“Hindi mo ako madadaan sa pera, Adriana.” Walang emosyong wika ni Sierra.
Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Adriana sa inis. “Dahil sa kayabangan mo, huwag kang magsisi kapag isang araw ay gamitan ka ng dahas ng mga tauhan ko! Isa na akong Montezides ngayon kaya naman madali na kitang tirisin na parang langgam!” Bakas sa mukha nito ang kasamaan at walang takot na pumatay.
Tuluyan ng nawala ang ngiti sa mukha ni Sierra at napalitan iyon ng isang matapang na awra. “Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang ipinagmamalaki mong koneksyon.” Malamig niyang sinabi.
Hindi inaasahan ni Adriana ang ganoong sagot ni Sierra. Ang akala nito ay basta na lang nitong kukunin ang pera at magpakalayo-layo. Masyado itong nagulat dahilan upang matameme ito at mawalan agad ng sasabihin. Kapagkuwan ay kumurap siya at galit muling nagbitiw ng salita.
“Humanda ka dahil papatayin kita!” Pagbabanta nito.
Nagkibit lamang ng balikat si Sierra. “Sige, maghahanda ako.”
Nagpupuyos sa galit na dinuro ni Adriana si Sierra. Bumukas-sara ang bibig ngunit walang salitang lumabas sa bibig niya.
“Wala ka ng ibang sasabihin? Magsisimula na ang kasal ko, mauuna na ako sa'yo.” Wika ni Sierra, hawak ang laylayan ng wedding dress ay tinalikuran niya si Adriana at kalmadong naglakad patungo sa venue ng kasal.
Nag-init ang mukha ni Adriana sa labis na inis at galit na naramdaman. Agad siyang lumapit sa asawa si Julian nang makitang kalalabas lang nito sa katabing silid.
“Honey, ang hirap niyang pakisamahan hindi katulad ng inaakala natin.” Sumbong nito sa asawa.
“Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang desisyon niya sa araw na ito,” nagtatagis ang bagang na wika ni Julian habang madilim ang matang nakatanaw sa papalayong likod ni Sierra.
Natapos ang seremonyas ng wala pang isang oras. Ganoon kadali. Dahil ano pa bang dapat na itatagal kung wala namang groom?
Oo, bride lang. Si Sierra lang ang tao sa kanilang kasal na dapat ay kasama ang groom. Walang nagpakitang Marco Montezides sa mismong kasal.
Magaan ang loob na inasikaso ni Sierra ang kanyang kasal. Hindi niya pinansin ang mga bulungan ng mga bisita na para bang bubuyog patungkol sa hindi pagpapakita ng kanyang asawa.
May iilang babaeng bisita na nahahabag na napatingin kay Sierra. Sa isip-isip ng mga iyo ay marahil iniwan na ito ng groom at idinaos na lamang ang kasal na mag-isa nang sa ganoon ay huwag mapag-usapan ng malala ngayong hindi basta-bastang pamilya ang pakakasalan.
Ilang naman ay sinasabing siya lamang ang may gusto ng kasal. Hindi umano siya mahal ng kanyang asawa.
Nagkibit na lamang ng balikat si Sierra at may ngiti sa mga labing idinaos ang kasal.
Mga tao talaga. Paano naman makakasama ang kanyang asawa kung isa itong baldado at nasa loob lamang ng silid? Minsan talaga sa sobrang pangingialam sa buhay ng ibang tao ay nakalilimutan ng mag-isip ng tama.
Kinausap ni Sierra ang ilang mga lumalapit sa kanya at bumabati. Dalawang baso lamang na inumin ang nainom ni Sierra ay inilapag na niya ang baso. Ayaw pa naman niya ng nalalasing.
Hindi nakatakas sa gilid ng mga mata ni Sierra ang talim ng tingin na ipinupukol sa kanya nina Julian at Adriana. Inirap na lang ni Sierra iyon.
Ang bilis lumipas ng mga oras, ngayon ay gabi na. Kasalukuyang kasama ngayon ni Sierra si Mrs. Montezides. Magkahawak ang kanilang kamay at malapad ang ngiti ng ginang sa kanya.
“Masaya ako at ganap ka ng asawa ng aking mahal na apo, hija!” Hindi maitago ang tuwa sa paraan ng pagsasalita ng matandang Montezides.
“Salamat po, Mrs. Montezides…” nakangiting tugon ni Sierra.
Bumusangot ang mukha ni Mrs. Montezides sa itinawag sa kanya ni Sierra. Nang mapansin iyon ni Sierra ay nataranta ito agad na humingi ng paumanhin sa nasabing hindi maganda.
Pabiro siyang hinampas sa kamay ni Mrs. Montezides. “Grandma. Iyon na ang itawag mo sa akin ngayon dahil opisyal ka ng asawa ng aking apong si Marco. Isa ka na ngayong ganap na Montezides. Apo na rin kita. Pamilya ka na.” Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Sierra.
Pamilya… ang tagal na panahon ng hindi iyon naririnig ni Sierra. Tumango siya sa ginang at hindi napigilan ang bugso ng damdam at niyakap niya ito.
