Share

Chapter 4

Penulis: PROSERFINA
last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-04 22:40:58

SAM

Pagkatapos kong mag-lunch ay itinuon ko na lamang ang aking sarili sa trabaho. Kaysa

naman ma-loka ako sa kaka-isip ng ginagawa nila sa mga oras na ito. Wala na akong paki-

alam sa kanila, basta ang mahalaga matapos ko ang trabaho ko ngayong maghapon.

Makalipas ang dalawang oras ay nangalay na ako sa kaka-yuko at kaka-tipa ng keyboard

para ma-encode lahat ng schedule ni Sir Bernard na ipinagawa sa akin ni Ms. Diane.

Napa-angat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan na nasa aking harapan. Nakangiting

lumabas si Ma’am Trixie at nakita ko pa siyang nag flying kiss bago isinara ang pinto.

Pagkatapos ay lumapit siya sa table ko at ngumiti.

“By the way, Miss?”

“Samatha Briones, po.” Wika ko sa kanya.

“Okay, Miss Briones. I have something for you.”

Nagtataka ko siyang tiningnan dahil may dinukot siya sa kaniyang bag at may kinuha na

perang papel saka iniligay sa ibabaw ng aking desk.

“Ano po ito, Ma’am?” Kunot noo na tanong ko sa kanya.

“Tip ko ‘yan sa’yo. Alam ko naman na narinig mo ‘yung ginawa namin kanina at alam mo

din naman na malaking tao si Mr. Villegas. Kapag nagka-roon siya ng scandal or tsismis ay

magiging headline na naman ito, kaya sana magpanggap ka na lang na walang narinig.

Okay?” Wika niya sa akin na ikinagulat ko ng bahagya. Nakangiti pa rin siya nang

tinalikuran niya ako at nag-tungo papunta sa elevator, kaya nang makabawi ako sa pagka-

bigla ay hinabol ko agad siya at dinampot ko ang perang papel upang maibalik sa kanya.

“Ma’am, sandali po!” Tawag ko sa kaniya nang isasara na niya sana ang elevator.

“Why? Kulang pa ba ang binigay ko?” Kunot-noo na tanong niya sa’kin. Ibinigay ko sa

kaniya ang perang ibinigay niya sa’kin kani-kanina.

“Hindi ko po kailangan ng pera para manahimik, Ma’am. Nandito po ako para mag-trabaho.

Kung ano man po ang business niyo ni Sir Bernard, labas na po ako doon at hindi ko din po

pa-pangahasan na i-tsismis ang gano’ng bagay dahil wala naman po akong mapapala.

Sana po maintindihan niyo.” Sincere na sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang pera at inilagay

sa kanyang bag. Pagkatapos ay muli niya akong tinignan.

“I like you, sana ma-panindigan mo hanggang dulo lahat ng sinabi mo sa’kin. Ilang

secretary na rin kasi ni Bernard ang umakit sa kanya. Pero sa tingin ko…” Tinignan niya

ang kabuohan ko mula ulo hangang paa. “Sa tingin ko wala akong dapat ipag-alala.” Wika

niya at matamis akong nginitian.

“Okay, bye! Salamat.”

Nagsara na ang elevator pero nakatunganga pa rin ako sa harapan nito. Pakiramdam ko ay

na-insulto ako ng bahagya nang suriin niya ang kabuoan ko.

Maaring hindi ako kasing ganda niya dahil masyado siyang sopistikada at sosyal, pero kahit

paano ay confident naman ako sa sarili ko. ‘Yun ang mahalaga para sa akin. As long as

nada-dala ko ang aking sarili ng maayos walang nata-tapakan na tao ay kontento na ako

doon.

Basta hindi ako magkulang sa pagbi-bigay ng pangangailangan nila Inay at Itay pati na rin

kay Calix ay masaya na ako.

Napabuntong-hininga akong bumalik sa aking upuan. Tiningnan ko ang aking orasan,

malapit na pala ang uwian. Kaya inayos ko na ang mga natitira kong trabaho at naglinis na

rin ako.

