Mag-log inSi Zyrtea Fate Briones ay laging binabangungot simula ng tumira sila sa ibang bansa kasama ang kanyang ina. Mga panaginip na parang totoo pero alam niyang hindi naman nangyari 'yon. Hanggang sa nakilala niya si Kiel, ang lalaking natipuhan niya sa Cafe. Simula ng may nangyari sa kanilang dalawa ay tila nagbago ang ihip ng hangin, hindi na siya binabangungot. Siya na kaya ang kasagutan? O magiging mapait lang ang kapalaran nito sa kanya? Warning: Some of the chapters contains violence and mature content that are not suitable for very young audiences. Take note: It may contain Typos and Grammatical Errors so please bear with me. Thank you! Read at your own risk.
view moreNagulat ako nang may marinig sa isang customer na nagrereklamo sa isang waiter dahil mali ang naibigay na order nila. Nakita ko si Mitea na hawak ang mga order namin at naglalakad na papunta samin ngunit nadali siya ng biglang itulak ng customer ang waiter kaya lahat ng order namin ay natapon sa sahig pati sa kanya. Dali-dali naman kaming pumunta sa pwesto ni Mitea para alalayan siya. “Hoy, bayaran mo ‘to,” Napatingin naman ako kay Yuna na nasa harapan na namin at halata sa itsura niya ang inis sa nangyari. Nabigla naman ako nang napahalakhak ang babae sa sinabi ni Yuna sabay matapang na tumayo sa harapan niya. Gago! Naghahanap yata ‘to ng sakit sa katawan eh. “It's his fault not mine,” turo niya sa waiter kaya napatingin naman kami sa waiter na halata sa itsura ang kaba at takot. “Siya ang pagbayadin niyo diyan,” saad niya at umupo na pagkatapos sabihin ‘yon. Nagulat ako nang biglang iangat ni Yuna ang paa niya sa harap ng upuan ng babae at maangas siyang tinitigan. Nakita ko an
Napatingin naman ako sa kanya nang tanungin niya ‘yon. Napalunok ako nang makita ang kanyang seryosong mukha na nakatingin lamang sa’kin at nag-iintay ng isasagot ko. “Wala, wala naman,” saad ko at naglakad na papalayo sa kanya. “Zy,” pagtawag niya pero hindi ako lumilingon at dare-daretcho lang sa paglalakad.“Zy,” pagtawag niyang muli and this time he caught my hand to make me face him. Naguguluhan ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakakunot na ang noo habang hawak pa rin ang aking kamay.“Zy, can you tell me what's wrong?” He curiously asked. Ayoko kasi muna siyang kausapin dahil baka kung anong masabi ko sa kanya. Nandito pa kami sa harap ng kumpanya kaya hindi ko pwedeng sabihin dito. “Let's not talk here,” I just simply said and walked towards his car.Nang makasakay na ako ay sumunod naman siya. Hindi na siya nagtanong pang muli at tahimik kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Nang makarating kami sa condo ay lalabas na sana ako nang magsalita siya. “Zy, can we talk
“Ayokong sumakay diyan. Can we just take a taxi instead?” I asked kaya nagtaka siya sa sinabi ko. Ayokong umupo sa kotse niya dahil naaalala ko lang ang babaeng umupo doon kahapon. Selosa ba ako? Medyo lang, medyo lang naman.“Why? Is there something wrong?” nagtatakang tanong niya.Now I know what my toxic trait is. Haist! It looks like I’m pitying over some petty stuff. Maybe, hindi ko na dapat iniisip pa ‘yon lalo na’t napaliwanag naman na niya. “Sorry,” I said, I felt guilty. Hindi ko dapat hinahayaan na kontrolin ako ng nararamdaman ko. “Why?” takang tanong niya. “Ayoko kasing sumakay sa kotse mo kasi naalala ko pa rin na may sinakay kang babae diyan kahapon,” I said, feeling guilty.“I’m really sorry. Hindi ko na hahayaan na pangunahan ako ng nararamdaman ko,” I added. Nakatungo lang ako at nahihiyang tumingin sa kanya, but then, he held my chin up to make me look at him. “It's okay, I used a different car when I picked her up yesterday, and I already sold it to someone,” sa
Nang maramdaman ko ang pagkailang nila sa’kin ay naisipan kong baguhin ang sinabi ko.“Hehe, ano ka ba, nagbibiro lang ako,” saad ko sabay tumawa. Tangina, parang mas lalo yatang naging awkward ang atmosphere. Kinausap na kaming mga magulang at pinalabas muna ang bata kasama ang isa nilang guro para bantayan. Habang kinakausap kami ay sumabat ‘tong mukhang espasol. “Bakit anak ko lang? Eh nakita niyo naman na sinabunutan ng anak niya ang anak ko?” tanong niya at dinuro duro pa ako. Tangina, umaalma pa oh! Kapal talaga ni mukhang espasol!“Sige, saktan kita tapos ‘wag mo ‘kong sasaktan pabalik ah,” sarkastikong saad ko.Napatingin siya sa’kin ng sabihin ko ‘yon, hindi siya sumagot pero siniringan niya ako. Hindi naman ako makapaniwala sa ginawa niya. Haist! Kapag ako ‘di nakapagtimpi dito, baka upakan ko talaga siya sa labas. Pasalamat siya hindi ako si Yuna na mabilis maubos ang pasensya, kung hindi ay naupakan ko na talaga ‘to. Nang matapos ay tumayo na ako para puntahan si Zaizai












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.