LOGINDalawang buwan.
Iyon lang ang lumipas mula nang bumalik si Olive sa buhay ni Romer Rodrique. Sa mata ng mundo, ito ang perpektong kwento ng pagbabalik. Ang CEO na matagal nang nagdurusa sa kawalan ay muling nakahanap ng katahimikan. Ang babaeng minsan niyang sinabing “tunay niyang minahal” ay nasa tabi na niya. Ang asawang tinawag niyang “stand-in” ay nawala na, parang multo na hindi na kailanman umiral. Dapat masaya siya. Dapat gumaan ang dibdib niya. Pero sa tuwing hawak niya ang kamay ni Olive, sa tuwing mararamdaman niya ang init ng katawan nito sa tabi niya sa malaking kama ng penthouse, ang tanging nararamdaman niya ay isang malalim, walang-hanggang void—isang butas na hindi kayang punan ng kahit na sino. “Romer…” Ang malambing na boses ni Olive ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Nakaupo ito sa harapan niya sa mahabang dining table, ang sikat ng umagang araw ay sumisilip sa malalaking bintana ng penthouse, naglalaro sa kanyang mahaba at maayos na buhok. Ngumiti si Olive, ang ngiti na minsan ay pinatay na ng mundo niya. “Alam mo ba kung ilang taon kong hinintay ‘tong araw na ‘to?” tanong nito, ang boses ay puno ng matamis na alaala. “Limang taon, Romer. Limang taon akong nagtiis sa bawat gabi na iniisip ko kung nasaan ka, kung sino ang katabi mo. Akala ko hindi na tayo babalik dito. Akala ko… patay na ang tayo.” Hinawakan ni Olive ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Mainit ang hawak nito. Pero sa kabila ng init, parang yelo ang dumadaloy sa ugat ni Romer. “Pero nandito na tayo,” bulong ni Olive, ang mga mata ay nagniningning sa pag-asa. “Ikaw at ako. Tulad ng dati. Walang hadlang. Walang… kanya.” Pinilit ni Romer na ngumiti. “Oo, Olive. Nandito na tayo.” Pero sa loob ng kanyang dibdib, isang boses ang sumisigaw: Bakit parang may mali? Bakit parang mas malaki ang kawalan ngayon kaysa noon?Sa penthouse, patuloy ang tahimik na digmaan.
Unti-unti, parang binubura ni Olive ang bawat bakas ni Venice. Ang mga unan na personal na pinili ni Venice sa isang boutique sa Italy yung malambot na may subtle floral scent ay pinalitan ng mga bagong designer pieces na mas “elegante” daw. Ang mga fresh tulips na lagi niyang inilalagay sa gitna ng sala ay nawala, pinalitan ng abstract sculptures na walang buhay. At ang pinakamasakit ang malaking litrato nila ni Venice sa gilid ng grand staircase, yung kuha noong unang anibersaryo nila bilang mag-asawa, kung saan nakatingin si Venice sa kanya na parang siya ang buong universo ay biglang nawala isang araw. Nang umuwi si Romer nang hapon na iyon, nakita niya si Olive na nakatayo sa harap ng fireplace, hawak ang isang silver frame. Ang litrato nila ni Venice sa honeymoon sa Santorini. Nakayakap siya kay Venice mula sa likuran, ang dagat ay kulay asul na parang langit, at ang ngiti ni Venice… Dios mio, ang ngiti na iyon. Parang sinasabi ng buong mundo na siya ang pinakamasayang babae. Napahinto si Romer sa may p***o. Ang kanyang dibdib ay biglang sumikip. “Ano ‘yan?” tanong niya, ang boses ay mababa pero may nanginginig na galit. Napalingon si Olive. “Oh, ito?” Ngumiti ito nang parang walang problema. “Inalis ko lang. Hindi na bagay dito, Romer. Hindi na kailangan ng mga alaala niya sa bahay