LOGINHabang nagkukwentuhan sila sa sala, biglang tumunog ang phone ni Mara.
Si Romer ang tumatawag. Tinitigan ni Mara si Venice. Tumango si Venice, pero umiling siya ..ayaw niyang sagutin. Hindi sinagot ni Mara ang tawag. Muling tumawag si Romer. Muli. Muli. Sa ikaapat na tawag, binuksan ni Mara ang speaker para marinig ni Venice. “ Mara, kasama mo ba si Venice?!” sigaw ni Romer sa kabilang linya. “Please… sabihin mo sa akin gusto ko siya makausap . Umalis siya ng walang paalam sa akin at sulat at divorce papers lang ang naabutan ko, Nasaan siya please sabihin mo sakin ikaw ang bestfriend ni Venice at alam kong may alam ka..” Umiyak nang tahimik si Venice habang nakikinig. Gusto niyang kunin ang phone at sigawan si Romer, pero pinigilan niya ang sarili. “Romer… wala akong alam saan si Venice nagkita nga kami pero umuwi na siya pagkatapos namin magkita,” malamig na sagot at pagsisinungaling ni Mara. “Ano ang ginawa mo?Sinaktan mo ang kaibigan ko?Hindi ko alam saan si Venice Romer.” “Sure ka ba na hindi mo siya kasama?Asan siya nagpunta?Wala ba siya binanggit sayo?"tanong ulit ni Romer. "Wala huling kita namin kagabi at hindi ko narin siya makontak,"saad ni Mara habang pinipisil ni Venice ang kamay ni Mara na parang nagsasabi na huwag sabihin kung asan siya. “Wala,” matatag na sagot ni Mara habang patuloy na pinipisil ni Venice ang kamay niya. “Huling kita namin kagabi. Hindi ko na rin siya makontak. Siguro kailangan niyang mag-isa muna, Romer. Bigyan mo siya ng space. Ginawa mo na ang hindi dapat.” “Mara…” humina ang boses ni Romer. Parang nauubos na ito. “Kung makontak mo siya… sabihin mo sa kanya na sorry. Sobrang sorry. Handa akong baguhin lahat. Handa akong hintayin siya. Pakiusap lang.” Pinatay ni Mara ang tawag nang hindi na sumagot pa. Tahimik na umiyak si Venice. “Salamat, Mara… salamat.” “Hindi kita pababayaan,” sabi ni Mara habang hinahagod ang likod niya. “Bukas, aasikasuhin na natin ang papeles mo para makalabas tayo dito nang maayos. Magiging okay ka, Venice. Tayong dalawa. At kung may darating na bagong buhay… harapin natin nang magkasama.” Niyakap ni Venice ang kaibigan habang ang puso niya ay durog na durog. Sa kabilang banda ng lungsod, si Romer ay nakaupo sa sahig ng kanilang dating tahanan, hawak ang wedding ring, at paulit-ulit na binubulong ang pangalan ni Venice. Nakatulala si Romer sa phone niya matapos mapatay ang linya. Parang binuhusan siya ng yelo sa buong katawan. Ang tahimik ng penthouse ay nakakasakal. Ang wedding ring ni Venice na hawak niya ay parang kumukurap-kurap na paalala ng lahat ng pagkakamali niya. Biglang tumunog ulit ang phone niya. Si Drake, isa sa mga barkada. “Bro, ano’ng nangyari? Kanina ka pa namin tinatawagan,” bungad ni Drake. “Narinig namin ‘yung kwento mula kay Ethan. Si Venice daw umalis?” “Umalis na siya, Drake…” ang boses ni Romer ay basag. “Iniwan niya ako. Divorce papers. Sulat. Walang paalam. Hinanap ko siya buong araw. Wala na siya.” Tumahimik sandali ang kabilang linya. “Tangina… sorry, bro. Pero may balita ako. Si Olive… darating na siya sa susunod na linggo. Sabi niya sa’kin kanina, excited daw siyang makita ka ulit. After five years, finally.” Parang sinampal si Romer ng realidad. Si Olive — ang babaeng minsan niyang sinabi na siya ang tunay na mahal. Ngayon, parang walang saysay ang lahat. Pagkatapos ng tawag kay Mara, nanatiling nakatulala si Romer sa gitna ng madilim na sala. Ang wedding ring ni Venice ay nakahawak pa rin sa kanyang kamay. Parang milyon-milyong karayom ang tumutusok sa dibdib niya. Biglang tumunog ulit ang cellphone niya. Si Drake. “Bro! Ano’ng nangyari? Kanina ka pa namin tinatawagan. Si Venice ba talaga umalis?” bungad ni Drake. “Umalis na siya, Drake…” ang boses ni Romer ay walang buhay. “Divorce