LOGINSi Ana ay laging binubully ni Joan dahil sa kanyang katabaan. Si Joan na assistant ni Leo ay may lihim din na pagtingin kay Leo. Si Leo ay isang CEO na binata at nakafucos lagi sa trabaho. Noong hindi na nakayanan ni Ana ang pang aapi sa kanya at pangbubully ni Joan. Ay nagleave si Joan ng isang buwan para sa kanyang plano. At pagdating ng isang buwan. Nagulat si Joan sa nangyayare. Hindi makapaniwala na si Ana na kanyang inapi noon ay meron palang tinatagong mala prensesang katawan at napakaganda . Subrang sexy na ni Ana at napakagandang mukha. Laking gulat din ni Leo sa angking kagandahan ni Ana at sexy na katawan. Doon na nainlove si Leo kay Ana. Ngunit binaliwala naman siya ni Ana. Ngayon ay si Leo na ang naghahabol kay Ana. Ngunit dumating din ang araw na nagkasundo sila hanggang sa sinagot na si Leo ni Ana.
View MoreAko si Ana may lihim akong pagtigin kay sir Leo ang isang CEO na binata na napakagwapo. Kaso hindi nya ako pinapansin dahil sa aking katawan na oversize. Kahit ganun ako ka taba hindi ako nawalan ng pag asa na balang araw mapansin ako ni sir Leo.
Kaya bago ako uuwi aayusin ko ang office ni sir Leo kapag nag uwian na mga tao. at mag iwan ako ng isang liham. Kinabukasan, Nagulat si sir Leo na nakaayos ang mga gamit at hindi na siya mahihirapan maghanap ng kailanganin nya. may napinsin siya na maliit na papel nakatupi. Binasa ni sir Leo ang nakasulat sa papel , "Hello sir, "Ginawa ko po ang lahat upang mapadali ang inyong gawain.Nandito lang po ako para sa inyo". Napangiti si sir Leo(sabi sa sarili):" Siya na naman....Laging nandyan,tahimik lamang,hindi naghihintay ng kapalit. "Bakit ngayon ko lang napansin ang lahat ng kabutihang ito? Pumasok ako sa office ni sir Leo para maghatid ng Dokumento,Nakayoko ako nahiya ako sa ginawa ko. Ngunit nagulat ako sa narinig ko.! "Salamat, Ana. "Napakahusay ng pagkagawa mo." "Napakagaan ng loob ko dahil sayo." Sabi ni sir Leo na may matamis na ngiti. Napangiti na din ako, Parang gusto ko magtalon talon sa subrang saya" nakita ko ang matamis nyang ngiti. "Wala po iyon, sir Leo, "Tungkolin ko po ito", Ang sagot ko sa kanya na may kasamang tuwa. "Sa wakas napansin nya din ako" Kaso manatili muna itong lihim ,Hindi ko muna ito sasabihin sa kanya. Hayaan ko na siya ang mangligaw sa akin hehehe ayyeeiiee!!! Subrang saya ko siguro sa araw na yun. "Mula ngayon, huwag ka nang mag-atubiling lumapit sa akin. Pinahahalagahan ko ang iyong sipag at katapatan. -ang sabi ni sir Leo. Tumango ako, at lumabas agad na may kasamang tuwa at kilig, Sa wakas nagkaroon ako ng malaking pag-asa!!! sana tuloy-tuloy na ito. Hindi ako titigil hanggang hindi maging kami ni sir Leo. Ang pag uusap pala namin ni sir Leo ay nakinig si Joan sa gilid ng p***o nakatago siya. Grabing galit nya sa selos. si Joan na assistant ni sir Leo na may lihim na pagtingin din kay sir Leo. Hinarang ako ni Joan sa labas, Nakatitig sakin tila galit na galit. "Huwag kang masyadong magalak Ana.!! "Ngayon lang siya naging mabait sa iyo. "Hindi ibig-sabihin na may espesyal na siyang tingin sayo.!! sabi ni Joan na galit na galit. "Tandaan mo,Si Leo ay para sa mga katulad ko. Hindi sa isang katulad mo na puro taba lamang. Sa tingin mo magustohan ka noon? ganyan katawan mo? dagdag nya. Tinitigan ko siya, Gusto kunang magalit pero pinigilan ko sarili ko. "Hindi ko inagaw si sir Leo. 