrangements ay maayos na. Para itong ibinigay lamang sa kaniya upang siya ang kumuha ng credits kung magiging successful ang party. Kaagad siyang tumayo at dumiretso sa opisina ng Manager nila. Hindi siya mahilig sa kumprontasyon pero isa ito sa pinaka-ayaw niya – pinaparamdam sa kaniya na nandoon lang siya para magpasikat ang magpabango ng pangalan para sa Daddy niya. Umiiksi talaga ang pasensya niya kapag naramdaman niyang minamaliit siya nang wala sa lugar. Magkaharapan lang ang mga opisina nila. Paglabas niya ng pintuan, nandoon din naman ang opisina
“The pleasure was ours,” gumanti rin ng ngiti si Marion sa mga bago nilang kasosyo sa project nila. “By the way, hindi pa ba babalik si kumpadre? Gusto sana namin na magkaroon ng hangout sa Macau bukas ng gabi, baka gusto niyang sumama?” tanong ni Mr.Chiu habang inaayos ang papeles na kailangan nitong pirmahan. “Well… Ayaw niya pa daw pong umuwi dahil nagbabakasyon sya ngayon sa Milan. Pero babanggitin ko pa rin po sa kanya ang invitation nyo,” iyon na lang ang sinabi niya kahit alam niyang hindi pupunta ang Daddy niya sa Macau dahil sa nangyari nitong nakaraan lang sa kanilang pamilya. “That would be nice…” hirit ni Mrs.Elizalde “Oh… Interesado ka bas a casino Mrs. Elizalde?” tanong ni Mr.Chiu, isa sa mga kumpadre ng Daddy niya na malakas gumastos sa mga casino at bar. “Of course. Six months na yata simula no’ng huling nakapag-unwind ako sa Macau. Okay lang ba na sumama ako sa inyo?” malambing ang tanong ng babaeng nasa mid 50’s na ang
May 7,2027 ang nakalagay sa kalendaryo sa telepono ni Marion. Mahigit isang buwan simula noong nangyaring k*dnapping incident ni EJ. Kagaya ng ipinangako niya kay Abel, binigyan niya ito ng pera at sinigurong hindi ito magkakaroon ng kahit na anong record sa pulisya. Bukod doon, pinili niyang bigyan ito ng trabaho bilang utility aide sa isang branch ng FD Bank na malapit sa tinitirhan nito. Kahit paano, nawala na ang iniisip na dalahin ng lalaki dahil naipagamot na nito ang may sakit na kapatid. Hindi man direkta, pero pinaalam pa rin ni Romeo ang totoo kay Marion, sa pamamagitan ni Francis. Ito na mismo ang nangako sa kaniya na hindi na nito hahayaan pang magkaroon ng panibagong kakaibang ideya ang madrasta niya. Sa tuwing naiisip niya ang hirap at pagod ng kaniyang anak, nandoon ang kagustuhan na saktan din ang babae. Ganoon pa man, alam din niya na kahit kailan, hindi nito maiintindihan ang takot at pasakit na ibinigay nito sa kaniya. Hindi nito malalaman ang pakiram
Tinapos nila ang hapunan nang halos hindi nag-uusap-usap. Inilagay na lang nila sa lababo ang mga platong ginamit nila bago umalis papunta sa kabilang unit ang mga bata. Bago umalis ang kaniyang Daddy, inaya niya ito sa kaniyang silid upang masabi ang lahat ng gusto niya na hindi kailangan intindihi
Alas-otso y’ medya nang makarating si Peterson sa Seoul, sa mismong presidential suite na binayaran nito para kay Marion. May baon itong isang bouquet ng mga pink na rosas at isang basket ng iba’t ibang mga prutas. Hindi niya alam kung paano nagawa iyon ng Daddy niya sa maiksing panahon pero n
Wala nang oras si Seojun para tumingin sa salamin kaya hindi niya alam na magulo pa ang kaniyang buhok. Pero noong mga oras na iyon, si Marion ang focus niya kaya napansin niyang manipis lang ang sweater na suot nito. “Kaya mo pa bang maglakad? O gusto mong buhatin na kita?” “Hala… Pwede
Napansin ni Marion ang bahagyang pag-angat ng ulo ng kaniyang anak. Huminto ito sa pagsubo at diretsong tumingin sa katabi. “Bakit saan ka ba pupunta?” “Nag-iipon lang ako para makauwi ang Mama ko rito sa South Korea. Balak kong bumili ng bahay sa lugar na medyo malapit dito sa Seoul para







