Share

Kabanata 4

Author: Docky
last update Last Updated: 2023-07-25 10:42:38

Kabanata 4

"Babe, kanina pa kitang hinahanap. Sinong kausap mo?" Mabilis na ipinulupot ng babae ang kaniyang mga kamay sa braso ni Sevi.

Napanganga si Mereya nang marinig niya ang boses ng babaeng pakakasalan ng kaniyang long-term partner. Hindi siya maaaring magkamali! She's her mother! Biglang niyang naalala ang sinabi ni Yuna sa kaniya. Three weeks ago lang nagsimulang nakipag-date ni Sevi sa babae nito. It was also exactly three weeks ago when her mother arrived in the country!

"Eya, are you okay? Magkakaroon ka na ulit ng bagong stepdad! Aren't you happy? You know Sevi, right?" nakangiting turan ni Yuna. Wala siyang kaalam-alam na para nang pinagsakluban ng langit at lupa ang kaniyang bestfriend dahil sa nalaman nito!

Mabilis na pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha. She laughed loudly. "May imi-miserable pa pala ang buhay ko!" Matapang niyang hinarap ang kaniyang EX-BOYFRIEND at ina. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng Mama Cindy niya.

"Eya, paano ka nakapasok dito? I thought you're with Mr. Gr–" Naputol ang sasabihin ni Cindy nang biglang nagsalita si Mereya.

"Sevi, hindi ko alam na mahilig ka pala sa isang MSM-NUP. Mayamang sugar mommy na uto-uto sa pag-ibig!" Napahawak si Mereya sa kaniyang dalawang pisngi nang makatanggap siya ng mag-asawang sampal mula sa kaniyang inang si Cindy.

"HOW DARE YOU TALK TO YOUR FUTURE DAD LIKE THAT, MEREYA?" nanlilisik ang mga matang sambit ni Cindy. Sasampalin pa sana niya ulit ang anak niya nang bigla siyang pinigilan ni Sevi.

'Future dad? Mag-ina sila? Pero paano? Jones si Cindy at Wrights si Mereya! Anong katàrantaduhan ito! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Anak ng fiancee ko ang babaeng nang-ghost sa akin?' sunod-sunod na tanong sa isip ni Sevi. Halos manlambot ang mga tuhod niya sa kaniyang nalaman. Hindi siya makapaniwalang anak ng CEO ng kanilang kompanya si Mereya! Bakit hindi man lamang nito nabanggit sa kaniya ang tungkol doon? Dahil ba mahirap lang siya at isang hamak na rank and file employee? Ayaw ba nitong saktan ang ego niya? Mabilis na ikinuyom ni Sevi ang kaniyang mga kamay. He calmed himself and ordered his mind to focus on the situation.

"Babe, please calm down. Nakakahiya sa mga bisita natin kung gagawa tayo ng eksena ngayon. Isa pa, your daughter will announce her wedding later. Please, babe. Nagulat lang siguro ang anak mo na ikakasal ka na ulit after a long time." Niyakap ni Sevi si Cindy para pakalmahin ito. Hindi pa rin niya lubos akalain na ang tinutukoy pala nitong isa pang anak ay si Mereya!

"I'm sorry, babe. Ayoko lang kasing binabastos ako ng anak ko sa harap mo mismo. Ito ang rason kung bakit hindi ko na ipinaalam sa kaniya ang tungkol sa party na 'to. Ayokong magwala siya gaya nang pagwawala niya noong engagement party namin ni Clinton." Sumandal si Cindy sa dibdib ni Sevi. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang kaniyang sarili.

Sinulyapan ni Sevi si Mereya habang nakayakap sa kaniya si Cindy. Gustong-gusto niya itong yakapin. Gustong-gusto niyang magpaliwanag dito pero wala siya sa lugar para gawin iyon. Sinaktan niya ng higit pa sa sobra ang babaeng walang ginawa kung hindi ang mahalin, alagaan at unawain siya. Buong akala niya ay kaya niya itong kalimutan at isantabi pero nagkamali siya. May kirot sa puso niya nang makita niyang umiiyak ang babaeng nakasama niya ng palihim sa loob ng pitong taon. Oo, unang nanakit si Mereya sa kaniya pero wala nang papantay sa sakit na idinulot niya rito ngayon. Wala siyang alam. Hindi niya alam. Ngayon, wala na siyang choice kung hindi ang ituloy ang plano niya. He will marry Cindy no matter what happens, kahit ito pa ang ina ni Mereya.

