ログイン"I'm not teasing. I'm just telling the truth. I want to help you."Kumunot ang noo ni Elliott. "Ano ang ibig mong sabihin?""Totoong si Marco lang ang nasa puso ni Audrey. Ngunit wala na siya, at napakabata pa ni Audrey. Kailangan niyang magpatuloy. Hindi dahil hindi niya makalimutan si Marco ngayon ay mananatili na siyang ganoon habangbuhay."Ang panahon ay nakapagpapagaling ng lahat ng sugat, at nakapagpapahina rin ng lahat ng sakit. Kung matutulungan mo siyang makamit ang katarungan para kay Marco, naniniwala akong makikilala ka rin niya balang araw.Muli siyang nabuhayan ng loob. "Paano ako makakatulong?""Hanapin mo ang tunay na may kagagawan sa pagkamatay ni Marco. Kapag natuklasan na ang katotohanan, matatapos na ang lahat. Makakaalis na siya sa nakaraan at makakapagsimula muli."Biglang huminahon ang mukha ni Elliott. Mula nang bumalik siya mula sa Manila, palihim niyang sinusuri ang mga nakakagulat na bagay na ibinahagi sa kanya sa telepono.Napatunayan niyang may kinalaman n
Hindi gusto ni Audrey na makasalo sa kainan si Sylvio. "It's nothing, Mr. Lee. Huwag niyo na po isipin. Ako na lang...""How is that nothing? Maliban sa paninirang-puri niya sa'yo, nakakadulot din iyon ng masamang imahe ng kumpanya namin. So I must set a good example so that it wouldn't happen again in the future." "That's true!" Ani Rianna. "Drey-drey, let him take the blame to himself. It's his fault because he didn't discipline his actors enough." Dagdag nito sabay irap.Hindi nagsalita si Deion at tumango na lang.Tumingin si Audrey sa sasakyang umaandar na, bumuntong-hininga sa loob, at hindi na nagsalita.Hindi nagtagal, huminto ang sasakyan sa harap ng isang restawran. Pumasok sila sa isang pribadong silid na nakahanda na.Dahil naagapan na ang pagpili ng pagkain, agad na dinala ang mga ulam pagdating nila.Matapos ang palitan ng magagandang pagbati at ilang basong alak, nagsimula na silang mag-usap tungkol sa negosyo.Sa kalagitnaan ng kainan, sinabi ni Deion na lalabas muna
"Binalaan na kita noon. Hayagan mong hinarap si Stephano sa meeting ng mga shareholders. Tiyak na may mga tao siyang nagbabantay sa iyo nang palihim. Kapag nalaman niyang alam mo na ang lahat ng kanyang kasamaan at naghahanap ka ng katibayan, hindi ka niya pakakawalan. Kaya ang pinakaligtas na gawin ay itigil muna ang pagsisiyasat.""Ibig mo bang sabihin, para sa kaligtasan ko. Ipagsasawalang-bahala ko na ang pagkamatay ni Lola, Uncle Oscar at ni Marco?""Ipaubaya mo na sa akin ang lahat. Alagaan mo na lamang ang iyong sarili at ang bata. Mas mahusay ako sa iyo—sa paraan at sa lakas. Ipinapangako mo iyan, hindi ba?"Ayaw aminin ni Audrey, ngunit totoo naman iyon, kaya tumango na lamang siya."If that's the case, why risk everything?"Kung nalaman niya bago pa kagabi na napakarami na palang naimbestigahan si Sylvio, marahil ay nakinig na siya rito, inalagaan ang bata sa bahay, at ipinaubaya na lamang sa kanya ang lahat.Ngayon…Tinulungan siya nito na parusahan si Yna at iligtas si Ves