Eksaktong alas-singko nang katukin ko si Sir Bernard sa opisina niya. Baka kasi may

importante siyang ipapa-gawa sa’kin.

“Come in.”

Dumungaw ako sa pinto, sapat lang para makita si Sir Bernard.

“Sir? May kailangan pa po ba kayo? Kasi tapos na po ang working hours.” Wika ko sa

kaniya. Napa-tingin siya sa gawi ko at wari’y may ini-isip.

“Do you know how to cook?” Tanong niya sa akin.

“Yes, Sir.” Tipid kong sagot. Marunong naman ako mag-luto at gumamit ng mga electrical

na gamit pang-luto.

“Okay, ta-tapusin ko lang itong natira kong work. Ikaw na ang bahala sa dinner natin.”

“Ha? Ay, sige po! M-Mauna na po ako sa inyo sa penthouse.” Medyo nautal ako sa pag-

sagot. Ako daw ang maglu-luto para sa dinner namin. Ibig sabihin, sabay na naman kaming

ka-kain?

Na-kagat ko ang aking ibabang labi pagka-tapos kong isara ang pinto. Pagkatapos ay

umakyat na rin ako gamit ang hagdan patungo sa penthouse.

Dumiretso muna ako sa kuwarto upang mag hilamos at mag-palit ng damit dahil hindi na

ako maka-hinga sa sikip ng suot ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok, inisang tali at

ginawang hair bun. Panyo na lamang ang pinantali ko para hindi kumulot ng maige ang

buhok ko.

Pagka-tapos ay nag-suot ako ng malaking t-shirt na kulay itim. Hanggang gitnang hita ang

haba nito. Naiwan itong damit ni Tatay, kaya ako na ang nagsu-suot. May kaunting butas

lang naman ito sa kili-kili kaya okay lang, hindi naman halata. Tiyaka, kung makita man ni

Sir ang kili-kili ko hindi naman nakakahiya dahil wala naman itong balahibo. Nag-lagay din

ako ng gray na pajama dahil malamig talaga dito sa loob. Binuksan ko kasi ang aircon kaya

kumalat agad ang lamig. Pagka-tapos ay nagtungo na ako sa kusina upang tumingin ng

maluluto sa ref.

“Ano naman kaya ang gustong kainin ni Sir?” Tanong ko sa aking saril bago binuksan ang

ref. Pagbukas ko ng ref ay nagulat ako dahil sa dami ng laman sa loob!

Wow! Nakakatuwa! Kung pwede ko lang ipasok ang ref na ‘to sa kuwarto ko ay hinding-

hindi ako magugutom sa dami ng pagkain! May mga gatas, prutas mga frozen meat at may

mga ready to eat ng pagkain, 'yung tipong ipapasok mo na lamang sa oven tapos, viola!

Pwede na siyang kainin. Pero mas umagaw sa atensyon ko ang maramig chocolates. Lahat

sila ay maayos ang pagkaka-lagay. May mga bottled water din at softdrinks in can. May

mga beer din sa loob. Nag-mistulang mini grocery ang malaking ref ni Sir Bernard.

Hindi naman siguro siya magagalit kung tumikim ako ng isang chocolate? Sa dami kasi nito,

sayang naman kung siya lang ang kakain di’ba? Baka masira pa ang maganda niyang

ngipin.

Kumuha ako ng isa at tinikman.

Heaven!

Ang serep! Mas masarap pa sa abs ni Sir Bernard!

Nag-melt talaga siya sa ngala-ngala ko at ang tamis! May mga almonds pa! Halos magpa-

padyak na ako sa sarap habang ninanamnam ang kinakain kong tsokolate. Mahilig talaga

ako sa mga matamis, lalo na kapag stress ako. Yun lagi ang cravings ko.

“What are you doing?”

