Share

CHAPTER 2 – ESCAPE FROM HELL

CHAPTER 2 – ESCAPE FROM HELL

----

At heto naman ang isa pa nating bida na si Lorenzo Miguel Samaniego o Miggy na palayaw nito. Isa na itong Neurosurgeon at Businessman. Sa edad na 28 ay nakapagpatayo na ito ng mga samut-saring mga negosyo kaya napabilang lang naman siya sa isa mga batang bilyonaryo sa bansa. Kaya sa murang edad pa lamang nito ay natatamasa na niya ang sobrang kaginhawaan pero ganunpaman ay hindi naman ito rason para kay Miguel na tumigil sa pagtatrabaho.

Hands on pa din ito sa kanilang sariling Hospital at kasama niya ang kanyang ama na nagpapatakbo nito. Sikat na sikat naman ang Hospital nila na kung tawagin ay People's Hope dahil sa napakalaking mga diskwento ang meron sa Hospital na ito at kung minsan nga ay nililibre lang nila ang mga bills at gamot ng kanilang mga nagiging pasyente. Kaya ilang beses nang nagawaran at nakilala sa buong bansa ang Hospital na ito.

Samantala, nagkayayaan muli ang magbabarkada na mag liwaliw sa bar. Halos napakatagal na panahon na din kasi nang sila ay hindi nagkita kita kaya bakas sa mga ito ang pagkamiss sa isa't isa. Kaya saan pa ba ang hideout ng mga ito? Walang iba kundi sa La Maison Bar and Grill na pagmamay-ari na ngayon ni Vonn Austin Miller.

----

LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV

" Ahh, grabe. Namiss ko to bro. Almost 1 year din tayong hindi nagkita kita. Sobrang dami nang nagbago sa mga katayuan natin pero alam niyo kung ano lang ang hindi magbabago sa atin? Ano pa edi yung pambababae!! Wahahaha! Cheers, mothaf***ers!!" sabay lagok ng napakatapang na Tequila.

At ang malokong iyon ay walang iba kund si Steven Lee na isa nang ganap na Professor ngayon sa isang prestihiyosong eskwelahan dito sa Pilipinas. At katulad ko eh meron din siyang mga samut saring mga business kaya talaga nga namang payaman na ng payaman itong kaibigan ko na to.

" Ohh yeah! At ito ang namiss ko sa inuman natin eh, yung masasarap nating pulutan." maloko ring tugon ni Dale Gomez sabay halik sa katabi nitong dalawang babae. Dale was now a Pilot sa kanilang sariling airlines at wala akong masabi sa kaibigan ko na to dahil paano ba naman? Halos mahabol na nito ang yaman ko, magkasunod nga lang kami sa rankings dahil pang tatlo ako sa mga youngest billionaire at pang apat naman siya.

" Cheers, my brothers!"

"Cheers!"

" F*ck that! Sobrang saya ko talaga ngayon dahil ngayon lang tayo nabuo since what? Put***in* naman kasi sobrang bibusy na ng mga ha*up. Maintindihan ko pa itong si Capt. Dale dahil piloto to eh napakalayo ng mga byahe niya araw araw pero itong dalawang pu***in*ng na to, sina Steven at Miggy put*, akala mo may mga binbuhay na sampung anak at tatlong asawa. Hay nako, buhay nga naman, palagi tuloy akong solo lang dito. Kaya ko nga binili itong bar para sa atin tapos yun pala magsosolo lang ako dito sa pambababae? Wtf, galaw galaw mga totoy! baka amagin ang mga junjun nyo. Hahahaha!" pang aalaska sa amin ng walang iba kundi ang genius friend namin at ang bestfriend ng lahat na si Vonn Austin Miller. And guess what? This mothaf***er was already graduating. Pumasok siya sa Military Academy years ago at ilang buwan nalang ay magiging ganap na itong sundalo. Hinala nga namin ay meron itong pinopormahan or baka nobya na nga niya siguro sa pinapasukan niya kaya biglang nag take ito ng Military course dahil matagal na talagang nakatapos ng pag aaral si Vonn sa kursong Engineering kaya laking gulat namin nag malaman naming nag enroll nanaman pala itong muli.

" Shut your f*cking as* up, bro. I maybe not in your place but bro, I am doing my own thing. You know what I mean, sa dami nang dumaan sa akin lahat sila gumraduate." at tila napamangha sila sa sinabing iyon ni Steven. Hindi naman ako masyadong nakakapakinig sa mga istorya nila dahil hindi ko maiwasang maalala si Nica. Dahil ito rin yung bar kung saan ko siya nameet.

