LOGINSandaling natahimik ang kabilang linya bago marinig ni Dashiel ang mahinang pag-clear ng throat ni Benson.“Before that…” sabi nito. “Hindi ko maiwasang mapansin ang mga headlines lately. Mukhang ang Gutierrez name ang nasa pinakatuktok ng balita ngayon.”Bumaba ang tono ni Dashiel. Kalmado pero malamig.“That’s my personal matter.”Bahagya siyang sumandal sa upuan. “It doesn’t interfere with business, Mr. Benson.”Tumigil siya sandali bago nagpatuloy.“Have you been watching Gutierrez Group’s stock?”Bahagyang kumunot-noo si Dashiel. “If yes, may nakita ba kayong kahit kaunting pagbaba kahit trending ang pangalan ko kung saan-saan?”Biglang natawa si Benson. Mas malakas ngayon. Halos may halong panunukso.“All right, all right. Forgive me, Mr. Dashiel.”Patuloy pa rin ang amusement sa boses nito.“I was only expressing concern. Busy ka lately, at bihira na tayong makapag-usap.”“Then we’ll speak on Monday.” Diretso ang sagot ni Dashiel. “I’ll discuss whatever you need by t
“No, Mom,” matatag na sagot ni Dashiel. “Hindi totoo ang balitang iyon. I can promise you that.”Mas mabigat kaysa inaasahan niya ang pagsisinungaling na iyon. Parang may kung anong matalim na dumidiin sa dibdib niya habang kaharap ang ina.Hindi niya gustong magsinungaling dito. Lalo na tungkol sa bagay na ganoon kabigat. Pero wala siyang choice.Natatakot siya sa posibleng mangyari kapag nalaman ng mommy niya ang buong katotohanan.Hindi pa nga humuhupa ang gulong kinakaharap niya ngayon.At higit sa lahat, hindi niya nakakalimutan kung paano nito trinato si Addison noon.“Are you sure?”Bahagyang kumunot-noo si Diana habang may halong pagdududa sa mga mata nito.“Don’t hide something this important from me, Dashiel.”“I’m certain, Mom.”Kalmado ang sagot niya. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya.Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ng ina.“You know how reporters are.” Bahagya siyang ngumiti. “They twist everything para lang makagawa ng issue.”Mabagal na n
Tahimik na tumango si Dashiel. Alam niyang ito na ang sandaling hinihintay ng mommy niya.Ang pagkakataong malaman ang lahat tungkol sa gulong bumalot sa buhay niya nitong mga nakaraang linggo.Tahimik niya itong sinundan papunta sa family room.Mainit at komportable ang ambiance ng kwarto. May malalambot na sofa. Mahinang ilaw mula sa lamps.At pakiramdam na parang puwede kang huminga nang maluwag doon.Makalipas ang ilang segundo, pumasok si Mira dala ang tray ng mainit na jasmine tea at isang maliit na garapon ng butter cookies.Mabilis kumalat sa buong kwarto ang mabangong floral scent ng tsaa.Nakakakalma. Parang unti-unting binabawasan ang bigat sa dibdib nila.Tahimik na nagsalin si Diana ng tsaa sa porcelain cups bago iniabot ang isa kay Dashiel.“Drink.”Ngumiti ito nang bahagya.“Pinadala ito ni Jace. Sabi niya, ito raw ang best tea kapag pagod ka.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Dashiel.“Ah… it’s been a long time since huli ko siyang nakausap.”Dahan-dahan niya
“For the time being, sa bahay muna ng ina ko ako mananatili. Kaya kung may naiwan pang files sa apartment ko, puwede mo nang kunin agad.”“Yes, Mr. Dashiel,” maayos na sagot ni Alfie. “In that case, I hope you enjoy your weekend with your family.”Sinamahan nito si Dashiel hanggang sa kotse. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, sinabi ni Dashiel kay Alfie na magpahinga muna ito sa natitirang araw.Malaking bagay iyon para kay Alfie. Sa wakas, magkakaroon din siya ng weekend na walang sandamakmak na trabaho.Pakiramdam niya kasi nitong mga nakaraang buwan, para siyang laging hinahabol ng oras.Sunod-sunod na deadlines. Mga problemang walang katapusan. At kaguluhang halos hindi na matapos-tapos.Nakakapagod. Parang nauubos na lahat ng lakas niya.“You too. Enjoy your weekend,” sabi ni Dashiel bago tuluyang sumakay sa sasakyan.Magalang na yumuko si Alfie. Pagkasara ng pinto ng kotse, dahan-dahang umalis ang sasakyan mula sa lobby ng opisina.Nang hapon ding iyon, m
