Home / Romance / One Last Time / ONE LAST TIME CHAPTER 3

Share

ONE LAST TIME CHAPTER 3

Author: MIKS DELOSO
last update publish date: 2026-07-21 01:43:51

Pareho silang nanghihina pagkatapos. Si Romer ay nakabagsak sa ibabaw ni Venice, ang ari niya ay nakatira pa rin sa loob. Ang t***d ay tumutulo sa labas ng puke ni Venice habang patuloy ang mahina nilang paghinga.

Yakap na yakap niya si Venice. Hinalikan ang noo, ang mga mata, ang basa na pisngi. "Mahal na mahal kita," bulong niya.

Umiiyak lang si Venice. Hinaplos ang likod ni Romer, ang mukha, ang buhok. "Ako rin... mahal na mahal kita. Kahit huling beses na 'to."

Matagal silang nanatili sa ganun ..magkayakap, magkadikit, basa ng pawis, t***d, at luha. Ang huling pagniniig nila. Ang pinakamapusok, pinakamasakit, at pinakamasarap na gabing magkasama sila.

Pagkatapos, habang nakahiga si Romer at mahimbing na natutulog, kinuha ni Venice ang folder sa drawer. Ang divorce papers na inihanda niya ilang oras pa lang ang nakalipas.

"Romer," bulong niya habang inalog siya nito. "Pirmahan mo 'to."

"Hmm? Ano 'to, love?" utal na tanong ni Romer, ang mga mata ay half-closed.

"Importanteng papeles. Pirmahan mo na."

Sa kalasingan, pinirmahan ni Romer ang papeles nang hindi tinitingnan nang mabuti. "Okay... anything for you."

Umiyak si Venice habang tinitingnan ang pirma nito. "Salamat."

Bago mag-umaga, tapos na si Venice sa pag-empake. Dalawang maleta lang. Iniwan niya ang lahat ng alahas, mga regalo, at mga damit na binili ni Romer.

Sa bedside table, inilagay niya ang wedding ring at ang sulat:

Romer,

Process mo na ang divorce. Huwag mo na akong hanapin. Tatlong taon akong naging masaya sa piling mo. Akala ko sapat na ako. Akala ko ako na 'yung babaeng mamahalin mo habang buhay. Pero narinig ko lahat. Si Olive. Stand-in lang pala ako.

Huwag kang mag-alala. Hindi kita guguluhin. Magiging masaya ka na ngayon.

Paalam.

- Venice

Hinalikan niya ang noo ni Romer na natutulog. "Mahal na mahal kita. Kahit ganito ka."

Pagkatapos ay umalis siya nang walang ingay. Ang p***o ay dahan-dahang naisara.

Ang ulo ni Romer ay parang binibiyak ng sledgehammer nang magising siya. Ang sikat ng araw ay tumagos sa mga kurtina ng kanilang penthouse bedroom. Amoy pa rin ng alak at sigarilyo ang katawan niya.

“Venice…?” ang unang salita niya. Ang boses ay garalgal.

Walang sagot.

Inabot niya ang kabilang side ng kama. Malamig na. Walang katawan na nakahiga roon.

“Love?” ulit niya, mas malakas na. Umupo siya, hawak ang ulo. “Venice, nasaan ka?”

Tumayo siya nang mabilis — masyadong mabilis — kaya napaupo ulit siya sa gilid ng kama dahil sa hilo. Pagkatapos ay napansin niya ang bedside table.

Nandoon ang wedding ring niya.

At isang sulat.

Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin ang papel. Habang binabasa, unti-unting nawawala ang kulay sa mukha niya.

Romer,

Process mo na ang divorce. Huwag mo na akong hanapin. Tatlong taon akong naging masaya sa piling mo. Akala ko sapat na ako. Akala ko ako na ‘yung babaeng mamahalin mo habang buhay. Pero narinig ko lahat. Si Olive. Stand-in lang pala ako.

Huwag kang mag-alala. Hindi kita guguluhin. Magiging masaya ka na ngayon.

Paalam.

- Venice

“Tangina…” bulong niya. Parang sinaksak siya sa dibdib. “Venice… ano ‘to?”

Tumakbo siya palabas ng kwarto. “Venice! Venice Ray!”

Walang sagot. Ang bahay ay tahimik na tahimik. Pumunta siya sa walk-in closet — wala na ang mga damit ni Venice. Ang maleta niya na laging nasa ibaba ay wala na rin. Ang mga picture frame nila sa sala, ang ilan ay nakatalikod na. Parang biglang binura ang presensya niya.

“Venice!!!” sigaw niya sa buong penthouse. Bumaba siya sa kitchen, sa gym, sa terrace. Wala.

Kinuha niya ang phone at tinawagan si Venice.

“The number you are calling is out of coverage or has been switched off…”

Muli. Muli. Muli.

“Putangina!” sigaw niya habang binabato ang phone sa sofa.

Naalala niya ang gabing iyon .. ang tawanan nila sa bar, ang usapan tungkol kay Olive, ang pag-uwi niya na lasing, ang init ng katawan ni Venice, ang huling pagkakataon nilang magsama… at ang papeles na pinirmahan niya nang hindi niya alam.

