LOGINAGAD NA lumayo muna si Finn kina Zake para nga sagutin ang tawag ni Beatrice ang kanyang girlfriend. Hindi niya akalain na tatawag ito ng mga oras na iyon. Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang magsalita ay narinig na niya ang tinig ni Beatrice sa kabilang linya. “Baby, will you come pick me up at the airport later?” malambing na tanong nito sa kaniya.
Ilang sandali pa nga ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya bigla nang ma-realize niya ang sinabi nito, sunduin? Sa airport? Bakit? Uuwi na ba ito ng bansa? Hindi ba at ang sabi nito ay mga next month pa ito uuwi? Bakit parang napaaga yata? “Baby, are you still there?” muli nitong tanong sa kaniya nang hindi niya magawang sumagot sa tanong nito. “Ah, yes. Bakit parang napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba next month pa?” hindi niya naiwasang itanong dito dahil sa gulat na rin niya. Sa kabilang banda ay napanguso naman si Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Finn. “hindi ka ba masaya baby na umuwi na ako? Hindi mo ba ako na-miss?” puno ng hinanakit na tanong niya rito. It's been a year noong huli silang nagkita at siya ay miss na miss na niya ito. Idagdag pa na hindi niya maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-ano na baka may mga babae nang umaaligid dito lalo pa sa sinabi nitong iyon ay hindi niya maiwasang magduda. Napakuyom ang kanyang mga kamay. Kahit na nagalit sa kaniya ang kanyang ama dahil sa pag-uwi niya ng maaga ay wala siyang pakialam. Walang nasa isip niya kundi ang muling makasama ang lalaking mahal niya. Hindi siya papayag na lahat ng pinagpaguran niya ay mapunta lang sa wala lalo pa at alam niya na hinding-hindi siya matitiis ni Finn. kahit na itakwil siya ng kanyang pamilya ay tiyak na mamumuhay pa rin siya bilang isang prinsesa dahil sa yaman ng pamilya ni Finn. Idagdag pa na kaya siya nag-apura na umuwi ay dahil may palugit daw pala ang magulang nito na bigyan niya ng tagapagmana ang mga ito dahil kung hindi ay sa mga charity mapupunta ang mga pinaghirapan nila. Ang labis na ikipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang ito nasabi sa kaniya ni Finn kahit na isang beses kaya halo-halo ang pumasok sa isip niya na baka may iba na itong nagugustuhan kaya walang pagdadalawang isip siya na nagdesisyon na umuwi na lang ng bansa upang kausapin niya si Finn na anakan na lang siya nito at pakasalan lalo at mahal naman siya nito. “Hindi naman sa ganun. I mean, nagulat lang ako.” sabi nito sa kabilang linya. “May mga bagay kasi na kailangan kong asikasuhin.” sagot na lamang niya. “Masusundo mo ba ako?” tanong niya rito. “Well of course.” mabilis na sagot na ikinangiti niya ng wala sa oras. Sabi na niya e. Hinding hindi siya nito matitiis. “Well then, hintayin na lang kita mamaya. See you soon, baby.” sabi niya sa malambing na tinig bago niya ibinaba ang tawag at napangiti na abot sa kanyang tenga. ~~~ NAPA-buntong hininga si Finn bago naglakad muli patungo kina Zake. ang dami-dami niya pang dapat isipin ngunit bigla na namang sumulpot si Beatrice sa buhay niya. Well, hindi niya maiwasang hindi maisip na baka si Beatrice na ang sagot sa problema niya. Pero kilala niya ito, hindi nito isusuko ang pigura nito para lang magkaroon ng anak. Alam niya na sobrang ingat na ingat nito ang katawan. Pero sino? Sino ang kakausapin niya na magdala ng anak niya kung hindi si Beatrice? Sumasakit na ang ulo niya. Idagdag pa na ang babae noong gabing iyon. Hindi siya mawala sa isip niya. Gustong-gusto niyang habulin ito at kausapin kung bakit bigla na lang itong naglaho noong gabing iyon. Wala ba itong pagpapahalaga sa sarili? Ang ibig niyang sabihin ay sa dinami-dami ng lalaki na pagbibigyan nito ng sarili ay bakit siya pa? Siya ang nakakuha ng pagka-birhen nito at— “You know what? Uminom na lang tayo.” sabi ni Zake na hindi niya namamalayan na inakbayan na pala siya at nakalapit na sa kaniya. “Mukhang napakarami mong problema.” dagdag pa nitong sabi at pinaupo sa may mesa nila kanina. Muli siyang napabuntong hininga. Hinayaan niyang salinan siya nito ng alak at inilagay sa harap niya. “Uminom ka na nga lang. Nakakapanibago na makita kang ganyan. Parang pasan mo ang mundo.” dagdag pa nitong sa kaniya. Hindi siya tumanggi at agad na kinuha ang baso na inilapag nito sa harap niya at inisang lagok ang laman nun. Gumuhit ang mainit na likido sa kanyang lalamunan hanggang sa kanyang na halos ikapikit niya ng mariin. “So, care to tell what's bothering you now?” tanong ni Zake sa kaniya ulit at talagang hindi siya tinatantanan. Umiling siya. “Wala naman gaano. Pero kasi, palapit na ng palapit ang deadline ko.” sabi niya na may katotohan naman at tungkol naman sa babaeng iyon ay hindi niya magawang sabihin dito ang tungkol sa bagay na iyon hanggat hindi niya muna ito nakakausap. “Wala ka bang ibang paraan? Why don’t pay someone na dalhin ang anak mo at pagkatapos maipanganak ng bata ay makipaghiwalay ka? Tutal naman ay marami kang pera.” suhestiyon nito na ikinahilot lang niya ng kanyang sentido. “Sa tingin mo kung sakali ay papayag ang sinumang babae na humiwalay pa sa akin lalo pa at may anak kami? Hindi ba at baka gamitin niya iyon para itali ako ng lubusan sa kaniya?” tanong niya bigla. “You have a point.” patango-tango namang sagot ni Zake sa kaniya bigla at pagkaraan ng ilang sandali ay muling nagsalita. “Pero hindi ba you have that girl na inlove na inlove ka? What was her name again?” tanong nito. Ang tinutukoy nito ay walang iba kundi si Beatrice. Sa totoo lang ay siya lang din ang pumasok sa isip niya kaya lang ay hindi niya maiwasang isipin kung papayag ba ito. Pero paano kung alukin niya ito ng kasal bago ang lahat? Papayag kaya ito? “Iyon nga rin ang iniisip ko lalo pa at uuwi siya.” sabi na lang niya. “Yun naman pala e. Then marry her. Ganun lang yun. Wala ng ibang paraan pa kung nagdadalawang isip ka na kumuha ng ibang babae.” sabi nito na ikinatango na lang din niya. Siguro nga. Si Beatrice na lang talaga. …HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo a