'Tungkulin ko lang po ang ginagawa ko. Kung ano man ang tingin nya sakin... Hindi ko po hinihingi. Mahinahon na sagot ko. (Tumawa nang mapait) "Alam ko na ang laro mo.!! "Maghihintay ka hanggang sa mahulog siya sa iyo.!! "Hindi ko hahayaang mangyari yun.!! Gagawin ko ang lahat upang mapatunayan na hindi ka karapat-dapat sa kanyang pagtingin.!!! -ang wika ni Joan. Lumakad na si Joan palayo pero may masamang tingin pa rin sakin. Habang nanatili akong nakatayo at huminga ako ng malalim. Kahit anong gawin nila... mananatili akong tapat. At ang pag-ibig ko sa kanya... mananatiling lihim hanggang sa tamang panahon. Kung darating man iyon. Mahalagang araw ngayon, kase darating ang mga kliyente. Ito nahanda ko na ang pinakamahalagang kontrata. Ilagay ko muna dito sa mesa ni sir Leo, labas muna ako inum muna ako ng tubig. Nakabantay pala si Joan sakin at agad siya pumasok sa office ni sir Leo at kinuha nya ang mahalagang kontrata at itinago ito sa loob ng kanyang bag. Pagbalik ko ,Laking gulat ko, "nawala ang ang mahalagang kontrata!!! dito ko lang nilagay sa lamesa ni sir Leo! paanong nawala yun?? Hinahanap ko bawat sulok ngunit wala akong makita. Nanginginig na ako sa takot. Pinakamahalagang kontrata nawawala,yari ako nito. Habang nakatulala ako at nanginginig , Biglang pumasok si sir Leo at nag mamadali, Ana! Nasaan na ang Kontrata? Darating na ang mga bisita! "Pasensya na po, Sir Leo...Inilagay ko po dito kanina ... ngunit nawawala po"... "Nawawala? Ito ang pinakamahalagang dokumento! Kung hindi natin ito maipapakita...malaki ang mawawala sa atin! Habang nagkagulo kami ni sir Leo dahil sa nawawalang kontrata,bigla namang pumasok si joan tila nag alala ngunit may nakatagong ligaya. "Talaga bang nawawala? O baka sinadya mong itago? Alam ko na ang plano mo! Gusto mong mapahiya si sir Leo upang ikaw na lamang ang kanyang sandalan! napakagaling mong magpanggap na inosente!- ang bintang ni Joan. "Hindi po yun totoo sir Leo, Huhuhuhu Hindi ko sinasadya! Naniniwala po ba kayo sa kanya o sa akin? "Sapat na! Ana, hanapin mo iyan agad.!! Joan,tulungan mo siya. "Kung hindi ito makita bago dumating ang mga kliyente...may malaking pananagutan ka Ana." ang sabi ni sir Leo. Lumabas si sir Leo na mukhang labis na nag-aalala. Naiwang nakatingin si Joan sa akin bumulong nang mahina: "Hindi mo na iyon makikita. At sa huli... maniniwala siyang ikaw ang may kasalanan." Habang punong-puno ng luha ang mga mata ko, Tinanong ko sa sarili ko, Sino ang maniniwala sa akin? Ang lihim na pag-ibig ko... baka ito na ang magdulot ng aking pagkawala. Bakit kailangang mangyari ito ngayon?Dumating na ang pinakahihintay na araw. Ang langit ay kulay asul na walang bahid ng ulap, tila pinagbuksan ng langit upang saksihan ang aming pag-iisang-dibdib. Hindi man marangya at puno ng ginto ang aming kasal, ito naman ay napakaganda dahil sa wagas na pagmamahal at pagpapala ng bawat taong dumalo. Sa loob ng payak ngunit napakagandang simbahan, naroon ang aking pamilya — ang aking mga magulang na puno ng luha ng tuwa, at ang aking tatlong kapatid na ngayon ay nakatingin kay Leo nang may tunay na pagmamahal bilang kanang-kamay at kapatid. Naroon din sina Don Alfonso at ang nabagong si Ricardo, maging si Joan at ang lahat ng aming mga kasamahan sa trabaho — lahat ay naroon upang magpatotoo sa aming wagas na pagmamahalan. Habang naglalakad ako patungo sa dambana, nakatingin lamang ako sa kanya — kay Leo, na nakatayo roon na puno ng pag-asa at labis na kagalakan sa kanyang mga mata. Ang lalaking nagtiis ng pang-aapi, nagpanggap na mahirap, at nanatiling ma
