INICIAR SESIÓNNang makita ni Marco na hindi lang siya tinutulungan ni Sierra sa kanyang alanganin, kundi tinitingnan pa siya nito na parang nanonood lang ng nakakatuwang palabas, alam niyang galit pa rin ito. Tandang-tanda pa niya ang nangyari kagabi—nangako siyang magiging marahan, pero lalo pa naging marahas at masigasig. Habang nag-iisip si Marco kung paano lulusot sa tanong ni Thalia, biglang hinawakan ni Vester ang braso ng bata. “Hindi ba gusto mong kumain ng pansit na may sabaw ng isda? Kapag hindi tayo bumaba agad, lalambot na ang mga pansit.” “Ah, oo nga pala! Waaah pansit ko! Kuya, tara na!” Agad na napalipat ng atensyon si Thalia at hinila si Vester palayo. Dali-dali silang hinabol ni Alea habang tinatawag ang mga ito nang may pag-aalala, “Dahan-dahan lang kayo, mag-ingat kayong huwag madapa!” Pinanood ni Marco ang papalayong pigura ng kanyang anak habang gumuguhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Tunay ngang anak niya ito; alam na alam kung paano siya tulungan sa gulo. Masama ang tin
“Hindi naman sa ayaw… sanay lang kasi ako na ganoon.”Nang mapagtantong hindi naman ito tumatanggi, unti-unting nawala ang kunot sa noo ni Marco. Hinila niya ang maputi at malambot na katawan ni Sierra palapit sa kanyang yakap at sinabi, "masasanay ka rin diyan sa paglipas ng panahon.”Habang nakikinig sa malakas at matatag na tibok ng puso ng lalaki, mahinang sinabi ni Sierra, “Sige.”Sa sumunod na sandali, naramdaman niya ang pagbabagong nangyari sa katawan nito. Tumingala siya hindi ito makapaniwalang tingnan. “Hindi ka ha napapagod?”“That is because you smell so good and taste so good. Hinding-hindi nakakasawa, gusto kitang ulit-ulitin...” anang magaspang nitong tinig.Pakiramdam ni Sierra ay mawawasak na ang kanyang katawan at ayaw na niyang umulit pa. Ngunit may higit pa rito na lalong nagpagulat sa kanya.Mula noong bahagyang gumaling at bumuti ang kalagayan ni Marco, ang kanilang relasyon sa kama ay parang sugal na hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan.Minsan ay nagagawa
Hinila ni Sierra si Marco papunta sa kanyang walk-in closet, binuksan ang isang kabinet sa mesa, at kinuha mula roon ang butones na ibinigay noon ni Yazzy. “Should we throw this away completely?”Hindi inaasahan ni Marco na ito pala ang nais nitong gawin. Kaibigan lamang ang turing niya kay Yazzy, at bagama’t malaya siyang hindi gamitin ang anumang bigay nito, para naman sa kanya ay kawalan ng galang kung itatapon pa niya ito. Ngunit dahil nakikita niyang labis na nababagabag ang asawa niya dahil lamang sa bagay na iyon, pumayag na siya.“Sige.”Lumapit si Sierra sa bintana, binuksan ito, at tumingin sa luntiang damuhan sa labas. “Itatapon ko na talaga? No objections?”Tumango lang si Marco.Ilang sandaling tinitigan ni Sierra ang lalaki. Nang makita niyang payapa lamang ang mukha nito at walang bahid ng pag-aatubili o anumang hindi nararapat na damdamin, humarap siya at buong lakas na inihagis ang butones palabas ng bintana.Isang maliit na bagay ang lumipad sa hangin at bumagsak sa
“Hindi naman ako manghuhula, paano ko malalaman?” Bahagyang ibinaba ni Marco ang kanyang tingin at nanatiling tahimik nang ilang sandali. Nang muling itaas niya ang kanyang mukha at tumingin kay Sierra, tila mas malalim pa ang kanyang mga mata kaysa dati. “Wala pa akong ibang nagustuhan noon, at hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng may gusto ka sa isang tao. Pero sa ngayon… sa palagay ko ay naiintindihan ko na nang kaunti.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sierra. “Ano bang ibig mong sabihin?” Sa tingin ko… baka gusto na kita. Halos huminto ang tibok ng puso ni Sierra. Masyadong biglaan ang pag-amin, at tila hindi ito kayang tanggapin ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay lalabas ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok nito. Matagal siyang nakatulala sa lalaking nasa harap niya bago muling nakabawi at nakapagsalita. “Wala ka bang ibang nagustuhan kailanman?” “Wala.” “Paano naman ang ina ni Vester?” Nanahimik si Vester, tila hindi