papers. Sulat. Wala na siya. Hinanap ko siya buong araw. Wala talaga.” Tumahimik sandali ang kabilang linya bago nagsalita si Drake. “Ganun ba? Sige, sunduin natin si Olive. Darating na siya sa susunod na linggo. Baka ‘yun ang kailangan mo para makalimot.” “Ganun ba… sige, sunduin natin siya,” sabi ni Romer nang walang emosyon. Parang robot na sumasagot. “Ano? Bro, seryoso ka ba?” gulat na tanong ni Drake. “Baka nagtatampo lang si Venice. Babalik din ‘yun. Alam mo naman na mahal na mahal ka ni Venice. Diba sabi mo love mo si Olive? Baka ito na ang time niyo, pre. Matagal na niyang inihanda ‘to. Flight na niya at gustong-gusto kang makita.” Tumawa si Romer nang mapait. May kung anong sumiklab sa dibdib niya ..galit, sakit, at pagtanggi sa katotohanan. “Tama. Bakit ko ba hinahanap si Venice? Ang mahal ko ay si Olive. Hinding-hindi ako iiwan ni Venice… baka drama niya lang ‘yun para mapansin ko siya,” bulong niya sa sarili, parang sinusubukang kumbinsi ang sariling isip. “Sige pre, salamat sa info,” sabi niya kay Drake bago pinatay ang tawag nang hindi na hinintay ang sagot. Bumagsak siya sa sahig. Ang cellphone ay nasa tabi niya. Sa unang ilang minuto, tahimik lang siya. Pagkatapos ay sumabog ang galit. “Tangina! Bakit mo ako iniwan, Venice?!” sigaw niya habang binabato ang isang vase sa dingding. “Akala mo ba kaya kitang iwanan nang ganito? Drama mo lang ‘yan! Babalik ka rin! Babalik ka!” Umiyak siya nang todo. Galit sa sarili. Galit kay Venice. Galit sa mundo. Sa kanyang isip, paulit-ulit niyang binubulong: Si Olive ang mahal ko. Si Olive lang. Si Venice? Babalik din ‘yun. Hindi niya ako kayang iwan. Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang nagsisinungaling siya sa sarili.Isang Linggo Pagkatapos – Pagdating ni Olive
Sa NAIA Terminal 3, nakatayo si Romer kasama si Drake at Marcus. Suot niya ang pinakamahal niyang suit, pero ang mga mata niya ay walang buhay. Nang lumabas si Olive mula sa arrival gate, agad siyang tumakbo palapit at niyakap si Romer nang mahigpit. “Romer! Finally! Ang tagal nating hindi nagkita!” masayang sigaw ni Olive. “Miss na miss kita.” Hindi niyakap ni Romer pabalik. Nanatili siyang nakatayo, ang mga braso ay nakababa. “Olive… welcome back,” sabi niya nang malamig. Napansin agad ni Olive ang pagbabago. Kumunot ang kanyang noo. “Ano’ng nangyari sa’yo? Parang iba ka.” Pumunta sila sa isang mamahaling restaurant para mag-dinner. Habang kumakain, sinubukan ni Olive na buhayin ang usapan. “Romer, na-miss kita talaga. Nung nasa Europe ako, lagi kitang iniisip. Akala ko pagbalik ko, tayo na talaga.” Tinitigan ni Romer ang plato niya. “Olive… may asawa ako.” “Pero sabi mo noon stand-in lang siya. At ngayon, wala na siya, diba? Ito na ‘yung chance natin.” Tumawa si Romer nang mapait. “Oo. Umalis siya ng walang paalam. Hindi ko alam kung bakit.Pero ngayon… hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko.” “Romer, piliin mo ako. Ako ‘yung nawala mo noon. Ako ‘yung tunay,” hinawakan ni Olive ang kamay niya. Sa isang segundo, parang bumalik ang dating Romer. Pinisil niya ang kamay ni Olive. “Sige. Subukan natin ulit.” Pero sa loob ng sasakyan pauwi, habang si Olive ay natutulog sa balikat niya, tinitigan ni Romer ang labas ng bintana. Ang mukha ni Venice ang nakikita niya sa bawat ilaw ng kalye. “Bakit parang mali ‘to?” bulong niya sa sarili. Sa Eroplano Patungong America – Venice Sa mismong araw na iyon, habang si Romer ay kasama si Olive, si Venice at Mara ay nasa eroplano na patungong Los Angeles. Sa Airport – Venice at Mara “Flight 247 to Los Angeles, now boarding…” Hawak ni Venice ang boarding pass niya. Katabi niya si Mara na abala sa pag-aayos ng mga papeles. Payat na si Venice. Halos hindi na siya kumakain ng maayos sa nakaraang