Share

Chapter 3 Ang Relasyon nina Andrew at Joan

"WILL you be my escort?" Kabadung-kabadong tanong ni Joan kay Andrew. Kahit naman kasi may mutual understanding sila ng kanyang best friend mula pagkabata, gusto pa rin niyang makasigurado na ito ang magiging partner niya sa napakahalagang okasyon sa kanyang buhay – ang debut niya.

"Of course," mabilis at madiin na sabi ni Andrew na parang napapantastikuhan sa kanyang tanong. "Ako ang boyfriend mo kaya dapat lang na ako ang maging escort mo."

"B-boyfriend kita?" Gilalas niyang tanong.

Kumunot ang noo ni Andrew sa pagkakatitig sa kanya. "Bakit parang hindi mo alam?"

"Nanligaw ka ba?" Mangha pa rin niyang tanong. Sa isip niya kasi, ang manliligaw ay may dala palaging roses at chocolate sa kanyang nililigawan pero hindi iyon ang laging dala ni Andrew sa kanya kundi milk tea at pizza. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Favorite niya kasi ang mga iyon.

"Eight years old pa lang tayo, mag-sweetheart na tayo. Hindi nga ba gusto na natin magpakasal noon?"

Sa pagbabalik alaala sa nakaraan, hindi niya napigilan ang mapangiti. Nawala lang ang ngiti sa kanyang labi nu'ng biglang sumuot sa kanyang isipan ang dakilang kontrabida ng kanyang buhay – si Lorenzo. Dahil kasi sa presensya ng kanyang 'stepbrother', napurnada ang 'kasal' nila ni Andrew.

"Parang gusto ko na magselos."

"Ano?" Gilalas niyang tanong kay Andrew. Hindi niya kasi naintindihan ang sinasabi nito.

"Sa ekspresyon pa lang ng mukha mo, alam ko na kung sino ang biglang sumingit. Si Lorenzo."

"Palagi na lang niya kasing kinokontra ang nangyayari sa ating dalawa," aniyang hindi napigilang ibulalas ang mga salitang iyon. Kahit tuloy hindi siya nakatingin sa harap ng salamin, alam niyang ang pula-pulang kanyang mukha.

"Ang tindi talaga ng galit mo sa'yong step brother," marahan sabi sa kanya ni Andrew.

"Buwisit kasi siya," wika niyang pinaningkit pa sng mga mata.

" The more you hate the more you love," wika ni Andrew.

Gilalas siyang na patingin dito. "Bakit ko naman siya mamahalin?"

"Dahil kapatid mo naman siya," mabilis naman sabi ni Andrew.

"He is not my brother," buong diin niyang sabi.

"He is your step brother. Technically,kapamilya na."

"Unfortunately," matabang na sabi. "Huwag na natin siyang pag-usapan. Maba-badtrip lang ako. Basta ako, excited na sa debut ko dahil ikaw ang escort ko."

"Me too. Me too," wika ni Andrew.

Napakunot tuloy ang kanyang noo sa winikang 'yun ni Andrew. Para kasi itong wala sa sarili ng mga sandaling iyon. Hindi tuloy niya napigilang isipin na baka may inihahanda itong surpresa sa kanyang birthday.

Oh, bigla tuloy siyang na excite.

WILL you be my wife? Tanong ni Andrew habang nakaharap siya sa salamin. Iyon kasi ang gusto niyang itanong sa debut nito at umaasa siyang hindi siya nito bibiguin.

Of course, mariin niyang sabi sa sarili. Alam niyang mahal niya si Joan, na talagang nagmamahalan sila. Wala naman kasing dahilan para magsabi ng 'no' sa kanya si Joan dahil mga bata pa lang sila ay pinangarap na niyang makaisang dibdib si Joan at nakasisigurado siyang hindi mababago iyon. Tiyak din niyang siya lamang ang mahal nito. Wala ng iba.

"BAKIT hanggang ngayon wala pa si Andrew?" Naiiyak ng tanong ni Joan.