“Ay pusang hitad!” halos mapatalon ako sa pagkagulat nang marinig ko ang baritono niyang

boses. Dahilan kung bakit ko rin na-isara ang ref nang pabigla-bigla. Napatingin ako sa

kanya. Hindi ko naman kasi akalain na aakyat na pala siya.

“Pusang hitad, means?” Kunot-noo na tanong niya sa akin. Kuryuso sa salita na nabitawan

ko.

“Ay Sir, ginulat niyo kasi ako eh. Wala naman ‘yun, expression lang po.” Nahihiya kong

pagkakasabi sa kanya.

“Okay, I thought ako ang tinutukoy mong hitad eh. By the way, may chocolate ka sa ngipin.”

Naka-ngisi niyang sabi, bago ako tinalikuran. Itinikom ko agad ang bibig ko dahil sa hiya.

Pinasadahan ko ng dila ang ngipin ko at totoo nga! Nakakahiya talaga! Sa tingin ko ay para

na akong namumulang kamatis ngayon dahil sa hiya.

Sabi kasi luto lang eh! May pakain ka pa ng chocolate! Nabisto ka pa tuloy!

Kinaltukan ko ang aking sarili at nag-asikaso na agad ng lulutuin. Pinili ko ang may sabaw

na ulam dahil malamig ngayon at masarap humigop ng maasim na sabaw. Mabuti na

lamang at kompleto sa rekado ang kusina ni Sir Bernard, hindi ko na kailangan na lumabas.

Nakakapag-taka lang ang laki ng penthouse niya pero wala siyang katulong. Bakit kaya?

Mayaman naman siya at kaya niya naman mag-bayad ng kasambahay. Pero sabagay, may

mga mayayaman talaga na independent sa sarili lalo na kapag businessman. Saka mahirap

na din kumuha ng katulong ngayon na pwede mong mapag-katiwalaan. Siguro kung hindi

ako pamangkin ni Tiya Esme, hindi niya rin ako tatanggapin.

Pagkatapos ng halos isang oras kong paglu-luto ay nag-hain na rin ako sa hapag-kainan.

Baka kasi nagugutom na siya kaya tatawagin ko na rin siya.

“Sir, luto na po ‘yung pagkain, naghain na din po ako.” Wika ko sa labas ng pinto niya.

Narinig ko ang pag-pihit ng kaniyang seradura at pagbukas ng pinto.

“S-Sir, kain na po kayo baka lumamig na ‘yung sabaw.” Kamot-ulo kong sabi sa kaniya.

Naka-sando lang kasi siya at short kaya agad akong tumalikod mula sa gawi niya.

“Sabay na tayo, Ms. Briones.” Natigil ako sa pag-hakbang at muling humarap sa kaniya.

“Po?” Ulit ko

“I said, join me. Tayo lang naman dalawa dito kaya sabay na tayo lagi kakain.” Wika pa niya

na ikina-bilis ng tibok ng puso ko. Abnormal na naman ang pintig ng puso ko. Kailangan ko

na sigurong magpa-checkup dahil baka iba na ito!

Relax lang, Sam. Mabait lang si Sir Bernard, wala ng ibang ibig sabihin ‘yun!

“Okay po, Sir. Tara na, lapang na tayo!” Nakangisi kong sabi sa kaniya at naunang nag-

tungo sa lamesa. Ka-kapalan ko na ang mukha ko para matapos na ito at makapagtago na

ulit ako sa kwarto bago pa ako maubosan ng oxygen!

“Wow ang sarap nito, ah? Anong tawag sa lutong ito?” Tanong niya habang humihigop ng

sabaw sa mangkok. Nagtataka ko siyang tiningnan.

“Ngayon lang po kayo naka-kain ng sinigang, Sir?” Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

“Ah, so this is sinigang na pork? I already tasted sinigang with shrimp. But this is much of a

better taste.” Sagot niya na ikinangiti ko. Syempre! Proud na naman ako sa aking sarili.

Masarap daw eh!