“Sige na sige na. Pumasok ka na sa kwarto nang sa ganoon ay magkita na kayo ni Marco.” Nangingiting saad ni Mrs. Montezides. “Kausapin mo siya at makipaglapit ka sa kanya. Narito ka upang ipagdiwang ang inyong pag-iisang dibdib. Ayon sa sinabi sa akin, mararamdaman daw ni Marco ang kaligayahang nadarama mo at iyon ang magiging dahilan upang siya ay magkaroon ng progreso at kalauna’y magising!”
Subalit naguguluhan ay hindi na siya magawang makapagtanong pa dahil itinulak na siya papasok ng silid ni Mrs. Montezides.
“Enjoy your night!” Anito at masayang kumaway sa kanya. Nang tuluyang makalayo ang ginang ay saka pa lang isinarado ni Sierra ang pinto ng kwarto.
Katahimikan ang nanalakay sa buong silid. Matunog na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sierra at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng silid. Tunay ngang selebrasyon ang kasal na ito dahil halos pula ang kanyang nakikita, may mga bandiritas pa na siyang pamahiin daw upang maging matibay ang pagsasama ng mag-asawa.
Dumako ang tingin ni Sierra sa taong nasa gilid ng malambot na kama. Nakahiga at hindi gumagalaw.
Ito na ba ang asawa niya? Ito na ba si Marco Montezides?
Wala sa sariling pinakatitigan niya ito. Matapang ang pagmumukha nito, ang mayroon itong matangos na ilong, makapal ang maitim na kilay at mahaba ang piluka. Ang kanyang panga ay nasa perpektong hugis, para lang itong mahimbing na natutulog, malayong-malayo sa mabagsik at marahas na dating namumuno ng pamilya.
Nakakaawa lang at nasa ganoong kalagayan na ito ngayon.
Tumikhim si Sierra at naupo sa gilid ng kama. Wala siyang ibang maisip pa dahil hindi naman ito magsasalita kaya napagdesisyunan niyang magpakilala na lang.
“Hello, ako si Sierra Montalban, ang iyong asawa. 26 years old ako at isang single mom. May anak akong babae, five years old na siya.”
Nakabibinging katahimikan ang sumagot kay Sierra matapos niyang magsalita. Ngumiwi siya at umusog palapit sa asawa. Tinitigan niya ito, nagbabasakaling gumalaw kahit na piluka lamang ngunit wala.
Kaya naman, mas umusog pa si Sierra at dahan-dahang inangat ang nakatabing na kumot rito, pinindot pa nito ang braso ng asawa ngunit wala pa ring reaksyon.
Mas itinaas ni Sierra ang kumot upang silipin ang paa nito, roon ay nakita niya ang mahabang paa nitong medyo payat. Inayos niya ang kumot at umusog sa may paanan nito, dahil sa kuryusidad, hinawakan ni Sierra ang paa ng asawa at bahagya itong hinaplos.
Ilang haplos pa lang ang nagagawa niya nang mapansing gumalaw ang mga daliri nitong bahagyang nakalaylay sa gilid ng tagiliran nito.
Natigilan si Sierra at napaisip.
‘Teka, gumalaw?’ anito sa isipan.
Gumalaw?!
Napanganga na lang si Sierra sa gulat sa naging tanong ng anak. Nang akma na siyang magsasalita ay siya namang pagbaba ni Vester."Stupid," bulong ni Vester, subalit nang mapagtantong naroon ang ama ay awtomatiko niyang isinara ang bibig at kinuha na lang ang kamay ni Thalia. "Didn't you wanted me to teach you how to build a robot?" Sa narinig ay nawala ang atensyon ni Thalia sa ina at nabaling iyon kay Vester. "Really, Kuya? Hindi ka na magagalit kahit pa may masagi ako at hindi ako agad marunong?" Nagniningning ang matang tanong ng bata.Salubong ang kilay ni Vester na tumingin sa batang babae ngunit kalaunan ay tumango. "Yes, I will teach you so that you will know and you won't be destroying my things next time." Kapagkuwan ay lumipat ang kanyang tingin kay Senyora Elizabeth. "Grandma, please watch out for these people because it is not quite healthy to make fight a habit." Mariin nitong paalala na para bang kung makapagsalita ay aakalain mong isang Padre de pamilyang sawa na sa
Mabilis ang naging pangyayari kaya hindi na napansin pa ang pagdapo ng palad ni Stevan sa pisngi ni Marco. Kaya nang tangka na naman nitong gawin muli iyon ay umalma na siya. "Don't you dare hurt him again!" Aniya, hinuli ang pulsuhan ng matandang Montezides at buong tapang itong pinanlisikan ng mata. "How dare you interfere! You are nothing but a dirty woman who pushes herself into the family that she doesn't belong to!" Nanggagalaiting wika ni Stevan at gamit ang bakanteng kamay, sinampal niya si Sierra. Sa lakas ng pwersa ni Stevan ay nabitawan ni Sierra ang pagkakahawan niya sa pulsuhan nito. Napahakbang siya paatras at wala sa sariling dinama ang hapdi ng kanyang pisngi. "Who do you think you are, huh? Anong akala mo, porket kinakampihan ka ng imbalido kong anak-anakan ay may karapatan ka ng harangan ako sa kung anong nais ko? No fucking way!" Parang kulog na kumawala ang tinig ni Stevan, pumuno iyon sa buong kabahayan. "Don't you know who I am, huh, whore?" Nanlilisik ang