"Malamang hindi na siya pupunta," parang walang anumang sabi ng boses ng lalaking kinabubuwisitan niya.

Kung ibang pagkakataon lang ay tatarayan niya ang pambubuwisit na iyon ni Lorenzo, sa pagkakataon na iyon ay sobra siyang naapektuhan. Paano nga kung tama ang sinabi ng kanyang stepbrother.

"Lorenzo, tumigil ka nga!" Wika naman ng kanyang Mama Meldy. "Hindi ka nakakatulong."

"Ako na lang ang escort mo," wika ni Lorenzo.

No way! Iyon ang gusto niyang sabihin ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang programa.ng kanyang debut kaya magmumukha siyang katawa-tawa kung wala siyang escort.

Si Andrew ang kanyang escort, naghihinaing na angal ng kanyang puso.

Nasaan si Andrew? Tanong naman ng kanyang utak

"Sa lahat ng sinabi mo, anak, 'yan ang pinaka maigi mong gawin," wika ng kanyang Mama Meldy.

"No…" Hindi nga niya sinama si Lorenzo sa 18th roses niya dahil hindi naman sila close at hindi rin siya sigurado kung papayag ito na makabahagi sa kanyang kaarawan tapos ngayon, nagboboluntaryo itong maging escort pa niya.

Marahas na buntong hininga ang pinagmulan ni Lorenzo na parang iritadong-iritado. "Hindi ko naman ipinagpipilitan ang sarili ko. Gusto lang kitang tulungan para hindi ka magmukhang katawa-tawa."

"Baka dumating na si Andrew," nag-aalangan niyang sabi.

Bwisit si Lorenzo nang sumagot. "Kung darating siya dapat kanina pa."

"Hija, magsisimula na ang programa. Kailangan mo ng escort."

"Pero…"

"Halika na," mariing sabi ni Lorenzo nang hawakan na ang palad. Pinagsalikop pa iyon na parang sinasabing hindi na siya makakawala pa.

Dapat sana ay maaari mabuwisit siya sa kapangahasan ginawa ni Lorenzo ngunit hindi niya makuhang magtaray man lang kahit alam niyang si Andrew lamang ang dapat niyang maka-holding hands.

Kahit naman kasi na sa modernong panahon na sila, ibig pa rin ang maging konserbatibo. Si Andrew ang mahal niya kaya ang kamay nito ang dapat na hawak niya, pero, bakit hindi na mahila ang kanyang kamay? Bakit hindi niya maiparamdam kay Lorenzo ang kanyang pagtutol. Para ngang gusto rin niyang hawakan nang mahigpit ang kamay nito? Tapos para siyang nabingi dahil hindi na niya naririnig ang tugtog at sinasabi ng emcee. Ni hindi na rin niya magawang ilingon sa iba ang paligid. Para siyang nagka-stiff neck kaya parang sila lang ni Lorenzo ang nasa paligid.

Shucks, hindi napigil ang bulalas. Para tuloy biglang kumabog ang kanyang dibdib. Malakas na malakas at mabilis na mabilis ang pagpintig. Talaga kasing kinabahan siya. Para ngang wala itong pinagkaiba sa isang kriminal na nahuling gumagawa ng krimen.

Ano bang nangyayari? Tanong niya sa sarili.

Kinakabahan lang siya dahil hindi si Andrew ang magiging escort niya. Tama, iyon lang ang dahilan. Walang iba pa.

"What?" Tanong ni Andrew.

Ilang beses muna siya ng kumurap kurap bago sinagot ang tanong nito. "Paano pag dumating si Andrew?" Nahagilap niyang sabihin.

"Siya na ang magiging escort mo," mariing sabi ni Lorenzo.

Bigla tuloy siyang na-guilty. Kahit naman tanggap ng step brother niya na panakip butas lang ito sa pagiging escort , parang mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam sa hindi niya malamang dahilan.

"Is it okay?" Tanong pa nito.