Sumisikip na ang dibdib ni Mereya habang umiiyak siya. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Paano niya naging karibal ang sarili niyang ina? Paanong sa loob ng tatlong linggo ay inaya na ito ni Sevi na magpakasal samantalang siya ang kasama nito sa hirap at ginhawa sa loob ng pitong taon? Hindi niya maipaliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Parang napupunit sa mga pinong piraso ang kaniyang puso! Gusto niyang kumbinsihin ang kaniyang sarili na panaginip lang ang lahat pero, hindi. Her ideal husband will marry her mother, for Pete's sake!

Inabutan ni Yuna si Mereya ng isang basong tubig. Pinainom niya ito at hinaplos ang likod nito. "Eya, huwag ka nang umiyak. Alam kong ayaw mo nang magkaroon ng stepdad pero paano naman si Tita Cindy, 'di ba? Kailangan niya rin siguro talaga ng kalinga at pagmamahal ng isang lalaki. Intindihin mo na lang si tita gaya ng pag-intindi mo noon. Hindi natin dapat hadlangan ang kaligayahan ng mga magulang natin, 'di ba? Stop crying na. Nalulungkot din ako eh kapag gan'yan ka."

Matatanggap pa sana ni Mereya kung ang bagong fiancé ng kaniyang Mama Cindy ay hindi ang lalaking minahal niya ng pitong taon. She always pray for her mother's happiness kahit na wala itong ginagawa kung hindi ang bigyan siya ng sama ng loob! Gustong-gusto na niyang aminin at ipagsigawan sa lahat na boyfriend niya si Sevi. Gusto niyang agawin sa mama niya si Sevi pero paano? She knew that Sevi already made up his mind. Nakapili na ito at hindi siya ang pinili. Akala niya, kaya niya itong ipahiya sa lahat. Hindi pala. Masasaktan niya ang mama niya kapag sinabi niya rito ang totoo. Walang alam ang Mama Cindy niya sa relasyong mayroon sila ni Sevi. Walang kasalanan sa kaniya ang mama niya pero pagkukulang, napakarami. Ang hindi malinaw sa kaniya ay kung may alam ba si Sevi sa relasyon niya sa babaeng napili nitong pakasalan.

"Sana, dumating ang araw na matanggap mo si Sevi bilang stepdad mo. Huwag mo namang pagkaitan ang mama mong lumigaya, Eya. Sa loob ng maikling panahon na nakasama ko si Sevi, sobra pa sa sobra ang kasiyahang naidulot niya sa puso ko. Kung balak mong mag-eskandalo sa engagement party namin ng kapatid mo, pakiusap, umalis ka na lang." Tumalikod si Cindy kay Mereya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang makaramdam siya ng kirot doon. Naglakad na siya palayo sa anak niya para puntahan si Merella.

"Eya. I'm sorry. Hindi ko alam na kapam—" Hahawakan sana ni Sevi si Mereya nang biglang may isang kamay na pumigil sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sino ka?" Napatingin din siya sa mga lalaki sa likuran nito. May mga dalang pagkain ang mga ito! Tiningnan niya iyon isa-isa. Napatawa siya nang mapagtanto niyang lahat ng pagkain sa menu ng party ay kinuhanan nila. 'Patay gutom ba ang mga ito?' sambit ng isip niya. Muling nalipat ang tingin niya sa lalaki nang bigla itong tumikhim.

Nang makita ni Sevi ang lalaki ay bigla siyang nakaramdam ng panliliit bilang isang lalaki. Mas matangkad ito sa kaniya. Ang bawat features ng mukha nito ay halos perpekto. Napansin din niya ang mamahaling relo nito sa kamay. Maging ang kasuotan nito ay halatang hindi pipitsugin! Nanuot din sa ilong niya ang gamit na pabango nito. Sigurado siyang mamahalin din iyon! Muli niyang pinasadahan ng tingin ang lalaki. 'Siguro naman hindi siya related kay Eya. Oo. Imposibleng magkagusto sa kaniya ang lalaking ito,' sigaw ng isip niya.

Muling inulit ni Sevi ang tanong niya sa lalaki. "Sino ka? Bakit mo pinigilan ang kamay na hawakan si Eya?" Napalunok siya nang biglang nagdilim ang mukha nito. Sobrang guwapo nito pero hindi maikakailang nakakasindak ang mga pamatay na tingin nito!

"Mister, huwag kang makialam sa amin. Kailangan naming mag-usap ni Sevi," turan ni Mereya. Sobrang daming tanong sa isip niya ngayon. Ito lang siguro ang pagkakataon niya para itanong ang mga 'yon ng harapan sa dati niyang nobyo.