linggo. “Venice, sure ka na ba talaga?” tanong ni Mara habang naglalakad sila patungo sa gate. “Oo. Kailangan ko ‘to. Para makalimutan ko siya. Para makapag-heal ako.” Pero habang naglalakad, hinawakan ni Venice ang tiyan niya. May kakaiba siyang nararamdaman sa nakaraang ilang araw pagkahilo, pagduduwal, pagkahina. Hindi niya pinansin. Akala niya stress lang. Nang makaupo na sila sa eroplano, yumakap si Venice kay Mara. “Salamat sa lahat. Kung wala ka, hindi ko ‘to kakayanin.” “Best friends tayo. Hanggang dulo,” sagot ni Mara. Habang tumatakbo ang eroplano sa runway, tinitigan ni Venice ang lumalayo na Manila. Ang lungsod kung saan niya iniwan ang puso niya. “Paalam, Romer…” bulong niya. “Mahal na mahal kita. Pero kailangan ko nang bitawan ka.” Unang Ilang Buwan sa America Los Angeles, California Ang unang buwan ay impiyerno para kay Venice. Nakatira siya sa apartment ni Mara sa LA. Araw-araw ay naghahanap siya ng trabaho. Sa gabi, umiiyak siya nang tahimik sa kama. Madalas niyang iniisip si Romer — ang yakap nito, ang tawa nito, ang huling gabing magkasama sila. Isang umaga, habang naghahanda para sa job interview, bigla siyang nahilo at sumuka sa banyo. “Venice? Okay ka lang?” tanong ni Mara habang kumatok. “Oo… siguro flu lang.” Pero nang magpatuloy ang pagduduwal sa loob ng isang linggo, pinilit siya ni Mara na magpa-check up. Sa doktor’s clinic, pagkatapos ng blood test at ultrasound, natahimik ang doktor. “Ms. Ray… buntis ka. Three weeks na. At base sa ultrasound… mukhang triplets.” Parang tumigil ang mundo ni Venice. “Triplets…?” ulit niya, ang boses ay nanginginig. “Oo. Congratulations… at condolences sa stress mo ngayon,” sabi ng doktor nang mahina. Umiyak si Venice sa clinic. Umiyak siya nang todo. Si Mara naman ay yakap-yakap siya, umiiyak din. “Anak ni Romer ‘to, Mara… tatlo pa. Paano ko ‘to aalagaan mag-isa?” “Mag-isa? Nandito ako. Hindi kita pababayaan. Tatawagan natin siya..” “Hindi!” putol ni Venice. “Hindi niya kailangang malaman. Ayaw kong lumaki ang mga anak ko na alam nilang stand-in lang ang nanay nila. Ako na ang bahala sa kanila.” Mula noon, naging mas matatag si Venice. Nagtrabaho siya nang husto bilang accountant sa isang maliit na clinic. Sa gabi, binabasa niya ang mga libro tungkol sa pagbubuntis. Pinangalanan niya ang tatlo sa isip niya — Rian, Raine, at Rio. Tuwing gabi, hinahawakan niya ang tiyan at bumubulong: “Mommy loves you, kahit wala si Daddy. Sasapat na ako para sa inyo.” Ang sakit ay nanatili, pero unti-unti, napalitan ito ng pag-asa. Sa bawat ultrasound, sa bawat sipa ng mga bata sa tiyan niya, unti-unting gumaling ang pusong durog ni Venice.Hindi.Hindi niya iyon kakayanin.Mas gugustuhin niyang mawala ang lahat kaysa mawala ang tatlong anak niya.“Mommy?”Napalingon siya.Nakatayo si Rian sa may pintuan.“Good morning.”“Good morning, Mommy.”Sinundan ito nina Raine at Rio.Ngumiti si Venice.“Come here.”Lumapit ang tatlo.Isa-isa niyang inayos ang kanilang mga buhok.“Did you sleep well?”“Yes.”“Good.”Tahimik na pinagmasdan siya ni Rian.Hindi napansin ni Venice na may ibang tingin ang anak sa kanya ngayon.Parang may tanong.Parang may gustong sabihin.“Why are you looking at me like that?”“Nothing.”“Rian.”“Nothing, Mommy.”Mabilis siyang ngumiti.Ngunit hindi kumbinsido si Venice.&ldquo
“Where were you working before NovaHealth?”“Sa accounting firm.”“For how long?”“Almost three years.”“Why did you leave?”“Personal reasons.”“Are you married?”Napatigil si Venice.Mabagal siyang tumingin kay Romer, na para bang hindi niya inaasahang itatanong nito ang bagay na matagal na niyang iniiwasang pag-usapan.“No.”Bahagyang kumunot ang noo ni Romer.“Were you married?”Tahimik si Venice.Masyadong tahimik.Napansin niya ang biglang pagbabago sa mukha ng babae—ang bahagyang pag-iwas ng mga mata nito at ang pagkakapit ng mga daliri sa isa’t isa.“Yes?”Huminga nang malalim si Venice.“Sir, I already answered this during my interview. Once… but he died a long time ago.”Hindi gumalaw si Romer.M