Nang salubungin niya ang mga mata nitong punung-puno ng pakiusap, parang hinaplos ang kanyang puso. Kita niya kasi ang sincerity sa mga mata nito. Para ring sinasabi sa kanya ni Lorenzo na pagbigyan na niya ito.

"Yes."

Ngumiti ito sa kanya na talaga namang ikinagulat niya. Matamis na matamis kasi ang ngiti nito sa kanya na para bang sinasabi na

Ewan niya kung bakit parang hindi niya kinaiinipan ang bawat segundo na kasama niya si Lorenzo. Kasalukuyan pa silang nagsasayaw. Buwisit siya rito kaya dapat sana ay pagkairita ang nararamdaman ni Joan pero iba ang nararamdaman niya. Para kasi siyang idinuduyan sa ulap ng mga sandaling iyon.

What? Gilalas niyang tanong sa sarili.

"YOU hate me that much," wika ni Lorenzo habang sinasayaw siya.

"Buti alam mo," inis na sabi ni Joan. Napabuntunghininga siya. Ang ibig niya ay ipadama sa buwisit niyang stepbrother na totoo ang sinabi nito pero parang mas nambubuwisit siya sa kanyang sarili. Para kasing wala siyang lakas na itulak ito gayung iyon naman talaga ang dapat niyang gawin.

Hindi sumagot si Lorenzo pero mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya. Pakiwari niya tuloy, ayaw din siya nitong pawalan. Bigla tuloy niya ng naitanong sa sarili, bakit ayaw niyang kumawala sa yakap ni Lorenzo?

Hindi totoo iyan, sabi ng isipan niya. Gusto na sana niya itong itulak pero hindi niya magawa dahil ayaw naman niya itong mapahiya. Kahit naman kasi hindi siya lumingon sa paligid, alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanya.

Iyon ba ang dahilan? Buong kapantastikuhan niyang tanong sa sarili. Gusto niyang magsabi ng oo kahit sa sarili pero pakiramdam niya kapag ginawa niya iyon, mawawalan na siya ng dahilan para maamoy ito at mayakap.

At bakit mo kailangang gawin iyon? Gilalas niyang tanong sa sarili kahit alam na alam naman niya ang sagot.

"Sinungaling," marahang sabi sa kanya ni Lorenzo.

"Huwag kang magsimula," wika niya sa halip kontrahin ang sinabi ni Lorenzo. Ngunit, dahil sa ayaw na rin naman talaga niyang magsinungaling sa sarili ay marahan na niyang itinulak si Lorenzo kahit isang bahagi ng vital organ niya ang tumatanggi na gawin iyon.

"Kung talagang matindi ang galit mo sa akin, siguradong tatanggihan mo akong …"

"Ayoko lang mapahiya dahil…" Hindi niya napigilan ang sariling magbulalas ng 'oh my God'. "Si Andrew nga pala," aniyang pinagala-gala ang tingin sa paligid. Pilit niyang hinahagilap ang mukha nito sa mga naroroon.

Kung siya sana ang masusunod, hindi niya gugustuhin na makita nitong parang natutulala siya kay Lorenzo.

"Forget him."

"Boyfriend ko siya," mariin niyang sabi. Sa palagay niya ay kailangan talaga niyang ipagdikdikan ang mga salitang iyon para pumasok at rumehistro rin sa kanyang utak. Kailangan din tandaan niya na matalik na kaibigan niya si Andrew kaya sa anumang dahilan, hindi niyaa ito dapat saktan.

"Mahal mo ba?"

"Of course," buong diin niyang sabi. "Kaya nga magpapakasal kami."

"Dream on," wika nito saka siya hinapit sa baywang.

Dapat sana ay itulak niya si Lorenzo dahil hindi niya gusto ang sinabi nito. Pakiwari niya ay puno iyon ng kayabangan. Ngunit, talagang wala siyang lakas na gawin iyon. Hinayaan na lang niya ang sarili na makampante sa bisig nito. Pakiramdam nga niya ay nabubura rin sa isipan niya na si Andrew dapat ang kanyang escort.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status