LOGIN
“Take me with you…” ang mga mata ng babae ay namumungay habang nakatingin sa kaniya.
Bigla na lang itong lumapit sa kaniya kanina kahit na sa totoo lang ay hindi niya naman ito kilala. “Miss, sorry but—” ngunit bago pa matapos ni Finn ang kanyang sinasabi ay bigla na lang itong tumingkayad at hinalikan siya sa labi. He can taste on her lips the liqour, pero bukod doon ay wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding pagnanasa na unti-unti ng bumabalot sa katawan niya. Napakuyom ang kamay niya. Ngunit bago ba siya makagalaw at bago niya pa ito maitulak at bigla na lang nitong ibinalot ang kamay sa kanyang batok at idinikit ang kanyang katawan na mas lalo lang nagpatindi sa init na nararamdaman niya. ~~~~~ Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang p***o at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kanyang mga kaibigan upang i-inform ang mga ito na na-traffic siya. Palinga-linga pa naman siya at talagang halos lahat ng kasabayan niyang mga sasakyan sa gitna ng kalsada ay mukhang bagot ba bagot na rin dahil sa tagal ng traffic. ~~~ “Nasaan ka na ba Maxene?” Anas ni Sam habang hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at palinga-linga siya sa may daan. Kanina pa niya inaabangan si Maxene sa labas ng simbahan dahil halos paumpisa na ang kasal ni Vena. Bridesmaid pa naman sila pareho at kailangan nilang rumampa, este maglakad sa altar syempre at daluhan ang natatanging araw ng kasal ng kanilang kaibigan dahil sa wakas ay mag-iisang dibdib na ang mga ito at sa simbahan na kung saan ay napakaraming magiging witness sa pag-iisang dibdib nila. Napaka-ironic nga naman pala talaga ng buhay, kung sino pa yung kaibigan nilang walang boyfriend noon ay siya pa ang mauunang ikasal sa kanilang tatlo. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo. Siguro talaga ay swertehan lang na makatagpo ng lalaking tunay ang pagmamahal, katulad nga ni Andrei. Ilang beses niya pang sinubukang tawagan si Maxene ngunit hindi na niya ito ma-contact pa. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mag-alala rito baka kung ano na ang nangyari rito. Ilang sandali pa ay bigla siyang tinawag ng isa sa mga tauhan ng prod ng kasal ni Vena dahil mag-uumpisa na raw ang kasal. “Pero… wala pa si Maxene at bridesmaid din siya.” Sabi niya rito. “E wala na po tayong time maghintay, may susunod pa po kasing naka-schedule na ikakasal.” Sabi nito sa kaniya. Napabuntung-hininga na lamang siya at pagkatapos ay walang nagawa kundi ang maglakad na papasok sa simbahan. ~~~~ Nagmamadaling bumaba si Maxene sa kotse nang tuluyan na nga siyang makarating sa simbahan. Alam niyang late na siya pero syempre, importante pa rin ang makadalo siya at makita ni Vena ang presensiya niya. Eksaktong nasa labas na ang mga tao at sasalubungin na nila ang bagong kasal at dahil doon ay hindi niya maiwasang manghinayang dahil ni hindi niya man lang nasaksihan kung paano nangako ang mga ito sa isat-isa. Nakita niya na matamis ang ngiti ni Vena at Andrei habang magkahawak ang kamay kung saan ay isa-isa silang binabati ng mga dumalo sa kasal. Nakipagsiksikan siya upang makalapit sa mga ito at nang makita siya nito ay tuwang-tuwa ito. Dali-dali siyang lumapit rito at yumakap. Niyakap din siya nito ng mahigpit. “Sorry na-late ako, sobrang traffic.” Sabi niya. “I’m so happy for you…” sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap rito. Parang kailan lang ay nag-uumiyak pa ito sa pagkwekwento pero ngayon, nahanap na nito ng tuluyan ang king ng buhay nito. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na may yumakap din mula sa likod niya. “Grabe ka Maxene, akala ko nadedu ka na.” Sabi ni Sam sa kaniya kung saan ay napahagikgik na lang siya at hindi sinasadyang mapatingin siya sa paligid at halos manlamig ang buong katawan niya nang makasalubong niya ng tingin ang dalawang pares ng maiitim na mga mata na nakatingin din sa kaniya. Napalunok siya, bakit? Bakit nandito siya? Bakit sa dinami-dami ng taong makikita niya ay ito pa talaga? Anong ginagawa nito doon? at base sa tingin nito sa kaniya ay tila ba kinikilala siya nito. Nang kumawala siya sa yakap nilang tatlo ay halos manginig siya sa takot. Daldal ng daldal si Sam ngunit tila wala siyang naririnig at pagkatapos ay bigla na lamang siya nagtatakbo palayo doon, palayo sa lalaking iyon. Ang lalaking iyon, walang iba kundi ang naka-one night stand niya at ama ng mga anak niya! “Maxene!” Tawag ni Vena at Sam sa kaniya ngunit tila wala siyang narinig at nagmamadaling tumakbo pabalik sa kotse niya. Nang makapasok nga siya sa loob ng kotse ay takang-taka ang driver. “Umalis na tayo rito, manong.” Sabi niya kung saan ay agad din naman itong sumunod sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag nang umandar ang kotse.HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo a







