Share

Chapter 2 Ang Pangarap ni Joan

"ANONG mapapala mo sa pagsusulat?" mabalasik na tanong ng kanyang ama.

Bahagyang napaigtad si Joan sa pagsigaw na iyon ng kanyang Daddy pero agad niyang sinaway ang sarili. Hindi kasi siya dapat magpakita ng takot dito. Tiyak niya kasing masisira ang tiwala niya sa sarili kapag pinakinggan niya ang pagkontra ng ama. Saka, hindi ito ng tamang panahon para magtalo sila. Nasa harap kasi sila ng pagkain.

Kahit na bakasyon pa siya ay kinakailangan niyang gumising nang maaga para siya makasalo sa almusal ang ama, madrasta at ang kanyang stepbrother.

"Mas maigi pang magtake ka ng Nursing, Engineering, Education o Business Management," wika ng ama niyang gigil na gigil pa rin.

"Mass communication ang kukunin kong kurso. Malaki ang maitutulong nu'n sa aking pagsusulat," buong diin niyang sabi. Gusto niyang iparamdam sa kanyang ama na hindi na mababali ang desisyon niya.

Inasahan niya na mas ikagagalit ng ama niya ang sinabi pero wala ng salitang lumabas sa bibig nito. Sa halip, binigyan lang siya nito ang tinging punong-puno ng disappointment.

Ouch! Wika ng puso niya. Mas matatanggap pa niya na bigyan siya nito ng makakamandag na salita kaysa iyong wala itong anumang sinabi. Kunsabagay nga higit pa sa mga mapang insulto ng salita ang nararamdaman niya kapag nananahimik ang ama at nakatingin lang sa kanya. Para kasing sinasabi nito mabuti pang hindi ka na lang isinilang.

Hindi man kasi ito nagsasalita sa kanya masisiguro na ang iyong nararamdaman nito para sa kanya. Nadismaya na ito sa kanya ng maging babae siya gayung anak na lalaki ang pangarap nito. Kinagat niya ang pang ibaba ng labi para hindi siya maiyak. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa harap ng ama.

"Mas maigi pa sigurong mag-asawa ka na lang," inis na sabi ng kanyang Daddy.

"Melvin!" Nanggigilalas na wika ng kanyang stepmother, gulat na gulat ito sa narinig.

Well, siya rin naman ay nabigla. Pakiramdam niya ay mayroon ang sumabog sa kanyang harapan. Para siyang nagkapira-piraso. Para kasing wala ng pakialam sa kanya ang ama.

"Hindi pa ho kami magpapakasal ni Andrew dahil hindi pa kami nakakapagtapos ng pag-aaral," kunwa'y walang anumang sabi niya. Ayaw niya syempreng ipaalam sa ama na nasaktan siya sa sinabi nito.

"Damn!"

Kung anuman ang dahilan kaya napamura ng ganun si Lorenzo wala siyang pakialam ngunit hindi niya ito napigilang tapunan ng tingin, masamang titig. Pakiramdam niya kaya siya binabalewala ng ama ay dahil sa lalaking ito. Gayunman, walang anumang salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Masyado pa naman kayo ng bata ni Andrew para magpakasal, " wika ng kanyang Mama Meldy.

Nang ibaling niya sa madrasta ang kanyang tingin, hindi niya napigilan ang sariling magpawala ng matamis na ngiti. Kahit hindi niya ito tunay na ina, magaan ang loob niya rito. Mabait naman kasi ang kanyang Mama Meldy at damang-dama niya ang concern ito sa kanya. Ewan nga lang kung bakit ang bigat bigat ng loob niya sa anak nito.

"Sigurado na rin naman kami sa isa't isa," wika niyang hindi napigilan ang tono na nagmamalaki.

"Talaga ba?"

Naninikip ang mga mata niya sa pasko ng reaksyon na iyon ni Lorenzo pero hindi pa niya ito ng matamis na matamis sabay sabi ng, "Yes."

