LOGIN"We haven't find out yet who, but they are seem ready. Hindi lang nila ibinalandra ang resulta by DNA test ninyo ni Vester, but they also revealed the matched fingerprints of Miss Sierra and Audrey Santillan. Sa sandaling lumabas ito, mabilis na dumami ang naki-usyoso at nagpakalat. Pati na ang mga komento ay puro negatibo. And I think there is someone behind this. That's why I called because I couldn't control anymore the spreading of the news."Biglang parang nahulog sa napakalamig na lugar ang buong kalooban ni Sierra.Kakatapos lamang nilang mag-aminan, katutuklas pa lamang niya na buhay nga ang anak niyang lalaki, at sa wakas ay natagpuan na rin ni Sathalia ang matagal na niyang pinapangarap na ama. Hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataon na mabuo bilang isang pamilya, tapos heto at mayroon na nanamang panibagong suliranin?Bakit naman napakabilis? Wala na ba siyang karapatan sumaya?Naging seryoso ang mukha ni Marco at nagsalita ng mariin. "Have the public relation department
Ang pagkakaroon ng ugnayan ng dalawang magkapatid sa iisang babae ay isang balitang nakagugulat, na tiyak na magdudulot ng malaking gulo. Sa oras na iyon, hindi lamang ang dangal ni Marco ang masisira, kundi pati na rin ang buong pamilyang Montezides. Nabasa ni Marco ang kanyang iniisip. “Huwag kang mag-alala, hindi pa ito makakalabas sa ngayon. Sina Lorenzo, Janice, Adriana, at ang mga saksi na ibinigay ko sa pulis—lahat sila ay nagsabing si Julian ang pumatay kay Audrey. Hindi pa naniniwala ang mga pulis sa sinasabi ni Julian; sa paningin nila, gumagawa lang ito ng dahilan upang makaiwas sa parusa.” Bahagyang nakahinga nang maluwag si Sierra, ngunit may pag-aalinlangan pa rin. "Pero totoo naman na buhay pa ako. Malalaman din nila ito balang araw.” “Kaya bago pa man nila matuklasan, sisiguraduhin nating mawawala ang lahat ng ebidensya na magpapatunay na ikaw si Audrey.” Biglang may naalala si Sierra at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Marco. “Ang fingerprints—may talaan ni
Natigil ang kamay ni Marco sa ere ng ilang sandali bago ibaba ang papel sa ibabaw ng mesa. “Ang babaeng binanggit ko kagabi…” “Gusto kong marinig. Sabihin mo sa akin,” putol ni Sierra nang may halong inis at kuryosidad. “Siya ang ina ni Vester.” Natigilan si Sierra. Ang ina ni Vester? Sinabi na sa kanya noon ni Liam na dalawang babae lamang ang naging bahagi ng buhay ni Vester; siya, at ang ina ni Vester. “Ang pangalan niya ay si Audrey.” Biglang tumibok nang mabilis ang puso ni Sierra. “Ano?” Tumingin nang matindi si Marco sa kanya at dahan-dahang binigkas ang mga salita. “Ang ina ni Sylvester ay si Audrey Santillan.” Biglang nagbago ang anyo ng mukha ni Sierra. Paano ito magiging posible? Siya si Audrey. Paano naman nito nalaman na mayroon silang anak? Biglang naalala niya ang sinabi ni Marco noon—na ang ugnayan nito sa ina ni Vester ay isang aksidente lamang. Noong una, pinagkaisahan siya ni Adriana, nalasing at nawalan ng malay, at nakasiping sa isang hindi kilalang lal
“Naiintindihan mo ba ang gusto kong sabihin?” “Iyan mismo ang nasa isip mo.” Sa gulat ay biglang tumayo si Liam mula sa pagkakaupo. Nang makita niyang seryoso ang mukha ni Marco at hindi nagbibiro, muling umupo na tila hindi makapaniwala at mahinang bulong. “Nababaliw ka na ba? Paano magiging si Sierra… si Audrey?” Ang huling dalawang pangalan ay binanggit niya nang napakahina. “Maging totoo man o hindi, malalaman natin kapag lumabas na ang resulta.” Sumandal si Marco sa sofa, ipinikit ang kanyang mga mata, at pinanatiling payapa ang kanyang panlabas na anyo kahit na ang kalooban ay puno ng magulong kaisipan. Dahil sa tindi ng balita, hindi mapakali si Liam. Maya-maya'y nakaupo, maya-maya’y naglalakad pabalik-balik. Hindi siya mapakali hanggang sa hindi na mapigilan ang kuryosidad. Umupo siya sa tabi ni Marco at inalog ang kanyang braso. “Huwag kang matulog. Paano ka makakatulog sa gitna ng ganitong bagay? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari.” Wala nang itatago pa si Marc