POV ni Romer

Buong araw niyang hinanap si Venice.

Mula ng magising siya nang 4 PM, hindi na siya tumigil. Naligo lang siya nang mabilis, nagbihis, at lumabas na parang galit na aso na hinahanap ang may-ari.

Una niyang tinawagan si Mara.

Walang sumasagot.

Muli. Muli. Muli.

“Putangina, sagutin mo!” sigaw niya sa phone habang nagmamaneho.

Pumunta siya sa favorite café nila ni Venice sa BGC — ang maliit na corner café na lagi nilang pinupuntahan tuwing Sabado morning.

“Sir Romer… matagal na pong hindi nakikita si Ma’am Venice,” sabi ng barista na kilala na siya. “Last week pa yata ‘yung huli.”

Susunod ay ang bookstore. Ang maliit na indie bookstore na lagi niyang binibilhan ng romance novels para kay Venice dahil alam niyang mahilig ito sa happy endings.

“Wala po siya rito, Sir. Mga dalawang linggo na rin,” sagot ng may-ari.

Pumunta rin siya sa dating opisina ni Venice bago sila ikasal. Walang tao na nakakakilala pa sa kanya doon.

“Sir, matagal na pong hindi nakikita si Ma’am Venice dito,” sabi ng isang dating empleyado na nakakilala pa sa kanya. “Simula noong kinasal daw po siya.”

Hindi pa rin tumigil si Romer.

Pumunta siya sa airport. Tinanong ang lahat ng kaibigan niya sa security at airline staff na may kakilala siya. Walang record na umalis si Venice gamit ang kanyang pangalan… pero alam niyang maraming paraan para umalis nang tahimik kung gusto.

Pumunta siya sa mga hospital. Sa emergency rooms. Sa mga private clinics.

Wala.

Sa huling lugar na pinuntahan niya — ang morgue  halos hindi na siya makahinga. Natatakot siya sa iniisip niya.

“Wala po siya rito, Sir,” sabi ng attendant pagkatapos suriin ang records.

Nang gabihin na, umuwi siyang durog. Ang penthouse ay malamig at tahimik. Nakaupo siya sa sahig ng sala, hawak ang wedding ring ni Venice, at umiyak nang walang ingay.

“Venice… saan ka na ba? Ano ginawa ko bakit mo ko iniwan?.”

Samantala — Sa Condo ni Mara

Pagkaalis ni Venice sa penthouse nang madaling araw, diretso siya kay Mara. Dala-dala ang dalawang maleta at ang basang-basa niyang mukha.

“Venice! Oh my god…” si Mara ang sumalubong sa kanya, nakasuot pa ng pajamas. “Ano’ng nangyari?!”

Umiyak si Venice habang yakap-yakap ng kaibigan. “Nakipaghiwalay na ako, Mara. Stand-in lang pala ako. Mahal niya si Olive. Umalis na ako. Pinapirma ko na siya ng divorce papers na di niya nalalaman kung hindi niya ipoprocess ang papers ako magprocess sa US.”

“Tangina niya,” mura ni Mara. “So ibig sabihin pupunta ka ng US?Ano’ng plano mo?”

“gusto ko sumama sa’yo sa America,” sagot ni Venice nang walang pag-aalinlangan. “Gusto kong magsimula ulit. Magbagong-buhay. Ayoko nang makita siya. Ayoko nang maalala ‘yung tatlong taon na sinayang ko.”

Niyakap ni Mara si Venice nang mahigpit. “Sige. Ako na ang bahala. May kakilala ako sa immigration. Kaya nating ayusin ‘to nang mabilis. Magre-renew lang ako ng visa ko next week, sabay na tayo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 58

    Hindi.Hindi niya iyon kakayanin.Mas gugustuhin niyang mawala ang lahat kaysa mawala ang tatlong anak niya.“Mommy?”Napalingon siya.Nakatayo si Rian sa may pintuan.“Good morning.”“Good morning, Mommy.”Sinundan ito nina Raine at Rio.Ngumiti si Venice.“Come here.”Lumapit ang tatlo.Isa-isa niyang inayos ang kanilang mga buhok.“Did you sleep well?”“Yes.”“Good.”Tahimik na pinagmasdan siya ni Rian.Hindi napansin ni Venice na may ibang tingin ang anak sa kanya ngayon.Parang may tanong.Parang may gustong sabihin.“Why are you looking at me like that?”“Nothing.”“Rian.”“Nothing, Mommy.”Mabilis siyang ngumiti.Ngunit hindi kumbinsido si Venice.&ldquo

