ログイン“Hindi palaging ganoon ang laman ng isipan ko. May kailangan lang akong sabihin sa’yo kaya ako nandito.” Ani Sierra sa seryosong tono.Ibinaba ni Marco ang balabal na hawak niya, isinukob ang braso sa payat na baywang ni Sierra, at yumuko upang halikan ito habang sinasabing, “Pag-usapan natin habang ginagawa iyon.”Inunat ni Sierra ang kamay at idiniin ito sa maninipis na labi ni Marco. “Pwede bang maging seryoso ka kahit minsan lang? May seryoso talaga akong sasabihin sa’yo.”Nang makita ang seryosong mukha ni Sierra, binitawan siya ni Marco, hinawakan ang kanyang kamay, at inakay upang umupo sa sofa. “Ano ba iyon?”“Kasama na naman ni Deion si Riri.”"Hmm... alam ko.”Dahil walang bahid ng gulat sa mukha nito, nagtanong si Sierra, “Alam mo na?”“Hindi, pero kanina pa habang naninigarilyo siya sa labas kasama si Deion, naramdaman kong mayroon pa rin siyang pagtingin para kay Rianna.”“Kung ganoon, sa anong kalagayan sila ngayon? Tunay na bang magkasintahan, o itinatago lang naman niy
Ngunit hindi na siya magiging tulad ng dati — na kapag nagalit ay tatalikod agad at aalis. Sinabi nitong nagsawa na, ngunit hindi siya naniniwala. Noong magkasama sila sa higaan, damang-dama niyang masaya ito at nasisiyahan. Matapos ang ilang sandali, tumango siya. “Okay. Sabihin mo kung magkano.” Medyo nagulat si Rianna. Hindi niya inakalang magiging ganito kabastos at walang paggalang si Deion. Mayabang at matayog ito, ngunit nakakapagtaka kung paano nito matitiis ang kanyang panghahamak. “May iba ka pa bang hinihingi? Bahay? Sasakyan? Lahat ibibigay ko sa’yo.” Kumunot ang noo ni Rianna. “Napakarami babaeng nasa paligid mo at maaari niyong makuha. Bakit kailangan niyong ipahiya ang inyong sarili sa ganitong paraan?” “Alam mong nagkasala ka sa akin, kaya mas mabuting bayaran mo ang utang na iyon sa pamamagitan ng pagdamay sa akin mula ngayon.” Sabay sabi nito ay muling hinalikan ni Deion ang mga labi ni Rianna Nanigas si Rianna sa kanyang kinatatayuan. Binitawan ni Deion ang
Dahan-dahang nagbuga ng usok si Deion. “Have you ever seen me treat women like a toy?”Napipi na lamang si Marco.Nasa loob ng showbusiness industry si Deion— isang lugar na parang pugad ng iba’t ibang uri ng tao. Hindi mabilang na mga babae ang gumamit ng lahat ng paraan upang lamunin siya. Kung nais lamang niyang maglaro o magpakasasa, sa katotohanan, kaya niyang magkaroon ng iba’t ibang babae sa bawat pagkakataon nang walang labis na kahirapan.Ngunit hindi niya ginawa iyon.“Papasok na ako.” Inihagis ni Deion ang kanyang sigarilyo sa lagayan ng abo at nagsimulang bumaba ng hagdan.Nang makita ni Sierra na pumasok si Marco, sumilip siya sa likuran nito ngunit wala siyang nakita. "Where is Deion?”“He already left.”Kumakain noon ng desserts si Rianna nang marinig ito. Bahagyang natigil ang kanyang kamay, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagkain na parang walang nangyari.Pagkatapos ng hapunan, sabay na lumabas ang tatlo mula sa kainan.Sinabi ni Sierra kay Rianna, “Mag-ingat ka sa
Hindi man lang nilingon ni Deion si Marco, kundi dumiretso na sa inukupa nilang lamesa, tiningnan si Rianna at nagtanong, “My love, can I sit here?” Walang bahid ng pakialam na sumagot si Rianna, “Whatever.” Gusto sanang sabihin ni Sierra na, “Nakalaan na sana ang pwestong iyan para kay Elliott,” ngunit naupo na agad si Deion. Doon lamang siya tumingin kay Sierra matapos makaupo at nagtanong, “Miss Sierra, do you mind if I join for a meal?" At nagtanong pa nga kung ayos lang ba. Bahagyang hinila ni Sierra ang gilid ng kanyang mga labi at sumagot, “Ayos lang naman.” Pagkatapos ay lumingon siya kay Marco. “Bakit hindi mo tawagan si Elliott at alamin kung nasaan na siya?” Tila alam na ni Deion ang isasagot nito. “Do you other plans?” Tinitigan siya nang maigi ni Marco. “Wala kaming ibang plano. Alam mo naman iyan, hindi ba?” Kumilos si Deion na parang walang nangyari; walang bahid ng pagkukunwari o pagsisisi sa kanyang mukha. Sa halip ay walang hiya-hiyang tumingin pa siya kay Mar
