LOGINONE NIGHT PLEASURE
EPISODE 1
GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.
“Vivi, may girlfriend na si Matthias! Hindi ka na niya papansinin. Hindi mo siya magiging boyfriend.”
Matalim kong tiningnan ang aking kaibigan na si Marianne. Panira rin ang babaeng ‘to eh. Ang ganda na ng araw ko pero sinisira niya lang.
“Alam mo, wala ka na talagang nagawang tama eh! Pwede bang maging kakampi naman kita kahit isang araw lang?!” inis kong sabi sa kanya.
Humahalakhak siya at kumapit siya sa aking braso. Inis ko naman siyang tinignan.
“Ano ba? Galit ka naman kaagad diyan! Alam mo naman na mas maganda ka doon kay Winter Griffin na ‘yun eh. Sigurado akong makukuha mo rin si Matthias,” nakangiting sabi ni Marianne.
Napa buntong-hininga ako at muling pinagmasdan ang aking nag-iisang crush na si Matthias Archer Coleman habang naglalaro ng basketball. Matanda siya sa akin ng dalawang taon pero hindi ito naging hadlang para magkagusto ako sa kanya. Hindi lang ako ang babaeng nagkakagusto sa kanya, marami kami at isa na dito si Sarah Del Junco na mas bata sa akin ng tatlong taon.
Paano ba ako mapalapit kay Matthias? Gustong-gusto ko talaga na mapalapit sa kanya pero wala akong close o kaibigan na Coleman! Ang hirap naman kasing lapitan ni Lucianna dahil palagi niyang kasama ang boyfriend niya na si Gabriel Nathan Generoso. Maldita rin siya kaya walang kaibigan. Wala rin ako sa mood na makipagkaibigan sa ibang Coleman na babae dahil si Chantal ay busy sa pagiging ballerina at si Alessandra naman ay mahirap din maging kaibigan dahil maldita rin.
Nakakainis! Nagiging desperada na talaga ako. Kailangan ko na talagang mapalapit kay Matthias dahil gagraduate na siya sa high school at ang layo na niya sa akin. Ngayon na pareho pa kaming high school student, kailangan ko ng gumawa ng paraan para mapalapit ako sa kanya.
“Vivi, oh my gosh! Papalapit sa atin ngayon si Alaric.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking kaibigan na si Marianne. Sinundan ko naman ang kanyang tingin at hindi ko mapigilan na mapairap ng makita ko kung sino ang lalaking papalapit sa amin ngayon.
Walang iba kundi si Alaric Archer Coleman.
Yes, another Coleman! At kapatid siya ni Matthias na crush na crush ko.
Pero hindi siya kagaya ng ibang Coleman. Itong si Alaric ay isang nerd! Isang pangit na Coleman—I don’t like him! Ang dami niyang pimples at may malaki at makapal pa siyang eyeglasses na suot sa kanyang mata. Hindi siya marunong magbagay ng kanyang mga susuotin. Ang badoy niya talaga!
“V-Vivi,” nauutal niyang banggit sa aking pangalan ng makalapit na ito sa amin ngayon ni Marianne dito sa kinauupuan namin na bench.
Napatingin ako kay Ric at tinaasan ko siya ng aking kilay.
“Ano na naman ang kailangan mo, nerd?! Diba sabi ko sayo na ‘wag mo na akong guluhin!” maldita kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha nang sabihin ko iyon sa kanya pero hindi ako naaawa. Ayoko sa kanya! Ayoko sa mga makulit na kagaya niya.
“G-Gusto ko lang naman na itanong sayo kung kailan natin gagawin ang project natin na magkasama? Next week na kasi ang deadline nun kay Miss Manansala eh,” mahina niyang sabi habang hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata.
Totoo ba talaga na isa itong Coleman si Alaric? Baka ampon lang ito ni Tita Isabelle at ni Tito Luke?! Sa lahat ng Coleman na nakilala ko ay si Alaric lang ang pinakapangit sa lahat—siya lang ang pangit. He’s also weak na mas lalong ayaw na ayaw ko.
Tinaasan ko siya ng aking kilay. “Bakit mo ako tinatanong niyan? Diba matalino ka naman? Gawin mong mag-isa! Alam mo naman na hindi ako magaling sa subject na math eh,” inis kong sabi sa kanya.
“P-Pero ang sabi ni Ma’am ay kailangan nating magtulungan—”
Tinignan ko siya ng masama. “Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko, hindi ako marunong! Wala rin naman akong matutulungan diyan eh. Ikaw na ang gumawa niyan,” inis kong sabi sa kanya.
Matagal siyang hindi nakakapagsalita ulit. Nakatingin lang siya ngayon ng seryoso sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng aking mga mata.
“Anong tini-tingin mo diyan? Galit ka sa akin?”
