Share

Chapter 38

last update Last Updated: 2025-08-15 15:16:41

HALOS alas syete ng matapos ang meeting ko. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan bago tuluyang lumabas ng meeting room. Iniimbitahan pa ako ni Mr. Takamura na mag-dinner at uminom ng kaunti ngunit mabilis ko itong tinanggihan dahil wala ako sa mood.

Dali-dali akong nagpunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse at pagkapasok ay agad kong tiningnan ang aking cellphone. Nakita ko na may text sa akin si Kian.

Kanina bago ako dumalo sa meeting na iyon ay pinagbantay ko siya sa suite ko para hintayin kung uuwi doon si Freya. Ngunit ngayon ay nalaman niya na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa raw doon. Tinawagan na raw niya ang mga kasamahan nito kanina pero ang sabi daw ay kanina pa silang naghiwa-hiwalay.

Napasandal na ako sa sandalan ng sasakyan at napapakit ng mariin. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga salitang binitawan niya sa akin. Sobrang sama ng loob ko sa totoo lang. Tama ba naman ang mga sinabi niya? Ni wala man lang pala siyang tiwala sa akin at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 40

    PAGDATING ko sa ospital ay nasa loob na ng isang pribadong silid si Freya. Wala pa rin itong malay hanggang sa mga oras na iyon. Habang nakatingin ako sa kanyang maputlang mukha ay hindi ko mapigilan ang galit na halos bumalot na sa buo kong katawan.Itinaas ko ang aking kamay na nanginginig na ng mga oras na iyon at pagkatapos hinaplos ang kanyang pisngi. Nanghihina akong naupo sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang maputlang kamay. Kung sana lang ay hindi ko pinairal ang galit ko at hindi ko ibinilin kay Kian na asikasuhin niya ang para sa anniversary e di sana ay hindi nangyari sa kaniya ang lahat ng ito. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang nangyari. Nabigo akong protektahan siya.~~~~~ANG namumulang mga mata ni Philip ay nakatingin sa akin. Punong puno ng pagnanasa ang kanyang mukha. Nakakatakot at nakakapangilabot ng sobra. “Akin ka lang Freya. Hindi ka pwedeng mapunta sa iba dahil wala silang karapatan. Ako lang ang may karapatan sayo…”“Ako lang…” paos niyang bulong at pagkatapos

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 39

    MAGA ang kilay at bitak ang bibig, puno rin ng dugo ang suot na damit nito habang nakaupo sa presinto. Nakaposas rin ang kamay nito at mukhang kaawa-awa ng mga oras na iyon. Tumaas ang sulok ng labi ko habang nakatingin sa kaniya at kung ako lang ang masusunod ay dapat lang na sakalin ko na lang siya hanggang sa mamatay dahil sa ginawa niya.Iniwan ko muna si Freya sa ospital dahil gusto kong makita ng sarili kong mga mata na makulong siya dahil sa ginawa niya. Nang magtaas ito ng ulo at tumingin sa akin ay wala man lang pagsisising makikita sa mga mata nito. Gag0 talaga kahit kailan! Ang kapal ng mukha!Lalapit sana ako sa kaniya nang pigilan ako ng isang pulis. “Sir, kumalma kayo may tamang proseso ang lahat. Huwag niyong ilagay sa kamay niyo ang batas.” pigil nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang mapakuyom na lang ng aking mga kamay habang nagtatagis ang mga bagang na nakatingin sa mukha ng walang hiyang pamangkin ko.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto ng

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 38

    HALOS alas syete ng matapos ang meeting ko. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan bago tuluyang lumabas ng meeting room. Iniimbitahan pa ako ni Mr. Takamura na mag-dinner at uminom ng kaunti ngunit mabilis ko itong tinanggihan dahil wala ako sa mood.Dali-dali akong nagpunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse at pagkapasok ay agad kong tiningnan ang aking cellphone. Nakita ko na may text sa akin si Kian.Kanina bago ako dumalo sa meeting na iyon ay pinagbantay ko siya sa suite ko para hintayin kung uuwi doon si Freya. Ngunit ngayon ay nalaman niya na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa raw doon. Tinawagan na raw niya ang mga kasamahan nito kanina pero ang sabi daw ay kanina pa silang naghiwa-hiwalay.Napasandal na ako sa sandalan ng sasakyan at napapakit ng mariin. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga salitang binitawan niya sa akin. Sobrang sama ng loob ko sa totoo lang. Tama ba naman ang mga sinabi niya? Ni wala man lang pala siyang tiwala sa akin at