Ilang araw pa ang lumipas at naging masagana at payapa ang aming pamamalagi sa probinsya. Ang dating lamat sa aming ugnayan ay napawi na at napalitan ng wagas na pagmamahalan at paggalang. Bago kami bumalik sa lungsod, isang gabi habang magkasama kaming nagpapahinga sa beranda, hinawakan ni Leo ang aking dalawang kamay at tinitigan ako nang may matamis na ngiti na tila may mahalagang nais sabihin. "Ana," panimula niya habang hinahaplos ang aking mga daliri. "Dumaan tayo sa maraming pagsubok. Mula sa ating pagtatago, sa pagbubunyag, hanggang sa pagdating dito at pagharap sa iyong pamilya. Ngunit sa bawat hakbang na ating tinahak, lalo kong napatunayan na ikaw lamang ang nais kong makapiling hanggang sa aking pagtanda." Huminga siya nang malalim at tumingin sa aking mga mata nang may labis na sinseridad. "Kaya nais kong itanong sa iyo... handa ka na bang maging aking kabiyak? Handa ka na bang harapin ang bukas hindi na bilang magkasintahan lamang, kundi bilang
Mula sa araw na iyon, tila nagbago ang ikot ng mundo sa aming bayan. Ang dating kayabangan at pagmamalaki ay napawi na at napalitan ng paggalang at pagpapakumbaba. Ang aking mga kapatid — sina Kuya Dante, Kuya Romy, at Kuya Berting — ay hindi na muling tumingin sa kapwa batay sa yaman o kasuotan. Sa bawat pagkakataon na nakikita nila si Leo, hindi na lamang paggalang ang kanilang ibinibigay kundi tunay na pagmamahal at pagkilala sa kanyang dakilang puso. Hindi na nila siya tinatawag na "Sir" o "Mayaman" — bagkus, tinatawag na nilang "Kapatid" nang buong katapatan. Araw-araw ay dumarating sila kay Leo upang humingi ng payo at gabay. Hindi tungkol sa salapi o negosyo, kundi tungkol sa tamang pamumuhay at pagmamahal sa kapwa. Ipinakita ni Leo na ang tunay na kadakilaan ay wala sa pagiging pinuno — ito ay nasa pagtulong sa nangangailangan, pag-unawa sa nagkakamali, at pagpapatawad sa lumait sa iyo. Dahil dito, lalo ko siyang hinangaan at minahal. Ang kanyang ka
Tumayo si Leo sa gitna ng silid habang ang mag-amang sina Don Alfonso at Ricardo ay nakaluhod sa kanyang harapan, nanginginig sa takot at puno ng kahihiyan. Tinitigan sila ni Leo nang mahabang sandali, at sa kanyang mga mata ay wala ang galit na inaasahan ng lahat. Sa halip, mayroon lamang doon ang matinding lungkot at pagkabigo sa kanilang pagkatao. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang nagsalita — ang kanyang tinig ay mababa ngunit yumanig sa bawat pusong nakikinig. "Tumayo kayo," wika ni Leo. "Hindi ko nais na lumuhod kayo sa akin. Ang pagluhod ay para lamang sa Diyos at sa inyong konsensya. Ngunit pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin." Dahan-dahang tumayo sina Don Alfonso at Ricardo, ngunit nanatili silang nakayuko, hindi makatingin nang diretso sa mga mata ni Leo. "Hindi ko inaalis ang inyong yaman," patuloy ni Leo. "Hindi ko inaalis ang inyong kabuhayan. Ngunit ito lamang ang aking hatol: Mula sa araw na ito, mawawalan kayo ng ka


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.