Mabilis naman siyang umiling at umiwas ng tingin sa akin. “H-Hindi ako galit sayo, Vivi. Sige… ako na ang gagawa sa project natin. Isusulat ko na lang ang pangalan mo pagkatapos,” mahina niyang sabi.
“Ayan naman pala eh! Binubwesit mo pa ako. Sige na, umalis ka na! Pinapanood ko pa si Matthias na maglaro ng basketball,” sabi ko at muling tinignan si Matthias na naglalaro ngayon.
Napahiyaw naman ako ng makita ko siyang napa shoot. Ang galing talaga ng baby loves ko!
“H-Hindi ka mapapansin ng kuya ko. May babae na siyang nagugustuhan….”
Nawala ang aking ngiti sa mukha nang marinig ko muling magsalita si Alaric. Malamig ko siyang tinignan at tinaasan ko siya ng kilay.
“Hindi ka aalis? Umalis ka na!” hindi ko mapigilan na mapataas sa aking boses sa sobrang inis sa kanya.
Yumuko naman siya at tahimik na umalis. Nang mapalayo na si Alaric ay narinig kong nagsalita si Marianne na kanina pa tahimik dito sa aking tabi.
“Vivi, ang harsh mo naman kay Alaric. Baka nakakalimutan mong isa siyang Coleman? Mas mayaman siya sa iyo,” seryosong sabi ni Marianne.
Napairap naman ako at bumuntong-hininga.
“Wala akong pakialam kung mas mayaman man siya sa akin, Marianne. Ayoko sa kanya.”
Ngumuso si Marianne habang nakatingin pa rin sa akin. “Pogi naman si Alaric, Vivi. Kulang lang talaga siya ng makeover eh,” sabi niya.
Tinaasan ko siya ng aking kilay.
“May gusto ka ba sa pangit na ‘yun?” tanong ko sa aking kaibigan.
Napaismid si Marianne at nagsalita siya. “Wala akong gusto sa kanya, Vivi. Ang akin lang ay hindi naman ata deserve ni Alaric na tarayan mo palagi. Mabait naman siya sayo. May gusto siya sayo! Diba gusto mong maging Coleman? Baka si Alaric na talaga ang lalaking para sayo, Vivi,” sabi ni Marianne na muli kong ikinainis.
“Oo, gusto kong maging isang Coleman. Pero si Matthias ang gusto kong mapangasawa na Coleman at hindi si Alaric! Hinding-hindi ko magugustuhan ang nerd na ‘yun—never!” nakasimangot ko na sabi.
Mataas ang standard ko ‘no! Hinding-hindi ako magkakagusto sa pangit na katulad ni Alaric. Darating din ang araw na magsasawa siya sa pagkagusto niya sa akin dahil tatarayan ko siya ng bonggang-bongga.
TO BE CONTINUED...
ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 20GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.KASAL na talaga kaming dalawa ni Alaric at hindi pa rin ako makapaniwala na sa apat na linggo ko rito sa Pilipinas ay kinasal na ako… sa lalaking hindi ko pa mahal.“Bakit hindi ka pa nagbibihis diyan? Hindi ka pa rin ba makaniwalang natupad na ang pangarap mo na ikasal sa isang Coleman?”Matalim kong tinignan si Alaric nang sabihin niya iyon. Nandito kami ngayon sa villa na binook ng mga magulang ni Alaric para sa honeymoon namin. Nandito kami ngayon sa Palawan at isang linggo rin kami rito. Hindi na rin naman mangyayari iyong nangyari sa amin ni Alaric—hindi na ako makakapayag. Ang swerte niya naman kung makaisa na naman siya sa akin.“Alam mo, ang assuming mo na ‘no? Hindi ka naman ganyan dati,” inis kong sabi sa kanya.Mahina siyang tumawa at humakbang siya palapit sa akin.“Bakit hindi mo na lang kaya paligayahin ang asawa mo ngayon?” mapang-akin niyang sabi.Bahagya akong napatalon sa gulat sa kanyang sinabi. Kinuha ko an
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 19GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.NILOKO? Ako? Niloko ko siya? Hindi ko siya niloko! “W-What? Niloko? Ric, hindi kita niloko! It’s been nine years, naniniwala ka pa rin na niloko kita? How? In what aspect? Naging totoo ako sayo!” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.Hindi ako makapaniwala na all this years, iyon pa rin ang pinaniniwalaan niya? Na niloko ko siya? Mas naniniwala pa akong nasaktan ko siya kaysa naloko. I hurt his feelings because I was crushing his older brother. Pero iyon lang ‘yun, wala nang iba. Hindi ko siya niloko dahil hindi ko siya kayang lokohin.Mabilis na umiwas ng tingin sa akin si Alaric at nilampasan na niya ako ng hindi siya nagsasalita pabalik. Muli akong humarap sa kanya at nagsalita ako kahit na naglalakad na siya palayo sa akin at paakyat siya ngayon sa hagdan, mukhang mag-uusap silang dalawa ni Dad.“Hindi kita niloko, Alaric! Sige, ipagpatuloy mo ‘yang galit-galitan mo sa akin! Galit din ako sayo!” sigaw ko h