Nilingon ni Jackson si Mereya. Biglang namungay ang kaniyang mga mata dahilan para makaramdam ng pagka-ilang si Mereya.

"Ano pa bang kailangan niyong pag-usapan? Malinaw sa iyo ang lahat ngayon. Ginagó at sinayang ka lang ng lalaking ito." Itinuro ni Jackson si Sevi.

"Mukhang may alam si mister pogi na hindi ko alam, ah. Ginago? Sinayang? May namamagitan ba kay Eya at sa fiancé ng mama niya?" bulong ni Yuna habang nakikinig sa usapan ng tatlo. Mayamaya pa ay napatakip ang isa niyang kamay sa kaniyang bibig. 'Omg! Iyon ba ang dahilan kung bakit tanong ng tanong si Eya about kay Sevi kanina? Tàngína! Bakit hindi ko alam ang tungkol doon?'

"Sino ka ba? Bakit nakikialam ka sa amin ni Mereya?" Napipikon na si Sevi sa lalaki.

Jackson's piercing eyes darted on the guy he despised at the moment.

"I'm not going to say my name. You don't deserve to know it, but to answer your question, I am the man who stood up for the woman whom you played and betrayed. I am her fiancé, so keep your hands off of my queen or else… I am going to cut it off." Lumapit si Jackson sa tulalang si Mereya at mabilis niya itong binuhat palabas ng lugar na iyon.

Mereya couldn't explain her emotions. The least she knew, she suddenly felt safe and secure in the arms of that man…the man whom she mistakenly slept with that night. Hinayaan na niya ito sa gusto nitong gawin tutal, gusto rin naman niyang takasan ang katotohanang isinampal sa kaniya ng mga taong pinakamalapit sa puso niya. She closed her eyes as tears gushed down on her cheeks.

Samantala, nakanganga lang si Yuna habang palihim na kinikilig para sa kaniyang bestfriend. Nakita niyang sumuntok sa hangin si Sevi bago ito umalis para puntahan si Cindy. "Assh0le!" malakas na sigaw niya.

"Hey, Yuna! Kilala mo ba ng guwapong lalaking nandito kanina? Sino 'yong babaeng buhat-buhat niya?" usisa ni Merella.

"Bakit mo naman natanong? Interesado ka?" Tumaas ang kilay ni Yuna.

"Oo eh. Na love at first sight yata ako sa kaniya kanina sa may restroom." Kinagat ni Merella ang ibabang labi niya.

"Ikakasal ka na, Ella! Umayos kang bata ka!" naiiling na sambit ni Yuna.

"Sinong may sabing ikakasal na ako? Nagkasundo kami ng fiancé ko na i-cancel ang kasal namin tutal, pareho naman naming hindi gusto ang isa't-isa. We planned something para mapapayag namin ang parents namin na hindi ituloy ang kasal. They're going to understand us, soon. So now, tell me, what's the name of that man? Is he already married?" Merella asked.

"I… I don't know. Dumaan lang siya sa harapan ko. Hi-Hindi ko siya kilala." Napalunok si Yuna. "Excuse me. I need to go somewhere." Naglakad na siya palayo kay Merella. "Jusko, nakakaloka ang gabing ito! Puro pasabog! Magkakadugo nga silang tatlo. Pare-pareho sila ng tipo sa lalaki," bulong niya habang napapailing.

Sa isang banda, inutusan na ni Merella ang ilan sa tauhan ng kaniyang Mommy Cindy para alamin ang pangalan ng lalaking nakakuha ng atensyon niya.

"He's going to be mine. Not now, but soon. Sisiguraduhin kong mapapansin at mamahalin niya rin ako," ani Merella. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa kaniyang Mommy Cindy nang tawagin siya nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
Mommy mo pala ang ipinalit sayo Mereya thank you miss Docky .........️
goodnovel comment avatar
Docky
Makiki-rate rin po ng book na ito. Maraming maraming salamat po. God bless.
goodnovel comment avatar
Docky
Hi everyone! Gustong-gusto kong mag-update tonight pero mas need ng katawan ko ng rest since I have sinusitis and flu, currently in medication. Every morning po ako magpopost ng update, siguro before 4pm mayroon na. Thank you po ng marami sa suporta. Salamat po sa gems.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 60.2 ANG WAKAS

    Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 60.1

    Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.5

    Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.4

    Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.3

    Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara

  • One Night Darker (Tagalog)   Kabanata 59.2

    Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status