Pa’no? Hindi ko siya kilala kaya paanong kilala niya ako?
“Ikaw po ‘yon, ‘di ba po? ‘Yung book author ng ‘8 seconds’?” Ahh, binabasa niya pala yung libro ko. “Yes.” Nagulat ako nang bigla siyang tumili at nagtatalon pa siya. “Okay ka lang? Paano mo ko nakilala?”Natatawang tanong ko sa kanya. May kinuha siyang libro sa bag niya at marker. “May nag-leak po ng mukha niyo na kayo raw po ang book author ng ‘8 seconds’.” Una, iniisip ko na fake news lang pero nakita ko po kayo na umattend nung book signing sa Switzerland,” paliwanag niya. Ahh, kaya pala! Hindi ko alam na kilala rin dito ang book na ‘yon. “Hindi ko maisip na makikita ko dito ang favorite book author ko. Hindi po ba sa Switzerland kayo nakatira? Pwede po bang magpa-autograph and selfie?”Sunod-sunod niyang tanong. “Yeah, sure!” Kinuha ko ang libro niya at pinirmahan ‘yon. “Ang gaganda po ng libro niyo lalo na yung ‘8 seconds,’ kaso nagtataka lang po ako bakit po lahat ng book niyo is tragic ang ending?” “Maybe because I realized that not everything ends up with a happy ending.” Nagsimula akong magsulat nung nanirahan na kami ng family ko sa Switzerland; ever since na doon kami nanirahan, I felt an empty feeling inside. I don’t know why, pero parang may naiwan ako sa Pilipinas and hindi ko alam kung ano ‘yon kaya sa paraan ng pagsusulat ko nailalahad ang nararamdaman ko. Pagkatapos kong pirmahan ang libro niya ay inabot ko sa kanya ‘yon at nag-selfie kami kasama si Zai. “Thank you po! Magpahinga na po kayo, halata sa mata niyo ang pagod.” “You’re welcome,” nakangiting saad ko. “Mauuna na ‘ko,” paalam ko at tumingin kay Zai. “Byebye,” saad ko at hinimas ang ulo niya. Pagkarating ko sa condo ay inilapat ko agad ang likod ko sa kama. Mamaya ko na lang siguro aayusin ang mga gamit ko kapag nakapagpahinga na ‘ko. Kinuha ko ang remote ng TV at binuksan ‘yon. May nakita akong interesting na movie at naisip kong ayun nalang ang panoodin. Sa kalagitnaan ng movie ay napaiyak ako. Namatay ang mga magulang nung bida, hindi ko inasahan yon. Nakakatawa kasi nung una tapos biglang trauma pala ‘tong movie na ‘to. Naalala ko tuloy sila Mama at Papa… 8 months ago... Malapit na ‘kong mag-out sa work nang may biglang tumawag sa cellphone ko, si mama. “Good afternoon po! Is this Ma’am Briones?” Bakit iba ang sumagot? Bigla kong nakaramdam na may nangyaring masama. “Yes, who is this?” “I'm from Myong Hospital. Ma’am Zalia Briones got into a car accident.” Nabitawan ko ang cellphone ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Hindi ko na napatay ang tawag at dare-daretcho na ‘kong lumabas para pumuntang ospital. Walang awat ang pagtulo ng luha ko habang naghahanap ng masasakyan. Fuck! Fuck! Walang masakyan. Buo na ang desisyon ko na tumakbo papuntang ospital. Takbo lang ako nang takbo, para na ‘kong nabibingi. Wala na akong naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Isang oras din akong tumakbo nang marating ko ang Myong Hospital. Dumaretcho ako sa reception para itanong kung nasaan ang Mama ko. Pagdating ko sa emergency room, may nakatakip na na puting tela sa buong katawan niya. Nakatayo lang ako, hindi ako makagalaw. “Are you the family of the patient?” May biglang nagtanong na doctor sa harap ko at tumango ako. Ineexplain niya kung anong nangyari pero hindi ko na naiintindihan. Nandito pa siya kahapon eh, pero… “I’m sorry for your loss,” the doctor said and walked away. Habang palapit ako nang palapit sa katawan niya ay mas kumakapos ang paghinga ko. Sobrang bigat… “Anak, gumising ka na. Malalate ka na sa pasok mo.” Bumangon ako at nakita ko si Mama na papalabas ng kwarto ko. Inaantok pa ‘ko pero kailangan ko nang bumangon dahil may quiz kami ngayon sa math. Tumayo na ako at nagbihis. Pagbaba ko ay nakahanda na ang mga pagkain at nakita ko sila Mama na kumakain. “Papa, bakit hindi nakaayos ‘yang necktie mo?” Tanong ni Mama at inayos ‘yon. Noong bata ako akala ko lahat nagtatapos sa happy ending… Akala lang pala ang lahat… “Papa?” Kakauwi ko lang galing school nang makita ko si Papa, may dala-dala siyang maleta. Lumapit siya sa’kin at hinaplos ang ulo