natin.” May kung anong kumirot nang malalim sa puso ni Romer. Parang may kutsilyo na dahan-dahang iniikot sa kanyang dibdib. “Nasaan na?” mahina niyang tanong. “Tinapon ko na,” sagot ni Olive nang walang emosyon, habang inaayos ang bagong vase sa mesa. Tinapon. Nanlaki ang mga mata ni Romer. “Tinapon mo? Olive… iyon ang tanging litrato natin sa honeymoon. Iyon ang—” “Romer,” putol ni Olive, ang boses ay biglang matalim. “Bakit? Hindi mo naman na kailangan ng mga litrato niya, di ba? Sinabi mo sa akin na siya lang ang stand-in. Na ako ang totoong mahal mo. O… nagsisinungaling ka ba sa akin noon?” Hindi siya nakasagot. Dahil sa unang pagkakataon, napagtanto niya: Masakit palang mawala ang mga alaala ni Venice. Kahit siya mismo ang sumira sa lahat.Gabing iyon, habang mahimbing ang tulog ni Olive sa master bedroom, si Romer ay gising na gising. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang lumang wedding ring ni Venice na hindi niya kailanman naibalik. Ang simpleng platinum band na may maliit na diamond sa gitna—yung binili niya nang may buong pagmamahal noon.
“Bakit hindi kita makalimutan?” bulong niya sa dilim, ang boses ay puno ng sakit. “Sinabi ko sa sarili ko araw-araw na hindi kita mahal… na ikaw ay isang pagkakamali. Na si Olive ang tama para sa akin. Pero bakit… bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko sa bawat sulok ng bahay na ‘to?” Napapikit siya. Bumalik ang mga alaala nang parang baha. Flashback: Tatlong taon na ang nakalipas. “Love, gising na. May meeting ka pa,” mahinang bulong ni Venice habang hinahalikan ang kanyang noo. Nasa kusina siya, nagsasalang ng kape, suot ang isa niyang lumang t-shirt. Walang make-up. Walang pretensyon. Pero sa mga mata ni Romer noon, siya ang pinakamaganda sa buong mundo. “Venice… bakit ang aga mo?” niyakap niya ito mula sa likuran, inihilig ang mukha sa leeg nito. “Kasi mahal kita. At ayaw kong late ka. Proud ako sa’yo palagi, alam mo ba ‘yun?” Proud ako sa’yo palagi. Ang mga salitang iyon ngayon ay parang kutsilyo sa kanyang lalamunan.Kinabukasan, dumating ang private investigator sa opisina niya. Si Mr. Cruz, isang matandang lalaki na may matalim na mata.
“Sir,” sabi nito nang pumasok. “May update po.” Tumayo agad si Romer, ang puso ay tumitibok nang mabilis. “May nakita ba kayo? Nasaan siya?” Natahimik si Mr. Cruz. At sa katahimikang iyon, alam na ni Romer ang sagot. “Wala pa rin po, Sir. Parang sinadya talagang mawala ni Miss Ray. Walang credit card transactions, walang bank withdrawals, walang flight records sa pangalan niya. Parang nilamon siya ng lupa.” “Imposible!” sigaw ni Romer, ang kamay ay tumama sa mesa. “Hanapin niyo! Gamitin niyo lahat ng resources ko! Kahit kailangan niyo pang siraan ang batas, hanapin niyo siya!” “Sir… matagal na po. Dalawang buwan na. Baka… tanggapin na po natin na ayaw na niyang makita.” Ayaw na niyang makita. Ang mga salitang iyon ay parang bala sa puso ni Romer. Bumagsak siya sa upuan, ang mukha ay nakatakip sa mga kamay. “Venice… saan ka ba pupunta para takasan ako nang ganito? Ako ba talaga ang dahilan kung bakit mo gustong mawala?”Umuwi siyang hatinggabi. Pagbukas ng p***o, naroon si Olive, naka-silk robe, ang mukha ay puno ng pag-aalala at bahagyang galit.