Nang biglang...

" HOY!!!!" pag gulat sa akin ng tatlo kong kaibigan.

At natawa nalang ako dahil nahuli pala nila akong nakatulala.

" Goddamn, bro! You got problem Miggy boy?" tanong sakin ni Vonn at sinalinan nito ng alak ang baso ko.

" Ahh, wala naman bro. I'm fine siguro pagod lang." sabay straight sa alak. F*ck! sobrang tapang kaya napapapikit ako nang mainom ko ito.

" Baka babae lang ang sagot dyan. Dale pahiramin mo nga ng isa to, kasi ba naman dalawa dalawa yang nasayo eh. Para kay Miggy talaga yan kinuha mo naman." wika ni Vonn pero agad ko itong pinigilan.

" See? Ayaw nga ni Miggy." tugon ni Dale.

At bigla akong hinipo sa noo at leeg ni Steven. " Normal naman, pero bakit ganun?"

Natawa naman ako sa ginawa nito. " Puro talaga kayo kalokohan, ayos nga lang ako." nakangiti kong sabi sa kanila pero hindi talaga sila naniniwala.

Hanggang sa maparami na ang inom namin at naikwento ko na kung bakit nga ba parang wala ako sa sarili ko. At inamin ko sa kanila na nafufrustrate na ako dahil hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas at masugid na paghahanap kay Nica ay hindi ko pa din ito mahanap.

" Oh my f****** God. Really, bro? When was the freakin' last time that you got serious about a girl? tell me bro? Ta** *** hanggang ngayon pala hindi ka pa din nakaka move on sa babaeng yon? 5 years na ang nakalipas bro, wake up!" naiinis na sabi ni Steven. Sobrang upset siya dahil sayang daw yung taon na sinayang ko para sa paghahanap kay Nica.

And I can't help but just shook my head and drink habang pinapakinggan ang mga pangaral ang panghihinayang nila sa akin. Actually, maski ako ay hindi ko rin mawari kung bakit nga ba ganito nalang kalakas ang tama ko sa kanya, at until now ay umaasa pa din ako na someday, eh magkikita din kami...

" Are you serious, bro? Kaya pala tinanggihan mo tong babae dahil hindi ka pa din nakaka move on dun sa nameet mo dati? like, wtf?!" matawa tawang tugon ni Dale.

" Yeah, you can call me what you want but yeah. I'm still looking for her. Umaasa pa din ako and I don't care kung ilang years pa ang iintayin ko, basta naniniwala pa din ako na someday, magtatagpo kaming muli." sabay straight muli ng alak na iniinom namin. Ramdam ko na ang init sa katawan ko at mukhang nalalasing na ako.

Sabay tapik naman sa akin ni Vonn sa kanang braso. " Alam mo bro, kung ako sayo ha. Bakit hindi mo nalang pagtyagaan yung ka FUBU mo? Walangya simula highschool nagtitikiman na kayo diba? Malay mo kayo pala sa isa't isa"

At sumang ayon naman si Dale sa suhestyon ni Vonn. " Yeah, oo nga pala. Si Mia, yung patay na patay sayo diba?"

Di ko naman maiwasang mapangiti at mapailing. Dahil hayy nako naman, that bitc*. Mia..Mia..Mia..Talagang pinaalala pa nila.

Mia De Guzman is my classmate nung highschool kami at ka-FUBU ko siya ng mga ilang taon. Sobrang patay na patay talaga ito sa akin to the point na halos araw arawin niya ako sa condo ko. At dahil teenager pa ako nun kaya sobra ko ding mapusok at naenjoy ko naman not until nalaman ko ang tunay niyang pakay sa akin.

Dahil naabutan ko siya na kinakalikot ang laman ng bag ko at nakalabas ang mga card ng wallet ko. Balak niya pala akong pagnakawan at hinahanap niya ang mga bank details ko. Ayaw niya pang umamin sa akin nang malaman ko na dati niya na pala akong pinagnanakawan ng pera sa wallet ko at meron pala siyang boyfriend kung saan duon niya binibigay lahat ng mga kinukupit niya sa akin tuwing nagsesex kami.

At simula nun ay iniwasan ko na siya, pinagbantaan ko din siya na isisiwalat ko ang lahat ng mga kalokohan niya kapag isa pang beses na kulitin niya muli ako.