“Yes, Sir. Mas masarap po talaga ‘yan lalo na kapag maraming gabi.”

Lalo na kapag si Inay ang nagluluto.

“Really? Next time magpapa-bili ako ng gabi. Nakalimutan siguro ni Aling Cordia.”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Akala ko kasi siya ang namili ng mga ito.

“Sino po si Aling Cordia?” Usisa ko. Tumigil siya sa pag-subo at tumingin din sa akin.

“Siya ang taga-bili ng groceries ko. Kasambahay namin siya sa pamilya, pero pina-pupunta

ko lang siya dito kapag kailangan ko ng stock, saka may regular na nagli-linis ng bahay ko

araw-araw, kaya no need to clean. Pero sa kanya-kanya nating kuwarto tayo na lang ang

mag-linis hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya. For privacy reason lang.” Sabagay,

may point naman siya do’n.

“Ah, okay po. Kaya ko naman po mag-linis at mag-grocery para naman ma-palitan ko ‘yung

pagma-magandang loob niyo sa’kin.” Naka-ngiti kong sabi sa kaniya na ikinatigil niya.

“Kaya mo bang sumakay ng elevator mag-isa?” Nakataas ang kilay niya. Nakalimutan ko

nga pala na hindi ako basta-basta makaka-baba dito.

Napansin niya siguro ang panana-himik ko kaya nginitian na lamang niya ako.

“No need, Ms. Briones basta mag-focus ka sa trabaho mo. ‘Yun lang ang kailangan ko.”

“Salamat po.”

Ipinagpatuloy ko ang pag-kain at gano’n din siya, tahimik na kaming dalawa hanggang

matapos kami. Pagka-tapos niyang kumain ay nag-paalam na siyang pumasok sa kaniyang

kuwarto. Ako na rin ang naghugas ng pinag-kainan naming dalawa.

Pa-pasok na sana ako nang may makita akong babae sa salamin na pinto. May dala siyang

mga paper bags at may kausap sa phone. Bubuksan ko na sana ang pinto pero napalingon

ako nang marinig ko ang pag-bukas ng pinto ni Sir Bernard.

“Ako na.”

Nakasuot lang siya ng bathrobe at basa pa ang kaniyang buhok. Umalingasaw din ang

kaniyang mabangong shower gel. Binuksan niya ang pinto at kinuha ang dalang paper bag

ng babae. May binigay pa itong itim na card tapos ay umalis na rin ito.

“Sige po, Sir. Papasok na po ako kung wala po kayong ipapagawa.” Paalam ko sa kanya.

“Sandali lang, Ms. Briones.” Tawag niya sa akin. Kaya lumapit ako sa kanya.

“Ano po ‘yun, Sir?”

“Para sa’yo ang mga ito. Mga casual attire para naman may susuotin ka pag-pasok mo

bukas.” Wika niya sabay abot sa akin ng anim na paper bags.

“Po? Sir, hindi ko po mata-tanggap ang mga ‘yan.” Katuwiran ko sa kaniya at hindi

tinanggap ang inabot niyang paper bags. Nakakahiya! Ang dami ko ng utang sa kanya,

tapos pati ba naman damit?

“Kunin mo na, Ms. Briones. Kung ayaw mo ng free, ibabawas ko nalang sa sweldo mo ng

isang taon.” Dagdag pa niya na lalong ikinapula ng mukha ko.

“Pero, Sir? Mukhang mamahalin ang mga ‘yan baka kulang pa ang isang taon kong sahod

para mabayaran po ‘yan.” Litanya ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya dahil sa

pagtanggi ko. Yare na baka maubosan pa ng pasensya at masigawan pa ako!