“Romer, tatlong oras kitang hinihintay! Saan ka ba galing?!” “Trabaho,” sagot niya nang malamig, diretso sa bar para kumuha ng whiskey. “Trabaho na naman? Romer, tingnan mo nga ang sarili mo! Simula nang dumating ako, parang multo ka na lang dito! Kasama kita pero parang wala ka! Parang siya pa rin ang kasama mo sa isip mo!” Tumigil si Romer. Dahan-dahan siyang lumingon. “Olive… huwag mo siyang isali.” “Hindi ko ba isasali?!” tumaas ang boses ni Olive, ang mga luha ay tumulo na. “Romer, sinira mo ako noon para sa kanya! Iniwan mo ako para pakasalan siya! Tapos ngayon na bumalik ako, siya pa rin ang hinahanap mo?! Ano ba talaga?! Stand-in lang ba ako ulit?!” Ang huling tanong ay parang slap sa mukha ni Romer. Lumapit siya, hinawakan ang braso ni Olive. “Olive… mahal kita. Pinili kita noon.” “Pinili mo ba talaga?” umiyak si Olive nang malakas. “Kung pinili mo ako, bakit parang patay na patay ka kapag binanggit ko ang pangalan niya? Bakit tuwing hinahawakan kita, parang may harang sa pagitan natin? Sagutin mo ako, Romer! Sino ba talaga ang nasa puso mo?!” Hindi siya nakasagot. Dahil ang totoo, kahit siya mismo ay natatakot sa sagot.Hindi.Hindi niya iyon kakayanin.Mas gugustuhin niyang mawala ang lahat kaysa mawala ang tatlong anak niya.“Mommy?”Napalingon siya.Nakatayo si Rian sa may pintuan.“Good morning.”“Good morning, Mommy.”Sinundan ito nina Raine at Rio.Ngumiti si Venice.“Come here.”Lumapit ang tatlo.Isa-isa niyang inayos ang kanilang mga buhok.“Did you sleep well?”“Yes.”“Good.”Tahimik na pinagmasdan siya ni Rian.Hindi napansin ni Venice na may ibang tingin ang anak sa kanya ngayon.Parang may tanong.Parang may gustong sabihin.“Why are you looking at me like that?”“Nothing.”“Rian.”“Nothing, Mommy.”Mabilis siyang ngumiti.Ngunit hindi kumbinsido si Venice.&ldquo
“Where were you working before NovaHealth?”“Sa accounting firm.”“For how long?”“Almost three years.”“Why did you leave?”“Personal reasons.”“Are you married?”Napatigil si Venice.Mabagal siyang tumingin kay Romer, na para bang hindi niya inaasahang itatanong nito ang bagay na matagal na niyang iniiwasang pag-usapan.“No.”Bahagyang kumunot ang noo ni Romer.“Were you married?”Tahimik si Venice.Masyadong tahimik.Napansin niya ang biglang pagbabago sa mukha ng babae—ang bahagyang pag-iwas ng mga mata nito at ang pagkakapit ng mga daliri sa isa’t isa.“Yes?”Huminga nang malalim si Venice.“Sir, I already answered this during my interview. Once… but he died a long time ago.”Hindi gumalaw si Romer.M
SAMANTALA, SA SCHOOLHindi mapakali ang tatlong magkakapatid.Lunch break na ngunit halos hindi nila ginalaw ang pagkain.“Guys.”Nakasandal si Rian sa mesa.“I searched Mommy’s company.”Napalingon sina Raine at Rio.“Already?” tanong ni Raine.“Of course.”Ipinakita ni Rian ang tablet.“NovaHealth.”“That’s Mommy’s company,” sabi ni Rio.“Yes.”Nag-scroll si Rian.“CEO.”Tumigil ang kanyang daliri.“Romer Rodrique.”Napatigil silang tatlo.“Rodrique?” ulit ni Rio.“Yes.”“That’s the name of Mommy’s boss?”“Yes.”“Show me.”Ipinakita ni Rian ang website ng kumpanya.Nandoon ang profile ng CEO.ROMER RODRIQUE