SAMANTALA, SA SCHOOLHindi mapakali ang tatlong magkakapatid.Lunch break na ngunit halos hindi nila ginalaw ang pagkain.“Guys.”Nakasandal si Rian sa mesa.“I searched Mommy’s company.”Napalingon sina Raine at Rio.“Already?” tanong ni Raine.“Of course.”Ipinakita ni Rian ang tablet.“NovaHealth.”“That’s Mommy’s company,” sabi ni Rio.“Yes.”Nag-scroll si Rian.“CEO.”Tumigil ang kanyang daliri.“Romer Rodrique.”Napatigil silang tatlo.“Rodrique?” ulit ni Rio.“Yes.”“That’s the name of Mommy’s boss?”“Yes.”“Show me.”Ipinakita ni Rian ang website ng kumpanya.Nandoon ang profile ng CEO.ROMER RODRIQUE
Kinabukasan, bago pa man sumikat nang tuluyan ang araw, gising na si Venice.Tahimik ang buong bahay.Tanging mahinang ugong ng refrigerator at tunog ng kutsilyong humihiwa sa prutas ang maririnig sa kusina.Nakaayos na sa mesa ang mga baon ng mga bata.Tatlong lunch boxes.Tatlong bote ng tubig.Tatlong maliit na lalagyan ng prutas.At tatlong magkakaibang paboritong pagkain.Para kay Rian, sandwich na may scrambled egg at cheese.Para kay Raine, chicken pasta dahil ayaw nitong kumain ng gulay kapag nakikita nitong hiwa-hiwa ang mga iyon.At para kay Rio, strawberry pancakes na hugis bituin.Karaniwan, habang naghahanda siya ng kanilang almusal, abala rin si Venice sa pakikipagbiruan sa mga anak.Ngunit ngayong umaga…wala siyang imik.Tahimik siyang nakatitig sa kawali habang mabagal na hinahalo ang itlog.Naroon pa rin sa isip niya ang nangyari kahapon.Ang pag-uusap nina Cassandra at Doña Elena.Ang paraan ng pagtitig ng matanda sa kanya.Ang malamig na babala nito.At higit sa la
Alas-diyes na ng gabi nang tuluyang bumalik sa tahimik na bahagi ng mansyon si Doña Elena.Nasa loob siya ng study room, nakaupo sa paborito niyang armchair habang nakapatong ang tungkod sa tabi ng mesa. Sa harapan niya ay isang tasa ng tsaa na kanina pa malamig.Ngunit hindi niya iyon pinapansin.Ang isip niya ay nasa Rodrique Tower.Nasa isang babaeng nagngangalang Venice Reyes.At higit sa lahat…nasa apo niyang si Romer.Hindi niya gusto ang pagbabalik ng mga bagay na matagal na niyang pinilit ibaon.Pitong taon.Pitong taon niyang pinrotektahan si Romer mula sa nakaraan.Pitong taon niyang tiniyak na hindi na nito malalaman ang mga bagay na maaaring magpabago sa buhay nito.Ngunit ngayon…isang pangalan lamang ang sapat para muling magulo ang lahat.Venice.Napapikit si Doña Elena.“Hindi maaari.”Mahina niyang bulong.“Hindi na naman.”Biglang tumunog ang cellphone niya.Napatingin siya sa screen.Cassandra Villar.Bahagyang kumunot ang noo niya.Hindi niya inaasahang tatawag it
Hindi agad umalis si Cassandra.Nanatili siya sa executive lounge habang pinagmamasdan si Romer na unti-unting binabawi ang sarili niyang kontrol.Ilang minuto lamang ang nakalipas…ang lalaking tila walang kinatatakutan ay biglang umatras sa kanya na parang may bagay siyang kinatatakutan.Hindi iyon galit.Hindi iyon pagkasuklam.May iba.May nakita siyang sandali sa mga mata ni Romer.Isang bagay na hindi niya maipaliwanag.Takot.At iyon ang unang beses na nakita niyang may emosyon sa likod ng malamig nitong mukha.“Mr. Rodrique…”Maingat niyang tawag.Hindi siya agad sumagot.Nakatayo si Romer sa tabi ng malaking bintana, nakatalikod sa kanya habang pinagmamasdan ang lungsod.Ang kamay niyang kanina lamang ay namula ay nakasara sa kamao.Ayaw niyang makita ni Cassandra.Ayaw niyang magtanong ito.Ayaw niyang may makaalam.Lalo na siya mismo…hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari.“Okay ka lang ba?”Tanong ni Cassandra.Pinilit niyang ayusin ang ekspresyon.“Okay l