Ipinikit ni Sierra ang kanyang mga labi, pilit na pinipigilan ang mga salitang matagal nang bumibigat sa kanyang kalooban. Ngunit nang makita ang mukha ni Marco na tila walang malay at puno ng pagkalito, sa huli ay hindi na niya napigilan pa. “Simula’t sapul ay may ibang gusto ka na, hindi ba?” Ilang sandali pa bago naintindihan ni Marco ang ibig niyang sabihin. “Sino naman ang gusto ko?” Gusto ba niyang isa-isahin pa niya? Sige. Dahil siya naman ang nagtanong, wala siyang dahilan para hindi sumagot. Malinaw at mariing bigkas ni Sierra ang bawat salita. “Yazzy. Bernardo...” “Kailan ko pa siya nagustuhan? Bakit parang hindi ko naman alam ‘yan?” Kahit ganito na kalinaw ang lahat, ayaw pa rin niyang umamin. “Hindi ba’t siya ang niligawan mo noon pa man?” Tumango lang si Marco. Ang pag-amin pa lang niya ay mas masakit na para kay Sierra kaysa sa narinig niya mula kay Ericka. Matagal na niyang kinikimkim ito, at pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib kung hindi niya it
Dahil sa mga naantalang gawain kahapon, medyo humaba ang trabaho nila ngayong araw. Halos alas-nuwebe na ng gabi bago sila makauwi. Pag-uwi ni Sierra, tulog na ang mga bata. “Miss, gutom po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo ng makakain?” tanong ni Alea. “Huwag na lang, matulog ka na,” sagot ni Sierra. Napatingin siya sa ikalawang palapag kung saan madilim pa ang silid-aklatan, at nagtanong kay Alea, “Hindi pa ba umuuwi si Marco?” “Umuwi na po at kumain na rin si Young Master. Pero kagabi, nagising ako madaling-araw para uminom ng tubig at nakita kong nakabukas pa ang ilaw sa kanyang silid. Noong bumangon ako ng alas-sais ng umaga, nakauwi na siya galing sa pagtakbo sa labas. Mukhang hindi siya nakatulog nang maayos kagabi kaya maaga siyang natulog ngayong gabi,” paliwanag ni Alea. Tumango na lang si Sierra at hindi na nagsalita pa. Umakyat siya patungo sa kanyang kwarto, binuksan ang pinto, at akmang bubuksan na sana ang ilaw nang biglang may mahigpit na yumakap sa kanyang bewang at
Lumabas ang isang malamig na ngiti sa mga labi ni Sierra. "Sa tingin mo ba natatakot ako sa iyo?" "Magkaalaman na lang tayo!" Lumingon si Adriana kay Senyora Estrella. "Sa tingin mo ba talagang makakialam siya sa iyong mga problema? Just keep on dreaming, Lola! Sinabi ko na ang lahat ng kailangan
Palagi na lang siyang nagnanakaw ng mga plano noong una pa lamang siya nitong malapitan, at ngayon ay hinihingi pa siyang gawin iyon dahil sa peke na pagmamahal...Ang kanilang mga nakaraang pagtatalik ay nanumbalik sa kanyang isipan. Bigla iyong nagsimulang tumakbo sa isipan niya. Marahil dahil
Ininda ni Sierra ang sakit at saka inilibot ang paningin sa paligid. Kung tatayo siya at itutulak si Beatriz, sarado naman ang pintuan at hindi siya makakalabas agad. At kung sakaling nagtagumpay man siyang mabuksan ang pintuan kahit na nakatali siya, siguradong hindi niya naman kakayaning talunin
Lumingon si Sierra sa lalaking may peklat sa noo. "Teka, huwag muna, ipakita ninyo muna sa akin ang anak ko. Ibibigay ko sa inyo ang hinihingi ninyo, kahit na anong halaga pa." "Sa mundo ng mga gangster, ang katapatan ang pinakamahalaga. Sa tingin mo ba ay tatanggapin namin ang pera mo?" Ngumisi a