"Let see," wika nito sabay baling sa pagkain. Sinunod-sunod pa nito ang pagsubo na para bang bigla pang na-excite.

Pakiwari puno ng pagbabanta ang mga salita ni Lorenzo. Gusto sana niya itong kastiguhin pero hindi niya magawa. Ayaw din niyang masaktan ang kanyang Mama Meldy at alam niyang pagagalitan lang siya ng ama. Sa kaisipang pinagbantaan ng magaling ang stepbrother ang relasyon nila ni Andrew nakakaramdam siya ng panggigigil.

"ANONG sabi mo?" Gilalas na tanong sa kanya ni Andrew.

Sa halip na sagutin ito ni Joan, malalim na buntunghininga muna ang kanyang pinapawalan. Ayaw niyang ma-bad trip. Or mas tamang sabihin na ayaw niyang mapahiya. Bigla kasi niyang sinabi rito na, magpakasal na kaya tayo.

"Mahal naman natin ang isa't isa kaya walang problema kung magsasabi tayo ng 'I do' sa harap ng altar." Nahagilap niyang sabihin.

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo?" Mangha pa ring tanong ni Andrew.

"Alam na alam."

"Eh, bakit mo ako niyayaya ng kasal?" Naguguluhang tanong pa rin nito.

"Ayaw mo ba?"

"Wala akong ibang babaeng gustong pakasalan kundi ikaw pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa ating dalawa. Ni hindi pa nga tayo nakakapag-college."

"Eh, ano naman?" kunwa'y napapantastikuhan niyang bulalas. "Kahit naman hindi pa tayo nakakapagtapos ng pag-aaral, sure na tayo sa isa't isa. Mga bata pa lang tayo, pinangarap na natin na ikasal. Saka, pwede naman tayong mag-aral kahit mag-asawa na tayo."

"Ano bang problema?" Tanong ni Andrew sa kanya pagkaraan.

Hindi man tinanggap ni Andrew ang kanyang proposal, napangiti pa rin siya. Sa pagkakatitig kasi sa kanya ng Prince charming niya, talagang ipinararamdam nito sa kanya na mahal siya. Kitang-kita naman kasi sa mga mata nito ang concern.

"Sabi kasi ni Dad, mas maiging mag-asawa na lang daw ako."

"Ano?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Andrew. Napanganga pa ito. Pakiramdam niya ay hindi nito kayang paniwalaan ang kanyang sinabi.

"Kontra talaga si Daddy sa pangarap kong maging manunulat. Kaya, mas gusto niyang mag-asawa na lang daw ako kaysa mag-Masscom," malungkot niyang sabi. Pakiramdam talaga niya ay hindi siya mahal ng ama.

"Reverse Tactic lang ang ginagawa ng Tito sa'yo."

Ngiting-ngiti si Andrew ng mga sandaling iyon kaya nangunot ang kanyang noo. "Ibig sabihin…?"

"Sinisindak ka lang ni Tito. Bakasakali kasing mapasunod ka niya sa kanyang gusto."

Kung iba lang ang nagsabi nu'n sa kanya, hindi niya ito paniniwalaan. Ngunit, kay Andrew nanggaling ang mga salitang iyon at labis niya itong pinagkakatiwalaan. Para tuloy binuhusan ng malamig na tubig ang pagdaramdam niya. Mabilis ding gumana ang kanyang utak. "Dahil sinabi kong magpapakasal ako sa'yo, nakakasigurado na ang Daddy na magiging magkumpare sila ng Papa mo."

"Tama ka."

"Ohhh," bulalas niya. Ngayon niya naintIndihan kung bakit ngiting ngiti ang kanyang ama ng sabihin niyang sigurado na sila ni Andrew sa isa't isa.

"So, okay ka na?" Marahang tanong ni Andrew sa kanya.

Sa halip sagutin, niyakap niya ito. "Thank you so much."

"Joan .."

"Why?" Takang tanong niya ngunit hindi pa rin niya magawang alisin ang pagkakayakap kay Andrew.

