LOGIN"Praktikal naman eh, bakit ko hindi magugustuhan?""Dahil lang ba sa praktikal?"Naguguluhang nagtanong si Sierra. "Bakit? Para saan pa ba dapat?"Tinitigan lang siya ni Marco sandali, tapos ay nagbago ang usapan. "Sabi mo kanina, malaking bagay ang kasal at hindi pwedeng basta-basta lang?"Seryosong sagot ni Sierra, "Syempre naman. Isang beses lang 'yan sa buong buhay, hindi pwedeng padalos-dalos.""Eh bakit ako pinakasalan mo nang ganoon na lang kadali?"Natigilan si Sierra. "Iba ako kay Elliott. Nandiyan si Thalia, hindi lang ako ang iniisip ko. Mas inuuna ko ang kapakanan ng bata.""Hindi ba't sabi mo ayaw mong mag-settle o pumayag sa kung ano lang?""Siya 'yung ayaw mag-settle, pero ako...""Ikaw, willing ka nang mag-settle?"Napansin ni Sierra na simula pa sa opisina ni Liam ay masama na ang timpla nito. Inakala niyang baka dahil lang hindi naging maayos ang therapy, kaya inakbayan niya ito at ngumiti. "Hindi ako nagsa-settle. Gustong-gusto talaga kita."Bahagyang lumambot ang m
Wala siyang katapat?Mapait na napangisi si Sierra sa kanyang isip. Alam nitong may iba pang minamahal ang ina ni Vester, pero pinili pa rin nitong makasama ito. Kaya nakasisiguro siyang tunay ang nararamdaman nito para rito.At tungkol naman kay Yazzy... Kamakailan, madalas niyang makita si Marco na suot ang cufflink na regalo nito. Kung wala siyang nararamdaman para rito, gagawin ba niya iyon? Papahalagahan niya ba nang husto ang regalo nito?Alam ni Sierra ang estado niya. Katawan lang ng lalaki ang hawak niya, ngunit hindi ang puso nito.Dahil siya lang at ang ina ni Vester ang maaari niyang hawakan. Ngunit patay na ang ina ni Vester, kaya siya na lang ang natitira. Siya lang ang makakapagbigay ng kailangan ng katawan nito.Para kay Marco, higit na pisikal na atraksyon lang ang meron sila. At ngayon, tila nagiging hadlang na rin ang ganitong uri ng intimacy..."Sierra?"Nagising si Sierra sa malalim na pag-iisip. "Hmm?""Narinig mo ba ang sinabi ko?"Tumango lang si Sierra.Natigi
Mula noon, ang pakikitungo ni Marco kay Sierra ay nanatiling katulad ng dati, na tila ba ang lahat ng pinag-usapan at inamin nila noong gabing iyon ay hindi kailanman nangyari.Tinutulungan pa rin siya ni Marco sa kanyang pag-aayos at paglilinis, at siya naman ay tumutugon pa rin sa mga pangangailangan ng lalaki sa ibang paraan.Alam naman ni Sierra sa kanyang puso na walang nagbago.Maaaring minsan ay naisip niyang subukang maging mag-asawang nagmamahalan, ngunit mas mabuti pa rin siguro kung manatili silang magkapareha na parehong nakakamit ang kanilang mga nais at layunin.Bumalik ang lahat sa kalagayan noong una pa lamang siyang pumasok sa tahanan ng mga Montezides. Pag-uusap tungkol sa damdamin, paghahangad ng katarungan, at sa kalaunan ay paghihiwalay na rin.Huli na lamang nang mapagtanto niya na ang pusong minsan nang nawala ay maaari pa ring mabawi—ngunit iyon ay kwento na para sa ibang panahon.Isang araw, dinala ni Marco si Sierra sa ospital kung saan nagtatrabaho si Liam u
Hinawakan ni Marco ang kamay ni Sierra.Sinubukan itong bawiin ni Sierra na tila walang pakialam, ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito kaya’t hindi niya ito nagawang alisin."You're telling me that I don't trust you, pero ikaw, do you even trust me?" Bumagsak ang malalalim na tingin ni Marco sa simple at tapat na mukha ni Sierra. “Wala ka namang sinasabi sa akin. Hindi ba’t ang kawalan ko ng tiwala ay bunga rin ng iyong hindi pagiging tapat sa akin?”Bahagyang nagulat si Sierra.Kapag hinihiling mo sa isang tao na magtiwala sa'yo nang walang pasubali, naisip mo na ba kung ibinigay mo rin ba rito ang dahilan upang magawa iyon?Tama, hindi niya iyon nagawa. Napakaraming bagay sa kanyang isipan na hindi niya maibahagi sa sinuman.Ang kanyang poot, ang kanyang hangaring gumanti sa mga nanakit sa kanya.Mahinahon siyang nagtanong, “At ikaw naman, ibinigay mo ba sa kanya ang ganoong uri ng katiyakan at pananalig?”Natigilan sandali si Marco bago sumagot, “…Hindi rin.”Bahagyang ngumiti si
