INICIAR SESIÓNDahil sa haba ng paliwanag ng kuya niya, wala nang nagawa si Avabelle kundi tanggapin ang card. Sa loob-loob niya, itatago na lang muna niya ito; kung sakaling mangailangan ang kuya niya sa hinaharap, may mailalabas siyang pera para rito.
Nang makitang kinuha na ni Avabelle ang card, ngumiti rin sa wakas si Reylan at ginulo ang buhok ng kapatid. “Avie, kailan mo ba ipapakilala sa akin ang bayaw ko?”
“Sa susunod na lang po. May naalala akong kailangang asikasuhin, kailangan ko nang bumalik.” Nagdahilan si Avabelle at agad na tumayo.
Maglilima na ng hapon. Oras na para sunduin ng kuya niya si Jojo sa eskwelahan, at tiyak na naghahanda na rin ng hapunan ang ate niya na asawa ng kuya niya. Ayaw niyang abutan ng kainan para hindi na siya mapilitang mag-stay; baka sumama pa ang loob ng hipag niya. Kahit hindi sila gaanong magkasundo, gusto pa rin ni Avabelle na maging maayos ang pagsasama ng kuya at asawa nito.
Sabi nga nila, kapag payapa ang pamilya, swerte ang dala.
Pagkalabas ng subdivision gamit ang kanyang motor, nagpasiya si Avabelle na dumaan muna sa botika. First time niyang mabuntis at wala siyang mapagtanungan, kaya nag-search na lang siya sa Tiktak. Sabi doon, kailangang uminom ng mga vitamins tulad ng folic acid para sa baby.
Habang nagbabayad, nakangiting sabi ng pharmacist, “Ma’am, ang ganda niyo po. Siguradong magiging napakaganda rin ng baby niyo.”
“Salamat po.” Natigilan si Avabelle. Hindi niya akalaing ang unang pagbati na matatanggap niya ay manggagaling pa sa isang banyaga.
Pagkalabas ng botika, unti-unting gumaan ang mabigat niyang pakiramdam. Hinaplos niya ang kanyang tiyan na patag pa rin hanggang ngayon—hindi siya makapaniwalang may nabubuo nang buhay doon, ang sarili niyang anak.
Biglang tumunog ang phone niya. Isang dating kliyente ang nagtatanong kung nasa shop ba siya dahil may kasama itong kaibigan na gustong tumingin ng sasakyan.
“Nandito po ako, five minutes lang po.”
Day-off niya sana ngayon, pero dahil desidido na siyang ituloy ang pagbubuntis, kailangan na niyang mag-ipon ng pambili ng gatas! Agad na pinaharurot ni Yu Yan ang kanyang motor pabalik sa shop.
Accountancy ang tinapos ni Avabelle sa kolehiyo. Noong high school pa lang siya, in-demand ang kursong ito, pero pagka-graduate niya, punuan na ang mga posisyon. Para kumita ng malaki, kailangan mong magsunog ng kilay para sa mga board exam at mahabang karanasan.
Hindi na makapaghintay si Avabelle. May utang pa siyang 30,000 para sa pag-aaral at marami ring naitulong ang kuya niya sa kanya. Nang malaman niyang malaki ang komisyon sa sales kahit maliit ang basic pay, hindi na siya nag-atubili. Gamit ang karanasan niya sa pagpa-part time simula noong bata pa, naging magaling siya sa pakikipag-usap sa tao.
Dalawang buwan na ang nakalipas nang mabili ng malaking kumpanyang PETILLA Group ang pinagtatrabahuhan niyang Taiku Car Dealership. Ang Pettila ang numero unong korporasyon sa Tacloban City. Simula nang hawakan ito ng bagong tagapagmana at sumailalim sa matitinding pagbabago, lalong sumikat ang kumpanya sa buong bansa. Nadala rin ng swerte ang Taiku at lalong lumakas ang benta nila.
Ang bagong department manager nila ay galing mismo sa Petilla. Bagong salta kaya nagpatupad agad ng mga bagong patakaran: kailangang makabenta ng sampung sasakyan bawat buwan para makuha ang buong sahod, at may bonus pa para sa top seller. Dahil maganda ang bigayan, hindi na iniintindi ni Avabelle kahit mabawasan ang oras niya sa pahinga.
Pagdating sa shop, agad niyang inasikaso ang kliyente, pinag-test drive, at mabilis na nakuha ang loob nito. Wala pang kalahating oras, sarado na ang deal.
Nang maihatid na ang mga customer sa labas, ang kasamahan niyang si Renalyn ay tinitingnan siya na parang isang idolo.
“Avieeee! Isang 200,000 na sasakyan, nabenta mo sa loob lang ng 30 minutes! Grabe, ikaw na talaga ang lodi ko!”