Hindi lumingon si Sierra nang sumagot. “Ayaw kong malaman.” Sinabi niyang may ibang babae siya, at gusto pa niyang sabihin kung sino ito. Ano, inaasahan ba niyang makikipag-agawan pa siya sa kanya? Hindi niya gagawin ang ganyang mababang asal. Sa katunayan, balang araw ay aalis din siya. Kaya wala na siyang pakialam kung sino pa ang makakasiping nito. Inaasahan sana ni Sierra na magpapaliwanag si Marco, ngunit wala itong sinabi. Nakatayo lang ito sa tabi ng bintana at patuloy na humihithit ng sigarilyo. Natuwa naman siya sa sarili na nanatili siyang matino at hindi padalos-dalos sa pagtitiwala. Kung hindi, tiyak na magngingitngit siya sa galit ngayon. Nagbihis si Sierra at nagtungo sa pinto. Lumapit si Marco at hinawakan ang kanyang braso. “Saan ka pupunta?” “Sa ospital, siyempre.” “Ihahatid kita.” “Huwag na.” “Galit ka ba?” “Hindi.” Tinitigan muna sandali ni Marco si Sierra, bago iniangat ang kamay upang ayusin ang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang noo. “Mag-text ka pag
Pumasok si Sierra sa banyo upang maligo. Habang si Marco naman ay basta na lang isinampay ang tuwalya sa sandalan ng upuan, umupo, at binuhay ang kanyang telepono. Nakita niya ang isang hindi nasagot na tawag mula sa himpilan ng pulisya. Tumawag ito ngayong gabi. May kinalaman kaya ito sa pag-usad ng kaso laban kay Julian? Tumawag siya pabalik at agad itong sinagot. “Mr. Montezides si hinahanap kayo ni Adriana Santillan. Sinabi niyang limang taon na ang nakararaan, itinulak niya pababa ng hagdan si Audrey Santillan, ngunit hindi naman namatay ang babae at nagsilang ng isang sanggol Maya-maya, inutusan daw ni Julian ang iba na itapon sa dagat ang babae at ang kanyang anak. Ngunit mariing itinatanggi ni Julian Montezides ang lahat—sinasabi niyang buhay na buhay pa rin si Audrey Santillan, at saka may idinagdag pa siyang…” Natigil sandali ang nagsasalita, tila nahihirapang banggitin ang susunod na sasabihin. Mahinahong nagtanong si Marco. “Ano pa ang sinabi niya?” “Sinasabi pa nila
Lumabas ang usok mula sa bibig ni Julian, lalo pang lumalim ang seryoso nitong ekspresyon habang natatakpan ng usok ang mukha nito.“Tumayo na siya,” aniya, mabigat ang tono.Napuno rin si Ericka ng kaba at mas lalong naguluhan. “Kung ganoon, dapat gamitin natin ang chance na ‘to para putulin lahat
Akala ni Sierra ay dahil nagmamadali siyang makaalis sa bahay kaninang umaga, may mali sa kanyang make-up. Pumunta siya ng banyo upang tingnan ang sarili. Ngunit wala namang kahit anong dapat ikapuna sa ka yang mukha. Hindi gusto ang damit niya, hindi rin makalat ang make up na suot niya. Mas lalon
Tumango si Sierra, nagbaba siya ng tingin at hindi nagsalita. Pagkalipas ng ilang sandali ay saka siya nagsalita. "Pasensya na, isang misunderstanding ang lahat. Pakisabi kay direk na ginagawan na ng paraan, mawawala rin iyon pagkaraan ng dalawang oras." Aniya.Inaamin na imposible ito, ngunit impo
Alam ni Sierra na tumigil na ang lalaki, at isang hakbang na lang ang layo mula sa dulo. Tumigil talaga siya nang sabihin niyang gagawin niya. Bagama't mayroon pa ring ilang nagtatagal na pagnanasa sa kanyang mga mata, ang kanyang ekspresyon ay bumalik na sa kalmado.Pambihira talaga ang klase ng