Nanlaki ang mga mata ni Stevan Montezides sa nasaksihan, bagama't iyon ay dahil kailanman hindi niya ito nakitaan ng pagkakaroon ng interes sa babae, sa higit trenta dekada nitong nabubuhay sa mundo. Naaalala niya pa, noong ito pa ang siyang kasalukuyang presidente ng kompanya, lahat ng mga naging sekretarya at assistant nito ay lalaki. Kahit na sa pagdalo ng mga social events ay hindi nito hinahayaang may babaeng sangkot. Nang isang beses nga, nais ng isang kasosyo na mas paunlarin pa ang kooperasyon ng kompanya kaya't nagdala ito ng babae upang paluguran ito. Ang babae ay hinawakan siya sa braso habang malaswang umiindayog ang katawan. Sa galit ni Marco ay binasag nito ang kanyang hawak na wine glass sa harapan ng maraming tao at nilisan ang lugar, dahil sa matinding pagkapahiya, ang kabilang partido ay tuluyan ng bumitaw na makipag-kooperasyon. Simula rin no'n ay kumalat na ang mga sabi-sabi na mayroon itong seryosong problema sa pag-uugali at maging ang sekswal na oryentas
Wala sa sariling dumako ang tingin ni Sierra kay Marco, ang kanyang mga mata ay puno ng paghanga. Hindi kataka-takang ito ang naging pinuno ng Montezides corporation dahil sa taglay nitong tapang at husay. Wala pa mang ibang salitang lumalabas sa bibig nito subalit kitang-kita sa mga mata nito ang nagsusumigaw na awtoridad. Iyong tipong hindi na nito kailangang magtaas ng tinig para lang sundin. Isang mariing titig pa lamang ay nakakanginig na ng tuhod sa labis na takot. Nanginginig sa takot na tumango ng dalawang beses ang kawawang kasambahay at saka ito nagpaalam na umalis. "Stop staring and eat your food." Puna ni Marco nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Sierra. Nakagat naman ni Sierra ang kanyang pang-ibabang labi at pinamulahan ng mukha sa kahihiyan. Hindi na lamang siya umimik na bumalik sa pagkain. Sa kabilang banda, sa mansyon ng mag-asawang Ericka at Stevan Montezides, nagpupuyos sa galit si Stevan nang matanggap ang ulat mula sa kanyang kanang kamay.
Isang sulyap lamang sana ang gagawin ni Marco at aalis na nang muling maagaw ng kanyang atensyon ang paglitaw ng mga mensahe sa notification bar. 'Nahuli na ang dalawang lalaki at sila'y kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga pulisya. Ang pagkakahulog ng props ay...' Tanging iyon lamang ang mababasa sa screen dahil ang kabuuan mababasa lamang kapag in-unlock ang telepono ng babae. Hindi niya maaaring gawin iyon dahil bukod sa hindi niya ito pag-aari, mukhang mahalaga ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi mahirap intindihin na ang tinutukoy ng nagpadala ng mensahe ay tungkol sa insidenteng naganap kahapon. May inutusan itong mag-imbestiga sa pangyayari, ibig sabihin ay alam ng babae na hindi lamang isang aksidente ang nangyari at may hinala itong may sinuman ang nasa likod nito? Kung ganoon, ang pagbubuwis ng buhay ni Lukas Buena, ang usap-usapan sa internet patungkol sa kanila, pawang aksidente nga ba ang mga kaganapang ito o sadya? Walang alam si Marco sa mga iyon dahil wala
"G-gusto mo bang samahan kitang magpahangin sa labas?" Pagbubukas ni Sierra ng usapan makalipas ang ilang sandali. Magkatabi na silang nakaupo ngayon sa isang sofa. Bagama't para pa ring nasa alapaap si Sierra dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinaramdam ni Marco, kailangan niya pa ring umakto ng normal. Oo at inaamin niya sa lalaki na gusto niya ito ngunit hanggang doon lamang iyon. Hindi niya aakalaing ganoon ang magiging reaksyon nito nang sandaling lumuhod siya. Lalong-lalo nang hindi niya inasahan ang pagkintil ng halik nito sa kanyang noo. Medyo nakaka-overthink iyon para kay Sierra, hindi tuloy niya maiwasang isipin na kahit papaano ay may gusto sa kanya ang kanyang asawa. "No, I would like to go to the gym instead." Anito. Tumango si Sierra at nagpresintang siya na ang maghahatid dito sa personal nitong gym. medyo nag-alangan man noong una ay wala na ring nagawa pa si Marco nang kuhanin na ng babae ang kanyang wheelchair at iharap sa kanya. Palaging si Carlos ang ka