Ngumiti lang si Avabelle. “Maraming customer ang hindi naman talaga eksperto sa sasakyan, kaya dapat ipakita mong alam mo ang ginagawa mo. Kailangan kabisado mo ang bawat detalye ng benta mo at marunong kang makiramdam sa kailangan nila. Gaya nung mag-asawa kanina, amoy gatas ang babae kaya nahulaan kong nagpapadede pa siya. Kapag may baby, maraming gamit na dala, kaya bagay sa kanila ang SUV na malaki ang space.”
Tumango-tango si Renalyn at parang gustong ilista lahat ng sinabi ni Avabelle.
Biglang lumapit ang isang babaeng kulot na pula ang buhok at naka-pulang dress—ang katrabaho nilang si Joshiel. Tiningnan sila nito nang mapanlait.
“Nalyn, umaasa ka na naman ba na tuturuan ka ni Avabelle? Pinapaalalahanan lang kita, nagkakamali ka ng hinihingian ng payo. Hindi naman kasi lahat tayo ay may mukhang pwedeng ipang-akit sa kahit kanino para lang makabenta.”
Napakasakit pakinggan ng sinabi nito. Ipinapahiwatig niya na ginagamit ni Avabelle ang ganda niya para makabenta.
Nainis si Renalyn, pero si Avabelle na siyang pinatutungkulan ay parang wala lang. “Salamat na lang kung tingin mo ay maganda ako, Ate Joshiel.”
Nandito siya para kumita, kaya ang mga sinasabi ng iba ay parang utot lang sa kanya.
Napahiya si Joshiel sa sagot ni Avabelle. Nanliit ang mga mata nito at biglang ngumisi nang may masamang balak. “Nga pala Avabelle, nandito ako para sabihing ang benta na nakuha mo kanina, inaprubahan na ni Manager Kim na ilipat sa akin. Ayusin mo na ang mga papel at iabot mo sa akin mamaya.”
Dito na nagbago ang timpla ng mukha ni Avabelle.
Sumigaw si Joshiel, “Nanakawin mo na naman ang benta ni Avieee! Pangatlong beses mo na ’yan ngayong buwan! Joshiel, huwag ka na kayang mag-sales, mag-tulisan ka na lang!”
Dahil sa haba ng paliwanag ng kuya niya, wala nang nagawa si Avabelle kundi tanggapin ang card. Sa loob-loob niya, itatago na lang muna niya ito; kung sakaling mangailangan ang kuya niya sa hinaharap, may mailalabas siyang pera para rito.Nang makitang kinuha na ni Avabelle ang card, ngumiti rin sa wakas si Reylan at ginulo ang buhok ng kapatid. “Avie, kailan mo ba ipapakilala sa akin ang bayaw ko?”“Sa susunod na lang po. May naalala akong kailangang asikasuhin, kailangan ko nang bumalik.” Nagdahilan si Avabelle at agad na tumayo.Maglilima na ng hapon. Oras na para sunduin ng kuya niya si Jojo sa eskwelahan, at tiyak na naghahanda na rin ng hapunan ang ate niya na asawa ng kuya niya. Ayaw niyang abutan ng kainan para hindi na siya mapilitang mag-stay; baka sumama pa ang loob ng hipag niya. Kahit hindi sila gaanong magkasundo, gusto pa rin ni Avabelle na maging maayos ang pagsasama ng kuya at asawa nito.Sabi nga nila, kapag payapa ang pamilya, swerte ang dala.Pagkalabas ng subdivis
Habang mas kaunti ang nasasagot ni Ava, mas lalo namang nais ni Reylan na malaman ang buong katotohanan.Sa huli, ang kanilang hipag, si Sheila, ang nagsalita:“Huwag mong takutin si Ava. Dalawampu’t apat na siya at adult na, tiyak na alam niya ang kanyang desisyon.”Mabilis namang pumayag si Ava“May point ang ate. Kuya, huwag kang mag-alala.”Ngunit habang parang pinoprotektahan ni Sheila si Ava, mabilis rin nagbago ang tono nito:“Pero Ava, hindi mo talaga dapat ginawa iyon. Kahit adult ka na, ang malalaking desisyon sa buhay ay kailangang pag-usapan muna sa nakatatanda. Paano mo hindi sinabi kay Mama na magpapakasal ka? Sasabihin ng iba na kulang tayo sa paggalang sa magulang…”Pag-usapan?Pabentahin para sa 300,000 pesos na dowry?Nagpatuloy si Sheila:“Ang kababaihan ay bata lang ng ilang taon. Hindi tulad ng kalalakihan na mas kaakit-akit habang tumatanda. Ang diborsiyo ay hindi kapintasan sa lalaki. Bukod dito, ang kakayahang maghandog ng 300,000 pesos bilang pamanhikan ay nan
