Share

One Night Of Mistake With The Ceo
One Night Of Mistake With The Ceo
Author: LichtAyuzawa

Chapter 1 THE ONE NIGHT STAND

Chapter 1 THE ONE NIGHT STAND

MJ point of view

"Dela Constancia!!!" Sigaw ng isang lalaki na pamilyar sa'kin dahil sa pagiging regular na manginginom nito sa bar. Itinaas nito ang baso ng alak na hawak at kaagad naman naghiyawan ang mga nakakita non.

Napangisi nalang ako at napailing dahil sa kalasingan nito. Iginala ko ang aking paningin sa pagbabakasakali na makakita ako ng kakilala pero habang ginagawa ko 'yon ay bumagsak ang mga mata ko sa isang lalaki na nasa isang sulok lang at may kasamang babae pero ang tingin naman ay nasa akin.

Nginitian ko ito at kinindatan pero masamang tingin lang ang naging sagot nito. Kaagad na nanlaki ang butas ng ilong ko dahil sa inis pero hindi na ako nakapag react ng iba pa dahil hinila na ako ni Hazel at Leslie papunta sa pusod ng bar para makipag sayaw.

"Chill guys, huwag kayong masyadong excited. We've been doing this our whole life!" Sita ko sa mga ito dahil nagsisimula ng sumayaw kahit hila-hila pa ako.

"Ikaw lang ang regular dito sa Consull Bar Sis, dahil sa problema mo kila Mommy at Daddy at saka itong si Florence na laging nakamata sa gwapong owner." Leslie exclaimed habang umiikot ang bilugang mga mata.

Leslie Laurice Bueno Dela Constancia is my middle sister she's a doctor kaya hindi siya madalas dito, minsan lang magpunta dito yan kapag hindi lang siya busy.

Napairap ako pero napangisi din kalaunan dahil may katotohanan ang sinabi nito. Everytime na nai-stress ako sa mga pinagagawa nila Mommy at Daddy ay dito ako pumupunta kaya naman hindi na nakapagtataka kung pamilyar na ako para sa mga umiinom dito.

"Sinungaling ka Leslie hindi naman ako nakamata sa gwapong owner nitong bar!" Reklamo ni Hazel at nagmartsa palayo sa'min.

Nagkatinginan kaming magkapatid at sabay na napailing.

Si Hastiana Hazel Florence Bueno Dela Constancia ay bunso naming kapatid isa siyang business management student and at the same time ay fashion designer. At kagaya ng sinabi ni Leslie ay prospect talaga nito si Connor Sullivan ang owner nitong bar at best friend ng pinsan namin na si Blake Jenkins. Pero hanggang prospect lang siya dahil may iba ng gusto si Connor.

"Bye sis! I saw my friend na." Pamamaalam ni Leslie dahil nakakita na ng kaibigan. Tinanguan ko lang ito at nagsimula na akong i-enjoy ang malakas na tugtog na nanggagaling sa naglalakihang speaker.

Pagkaalis ng mga kapatid ko ay kaagad akong nilapitan at pinalibutan ng tatlong lalaki na diretso kaagad ang tingin sa malusog kong dibdib at makurba kong pangangatawan.

Nginisihan ko ang nasa harapan ko na kung makatingin ay para na akong hinuhubaran, "eye's up here!" nang-aakit na bulong ko at inangat ko ang baba nito gamit ang hintuturo ko.

Magkakasunod itong napalunok at bumadha ang pagnanasa sa kulay ginto nitong mga mata.

Naglakad ito palapit sa akin at tinangka akong hapitin sa baywang pero maagap akong lumayo. "Woah!!" Sigawan ng mga tao na nakakita sa ginawa ko especially yung mga nasa malapit lang sa'min.

Tumalim ang titig nito pero ngumisi lang ako at naglakad papunta sa kumpol ng mga kakilala ko habang nakataas ang kamay at umiindak.

"DJ THE USUAL PLEASE!" Sigaw ni Leslie at kaagad na nagkaingay at nagsayaw ang mga tao ng mag thumbs up ang dj at pinalitan ang kanta.

Bumuhos ang bubbles mula sa sprinkler sa taas ng ceiling ng dance floor at pumailanlang ang kantang kiss me in reggae version.

Habang nagsasayaw ako sa ilalim ng bumubuhos na bubbles ay may nag-abot sa'kin ng isang shot ng tequila, mabilis kong kinuha iyon at tinungga, sakto naman na sa pagtungga ko ay muli ko na naman nakita yung lalaki na sinamaan ako ng tingin kanina. Nag-iisa ito at hindi ko alam kung nasaan ang kasama, kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon na meron ako para lapitan ito.