“Mas importante sa’kin na may maayos kang masu-suot lalo na kapag nasa meeting ako

kumpara ang halaga ng mga ‘yan. Alam mo naman na ikaw ang kasama ko kapag ha-harap

ako sa mga meeting at kahit saang business trip ako pupunta. Tanggapin mo na ang mga

ito bago pa ako mangalay.” Seryosong wika niya sa akin. Nahihiyang tinanggap ko ang mga

paper bags pero dahil sa dami at laki ng mga ito ay nahulog ko ang isang maliit na paper

bags at lumabas ang laman nitong—

“Durex micro thin?” Sambit ko nang pinulot ko ang box pero bigla niyang inagaw sa akin

ang box at mabilis na dinampot ang maliit na paper bag na nahulog.

“Akin ‘to, goodnight.” Nagmamadali niya akong tinalikuran. Sumulyap pa siya sa’kin bago

niya isara ang pinto. Wala akong nagawa kundi pumasok sa aking kuwarto. Ipinatong ko sa

ibabaw ng kama ang mga paper bags. Mabigat ang mga ‘yun siguro bukod sa mga damit

may iba pang naroroon.

Kinuha ko ang laman ng mga paper bags at halos hindi ako maka-paniwala. Bukod kasi sa

puro casual dress ang mga ‘yun. May mga pares din ng sapatos sa ibang lagayan, limang

pares ng sapatos. At limang pares din ng casual dress. Kahit walang price tag ay halata

namang mamahalin ang mga ito.

Paano ko naman ba-bayaran ang mga ito?

Kinabukasan ay maaga akong gumising at naligo. Nakabalot pa ng tuwalya ang basa kong

buhok. Nakasuot ako ng simpleng bistida. Hanggang tuhod ko ang haba nito. Pang-bahay

ko kasi ito kapag wala akong pasok, bago ako lumabas upang maghanda ng almusal. May

natira pa naman kaming kanin kagabi kaya gumawa na lamang ako ng fried rice at pritong

manok, nag-gisa din ako ng gulay at nilagyan ko ng karne ng manok. Para masarap kasi

hindi ko alam kung ano ang mga gustong kainin ni Sir, hindi din naman niya sinasabi. Basta

ang sabi niya, ako na daw ang bahala sa lu-lutuin.

Nang makahain na ako at napag-timpla na rin siya ng kape ay lumabas na si Sir sa

kaniyang kuwarto. Dala niya ang kanyang lagayan ng laptop at ang maliit na paper bag na

nakita ko kagabi. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na mesa sa sala.

“Kung ano man ‘yung nakita mo kagabi kalimutan mo na ‘yun. Lahat naman ng lalaking

ayaw maka-buntis ay meron noon.” Wika niya sa akin habang naghihila siya ng upuan.

“Yung condom, Sir? Sorry po hindi ko din naman sinasadyang maka-kita ng gano’n.”

“Ibig sabihin, alam mo na condom ang laman no’n?” Kunot-noo niyang tanong sa akin.

“Yes po, normal naman po ‘yun.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya. At umupo na rin ako.

Actually ‘yun ang hindi nagpatulog sa akin kagabi. Marami kasi siyang babae kaya dapat

talaga ay mag-ingat siya.

“Uh, alam ba ng boyfriend mo na naka-tira ka dito?” Tanong niya na ikinabigla ko dahilan ng

pagka-samid ko. Mabuti na lamang at may tubig sa tabi ko at nakainom ako agad. Simula

noong mag-hiwalay kami ni Troy, wala na akong ibang naging boyfriend. Kahit maraming

nangli-ligaw sa akin ay hindi ko sila pinapatulan. Dahil para sa anak at magulang ko muna

ang lahat ng ginagawa ko ngayon. Gusto kong makabawi sa kanila habang nandiyan pa

ang mga magulang ko. Mahirap kasi magka-roon ng boyfriend. Maha-hati pa ang priorities

at oras mo.

“W-Wala po akong boyfriend, Sir. Saka hindi po ako nagpapa-ligaw.” Diretsyahan kong

sagot.