Napakabilis ng serbisyo sa Civil Affairs Bureau. Hindi pa umabot sa sampung minuto, nakumpleto na ng mag-asawa ang kanilang pagpaparehistro ng kasal.Ang tanging maliit na isyu ay nang kuhanan sila ng litrato para sa marriage certificate—nanatiling seryoso si Keith.Dahil dito, inisip ng mga tao na pilit siyang pinapakasal at paulit-ulit nilang tinanong kung talagang sinsero ba ang dalawa sa pagiging mag-asawa.Dahil sa palitan ng tanong, naging curious rin si Ava.Nagtataka siya—ngumingiti ba ang lalaking ito?Ngunit mabilis niyang inalis ang kaisipang iyon sa isip. Paglabas nila, napansin niyang nagtipon ang malalaking madidilim na ulap sa kalangitan.Naalala ni Ava ang balita kaninang umaga tungkol sa maliit na bagyong darating sa Tacloban sa mga susunod na araw. Naalala niya rin na hindi pa niya nakalagay ang mga labang damit sa bahay, lalo na ang mamahaling professional attire niya. Hindi niya kayang gumastos ng extra ngayong buwan.“Sir, mag-Add tayo sa Instagram? May importante
Pagkatapos niyang isara ang telepono, sumakay si Avabelle sa kanyang electric scooter papunta sa Civil Affairs Bureau at nakatitig lang sa pasukan. Hindi niya namalayan kung kailan huminto ang isang kotse sa tabi niya.Tanging nang maramdaman niyang natakpan siya ng anino, binuksan niya ang mata—diretso sa isang pares ng malalim at itim na mga mata. Isang matangkad at hindi pamilyar na lalaki ang nakatayo sa harap niya.Wow… Sobrang tangkad!Nakatayo siya laban sa liwanag, matangkad at kahanga-hanga ang tindig. Ang aura niya ay malamig at matalim. Naka-pale gold rimless glasses siya, at sa ilalim ng salamin, ang mga mata niya’y malamig at mabagsik.Nakaka-overwhelm na presensya…Siguradong hindi bababa sa 188 cm siya.Siya ay 165 cm—hindi naman mababa—pero kailangan niyang itingala ang leeg para makita siya.pero… guwapo rin siya.Sobrang gulo ng gabing iyon. Kinabukasan, mabilis siyang tumakas nang hindi man lang lumingon, ni hindi man lang napansin ang mukha ng lalaki. Naghanda siya
Kinabukasan inihanda na niya ang kanyang sasabihin. Napansin niyang parang umuulan na kaya agad-agad siyang pumunta sa housing complex ng kanyang mga magulang sakay ng maliit niyang electric scooter. Bumili siya ng prutas sa labas ng gate, at pagdating sa pintuan, narinig niya ang malakas na boses ni Edna mula sa loob.“Hay anak Mabuti pa kayo bumisita. Hindi tulad ni Ava na palaging nalillibang kung saan-saan. Ni wala ngang oras bumisita man lang sa kanyang ina!”“Mama naman matalino si Ava. Nabebusy lang siya sa trabaho niya ngayon,” sabi ng kanyang kuya Reylan.Lumakas boses ni Edna. “Nabebusy?? Para saan? Sigurado akong may tinatago siyang pera. Sigurado akong may tinatago siyang pera. Matagal na siyang nagtatrabaho, pero 2,000 lang ang ipinapadala sa akin kada buwan—sino ang nakakaalam kung magkano ang naipon niya! Reylan, dahil wala ka pang kotse, sabihin mo kay Ava na siya na ang magbayad. Isa lang siyang babae—anong ipon niya? Mawawala rin yan sa lalaki balang araw!”“Ay oo ng
“You’re pregnant.”Tiningnan ni Avabelle ang isang maliit na anino sa ultrasound. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. May baby siya?Pano na siya ngayon? Sobrang hirap nanga ng buhay niya tapos may baby pa siya? Well oo nga sabihin na lang natin na blessing siya pero pano na? Ni sarili niya di niya masyadong maalagaan.Tiningnan siya ng doktor nang walang emosyon. Marami na siyang nakitang batang babae tulad niya—nag-iisa para magpa-check-up, agad nababahala pag nalaman na buntis, at madalas, hindi man lang nila alam kung kailan sila nagbuntis. Tiningnan siya ng doctor mula ulo hanggang paa.“Unang pagbubuntis mo ba ito? Kung hindi, kailan ang huli mo?”“Ah?”“Hay naku kabataan nga naman. Sinasabi ko sayo iha, ang paulit-ulit na pagpapalaglag sa maikling panahon ay maaring madulot ng permanent infertility. . .”Biglang pinutol ni Avabelle and sinasabi ng Doctor “Doc, hindi ko ipalalaglag and batw!”Agad naman lumambot ang tono ng doctor sa kanya ““You’re three and a half we