Kumunot ang kanyang noo at lumingon kay Reon. "Reon, sigurado ka bang dito ang binili mong dalawang upuan?"Tumingin si Reon sa dalawang bakanteng upuan sa tabi nina Sylvio at Carlos—isa sa harap at isa sa likod—at sa isip-isip: "Boss, hindi ba't masyadong halata ang pag-aayos na ito?"Pilit na lang siyang tumango. "Opo, ma'am." Pagkatapos ay bumati kay Sylvio. "President Narvaez, what a coincidence."Tumingala si Sylvio sa narinig at bahagyang nagulat nang makita si Audrey. Tila nagulat din siya. "Miss Santillan," Bago pa makasagot si Audrey, bahagyang tumango kay Reon, at muling yumuko upang basahin ang kanyang mga dokumento.Napalatak na naman si Reon sa isipan niya. 'Bossing, hindi ko alam na napakahusay mo pa lang umarte.'''Boss, may utang sa'yong gold trophy ang awarding center!' Ani Carlos sa kanyang isipan.Umirap sa Audrey sa kanyang isipan. Sa lamig ng pakikitungo nito ay hindi na niya makilala ang lalaking nagpumilig kagabi.Gayunpaman, mabuti na ganoon na lamang siya sa h
Tinitigan siya ni Sylvio nang matagal, at sinabi, "Huwag ka nang umiyak, aalis na ako." Pagkatapos ay humarap siya at lumabas.Nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto, bumagsak si Audrey sa sahig, yumakap sa kanyang mga tuhod, at humagulgol.Mula nang malaman ang pagkamatay ni Marco, itinago niya ang kanyang kalungkutan.Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na mayroon pa siyang Thalia at Vester na kailangan niyang alagaan, at kailangan niyang ipakulong si Stephano upang makaganti.Hindi siya pwedeng umiyak; kailangan niyang maging matatag.Pinagtibay niya ang kanyang loob at nagtiis, ngunit ngayong gabi, nang ipinahiya siya ni Sylvio, ang lahat ng pader na kanyang itinayo ay biglang gumuho nang wala siyang magawa.May mga damdaming kapag nagising ay hindi na mapipigilan, at ang lahat ng lungkot na matagal na nakatago ay sabay-sabay na lumabas sa sandaling iyon.Maya-maya pa, tumigil na rin si Audrey sa pag-iyak. Namanhid ang kanyang mga binti, kaya sumandal siya sa lababo upang
Sa loob ng elevator, nakatayo si Sylvio sa likuran ni Audrey, nakatingin sa maputing likod nito at sa napakagandang rosas na nakatato sa kanyang balikat. Ang kanyang tahimik na galit ay unti-unting naging matinding pagnanasa.Masyadong matindi ang tingin mula sa likuran, kaya nakaramdam ng pagkailang si Audrey. Lalo na’t walang takip ang likod ng kanyang damit, parang nakatitig ang lalaki sa kanya nang walang suot.Lumipat siya sa gilid, lumakad nang kaunti paatras, at itinukod ang kanyang likod sa pader ng elevator.Inalis ni Sylvio ang tingin kay Audrey. Gusto niyang magsalita, ngunit nang makita ang kamera sa loob ng elevator nanahimik na lamang siya.Pagpasok sa silid, inanyayahan ni Audrey si Sylvio na umupo. Kinuha niya ang telang nakalatag sa silya at itinakip sa kanyang likod, bago nagpunta sa kusina upang magpakulo ng tubig at magtimpla ng tsaa.Pinalaman niya ang kaldero ng kuryente ng tubig, inilagay sa patungan, at pinindot ang pampakulo. Maya-maya pa, narinig na ang ugong
"Thank you so much!" Halos lumundag si Sierra sa tuwa. Tumayo siya at maingat na inilagay ang kwentas sa kahon nito. Lumingon siya kay Carlos upang paalalahanan ito. "Carlos, please keep an eye on this necklace. Mahalaga ito sa akin kaya pakiusap, pakiingatan ito ng mabuti."Bawat salitang binitawa
"What were you thinking just now?" Tanong ni Marco sa halip na sagutin ang tanong ni Sierra. "Wala naman." Tumingin si Sierra sa shooting range sa harap niya na parang walang nangyari. "Totoo ba ang mga baril sa kotse nila?" Sinulyapan ni Marco ang bahagyang nakakurba niyang mga daliri, saka tum
Gusto lang sanang ilapat ni Sierra ang kanyang labi sa lalaki upang patahimikin ito, subalit napamulat siya at pinamilugan ng mata nang hawakan ni Marco ang kanyang batok at idiin pa lalo ang mukha sa mukha nito. "Ummmpp!" Impit niyang ungol at sinubukang ilayo ang sarili sa lalaki. Napagtagumpaya
Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang







