Share

Chapter 4

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-07-21 10:13:21

MALAKAS ANG TIBOK ng puso ni Maxene habang nag-iimpake siya ng mga gamit nilang mag-iina. Kaunti lang din naman ang kailangan nilang iimpake dahil nga ang ibang gamit nila ay hindi pa rin nailalabas mula sa dala nilang mga maleta dahil nag-apura nga din siya na umalis para sa kasal ng kaibigan niyang si Vena.

Idagdag pa na mabuti na lang at mayroon siyang katulong sa pag-iimpake na si Dorie. Hindi na niya rin kailangan pang problemahin ang mga anak niya dahil hindi naman gaanong makukulit ang mga ito. Kaya nga lang ay iniisip niya kung ano na naman ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kaniya lalo pa at umalis na lang siya basta na walang sinasabi sa mga ito.

Napabuntung-hininga siya. Kahit na gusto niyang maka-bonding ang mga ito ngunit natatakot siya na isugal ang mga anak niya. Baka mamaya ay mabanggit ng mga ito ang tungkol sa mga anak niya sa harap ng lalaking iyon at maisip nito kaagad na may nabuo silang dalawa noong gabing iyon.

Kahit na gaano pa kalakas ang loob niya na harapin ang lalaking iyon ay hindi niya maiwasang kabahan. Natatakot siya na baka mabasa nito ang saloobin niya. Higit sa lahat sa dinami-dami ng lugar ay doon pa sila talaga nagkita. Hindi lang iyon dahil mukhang close ito kina Vena.

Napahilot na lang siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Sa totoo lang ay halos wala pa siyang pahinga mula sa byahe nila pagkatapos ngayon ay kailangan na naman nilang umalis. Ni hindi pa man siya nagtatagal sa bansa. Kung tutuusin ay ang inaasahan niyang makikita niya ay ang kanyang ex-fiance na tinalikuran siya at ipinahiya noong araw na iyon ngunit hindi pala.

Hindi nga nagtagal ay tuluyan na rin siyang natapos sa kanyang pag-iimpake kung saan ay agad na siyang tumayo upang puntahan si Dorie na nasa kabilang silid kung nasaan ang mga damit at gamit ng mga anak niya. Nakita niyang nakikipaglaro ito sa isa sa kambal na si Jeydon. Si Jayden naman ay may hawak na damit kung saan ay alam niya na kaagad na ginugulo ng mga ito si Dorie sa pag-iimpake.

Agad siyang lumapit at kinarga ang mga ito. “Kayo talagang dalawa. Kumukulit na kayo.” sabi niya at hinalik-halikan ang mga ito kung saan ay humagikgik naman sila kaagad. Umupo siya sa kama at hinayaan ang dalawang na maglaro sa ibabaw ng kama upang makapah-impake ng maayos si Dorie.

Ilang sandali pa ay bigla na lang niyang narinig ang tinig nito. “Ano pong nangyari? Kung hindi niyo po mamasamain.” sabi nito sa kaniya.

Ilang taon na rin niyang kasama si Dorie simula nang ipagbuntis pa lang niya ang kanyang mga anak kaya kung tutuusin ay para na niya itong kapatid na nakaalalay sa kaniya kaya wala na siyang dapat pang itago rito. Napabuntung-hininga na lang siya habang nakatitig sa dalawa na naglalaro.

“Nakita ko ang tatay nila…” mahinang sabi niya ngunit tiyak na umabot ito sa pandinig nito.

Sa kabilang banda ay agad naman na nanlaki ang mga mata ni Dorie nang marinig niya ang sinabi ni Maxene. Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. Nag-alinlangan siya sa una ngunit sa huli ay hindi niya rin napigil ang kanyang bibig na magsalita habang nakatingin dito. “E bakit po kayo tumakbo?” tanong niya. “Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi niyo pa sa kaniya ang sinabi sa dalawa?”

Napangiti naman ng mapait si Maxene. Dapat pa ba na malaman niya? Tanong niya sa kanyang isip. Paano kung hindi ito maging masaya na nalaman na may anak sila dahil lang sa isang pagkakamali ang namagitan sa kanila ng gabing iyon. Idagdag pa na siya ang nag-insist na isama siya noong gabing iyon at paano kung sabihin nito na lalaki lang ito at sino siya para tumanggi.

At sisihin lang siya na siya naman ang nagpumilit na sumama. Idagdag pa na ayaw niyang makaharap ito dahil lang sa nahihiya siya sa sarili niya dahil sa kagagahan niya noong gabing iyon ngunit hindi siya nagsisisi na nabuo ang dalawa niyang mga anak. Wala siyang pinagsisisihan doon.

“Kailangan ko pa bang sabihin sa kaniya? Kaya ko naman silang buhayin.” sagot niya na parang wala sa kanyang sarili.

Tumahimik naman si Dorie kahit na may gusto sana siyang sabihin ay pinigilan niya na lang ang kanyang bibig. Ayaw niyang panghimasukan ang desisyon nito dahil wala siya sa lugar. Alam niyang may dahilan kung bakit nito piniling itago ang tungkol sa mga bata.

“Pero alam mo, naiisip ko rin minsan kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na may anak kaming dalawa.” biglang sabi din naman ni Maxene. May katotohanan ang sinabi niyang iyon dahil sumasagi din sa isip niya ang bagay na iyon kapag natutulala siya.

Ang daming what ifs sa isip niya ngunit wala ni isa sa mga iyon ang nasasagot pa. Pero ano nga kaya ang magiging reaksyon nito kung sakali?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 16

    HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 15

    HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 14

    NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 13

    ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 12

    “So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 11

    “ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status