" No way, I'll f*** that bi*** again bro. Napakatagal nang hindi kami nagkikita nun at wala na akong balita sa kanya. And I don't even care about her. Forget that bitc*!" sabay inom ulit ng alak. F*ck!

" Alam mo hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang nagbago ka na. Dahil parang kelan lang eh mas f***boy ka pa nga sa amin dati. Diba guys?" wika ni Dale habang iiling-iling at may pang-aasar na tingin naman yung dalawa.

" So kung simula nung makilala mo yung babae na yun years ago, meaning to say wala ka na ding ibang naikama simula nun?" sabay pigil ng tawa nito.

At napatango nalang ako sa tanong nito at bigla silang nagtawanan ng malakas.

" Damn it! RIP junjun." sabay sabay na tawa ng mga kolokoy.

Sigh! But I don't care, they can think whatever they want to think of me basta ang para sa akin eh that strange girl was the one for me. At naniniwala ako na nasa akin pa din ang huling halakhak...

---

Samantala...

Ilang araw ang nakalipas at tuluyan na ngang nakapasok sa bansa ang namataang super typhoon. At kasalukuyang rumaragasa ang bagyo mula sa kinaroroonan nina Monica...sa La Union...

----

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Nagising ako sa mumunting halik sa aking mukha, Kaya agad kong naimulat ang aking mga mata...

At pagmulat ko ay bumungad sa akin ang mga sobrang gaganda at poging mga bata.

" Hi mommy, buti po gising kana po. Kanina kapa po namin ginigising dahil ang lakas po ng ulan sa labas."

" Oo nga po, Mommy. Binalita nga po sa tv na may bagyo po daw po at signal number 1 daw po dito sa atin."

" Opo, Mommy. Nag aayos na nga po sina Lola at Ate Lucy sa baba para daw po sa paghahanda kung sakaling bumaha." bungad na balita sa akin ng tatlo kong mga anak habang nakahigang nakayakap sa akin.

At yeah, sila ang mga anak ko. Ang resulta sa isang gabi nang may mangyari sa amin ni Miguel. Kahit nga ako ay hindi din makapaniwalang may mabubuo agad sa isang gabi na yun. Bagamat hindi naging maganda ang kinahinatnan sa amin ng lalaking yun at sa aking katangahan na rin ay hindi pa rin naman ako nagsisisi dahil nagbunga lang naman ito ng mga ubod ng ganda at gwapong mga bata, at triplets pa sila. Dalawang lalaki at isang babae. Si Addison Maverick na panganay sa kambal, si Alison Mariella na nag iisang babae na sumunod sa panganay at si Alonzo Mackenzie naman na bunso sa magkakapatid.

Instant celebrity nga sila dito sa lugar namin dahil sa kakaibang mga kulay ng mga mata nila dahil sina Alison at Addison ay parehas na may mga asul na mga mata na obvious na namana nila sa manloloko nilang ama at namana naman sa akin ng bunso kong si Alonzo ang kulay grey kong mga mata. Apat na taon na ang kanilang mga edad ngayon at mag lilima sa susunod na taon.

Nang biglang...

Plok!

Omg! May pumatak na tubig sa mukha ko.

Naku mukhang ang lakas nga ng bagyo dahil nabuksan nito maging ang nakasara kong bintana. May mga pumapatak din na ulan galing sa butas ng bubong namin kaya dali dali akong bumangon sa kama para agapan ang pagtulo at maisara ang bintana ng maayos.

At nang matapos ay naisip ko ding tulungan sina Mama at Ate Lucy na yaya ng mga bata na mag ayos ng mga gamit dahil malamang sa oras na ito ay bumabaha na sa labas ng bahay namin.

Pagkababa ko ay nakita ko sina Mama at Ate Lucy na nag aayos ng mga gamit sa baba. Agad akong tumulong dahil alam kong bawal ding mapagod si Mama.

" Mama, ako na po dyan. Magpahinga ka na po. Kaya na po yan namin ni Ate Lucy." sabi ko kay Mama na naabutan kong nagsisilid ng mga gamit sa karton.

Hinalikan naman ako ni Mama nang makita niya ako. " Oh Monica, anak buti gising kana, kumaen kana ba? Nanduon nakahanda na sa lamesa ang pagkaen. Ginising ka ba ng mga bata? Pinagising na kasi kita sa kanila dahil anong oras na. Wag kang mag alala, tapos na kaming kumaen kanina pa dahil pare-parehas kaming maagang nagising."