"Nasa hallway tayo," bulong nito sa kanya.

Nang maalala nga niyang naglalakad sila sa campus premises, bigla siyang napakalas dito. Dapat sana ay iiwas niya ang tingin sa paligid dahil alam niyang marami ang nakamata sa eksenang kanyang ginawa pero parang may sariling isip ang kanyang leeg at mga mata. At hindi niya napigilan ang mapasinghap nang magtama ang tingin nila ni Lorenzo.

I Hate him, wika ni Joan sabay balikwas nang bangon. Nakakaramdam na naman siya ng panggigigil kay Lorenzo. Talaga bang wala itong alam gawin sa buhay niya kundi mainitin ang kanyang ulo? Impakto talaga!

"Ano kaya ang sasabihin ng daddy mo kapag nalaman niya nakikipagyakapan ka kay Andrew," matabang na tanong sa kanya ng impaktong si Lorenzo nang masalubong niya ito.

"Dapat talagang makasal na kayo ni Andrew," excited niyang sabi sabay palakpak. Alam niya kasing ikaiinis pa ni Lorenzo kapag nakita siyang natutuwa. Gayunpaman, alam naman niyang ganoon naman talaga ang magiging reaksyon ng kanyang ama. Conservative ang kanyang daddy kaya din ito kukunsintihin ang ganoong aksyon.

"What?" Wika nito sa malakas na tinig.

Hindi niya napigilan ang sariling pagtawanan ito dahil para ikinabigla pa ni Lorenzo ang kanyang sinabi gayung hindi naman ito bulag para hindi malaman na botong-boto ang Daddy niya sa relasyon nila ni Andrew. Kunsabagay, talagang hindi mapapansin ni Lorenzo ang detalye ng iyon dahil ang goal lang naman ng step brother niya ay buwisitin siya.

"So, kaya hindi ka pumasok sa klase mo ay dahil inabangan mo ako rito para i-blackmail. Sorry na lang my stepbrother dahil nagmamadali ako. Yun nga lang, nakakatatlong hakbang pa lang siya'y may biglang pumasok na kapilyahan sa kanyang isip. "May pabor nga pala akong hihilingin sa'yo. Sana mapagbigyan mo ako."

Kumunot ang noo ni Lorenzo sa kanyang sinabi, siguro hindi talaga nito kayang paniwalaan na may lambing ang pagsasalita niya rito.

"What is it?" Interesado g tanong nito.

Ngumisi muna siya bago sumagot. "Baka ikaw na lang ang bestman kapag kinasal kami ni Andrew."

"Over my dead body," mariing-mariing sabi ni Lorenzo.

Nang maisip niya ang sinabing iyon ni Lorenzo, napaingos siya. Siyempre, hindi naman niya ito gugustuhing mamatay. Iyon nga lang, ikinatutuwa niyang makitang nanggagalaiti ito sa inggit. Kahit kasi papalit-palit ito ng karelasyon ay hindi pa rin ito nakakakita ng babaeng iibigin nito.

Muli, napaingos siya at buong kasarkastikuhang tinanong ang sarili. Bakit, may kakayahan ba itong magmahal?

Wala!

Kung marunong itong magmahal, sigurado niyang hindi siya makakatikim dito ng mga nakakainis na salita. Ang tanging konsolasyon lang niya'y hindi naman siya nito minumura kapag nag-aaway sila kaya gusto niyang isipin na kahit papaano ay may paggalang ito para sa kanya.

May paggalang? Mangha niyang tanong sa kanyang sarili. Ewan niya kung paano niyang naisip ang mga salitang iyon gayung palagi nitong sinisikap bigyan ng takot, pangamba at insecurities ang kanyang puso. Sa kaisipang iyon, napabuntunghininga na lang siya. Pagkaraan ay may katanungang sumaksak sa kanyang isipan.

No way, mariin niyang sabi sa kanyang sarili dahil naitanong niya sa sarili, kailan ba ito magiging sweet sa kanya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status