LOGIN“Ayaw kong biguin ang mga magulang ko. At ikaw na rin mismo ang pumayag na magpakasal sa akin, kaya bakit parang nagdadalawang-isip ka ngayon?” tanong ni Vladimir kay Aliah na nanatiling tahimik.Hindi pa man kasi siya nakakahuman sa kabiglaang sa bilis ng pangyayari ay heto na naman siya at nakikipag-usap kay Vladimir tungkol sa bagay na iyon.“P-pasensya na, Mr. Gray pero…”“Umaatras ka na ba sa pangako mo sa aking ina? Akala ko ba ay may iisa kang salita tulad na lang nung nakaraan na sinabi mo na hindi ka umaatras sa usapan,” pagpapaalala pa ni Vladimir sa kanya tungkol sa usapan nilang pakikipagtalik niya dito para lang bayaran ang ginawa niyang pagpasok sa suite nito.Natigilan lang si Aliah. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Vladimir sa pagkakataong ito. Hindi naman niya nais mag-iwan ng pangako sa mama nito, ngunit sadyang nalilito na siya kanina at gusto niyang matapos ang pangungulit ng mama nito sa kanya, kaya siya nangako dito. Hindi naman niya akalain na tototohan
Pinaupo nila si Ivana sa sofa sa gilid ng opisina ni Vladimir.Nagmamadaling lumabas si Aliah para kumuha ng malamig na maiinom habang si Vladimir ay naiwan na pinagkrus ang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang mama."Ano na namang pakulo ito, Mama?" tanong ni Vladimir kay Ivana."Hmp!" Ngunit hindi iyon sinagot ng kanyang mama.Muli na lang napailing si Vladimir dahil alam niyang hindi niya mababago ang kagustuhan ng kanyang ina sa gusto nitong mangyari.Tumalikod si Vladimir at tinungo ang lamesa, kinuha ang cellphone at dinial ang numero ng kanyang ama."What? Kung mayroon kang problema sa kumpanya ngayon, ay kaya mo nang ayusin iyan. Hindi kita pinalaki para humingi sa akin ng tulong sa maliit lang na problema sa kumpanya." Iyon agad ang ibinungad ni Janus sa kanya nang sagutin nito ang tawag niya.Hindi naman siya talaga ang tumatawag sa kanila kundi siya mismo ang tinatawagan nila kapag gusto nilang umuwi siya sa main house nila."At wala rin akong balak humingi ng t
Hindi nagtagal ay dumating nga ang mga pulis, at ipinasa na ni Vladimir ang mga reklamo na nakalap ng kanyang inutusan para sa kasong ipapataw kay manager Henry.“Hayop ka, kauupo mo pa lang pero ito na ang ginawa mo.” malakas pa na sabi ni Manager Henry kay Vladimir pero hindi nito iyon pinansin.Habang si Aliah ay tuluyang nakahinga ng maluwag dahil wala ang matangang mataba na si Manager Henry na madalas siyang pagdiskitahan na hindi itinatago ang pagkagusto sa kanya.“Ang abogado ko na ang aasikaso tungkol sa kaso ni manager Henry, officer.” sabi ni Vladimir sa isa sa pulis na dumampot na nga dito.“Sige, mr. Gray.”Ilang sandali pa ay tinangay na nga nila si Manager Henry para dalhin na ng pulisya. Namayani ang bulungan sa meeting room.“Katahimikan.” mga kataga ni Vladimir na agad na nakapagpatahimik sa lahat at napatingin na dito. “Tandaan niyo ang mga sinabi ko kanina. Kung gusto ninyong matulad kay Mr. Henry ay malaya kayong gawin ang gusto niyo na ikalalabag ng kompanya. Huw
Agad na nakatanggap ng email si Aliah galing kay Vladimir. Tungkol iyon sa mga schedule nito sa buong linggo.“Ayusin mo iyan, at sa susunod na linggo ay ikaw na mismo ang mag aayos ng schedule at tatanggap sa mga dapat tanggaping appointment.”Napaangat ang mukha ni Aliah mula sa pagbabasa ng ipinasa nito sa kanya.“Yes, mr. Gray.” agad naman niyang sagot.Sa nakikita niyang kaseryosohan pagdating sa trabaho ni Vladimir ay nawala ang agam agam sa puso ni Aliah na baka usisain lang siya nito sa nangyari sa kanila.Kung professional ito sa trabaho ay dapat ganun din siya lalo na at personal assistant na siya nito.Sinimulan na niya ang pag aayos ng schedule nito.“Mr. Gray, mayroon kayong meeting mamayang alas nueve sa mga board member tungkol sa pag upo niyo bilang bagong CEO ng kompanya.”Paalala ni Aliah ng mabasa maayos na ang schedule nito hanggang weekend.“Okay. Paayos na lang ng mga dokumentong dadalhin ko para sa mga dapat pag usapan ngayon ako na ang nakaupo.”“Yes, Mr. Gray.
Matalim pa rin ang tingin ni Manilyn kay Aliah ngunit hindi na niya iyon pinansin.“Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo. At ayusin niyo ang mga ugali niyo dahil ayaw kong mapahiya sa bago nating boss.” bilin sa kanila ni Ms. Natalie.Nauna ng bumalik si Aliah sa kanyang upuan at nagsimulang magtrabaho sa kabila ng tsismis na kumalat tungkol sa kanya.Ngunit hindi na iyon ang nasa isip niya ngayon kundi ang katotohanan na ang bago nilang boss ay si Vladimir. Ang lalaking dalawang gabi na niyang nakakasa sa iisang kwarto.Napalunok siya. Alam na niyang may kaya si Vladimir dahil sa napapansin naman niya sa pananamit at lalo na sa gamit nitong sasakyan na kung hindi siya nagkakamali ay nasa apat na milyon ang halaga.Ngunit hindi niya akalain na may kaugnay pala ito sa kilalang pamilya ng mga Gray.“Hoy!”Nagulat siya ng biglang tapikin ni Sonia ang kanyang balikat.“Kailan mo pa kilala si Mr. Gray? Grabe naman, ang swerte mo naman ng tulungan ka niya kagabi at ngayon ay siya pa ang bago
“Anong kaguluhan ang nangyayari dito?” tanong ng kanilang supervisor na nakapagpatahimik sa kanilang lahat.Mabilis na nagsibalik ang mga katrabaho niya sa kanya-kanyang mga upuan ng mga ito at biglang tahimik ang kanilang paligid.At bago naman siya bumalik sa kanyang upuan ay matalim pa niyang tinapunan ng masamang tingin si Manilyn.“Sinabi ko sa inyo noong nakaraan na darating ngayon ang anak ng ating bigboss na siyang bagong hahawak ng ating kumpanya.”“Yes, ms. Natalie.” sagot nilang lahat at nagsitayo ulit at maayos na tumayo sa harap nito.“Kung ganun ay anong kaguluhan iyong naabutan ko? Hindi niyo ba alam na ang pinakaayaw ng bago nating boss ay ang maiingay at mahilig makipagtsismisan habang oras ng trabaho. Kaya kung ayaw niyo na maalis sa inyong mga trabaho ay ayusin niyo ang mga kilos niyo.” mahabang panenermon sa kanila ng kanilang supervisor.“Yes, ms. Natalie.” iyon lang ang alam nilang isagot sa ngayon dahil ayaw na nilang masabihan pa ng pagkahaba-haba kapag nalaman