Muli na namang nahawakan ni Sierra ang pulso nito. Nanlalamig ang mukha at matigas na wika niya, “Kung maglalakas-loob ka pang manakit sa akin, huwag mong isiping magiging maayos ang pakikitungo ko sa iyo. Hindi ako ang klase ng taong palalagpasin na lamang ang pananakit at pang-aapi ng iba.” "Sa tingin mo ba ay takot ako sa iyo?" “Kung hindi ka takot, subukan mo,” mariing inalis ni Sierra ang kamay ni Tiara. Nawalan ng balanse si Tiara dahil sa lakas ng pagtulak, at dahil nakataas ang sakong ng kanyang sapatos ay nadulas siya at bumagsak nang tuluyan sa sahig. Nilampasan lang siya ni Sierra at tuluyang pumasok sa loob ng silid-pagpapalit ng damit. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ni Tiara habang puno ng kahihiyan at poot ang kanyang mga mata. Ang titig niya sa papasok na likuran ni Sierra ay tila tatagos at tatabas sa katawan nito. “Maghintay ka lang, Sierra. Hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi napaparusahan ang ginawa mong pagpapahiya sa akin!” Dumating naman agad si
“Siya ang tunay na may kagagawan ng aksidente sa aking sasakyan noon.”Agad na seryoso ang naging tono ng kausap sa kabilang linya. “Huwag po kayong mag-alala, Boss. Sisiguraduhin kong masusi kong matutunghan ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya sa lalong madaling panahon.”Natapos na ang pagpili para sa bagong gaganap na pangunahing tauhan sa pelikula, at ipinaalam na ng produksyon sa mga kasapi na muling magsisimula ang trabaho.Kinaumagahan, inihatid ni Marco si Sierra hanggang sa pasukan ng sentro ng pelikula at telebisyon. “May pagpupulong ako kasama si Elliott ngayong gabi. Mas mainam na ayusin mo rin ang pagkikita niyo ni Rianna.”Alam ni Sierra na nais sanang pagtagpuin ni Marco ang dalawa. Matapos niyang banggitin ito noong minsan nilang biyahe, hindi na niya ito muling pinag-usapan. Ngunit sa oras na ito na bumalik siya sa trabaho sa set, agad itong gumawa ng paraan. Nag-aalala kaya ito tungkol sa namamagitan sa kanila ni Elliott?Halos mapangiti siya sa isiping sadyang
Pinindot ni Sierra ang notipikasyon at binasa ang nakabahagi roon. ‘Hi, Miss Montalban! Your design is awesome! It seems that we have the same interest, huh? Haha. If you happen to have an interest in A.S studios, please do direct message me so that we could talk about it more privately. God bless!
“Grandma…” Nababaksan ng pagtutol ang tinig ni Adriana. Ngunit ang Senyora ay inignora ito at malambing lamang na bumaling kay Sierra, hinawakan pa nito ang dalawang kamay. “Natakot ka ba?” Alanganing tumango si Sierra ngunit kapagkuwan ay umiling din. Matalim na tiningnan ni Senyora si Adriana,
“Labis akong nalulungkot sa pangyayaring ito…” dismayadong bumuntong hininga ang ginang. “Akala ko, bilang isang ina ay isa kang aalagaan at mamahalin mo si Vester. Aarugain at pahahalagahan gaya ng kung paano mo arugain at pahalagahan si Thalia, ngunit nagkakamali pala ako. Isa kang inang ganid sa
Sinenyasan ng Senyora si Adriana na maupo sa sofa, ngayon ay pinagigitnaan na ng maghipag ang Senyora. Nagkukwentuhan pa si Sierra at ang Senyora habang naghihintay ng balita. Talaga ngang makapangyarihang ang pangalang Montezides sa bansa dahil ilang sandali lamang ang makalipas ay mayroon ng bali