Tinapos ko na muna ang pag iimpake bago ako kumaen. Nang makita ko si Faith na bagong gising at mapungay pa ang mga mata.

Si Faith ang nag iisang anak ni Mama Emma. 20 anyos na siya ngayon, at kwento sa akin ni Mama Emma na hindi na nasundan pa si Faith dahil maagang nabawian ng buhay ang kanyang asawa at hindi na sinubukan pa ni Mama na maghanap ng makakapareha dahil gusto na lamang nito pagtuunan ang nag iisa nilang anak.

Mapalad akong kinupkop nina Mama Emma. At naaalala ko pa nuon, limang taon na ang nakakalipas nang umalis ako sa amin sa Manila at sumakay sa isang bus. Hindi ko nga alam kung ano bang ruta yung nasakyan ko basta sumakay nalang ako dahil gusto kong umalis para lumayo sa pamilya ko lalo na nang malaman kong nagdadalang tao na pala ako.

----

Flashback...

Iba na talaga ang nararamdam ko nung mga panahong iyon tatlong linggo matapos na may mangyari sa amin ni Miguel. Nakakaramdam ako ng sakit ng ulo at pagkahilo at araw araw itong lumalala. Hindi ko nalang ito pinapahalata noon sa pamilya ko dahil kinukutuban na ako na baka maaaring ngang...

" Omg!" pagkagulat ko nang makita ang dalawang pulang guhit habang hawak hawak ang pregnancy test ko.

Sobra akong hindi makapaniwala sa resulta at nakatulala nalang sa salamin. Nanginginig at walang tigil sa pagluha.

Wala din akong ibang matawagan dahil wala naman akong mapagsasabihan nito tapos yung nag iisa ko pang kaibigan ay niloko din ako.

Ahh, sh*t!!

Kasi ba naman, ano ba naman kasing kagagahan tong ginawa mo, Monica? Hindi pwedeng may makaalam nito sa pamilya ko dahil alam kong sasaktan lang nila ako, lalo na si Mommy. Kaya nga ayaw na ayaw niya akong mag nobyo noon dahil natatakot nga siya na baka bigla nalang akong mabuntis.

At isa pa, ay dahil nasa political side ang family ni Mommy at sobrang inaalagan reputasyon ng pamilya De Silva at Jimenez. Isa sa dahilan kung bakit wala akong kaibigan dahil sa paglilimita nila sa akin. Halos ikulong nila ako sa bahay kaya hindi ako nagdalawang isip na magrebelde sa mga pinag gagawa nila sa akin.

----

At isang umaga nang magbreakfast ako, I was alone that time at walang katao tao sa bahay kahit mga yaya namin ay tulog pa dahil 5am pa lamang nun. I am eating my cereal at naisip kong mag try ulit kung totoo bang positive ako. Kaya pumunta ako sa c.r and omg! Mabilis na lumabas ang dalawang guhit. Mukhang buntis nga talaga ako kaya pagkatapos ko sa banyo ay bumalik na ako sa lamesa at nagpatuloy sa pagkaen dahil gutom na gutom talaga ako. Nang bigla akong nakaramdam na para akong masusuka.

*Blaargh! Blaargh*

At nang binabanlawan ko na ang bibig ko sa may lababo dito sa kitchen sink ay bigla nalang may sumabunot sa akin mula sa likuran ko.

" Mom?!" natatakot kong tanong at nakita ko siya sa gilid ng mata ko at galit na galit.

" Don't make any noises! Just tell me kung kanino itong bagay na to?!" at binitawan niya ako agad at hawak hawak niya ang pregnancy test ko.

And I started crying and hug her at humingi ako ng tawad sa kanya pero pilit niyang inaalis ang kamay ko at pinapagalitan ako.

" My god! Monica! Hindi mo alam kung ano ang magiging resulta nitong kagagahan mo na to! Hindi ka talaga nag iisip na tao ka!! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa pamilya natin kapag nalaman nilang may anak kang disgrasyada?! My God, Monica!! " at galit na galit ito sa akin pero hinihinaan niya ang boses niya dahil ayaw niyang may makarinig sa amin dahil iniiwasan niyang kumalat ito sa buong bahay. She even give me a consequence na sobrang hindi ko nagustuhan.