“I hope you don’t mind. Nasaan na ang father ng anak mo?” Tanong niya sa’kin. Kaya

napatingin ako sa kanya. Inilagay ko nga pala ‘yun sa resume ko. Hindi ko naman

kinakahiya ang anak ko. He’s my life now, and I’m proud to be a single mother. Naitaguyod

ko siya sa maayos na paraan kahit ako lang mag-isa.

“Patay na po, Sir. Nasagasaan ng tren.” Nakangiting kong sagot. Sinamahan ko pa ng

marahan na pag-tawa.

“What? Patay na? Why you’re smiling?” nakakunot ang noo niya na tanong sa’kin. Hinigop

ko muna ang kape ko bago ko sinagot ang tanong niya.

“Matagal ko na siyang pinatay, Sir. Pagkatapos niyang talikuran ang anak namin.”

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Wala na akong nararamdaman kay Troy, pero sa

tuwing na-alala ko kung paano niya ako pinag-tabuyan noon ay buma-balik pa rin sa alaala

ko ang hirap na pinag-daanan ko.

“I’m sorry to hear that. Hindi niya alam kung anong klaseng babae ang sinayang niya. I

hope you’re okay now.” He said, sincerely. Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Totoo ba

‘yung narinig ko?

“A-Ay oo naman, Sir! Matagal na rin po ‘yun. Wala na rin akong paki-alam. I’m happy now.”

Nakangisi kong sabi sa kaniya. Hindi ako naawa sa sarili ko dahil mag-isa kong tina-

taguyod ang anak ko. I’m a strong woman and I deserve to be happy.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • One Last Mistake    Chapter 24

    SAMOne Month later…Tuloyan na ngang nakulong si Trixie dahil sa kasalanan na kanyang ginawa. Dahil na rin sa testimony namin nila Inay at Itay kaya mas lalo siyang nadiin sa piitan. Sinigurado ni Bernard na hindi na ito makakalabas pa upang manggulo. Naunawaan naman ito ng kanyang mga magulang. Kami naman ay lumipat na sa bahay nila dahil ‘yun ang hiling ng kaniyang Mommy at Daddy.Nang ipakilala kami ni Bernard ay noong una hindi pa sila makapaniwala. Pero nang ipakita niya ang DNA ni Calix ay tinanggap naman nila kami ng buong puso. Sabi ni Bernard, sabik daw ang mga ito sa apo kaya gano’n na lang kung e-spoil nila si Calix. Hinayaan ko na rin dahil anim na taon na hindi nakuha ni Calix ang pagmamahal sa kanya ni Bernard pati na rin ng kaniyang mga Lolo at Lola.Masaya ako dahil buo na kaming pamilya. Nakausap ko na rin si Troy at humingi na rin siya ng tawad sa akin. Alam kong mali ang nagawa niya sa akin, pero wala na rin naman akong magagawa. Tapos na at nangyari na ang mga nan

  • One Last Mistake    Chapter 23

    SAMAfter two hours ng pagkain namin ay mahimbing na ring natutulog si Calix. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakaligtas kami sa bingit ng kam@t@yan. Hindi ko akalain na may tao na kayang gumawa ng masama para makuha lang ang isang bagay na hinahangad nila. Hindi ako makapaniwala na may babaeng kayang gawan ng masama ang kapwa nila babae para makuha ang gusto nila sa ganong paraan.Napakadami ng mga nangyari sa araw na ito. Sa isang araw ma re-realize mo na maiksi lang talaga ang buhay ng tao. Pwede kang mamatay kahit na anong oras. Hindi mo alam kung saan at kailan.Nakakatakot ang pinagdaanan namin sa kamay ni Trixie. Pakiramdam ko naiiwan pa rin ang kilabot sa katawan ko. Naalala ko pa din ang ginawa ng lalaking ‘yun kanina. Kapag pumipikit ako nakikita ko pa rin ang nakakatakot niyang mukha.Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na sila sa gusto nilang gawin. Nakita ko din sa mukha ni Bernard ang galit lalo na nang magmakaawa si Trixie sa kan