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 37

    PAGLABAS ko ng banyo ay nagulat ako dahil bigla na lang namatay ang lahat ng ilaw. Brown out kaya?Dahil hindi naman ako ganun kasanay sa dilim ay halos wala na akong makita. Nagdahan-dahan lang ako sa aking paglalakad. Wala pa naman yata akong kandila na stock. Napa buntong hininga na lang ako at pagkatapos ay hinigpitan ko ang pagkakatali ng suot kong roba. Hindi pa ako nakakapagbihis dahil dumiretso ako halos sa banyo pagpasok ko ng silid ko.Kinapa ko na lang ang mga daraanan ko at pagkatapos ay lumapit ako sa bintana upang buksan iyon. Para naman kahit papano ay may pumasok na liwanag sa aking silid ngunit nagulat ako nang makita ko na may ilaw naman pala sa tabi ko at sa apartment ko lang ang wala. Hindi kaya may sumabog naman sa kuntador ko?Hays, ang init pa naman ngayon. Paano ako makakatulog nito. Tyaka paano na yung plano kong manood ng movie?Nang umikot ako para sana magbihis na ay bigla akong natulos mula sa aking kinatatayuan. Biglang tumayo ang halos lahat ng balahibo

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 36

    SA dami kong ginawa maghapon ay hindi ko na rin namalayan pa ang pagdaan ng oras hanggang sa hapon na pala at magdidilim na. Mabuti na lang at sa buong maghapon ay naayos na namin ang lahat simula sa venue hanggang sa mga pagkain. Hindi na ako nagsayang pa ng oras na hindi matapos ang lahat dahil baka bukas ay maging busy na naman ako sa dami ng meeting ng boss ko.Napatingin ako sa relong nakasuot sa kamay ko at alas sais na ng gabi. Eksakto ding nasa labas kami ng mga oras na iyon dahil tiningnan namin ang venue. Isa iyon sa mga hotel na pagmamay-ari ng boss namin at isa iyon sa mga pinakamalaki. Maganda naman iyon at perfect para sa gaganaping anniversary party.Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin sa akin ang mga kasamahan ko. Naiwan akong mag-isa doon at bilang nasa labas na rin ay napagpasyahan kong pumunta sa isang restaurant na paborito ko. Hindi naman ito iyong mamahaling restaurant kundi sakto lang. Higit sa lahat ay napakasarap ng mga pagkain dito at na-miss ko ang lasa ng

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 35

    AGAD kong itinaas ang aking kamay upang patayin ang alarm ng cellphone ko. Napapikit ako pagkatapos at napainat ng aking mga kamay. Wala ako sa sariling napabangon ng kama at napaupo. Parang hindi man lang ako nakatulog dahil sa sobra kong kaiisip sa nangyari kagabi.Simula nang pumasok ako sa suite niya ay hindi ko na siya nakita pa. Nagkulong siya kaagad sa silid niya samantalang ako ay dumiretso din naman kaagad sa silid na katabi ng silid niya. Naligo ako kaagad at pagkatapos ay nahiga sa kama ngunit nanatiling gising ang diwa ko at hindi makatulog.Paulit ulit na tumakbo sa isip ko ang mga sinabi ko sa kaniya at ganun din ang mga sinabi niya sa akin ngunit paulit ulit lang din ang naging sagot ko sa sarili ko, na tama lang ang ginawa at sinabi ko.Sigurado ako na darating ang araw na maiisip niya na hindi talaga kami para sa isat-isa, na magsasawa din siya sa akin at sa katawan ko. Alam kong huli na para mag-isip pa dahil ilang beses ng may nangyari sa aming dalawa pero gusto ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status