"When I found out the pictures in my wheelchair, I couldn't figure out of what is really your intention. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang makipagsabayan na lang muna sa laro ko. Hindi ko lang lubos na akalain na gagawa ka pa ng ganitong kalaking eksena." Umiling-iling si Sierra. Biglang lumapit si Tiara ay sinugod si Shanaia. "Wala kang konsensya! Back then, you were just a mere model and known by a few. Ang pamilya namin at si Yazzy ang nagpalago sa pangalan mo at nagbigay ng lahat ng mga tinatamasa mo ngayon. Tapos ito, dahil sa inggit ay ito ang igaganti mo sa kabila ng lahat ng mga kabutihan namin sa'yo?! You are shameless! Sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa kasalanan mo!" Nagulat naman si Yazzy nang malaman na nagkakagusto pala si Shanay kay Marco. Saglit na sumilay ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa babae, ngunit mabilis din niya itong itinago. Nakatayo lamang siya habang pinapanood ang pananakit ni Tiara kay Shanaia, ngunit hindi rin pinahintulu
“No, no... I did not no it.” Pilit na itinago ni Shanaia ang kanyang kaba at pilit na ipinakita ang kanyang katahimikan. “Ikaw lang naman ang may motibong ipahamak ako!”"The evidence is in your belongings, yet you still insist na ako ang may gawa? Ang ginawa ko lamang ay ilahad ang katotohanan, paano iyon naging pagbabalang ipahamak ka? Kung mayroon mang taong nagsisikap na magpabagsak ng kapwa, ikaw iyon dahil ako ang pinagbintangan mo nang walang sapat na katibayan!”Hindi na nais pang mag-aksaya ng oras at salita si Sierra, kaya ibinaling niya ang kanyang tingin kay Rodolfo Cañedo. “Mr. Cañedo, nasaksihan na ninyo kung paano nagbabago ang pakikitungo at damdamin ng mga tao. Naniniwala pa rin ba kayo na sa harap ng katanyagan at kayamanan ay nananatili pa rin ang wagas na samahan ng magkakaibigan o magkakapatid?”Malalim at may matinding lamig na sagot ni Rodolfo. "I only believe in evidence."Alam na ni Shanaia na hindi siya pinaniniwalaan ni Rodolfo Cañedo kaya agad siyang lumap
Napakabilis ng pagdaan ng mga araw, hindi mo namamalayang isang buwan na pala ang lumipas. At natapos na rin ni Sierra sa wakas ang kanyang disenyo. Nagpasalamat si Mr. Smith at tuwang-tuwa dahil nagustuhan niya ang pagtatapos ng disenyo. Sa tuwa ay inimbitan siya nito sa opening ng museum sa lalong
Nakaalis na papuntang paaralan ang mga bata nang makarating sila sa bahay. Si Marco ay agad nagpatulak kay Carlos sa kanyang study at ayaw raw magpastorbo. Hindi na rin nagpumilit pa di Sierra dahil baka mas magalit pa ito. Pumasok na lang siya guest room at doon ginawa ang kanyang trabaho. Ang bi
Masyadong malapad ang kalsada kaya naman dire-diretso lang ang paggulong ng wheelchair ni Marco. Kung susuwetehin ay makakakapit pa ito sa railing at hindi diretsong mahuhulog sa bangin na may malalim na tubig, subalit malabo iyon dahil ang lalaking lulan ng wheelchair ay parang wala sa sarili at gu
“Kasasabi mo lang na hindi na ito maganda, kaya dapat lang na tigilan na natin ito. Utang na loob, tama na ‘to.” Napasapo si Sierra sa sariling ulo sa inis. “Hmm…” kalmado lang na tumango si Sylvio. “Hindi nga iyon maganda para sa iyo. Hindi magandang gising na ang asawa mo tapos ikaw lumalabas par