Ikinulong naman ko nito sa kwarto matapos ang pagbabanta niya sa akin at tsaka ni-lock ang pinto.

" Wag na wag kang lalabas dyang babae ka! Tandaan mo yung binilin ko sayo. At pag hindi mo ginawa yun, tandaan mo. Kalimutan mo nang isa kang Jimenez!!"

And I am crying so hard sa buong araw na yun. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Wala akong masumbungan at malapitan man lang kundi ang sarili ko lang.

Hawak hawak ko ang tyan ko at nagdadasal na bigyan pa ako ng lakas para makayanan lahat ng mga pagsubok na ito.

Hanggang sa lumipas ang isang araw, nag iisip ako kung paano ba ako makakatakas dito sa impyernong ito. Bantay sarado ang bahay namin at may mga nakapaligid ding mga gwardya sa bawat sulok nito.

Nang pumasok ang katulong ko sa loob ng kwarto kasama ang anak nito. At bigla nalang akong nakaisip ng paraan.

Pinakiusapan ko ang katulong kong si Yaya Flor na tulungan akong makaalis ng bahay. Nag aalangan pa ito nung una pero nang sabihin ko ang tunay ko na dahilan kaya ko ito gustong gawin ay hindi na rin siya nagdalawang isip na tulungan ako.

At matagumpay akong nakaalis sa bahay namin dahil nagpanggap akong anak ni YayaFlor. Pinasalamatan ko ito nang makalabas kami ng subdivision.

---

Wala akong ibang bitbit kundi ang sarili ko lang at ang mga credit card ko. Naglalakad lakad ako at buti nalang ay may suot akong hoodie para hindi ako makilala ng mga tao.

Hanggang sa sumakay ako ng taxi at nagpababa sa malapit na bangko para kumuha ng pera galing sa savings ko. Kinuha ko lahat ng laman nito at bumalik sa taxi. Actually, wala akong idea kung saan nga ba ako pupunta. Dahil hindi naman ako pwedeng bumalik sa condo dahil malamang ay malalaman agad ito ni Mommy at mabili din akong matutunton. Naisip ko kasi na hinding hindi na ako babalik sa bahay namin.

Hanggang sa mapadpad kami sa isang Bus Terminal at duon nalang ako nagpababa.

Ginabi na ako at medyo nakakaramdam na din ako ng matinding gutom at pagkahilo. Naglalakad lakad ako nang dalhin ako ng pang amoy ko sa isang karenderya.

At omg! Grabe ang pagkatakam ko nang makita ko ang Sinigang na hinihigop ng isang Ale. Kita ko sa mukha niya ang sobrang pangangasim na lalong nagpalaway sa akin.

" Wow, parang ang sarap naman nyan!" napalakas kong sabi.

Agad ko namang tinakpan ang bibig ko dahil sa labis na pagkahiya dahil biglang tumingin sa akin ang Ale na humihigop ng sabaw.

" Ohh, gusto mo ba nito, ineng? Halika at kumaen tayo." nakangiti nitong sabi.

Bigla namang tumunog at tiyan ko at syempre hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon kaya nakikaen na din ako.

Omg! Grabe ang sarap naman nito! Mainit init pa...

Burp!!!

" Ahh, sobrang sarap po nito Nay. Maraming salamat po." nakangiti kong sabi sa Ale na gumanti din ng ngiti sa akin.

At dahil sa kabaitan niya ay ako na ang nagbayad ng kinainan namin maging ng anak nito na kasama niya.

" Nakakahiya naman, ineng. Heto ang pambayad ko oh. Natuwa lang talaga ako sa reaksyon mo kaya inaya kitang kumaen. Pero ako na sana ang magbabayad nun." wika ng Ale.

Pilit pa din nitong inaabot sa akin ang pambayad niya pero hindi ko naman tinatanggap dahil sapat na ang kabaitan niya bilang kabayaran.

" Sige na po, Nay. Itabi niyo nalang po yan."

Nang maya maya lamang ay parang nakaramdam nanaman ako ng matinding pagkahilo pero pilit ko itong nilalabanan at hindi pinapahalata ang nararamdaman ko.

" Sige na, tanggapin mo na. Nakakhiya naman kasi sayo..." pangungulit pa din sa akin ng Ale.

At unti unti na akong nakaramdam ng paglamig ng katawan hanggang sa...

" Ohh, anong nangyayari sayo? Ineng? Ineng? Tuloooong!!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status