“Kumusta na, Tobias? Hanggang saan na ang preparations? May kailangan pa ba kayong importanteng documents?”Mababa pero matigas ang boses ni Dashiel habang nakaupo sa office niya.Sa harap niya, dahan-dahang isinara ni Tobias, ang abogado niya, ang brown folder na hawak nito bago maayos na ipinatong sa mesa.“Everything is already in order, Mr. Dashiel,” kalmadong sagot ni Tobias. “Officially filed na sa court ang divorce petition. Next week ang first hearing, at nakatanggap na rin ng formal notice si Venus Mae Bonifacio.”Isang maikling tango lang ang isinagot ni Dashiel. “Good.”Malamig ang mukha niya habang nakatingin sa mga documents sa mesa.“I want this settled as soon as possible. Walang loopholes. At ayokong humaba pa ang drama.”Tahimik na pinagmasdan siya ni Tobias bago ito huminga nang malalim.“Unfortunately, sir, mas lumalaki pa ang issue.”Bahagyang sumandal ito sa upuan.“Kung anu-anong speculation na ang kumakalat. The media is everywhere. Halos bawat galaw ni
Samantala, malayo sa kaguluhan sa downtown Luminous City, nananatiling tahimik ang isang madilim na kwarto.Halos mukha na iyong abandonado. Pero sa loob noon, may isang babaeng hindi mapakali.Isang babaeng dating halos wala nang pahinga dahil puno palagi ang schedule niya.Pero hindi ngayon.Hindi sa sitwasyong kahit paglabas lang sa convenience store ay sapat na para dagsain siya ng reporters.“Damn it! Kailan ba matatapos ito?!” galit na bulalas ni Venus habang pabalik-balik sa paglalakad sa loob ng apartment.Halos lahat ng headlines ay ginagawa siyang kontrabida.Puno ng insulto, galit, at panghuhusga ang social media. At unti-unti na siyang nauubos. Pagod na pagod na siya.Pakiramdam niya’y sinasakal siya ng lahat ng nangyayari.Dahil sa frustration, agad niyang dinampot ang remote at binuksan ang TV.Pero pagkakamali iyon. Pagliwanag pa lang ng screen, agad niyang nakita ang live broadcast mula sa MnC Group.Biglang natigilan si Venus. Nanlaki ang mga mata niya.Kup
Noong unang dumating si Addison sa bahay na ito, isang maliit na maleta lang ang dala niya, ilang lumang damit, simpleng gamit, at kaunting pag-asa. Pero ngayon, tatlong malalaking maleta ang maayos na nakahanay sa gilid ng kwarto. Hindi iyon puno ng mamahaling bagay na binili niya habang asawa siya
“Parang masyado kang nag-eenjoy, hmm?”Pantay ang tono ng boses ni Dashiel, pero may matalim na diin na hindi maitago.Nagulat si Addison at agad na humarap sa kanya. “Dashiel, this is—”“Is that true, my wife?” putol ni Dashiel, malamig at diretso ang mga salita.Halatang nalito ang lalaking ka
“Miss na miss na kita, Mom,” pabulong na sabi ni Addison, halos matabunan ng hangin ang boses niya. “Sorry kung ngayon lang ako nakabalik.”Sa likod niya, nakatayo si Luna habang hawak ang payong, sinisilungan sila mula sa unti-unting pag-init ng araw. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa relo per
“Sobrang sarap nito, Mom!” masayang sigaw ni Dustin habang isinusubo ang malaking tinidor ng baked macaroni. Agad na lumiwanag ang maliit niyang mukha, sabay taas ng hinlalaki bilang papuri.“Agree ako diyan, little champ,” dagdag ni Carter na may kasamang tango, halatang naa-appreciate ang pagkain