  • One Last Mistake    Chapter 22

    SAM“Please, huwag!” Impit na sig@w ko nang halikan niya ako sa le*eg. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking dibdib na wala ng takip dahil tinangal na rin niya ito. Para siyang asong ulol na sinisinghot ako at gustong lapain.“Hoy, Boss! Tirhan mo naman kami!” Sabay-sabay silang nagtawanan na lalong ikinalumo ko. Gustohin ko man na iwasan siya. Gustohin ko man makatakas. Alam kong wala pa rin akong laban sa kanya, lalo pa’t hawak ko pa rin ang tali ni Calix.“Mas maganda siguro kung pati ang p@nty mo tatanggalin ko na din di’ba?” Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na alam kung paano ako magmamakaawa sa kanya dahil animo’y bingi pa rin ito sa lahat ng pagmamakaawa ko sa kaniya.“Huwag ka ng umiiyak. Mag-eenjoy ka rin naman at huwag kang mag-alala malay mo maawa kami sa’yo, imbis na p@tayin gagawin ka na lamang naming s*x sl@ve para naman may laruan kami.”“Hayu*p ka! P@t*yin mo na lamang kami. Bakit kailangan niyo pang gawin ‘to sa akin. Hindi ba kayo natatakot gumawa ng masama? Pati an

  • One Last Mistake    Chapter 21

    Third person’s POV“Tingnan mo nga naman, pagkatapos akong bulabugin ng hating gabi. Inubos pa ang mga bagong dating at mamahalin kong mga alak.” Bulong ni Xandro habang pinagmamasdan niya ang tulungis pa ring si Bernard.Dumating kasi ito kagabi at lasing na lasing. Akala niya ay galing ito sa underground black belting fight dahil sa namamaga ang ilong at putok pa ang nguso nito. Hindi pa nakuntento ay inubos pa nito ang mga stock niyang alak. Aalis na sana siya para iwanan sa sala ang kaniyang kaibigan nang makita niyang umiilaw ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Kaya walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tawag mula sa unknown number.“Hello?”“B-boss! Ni-lusob kami! A-ako na lang ang na-tira. May tama ang Itay ni Ma’am at dinala nila si Ma’am Samantha pati ang anak niyo!” Tila nahihirapang sabi nito sa kabilang linya.“What?!” Bulalas ni Xandro na napamulat ng mata ni Bernard.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo.” Reklamo nito sa kanya. Tinadyakan niya ito sa binti. Kaya napan

  • One Last Mistake    Chapter 20

    SAMPabalik na kami sa isla. Magaling na rin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.“Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?” Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.“Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?” Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.“Hindi po, brave ako like Mama.” Masaya

  • One Last Mistake    Chapter 19

    SAMKakakita pa lamang nila kay Bernard ay magaan na agad ang loob nila dito. Palibhasa kasi magaling talagang magbait-baitan ang lalaking ‘yun. Kaya ayun nagawa pang maglaga ni Inay ng kamote para daw may pang-meryenda ang mga nagbilad ng isda.Si Itay naman ay nagdurog ng tablea at nagpakulo ng mainit na tubig para may mainom sila mamaya. Pwede namang tubig na lang, bakit kailangan pa ng panulak na tsokolate? Isa pa mayaman naman ang lalaking ‘yun kaya paniguradong kayang-kaya niyang bumili ng makakain nila.“Anak! Ibigay mo na itong isang bandehadong kamote. Isusunod ko na lamang ang inumin. Kasya na kaya ito sa kanila? Sa bilang ko ay bente uno sila lahat kasama ang gwapong binata.” Tawag ni Inay sa akin. Kasalukuyan kasi akong nagtitiklop ng damit. Nasa tabi ko lamang si Calix at naglalaro ng robot na pasalubong ko sa kanya.Hindi na lamang ako umimik at sinunod na lamang siya dahil pagod na rin ang utak kong mag-isip kung paano ko siya palalayasin dito sa isla.Paglabas ko haban

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status