ko. “Anak, hindi ko alam kung pa’no ko ipapaliwanag sa’yo ‘to sa paraang maiintindihan mo pero maghihiwalay na kami ng Mama mo,” saad niya at doon na unti-unting tumulo ang luha ko. “Wag kang mag-alala. Lagi pa rin akong nandito kapag kailangan mo ‘ko.” Parehas na kaming umiiyak ngayon, niyakap niya ‘ko bago siya umalis. Simula nung araw na ‘yon, ayun na ang huli kong kita sa kanya dahil kada tatawagan ko siya, laging busy ang landline niya o hindi matawagan kaya hindi ko na rin siya tinawagan. Hindi ko na namalayang umiiyak na ako. Kada kasi naalala ko sila, naiiyak ako. Hindi ko naman siguro deserve yung nagpaalam pero walang paramdam. Hindi ko na tuloy napanood ng buo ang movie dahil naalala ko ang mapait kong nakaraan. May mas ikapapait pa ba ‘yon? Tumayo na ako para lumabas at maghanap ng makakain. Nagugutom na ‘ko. Gusto ko rin kasing lumanghap ng sariwang hangin at maglibot. Pumunta ‘ko sa isang fast food chain; I was only wearing my basic top with maong shorts and slippers. Mag-oorder na sana ako nang may sumingit sa pila. “Hey, I got here first,” naiinis na saad ko at lumingon siya sa’kin tapos tumalikod muli. Mas lalo akong nainis, the audacity of this girl! Hihilahin ko na sana siya para mawala sa pila nang may pumigil ng braso ko. Nilingon ko kung sino ‘yon. “Let her cut in line, ‘wag mo nang patulan,” he calmly said habang hawak pa din ang braso ko. Gulat na gulat akong nakatingin sa kanya. Hindi niya ba ‘ko nakikilala o namumukhaan man lang? Samantalang ako, hindi ko malimutan ang nangyari noong gabing ‘yon. Sabagay, base sa performance niya nun parang madami na siyang experience eh. Isa lang siguro ako sa mga babae na naikama niya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin nila Mitea sa Cafe Novella bago ako umalis papuntang Pilipinas… “Buti na-adjust flight mo?” Yuna asked and I nodded. “Hoy teh, kwento mo na!” Saad ni Mitea, hindi naman halatang sabik sa chismis ‘tong babaeng ‘to! “Bakit ako agad?! Wala bang ganap sa mga buhay niyo?” Tanong ko sa kanila kaya umiling sila. “Nililihis mo lang ang usapan eh, spill na sis.” “Oo nga, ano ba ‘yon?” Nacucurious na rin na tanong ni Chia. Sa aming apat, masasabi mong siya yung mabait at hindi makabasag pinggan. Si Mitea naman, ang madaldal sa’min at mahilig sa chismis. Si Yuna, siya yung tipong to the resbak agad kapag alam niyang may naaapi sa’ming tatlo. “So ayun nga…” Kwinento ko sa kanilang apat ang nangyari noong gabing ‘yon. Habang kwinekwento ko ay tinutulak-tulak ko pa si Mitea. “‘Di naman halatang kilig na kilig ka, halatang halata lang,” tumatawang saad ni Mitea sa’kin. “Ngayon lang natin nakitang ganyan ‘yan, laging busy sa work ‘yan eh,” saad ni Yuna. Totoo naman! I was always busy at work, kaya ni minsan hindi nila ‘ko nakitang ganto, ngayon lang. “Pogi ba talaga?” tanong ni Chia, mahilig din sa pogi ‘to eh! “Oo girl! But not my type,” saad ni Mitea, may boyfriend na kasi siya. Siya lang ang may boyfriend sa’ming tatlo. “Pa’no kung makita mo ulit siya? Nakakahiya yung ginawa mo sa kanya. Pa’no mo siya haharapin?” Tanong ni Chia at tumingin sa’kin sabay higop sa kape niya. “Ayun ay kung magkikita ulit kami.” At nakita ko nga ulit siya…Napadako ang tingin ko sa braso ko na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. “Sorry!” Sabi niya at binitawan ang braso ko. Bakit mo binitawan? Humarap na ako at hinayaan na lang ang babae na mauna. Pagkatapos nung babae na umorder ay ako naman ang nag-order. Nag-intay ako ng ilang minuto bago ko nakuha ang order ko. Habang kumakain, nakita ko siyang nag-iintay ng order niya, take out siguro ‘yon. Nandito pala siya sa Pilipinas kaya pala hindi ko na siya nakita sa Switzerland. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero parang ganun na rin. Nung makuha niya ang order niya ay lumabas na rin siya. Tumayo na ako pagkatapos kong kumain. Pagkarating ko sa condo ay inayos ko na ang gamit ko. Maaga pa ang pasok ko bukas kaya kailangan kong matulog nang maaga. Nang nailigpit ko na lahat ng gamit ko ay naghanda na ‘ko para matulog. Nagising ako sa tunog ng alarm na nagmumula sa cellphone ko; hindi ako nanaginip ngayon. Maganda ang tulog ko ngayon kaya maganda ang gising ko, although sanay na ‘ko