Mabagal akong naglakad papunta dito ng hindi ko inaalis ang tingin ko. "Hey!" Bati ko ng makalapit ako sa kinaroroonan nito. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Kaagad akong nakaramdam ng hiya at mabilis na pinagpagan ang hapit at basang-basa at puro bula kong dress. Mas lalo tuloy itong yumakap sa kurba ng katawan ko dahil basa ito at tumutulo.

Pinagtaasan ako nito ng kilay na parang tinatanong kung ano ang ginagawa ko sa harapan nito.

Palihim akong napairap dahil sa pag-iinarte nito, 'kaarte ha!' ani ng isip ko. Nginitian ko ito at tahasan na tinabihan, "I noticed na mag-isa ka lang, nasaan na 'yong kasama mo kanina?"

Lumayo ito na para akong may nakakahawang sakit. "Why do you care?" iritableng tanong nito habang titig na titig sa mga mata ko. Napatanga ako at napanganga pagkarinig sa iritable yet baritonong boses nito.

"Isara mo yang bibig mo!" matalim na utos nito. Magkakasunod akong napakurap at napalunok, "b-bakit k-kasi b-baka m-mahalikan mo a-ako?" hindi ko alam kung ano ang masamang hangin ang pumasok sa isip ko at naitanong ko 'yon. Kaya naman ngayon ay nakamamatay ng tingin ang pinupukol nito sa'kin.

"Hindi kita gusto kaya kung pwede lang ay umalis ka na, may girlfriend na ako." Para akong sinuntok sa sikmura ng marinig ko ang sinabi nito, kaagad akong nahiya at kahit ayaw ko pang umalis para iwan ito ay napilitan ako dahil sa pagkapahiya ko.

Pagkatayo ko mula sa pagkakaupo ko sa tabi nito ay natanaw ko hindi kalayuan sa akin ang isang waiter na may dalang hard drinks, sinenyasan ko ito at kaagad naman itong lumapit at inabutan ako ng isang mamahaling alak.

"Thanks!" Nakangising pasasalamat ko dito, itinaas ko pa ang bote ng alak na hawak ko.

Tumango ito, "your welcome Ma'am MJ." Ngumisi ako dahil sa pangalang itinawag nito sa'kin. Sa bahay ay karaniwan ng tawag sa'kin ang Maria o kaya naman ay Joana minsan naman ay Mei, tanging dito lang sa bar at ito lang waiter na ito ang tumatawag sa'kin ng MJ.

Tumango lang ang waiter at nagpaalaam na kasi may tumawag ditong isang customer na nangangailangan din yata ng alak.

Handa na akong lagukin ang alak na kinuha ko sa waiter ng mapahinto ako dahil sa mahina yet malinaw na pagsasalita ng lalaking kanina lang ay sinusungitan ako. "Slut," dinig kong sambit nito. Hindi ko na dapat ito papatulan dahil useless naman pero hindi ko nagustuhan ang panghuhusga nito kaya naman humarap ako dito at sinamaan ko ito ng tingin. "Judgmental ka naman masyado, akala mo naman kilala mo na ang buong pagkatao ko." Wika ko dito habang nakataas ang kilay.

He looked at me with disgust bago tumayo sa harapan ko. Bigla akong nanliit when it comes to height ng tumayo ito at makita ko kung gaano ito katangkad, matangkad ako kung ikukumpara sa mga kaedad kong babae pero itong lalaking ito ay maituturing ng higante, he's like 6 ft 4 habang ako naman ay nasa 5 ft 8 lang.

Tiningala ko ito at kaagad akong napaatras dahil nakadungaw ng sobrang lapit ang mukha nito sa'kin, "hindi kita hinuhusgahan, nagsasabi lang ako ng totoo. Sa kislot at ayos mo kahit sino ay mapagkamalan kang p****k." Naamoy ko ang amoy ng pinaghalong crystal wine at forter sa hininga nito, pero kahit gaano pa kagwapo at kabango ang hininga nito ay hindi ko mapapalampas ang sinabi nito.

PAK!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na masampal ito, okay lang na sabihin niya sa'kin na hindi niya ako gusto dahil hindi ako magkakandarapa na habulin siya pero ang sabihan akong p****k ng walang basehan ay hindi ako makakapayag.

"Don't call me names dahil wala kang karapatan!" Galit na singhal ko dito.

Hindi ito tumingin sa'kin, nanatili lang nakabaling pakaliwa ang mukha nito. Nang-uuyam na huling beses ko itong tinignan bago ako tumalikod pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay may mahigpit na kamay na ang humawak sa braso ko para patigilin ako. Masamang tingin ang pinukol ko sa kamay nito na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Binaklas ko iyon pero hindi nito binitawan ang braso ko.