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 18GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.“Akin ka lang, Vivi.”Tinawag niya ulit akong Vivi… he kissed me. Si Alaric ba talaga iyong lalaking ‘yun? Bakit sobrang nag-iba na siya? Ibang-iba na ang kanyang pananalita—ang kanyang mga galaw. Magugulat ka na lang na ang kamay niya ay humahaplos na sa iyong katawan. Sobra na niyang mapanganib. “I missed you so much, Vivi! I’m so sorry kung hindi kaagad kita nadalaw sa inyo huh? Alam mo naman, sobrang busy ko rin at hindi kami in good terms ng pinsan mo.”Ngayon ay nakipagkita ako sa kaibigan kong si Marianne, ang ex-girlfriend ng pinsan ko. Naintindihan ko naman kung bakit hindi siya kaagad makapunta sa akin dahil iniiwasan niya si Kyle. Hindi kasi sila bati at parang galit pa rin ang pinsan ko sa kanya dahil ang sama ng tingin ni Kyle kanina sa akin nang sabihin ko na magkikita kami ni Marianne.“I missed you too, Marianne. Naintindihan ko naman kung bakit hindi ka kaagad makadalaw sa akin eh. Congrats pala dahil successfu
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 17GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. NEXT week na ang kasal namin ni Alaric at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ikakasal kaming dalawa pero walang makakaalam na iba—iyan ang sabi niya sa akin ngayon.“Gusto mo akong pakasalan pero dapat walang ibang makaalam? Kahit ang pamilya mo?” tanong ko sa kanya habang tinaasan ko siya ng aking kilay. Iniwan na muna kami ni Dad at ni Kyle rito sa may living room ni Alaric upang makapag-usap kami na kami lang dalawa. Ngumiti siya sa akin at tumango. Kanina pa siya nang-aasar sa akin. Alam kong nang-aasar siya sa kanyang mga ngiti at tingin sa akin dahil halatang-halata naman ito. Bwisit. Naiinis talaga ako sa kanya!“Bakit, disappointed ka ba dahil hindi mo maipagmalaki sa iba na naikasal ka sa isang Coleman?” mayabang niyang sabi.Tinawanan ko siya. “Ang assumming mo rin, ‘no? Ayaw ko ngang makasal sayo eh!” inis kong sabi sa kanya.Muli siyang ngumisi at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha ka
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 16GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.“VIVI, kagabi pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Ang sabi ni Kyle ay nagkasagutan daw kayo ng Dad mo kahapon kaya umalis ka sa inyo. Ano bang nangyari? Pwede mo akong kausapin tungkol sa gumugulo sa isipan mo ngayon, babe. Nandito lang naman ako para sayo.”Napapikit ako sa aking mga mata at nakaramdam na naman ako ng guilt para sa boyfriend ko na si Carlos. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Carlos at nakipagkita ako sa kanya dahil alam kong sobrang nag-aalala siya sa akin dahil hindi ko nasagot ang kanyang mga tawag at hindi niya ako ma-contact.Sobrang naiinis din ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko na ang lalaking nagmahal sa akin ng totoo at ang lalaking hindi talaga ako iniwan at sinuportahan ako sa lahat ng gusto ko. Pero alam ko rin naman na wala ng patutunguhan ang relasyon na ito dahil gagawa ng paraan si Dad para lang matuloy ang pagpapakasal ko sa lalaking hindi ko naman mahal… kay Alaric—sa lalaking naka
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 15GENEVIEVE’S POINT OF VIEW,“ARE you free right now? I think I need a company in my condo unit.”Sh-t! Sobrang sakit ng ulo ko ngayon. Naglasing ako kagabi at pumunta ako sa isang bar para makalimutan ko ang mga sinabi ni Dad sa akin. Hindi ko akalain na malalasing ako ng bongga at ngayon ay parang binibiyak ang ulo ko.Nasaan ba ako ngayon? Nandito na ba ako sa aking kwarto? Bakit parang…bakit parang iba ang amoy ng kwarto ko. Hinay-hinay kong iminulat ang aking mga mata at napakusot ako upang mas luminaw ang aking paningin. Bahagya akong nagulat ng makita kong wala ako sa aking kwarto. Where am I? Bakit hindi ko maalala ang nangyari sa akin kagabi?“Ouch!” daing ko at napahawak ako sa aking balakang.Napadaing ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa aking baba… sa private part ko. Napatingin ako sa aking sarili at nanlalaki ang aking mga mata ng makita ko na iba na ang aking suot at… at wala na akong suot na bra! Sandali… parang alam ko na ang nangya