Pa’no? Hindi ko siya kilala kaya paanong kilala niya ako? “Ikaw po ‘yon, ‘di ba po? ‘Yung book author ng ‘8 seconds’?” Ahh, binabasa niya pala yung libro ko. “Yes.” Nagulat ako nang bigla siyang tumili at nagtatalon pa siya. “Okay ka lang? Paano mo ko nakilala?”Natatawang tanong ko sa kanya. May kinuha siyang libro sa bag niya at marker. “May nag-leak po ng mukha niyo na kayo raw po ang book author ng ‘8 seconds’.” Una, iniisip ko na fake news lang pero nakita ko po kayo na umattend nung book signing sa Switzerland,” paliwanag niya. Ahh, kaya pala! Hindi ko alam na kilala rin dito ang book na ‘yon. “Hindi ko maisip na makikita ko dito ang favorite book author ko. Hindi po ba sa Switzerland kayo nakatira? Pwede po bang magpa-autograph and selfie?”Sunod-sunod niyang tanong. “Yeah, sure!” Kinuha ko ang libro niya at pinirmahan ‘yon. “Ang gaganda po ng libro niyo lalo na yung ‘8 seconds,’ kaso nagtataka lang po ako bakit po lahat ng book niyo is tragic ang ending?” “Maybe because
Isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang gabing ‘yon pero hindi ko pa rin malimutan. Simula nung nangyari ang gabing ‘yon, hindi na ‘ko binabangungot, but then my dreams look more real and surreal. It was as if the dreams I had in the past became more vivid.I was in a conference room having an urgent meeting with the stockholders dahil malapit nang ma-bankrupt ang isa sa mga company namin sa Pilipinas. I decided to fly to the Philippines and handle the operations for a while until it recovers. Gosh, so stressful!Pagkarating ko sa office ay tinawag ko agad si Ali. “Book me a flight and buy me a condo unit in the Philippines. Make sure it is closer to our company there.” Feeling ko matatagalan ako dun eh, saka mas okay na rin ‘yon. “Okay, Ma’am! Here are some of the documents that need your signature,” Ali said, so I gestured to place them on my table. “Can you call Galeya? I have something to talk about with her.”“Okay, ma’am!” Maya-maya lang ay dumating na si Galeya, the COO
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nararamdaman ko ang pananakit ng balakang ko at ang gitnang bahagi ko. Ang sakit din ng ulo ko dahil sa hangover kagabi. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding at napansin kong late na ‘ko sa trabaho which is unusual because I always arrive early on time. It is also my first time to have a good sleep because I always have a bad dream every night kaya nagigising ako lagi ng 5 am. Bumangon na ‘ko para mag-ayos nang mapansin kong iba ang suot kong damit. Nilibot ko ang paligid at wala ako sa condo unit ko. “Did I?” My mouth formed an “O” when I remembered and realized something. ***** “Zy, tara sa dance floor,” yaya ni Chia sa’kin habang sumasayaw pero pinigilan ko siya kasi nahihilo na ‘ko. Fuck! Ang sakit na ng ulo ko. Gusto ko nang sumuka kaya pumunta na ‘ko sa comfort room. Parang lahat ng kinain ko, sinuka ko. Nang mahimasmasan ako ay dumaretcho ako sa counter at sumenyas sa bartender ng isang ‘cocktail’
"Zy, do you have plans for tonight?"I was busy preparing things I need for next week. We will launch my new book, so we have a lot of work to do. No room for mistakes. It has to be perfect. I don't want to see any disappointment on their faces. Nasa Cafe Novellà kami. I really liked the ambiance of this place. It was perfect for someone who wants to work and study without being disturbed, kaya lagi akong natambay dito. May small library din sila for someone who likes reading books while having a cup of coffee. “Hey?! Zy?!” Mitea asked and waved her hands to get my attention, so I looked at her for a moment and then continued typing on my laptop. “I want to ask if you're free tonight since nag-aaya sila Yuna na magbar mamaya.” Tinignan niya ‘ko pati ang ginagawa ko. Feeling niya yata hindi ako makakasama. Patapos naman na ‘ko, so I’m free for tonight. “So are you free? Okay lang naman if hindi.” "Yes, I’m free for tonight. Saang bar ba?" I asked. "Same place.”Damn! I need alco