Kinabukasan, bago pa man sumikat nang tuluyan ang araw, gising na si Venice.Tahimik ang buong bahay.Tanging mahinang ugong ng refrigerator at tunog ng kutsilyong humihiwa sa prutas ang maririnig sa kusina.Nakaayos na sa mesa ang mga baon ng mga bata.Tatlong lunch boxes.Tatlong bote ng tubig.Tatlong maliit na lalagyan ng prutas.At tatlong magkakaibang paboritong pagkain.Para kay Rian, sandwich na may scrambled egg at cheese.Para kay Raine, chicken pasta dahil ayaw nitong kumain ng gulay kapag nakikita nitong hiwa-hiwa ang mga iyon.At para kay Rio, strawberry pancakes na hugis bituin.Karaniwan, habang naghahanda siya ng kanilang almusal, abala rin si Venice sa pakikipagbiruan sa mga anak.Ngunit ngayong umaga…wala siyang imik.Tahimik siyang nakatitig sa kawali habang mabagal na hinahalo ang itlog.Naroon pa rin sa isip niya ang nangyari kahapon.Ang pag-uusap nina Cassandra at Doña Elena.Ang paraan ng pagtitig ng matanda sa kanya.Ang malamig na babala nito.At higit sa la
Alas-diyes na ng gabi nang tuluyang bumalik sa tahimik na bahagi ng mansyon si Doña Elena.Nasa loob siya ng study room, nakaupo sa paborito niyang armchair habang nakapatong ang tungkod sa tabi ng mesa. Sa harapan niya ay isang tasa ng tsaa na kanina pa malamig.Ngunit hindi niya iyon pinapansin.Ang isip niya ay nasa Rodrique Tower.Nasa isang babaeng nagngangalang Venice Reyes.At higit sa lahat…nasa apo niyang si Romer.Hindi niya gusto ang pagbabalik ng mga bagay na matagal na niyang pinilit ibaon.Pitong taon.Pitong taon niyang pinrotektahan si Romer mula sa nakaraan.Pitong taon niyang tiniyak na hindi na nito malalaman ang mga bagay na maaaring magpabago sa buhay nito.Ngunit ngayon…isang pangalan lamang ang sapat para muling magulo ang lahat.Venice.Napapikit si Doña Elena.“Hindi maaari.”Mahina niyang bulong.“Hindi na naman.”Biglang tumunog ang cellphone niya.Napatingin siya sa screen.Cassandra Villar.Bahagyang kumunot ang noo niya.Hindi niya inaasahang tatawag it
Hindi agad umalis si Cassandra.Nanatili siya sa executive lounge habang pinagmamasdan si Romer na unti-unting binabawi ang sarili niyang kontrol.Ilang minuto lamang ang nakalipas…ang lalaking tila walang kinatatakutan ay biglang umatras sa kanya na parang may bagay siyang kinatatakutan.Hindi iyon galit.Hindi iyon pagkasuklam.May iba.May nakita siyang sandali sa mga mata ni Romer.Isang bagay na hindi niya maipaliwanag.Takot.At iyon ang unang beses na nakita niyang may emosyon sa likod ng malamig nitong mukha.“Mr. Rodrique…”Maingat niyang tawag.Hindi siya agad sumagot.Nakatayo si Romer sa tabi ng malaking bintana, nakatalikod sa kanya habang pinagmamasdan ang lungsod.Ang kamay niyang kanina lamang ay namula ay nakasara sa kamao.Ayaw niyang makita ni Cassandra.Ayaw niyang magtanong ito.Ayaw niyang may makaalam.Lalo na siya mismo…hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari.“Okay ka lang ba?”Tanong ni Cassandra.Pinilit niyang ayusin ang ekspresyon.“Okay l