Tiningala ko ito at nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ang galit sa kulay abo nitong mga mata, "let go of me!" itinago ko ang kabang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagtataray.

"Sino nagsabi sa'yong pwede ka ng umalis!?" Mapanganib na tanong nito at mas humigpit ang kapit sa braso ko. Pakiramdam ko ay namutla ako dahil sa takot ko dito. Ramdam ko naman ang pag loose ng kapit nito na parang nahalata na natatakot na ako pero hindi pa rin ako tuluyang binitawan.

"P-Pwede ba let go of my arm, cause it hurts!" Iritableng wika ko, tinignan nito ang braso ko kaya naman napatingin na din ako doon at parang gusto ko nalang maiyak dahil sa nakikita kong pamumula nito.

"Ang arte mo naman!" Muling pang-aakusa nito.

Hindi talaga nakakatuwa ang tabas ng dila nito, "ano pa ba ang kailangan mo!?"

"Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan na sampalin ako!?" Sigaw nito. Hindi makapaniwalang napangisi ako dahil yun lang pala ang dahilan kaya ayaw ako nitong bitawan ngayon.

"Bakit, anong gagawin mo?" Nanghahamon na tanong ko dito na kaagad ko ding pinagsisihan dahil binuhat ako nito na parang sako ng bigas at inilabas sa Consull Bar para lang isakay sa isang heavily tinted Audi R8 Car papunta sa kung saan.

"Saan mo ako dadalin? Sisigaw ako!" Tanong ko dito na may halong pagbabanta. Ramdam ko na ang epekto ng alak sa sistema ko dahil sa pagigin matapang ko. He just gave me a deadpan looked but says nothing.

Nagpatuloy ito sa pagmamaneho hanggang sa hininto nito ang kotse sa tapat ng isang mataas at mukhang mamahaling gusali.

"Anong ginagawa ko dito!?" Pasigaw na tanong ko dito, hindi ako nito pinansin lumabas lang ito ng kotse at kaagad na tinungo ang side ko at binukas ang nakasarado kong pinto. Hindi ako kumilos para tanggalin ang seatbelt ko at lumabas ng kotse.

"Ano pa ang hinihintay mo? Move now, slut!" singhal nito. Sinamaan ko ito ng tingin at nagmatigas ko, hindi talaga ako kumilos kahit isang maliit lang na galaw.

Napahilot naman ito sa sentido at ito na ang nagtanggal ng seatbelt ko at kinaladkad ako nito palabas ng kotse at papasok ng gusali.

Pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin, ako ang nahihiya dahil sa ayos ko samantalang itong kasama ko ay walang pakialam sa paligid ko kahit nga sa'kin walang pakialam kahit ilang beses akong muntikan ng madapa dahil sa taas ng heels ko ay naging manhid lang ito.

Sumakay kami sa elevator at pinindot nito ang top floor. Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang top floor at kinaladkad na naman ako nito palabas ng elevator kaagad nagtatabihan ang mga nakakasalubong namin at tinititigan nila ako na para bang may masama akong ginawa sa kanila. Narating namin ang tapat ng room na may nakalagay na VIP kaagad ako nitong ipinasok doon at tumambad sa'kin ang madilim na paligid. Eksperto itong naglakad papunta sa kung saan samantalang muntik na akong masubsob ng matisod ako sa hagdan.

Hindi nagtagal ay huminto kami at binuksan nito ang pinto at patulak na pinapasok ako nito doon, saka lang nito binitawan ang braso ko. Kaagad kong hinimas iyon dahil sa hapdi na naramdaman ko. Iginala ko ang paningin ko sa madilim na paligid pero someone blocked me and pushed me towards the soft and big bed at saka ako kinubabawan. Dahil sa nakasoot ako ng maliit na dress ay mas lalo pa iyong umikli dahil sa bahagyang paglilis.

"Shit! A-Anong gagawin mo!?" Kinakabahang tanong ko dito na may kasamang pagmumura at pagtulak dito paalis sa ibabaw ko.

"Punishing you for slapping me." Sagot nito at walang pakundangan na hinalikan ang labi ko.

"Hmmp!" Reklamo ko habang madiin na nakatikom ang bibig ko. Pero ang madiing pagkakatikom ng bibig ko ay nawala ng bumaba ang labi nito sa leeg ko at doon gumawa ng milagro. Unti-unting napaawang ang bibig ko dahil sa sensasyong lumukob sa sistema ko na hatid ng makasalanan nitong dila.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
LichtAyuzawa
Hi po sana ay masuportahan ninyo ang story ni Leslie kapatid ni Joana Mei
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status