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 57

    “Where were you working before NovaHealth?”“Sa accounting firm.”“For how long?”“Almost three years.”“Why did you leave?”“Personal reasons.”“Are you married?”Napatigil si Venice.Mabagal siyang tumingin kay Romer, na para bang hindi niya inaasahang itatanong nito ang bagay na matagal na niyang iniiwasang pag-usapan.“No.”Bahagyang kumunot ang noo ni Romer.“Were you married?”Tahimik si Venice.Masyadong tahimik.Napansin niya ang biglang pagbabago sa mukha ng babae—ang bahagyang pag-iwas ng mga mata nito at ang pagkakapit ng mga daliri sa isa’t isa.“Yes?”Huminga nang malalim si Venice.“Sir, I already answered this during my interview. Once… but he died a long time ago.”Hindi gumalaw si Romer.M

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 58

    SAMANTALA, SA SCHOOLHindi mapakali ang tatlong magkakapatid.Lunch break na ngunit halos hindi nila ginalaw ang pagkain.“Guys.”Nakasandal si Rian sa mesa.“I searched Mommy’s company.”Napalingon sina Raine at Rio.“Already?” tanong ni Raine.“Of course.”Ipinakita ni Rian ang tablet.“NovaHealth.”“That’s Mommy’s company,” sabi ni Rio.“Yes.”Nag-scroll si Rian.“CEO.”Tumigil ang kanyang daliri.“Romer Rodrique.”Napatigil silang tatlo.“Rodrique?” ulit ni Rio.“Yes.”“That’s the name of Mommy’s boss?”“Yes.”“Show me.”Ipinakita ni Rian ang website ng kumpanya.Nandoon ang profile ng CEO.ROMER RODRIQUE

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 56

    Kinabukasan, bago pa man sumikat nang tuluyan ang araw, gising na si Venice.Tahimik ang buong bahay.Tanging mahinang ugong ng refrigerator at tunog ng kutsilyong humihiwa sa prutas ang maririnig sa kusina.Nakaayos na sa mesa ang mga baon ng mga bata.Tatlong lunch boxes.Tatlong bote ng tubig.Tatlong maliit na lalagyan ng prutas.At tatlong magkakaibang paboritong pagkain.Para kay Rian, sandwich na may scrambled egg at cheese.Para kay Raine, chicken pasta dahil ayaw nitong kumain ng gulay kapag nakikita nitong hiwa-hiwa ang mga iyon.At para kay Rio, strawberry pancakes na hugis bituin.Karaniwan, habang naghahanda siya ng kanilang almusal, abala rin si Venice sa pakikipagbiruan sa mga anak.Ngunit ngayong umaga…wala siyang imik.Tahimik siyang nakatitig sa kawali habang mabagal na hinahalo ang itlog.Naroon pa rin sa isip niya ang nangyari kahapon.Ang pag-uusap nina Cassandra at Doña Elena.Ang paraan ng pagtitig ng matanda sa kanya.Ang malamig na babala nito.At higit sa la

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 55

    Alas-diyes na ng gabi nang tuluyang bumalik sa tahimik na bahagi ng mansyon si Doña Elena.Nasa loob siya ng study room, nakaupo sa paborito niyang armchair habang nakapatong ang tungkod sa tabi ng mesa. Sa harapan niya ay isang tasa ng tsaa na kanina pa malamig.Ngunit hindi niya iyon pinapansin.Ang isip niya ay nasa Rodrique Tower.Nasa isang babaeng nagngangalang Venice Reyes.At higit sa lahat…nasa apo niyang si Romer.Hindi niya gusto ang pagbabalik ng mga bagay na matagal na niyang pinilit ibaon.Pitong taon.Pitong taon niyang pinrotektahan si Romer mula sa nakaraan.Pitong taon niyang tiniyak na hindi na nito malalaman ang mga bagay na maaaring magpabago sa buhay nito.Ngunit ngayon…isang pangalan lamang ang sapat para muling magulo ang lahat.Venice.Napapikit si Doña Elena.“Hindi maaari.”Mahina niyang bulong.“Hindi na naman.”Biglang tumunog ang cellphone niya.Napatingin siya sa screen.Cassandra Villar.Bahagyang kumunot ang noo niya.Hindi niya inaasahang tatawag it

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 54

    Hindi agad umalis si Cassandra.Nanatili siya sa executive lounge habang pinagmamasdan si Romer na unti-unting binabawi ang sarili niyang kontrol.Ilang minuto lamang ang nakalipas…ang lalaking tila walang kinatatakutan ay biglang umatras sa kanya na parang may bagay siyang kinatatakutan.Hindi iyon galit.Hindi iyon pagkasuklam.May iba.May nakita siyang sandali sa mga mata ni Romer.Isang bagay na hindi niya maipaliwanag.Takot.At iyon ang unang beses na nakita niyang may emosyon sa likod ng malamig nitong mukha.“Mr. Rodrique…”Maingat niyang tawag.Hindi siya agad sumagot.Nakatayo si Romer sa tabi ng malaking bintana, nakatalikod sa kanya habang pinagmamasdan ang lungsod.Ang kamay niyang kanina lamang ay namula ay nakasara sa kamao.Ayaw niyang makita ni Cassandra.Ayaw niyang magtanong ito.Ayaw niyang may makaalam.Lalo na siya mismo…hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari.“Okay ka lang ba?”Tanong ni Cassandra.Pinilit niyang ayusin ang ekspresyon.“Okay l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status