LOGINMabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.
Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka. Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito. Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam. Agad naman siyang lumapit sa kanyang mga anak at nang makita siya ng mga ito ay halos magtatakbo ang mga itong sinalubong siya. Agad niyang niyakap ang mga ito at hinalikan ang bawat noo. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Sobrang takot na takot siya nang makita niya ang lalaking iyon. Hindi niya akalain na sa dami ng taong pwede niyang makita ay ito pa talaga. Muling bumalot ang takot sa kanyang dibdib lalo pa at naisip niya ang posibilidad na baka kapag nakita nito ang kanyang mga anak ay ilayo nito iyon sa kaniya. Ilang sandali pa ay binitawan niya ang mga ito at hinayaan na munang maglaro. Hinanap niya ang charger ng kanyang cellphone dahil kailangan niyang magbook ngayon din ng flight nila pabalik sa ibang bansa. ~~~~ “Ano bang nangyari kay Maxene?” nakabusangot na tanong ni Sam kay Vena. nasa venue na sila ng kasal ni Vena at hinila niya ito sa isang tabi upang tanungin. Hindi kasi siya mapanatag lalo pa at nakita niya ang takot na gumuhit sa mukha nito na para bang nakakita ito ng isang multo. Wala siyang ideya kung sino ang nakita nito, iginala niya naman ang kanyang paningin sa simbahan ngunit wala naman siyang nakitang taong kakaiba. “Hindi ko nga alam e. Nakita mo ba kung anong itsura niya kanina? Takot na takot siya? Hindi kaya nakita niya ang ex-boyfriend niya?” tanong naman bigla ni Vena sa kaniya at uminom ng champagne. “Ex-boyfriend?” tanong naman ni Sam at pagkatapos ay napairap. “Kasal mo ito hindi ba? Bakit naman sana siya magpapakita rito at isa pa kung yung ex nga niya ang nakita niya e di sana ay hindi siya ganun katakot hindi ba? Sobrang creepy niya talaga ngayon.” dagdag pa niya at pagkatapos ay napailing. “Well, huwag mo na nga muna siyang isipin. Puntahan na lang natin siya bukas, i-enjoy na lang muna natin ang kasal ko and, why don’t try find a guy naman para hindi ka single. Mukha kang nakakaawa na nag-iisa.” nakangising sabi ni Vena sa kaniya na ikinairap niya lang bigla. “Wow ha? Ang lakas ng loob mo na sabihin yan, pasalamat ka mabisa yung gayumang ginamit mo kay Andrei.” sabi naman niya rito na ikinatawa nilang dalawa. ~~~ “Finn…” “Finn…” untag ni Zake kay Finn habang nasa mesa sila. “Ah, yes?” gulat naman na lingon ni Finn si Zake. Ilang sandali pa ay napabuntung-hininga ito. “Kanina pa kita kinakausap. What’s wrong with you? Kanina ka pa ganyan. May problema ka ba?” tanong nito sa kaniya. Napailing naman si Finn at pagkatapos ay napahilamos ng kanyang mukha. “Wala naman, siguro ay medyo pagod lang ako.” sagot niya pero sa katunayan ay kanina pa siya binabagabag ng babaeng nakita niya kanina na yumakap kay Vena at nakasuot ito ng pang bridesmaid. Ang babae ay pamilyar sa kaniya na bagamat isang beses niya lang na nakita ang mukha nito noon ay talaga namang tumatak ito sa buong sistema niya. Ito ang babaeng nakaniig niya noon ilang taon na ang nakakalipas. Nang magising siya kinabukasan ay wala na ito sa tabi niya, ni walang sulat o ni contact number ang iniwan nito sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi niya talaga ito makalimutan dahil sa mga babaeng dumaan sa buhay niya ay bukod tangi lang ito na tumatak sa kaniya idagdag pa na noong gabing iyon ay halos magmakaawa ito sa kaniya na sumama sa kaniya na ayaw niya sana ngunit napilit siya nito at bigla na lamang may nangyari sa kanilang dalawa at bukod pa doon ay pagiging birhen nito. Gusto niya itong sundan kanina ngunit mabilis itong nakaalis. Kitang-kita niya sa mga mata nito na nakilala rin siya nito nang magtama ang kanilang mga mata ngunit ang hindi niya malaman ay kung bakit parang nung nakita siya nito ay tila ba ito natakot kaya nagtatakbo itong umalis doon. Gusto niyang tanungin si Vena at Sam ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. Bakit parang sobrang iwas na iwas ito sa kaniya, may nagawa ba siyang mali noong gabing iyon? Samantalang pinilit niyang ipahanap ito sa kanyang mga tauhan lingid sa kaalaman ng lahat ngunit hindi nila ito hinanap. Gusto niyang bayaran ito dahil sa gabing iyon at ayaw niyang magkaroon ng utang sa kahit na sinong babae at sa kahit na sinong tao. “Kung kailangan mo ng tulong ay magsabi ka lang sa amin. Ano bang problema?” muling tanong sa kaniya ni Zake na ikinailing niya lang muli. “Don’t tell me, ay iyon na namang last will ng Mommy mo na magkaroon ka ng anak?” tanong nito sa kaniya. Bumuntung hininga lang si Finn at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. “No, it was just—” bigla siyang natigil sa kanyang pagsasalita nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na dahilan kung bakit siya tumayo mula doon upang sagutin ang tawag sa kanyang cellphone. …HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo a







