Share

CHAPTER 1- AN EXPENSIVE TREAT

CHAPTER 1- AN EXPENSIVE TREAT

----

5 years later

----

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Alas sais na ng umaga at tapos na akong makapagkape. Nakabihis na din ako at handa nang pumasok sa pinagtatrabahuan ko.

Hmm! Grabe sobrang sarap ng hangin. Paglabas ko ay agad na bumungad sa akin ang napakaraming bulaklak at puno sa mumunti naming hardin. Nasa labas nga si Mama at nagwawalis kaya binati ko ito at hinalikan.

" Mama!" masaya kong bati sa kanya. " Aalis na po ako, oo nga pala nag iwan na din ako ng pang gastos sa mesa. Pati na din yung baon ni Faith nasa mesa din po."

" Maraming salamat anak." nakangiti niyang tugon sa akin at matapos nun ay umalis na din ako agad dahil malelate na ako sa trabaho ko...

---

@ ST. Rose Hospital

Sa wakas at nandito na din ako sa Nurse Station buti nalang ay nakaabot pa ako at tapos na din akong makapag time in kaya heto at start na ng duty ko.

Turukan ngayon ng bakuna para sa mga bata at kami ang nakaassign para dito.

" Good Morning Nurse Monica." nakangiting bati sa akin ng mga kapwa nurse at binati ko din sila pabalik.

At nagsimula na kami sa pagtuturok.

Actually, pang limang araw na namin ito ng pagtuturok ng bakuna at ito na din ang huling araw kaya dagsa ang mga humabol para sa huling araw.

Kaya halos nasanay na din ako sa boses ng mga nagiiyakang mga bata at nadevelop din ng matindi ang pasensya ko dahil syempre makita pa lang nila itong matulis naming injection ay nagwawala na sila kaya ang iba ay talagang niyayakap ng mahigpit ng kanilang mga magulang para lang maturukan.

" Okay next po." malambing kong pagkakasabi habang nakangiti.

Kaya bilang nurse ay ginagawa ko din ang lahat para lang maging kumportable ang mga bata gaya nitong pakulo ko na libreng chocolate para sa mga nagpapaturok sa amin.

Kaya nagulat ako nang mapansin ito ng aming Head Doctor na nagmamasid pala sa oras na yun. " Wow, your lane Nurse Monica was really impressive. I can't hear any noise at sobrang saya ng mga bata. Goodjob!" nakangiting sabi sa amin ni Dr. Blaire sabay tapik sa aking braso.

Kilig na kilig naman ang mga katabi kong Nurse at maya maya lang ay umalis na din ito para tignan naman ang sumunod na pila.

Pinagpatuloy ko naman ang pagtuturok hanggang sa matapos ko na ang mga nasa linya ko kaya pagkatapos ay bumalik na kami sa Nurse Station para palitan naman ang isang Nurse na nakaduty doon dahil break time na daw nito.

Kaya heto, busy busyhang muli. Nang maya maya lamang ay napalingon ako at nakita kong nakangiting papalapit sa akin ang bestfriend kong Nurse na si Nurse Rylie.

At aba, grabe lang yung pag ngiti niya sa akin na parang may sinasabi na agad na bago nanamang chismis. Kaloka talaga itong kaibigan ko na to.

" Beeeeb!" masayang bati nito sa akin sabay beso.

At hindi nga ako nagkamali, at kaya pala ganun ang pagkakangiti niya ay dahil nakasalubong niya daw yung crush niyang Doctor at nagbatian daw sila. Kaloka, ang aga aga lumalandi na agad.

Hayy, ang kaibigan kong mahilig umawra sa mga poging Doctor dito sa Hospital. Ayan si Nurse Rylie o Ryle Christian Perez, tunay nitong pangalan. Matagal ko na siyang kaibigan simula pa noong College pa lang kami dahil parehas kami ng eskwelahan na pinasukan at parehas din kaming mga scholar. Oh diba? Beauty and brains!

Sobrang malapit na talaga kami sa isa't isa dahil sa loob ng limang taon na pamamalagi ko dito sa La Union ay siya lang din talaga ang nakasundo ko dahil may iilan kasi akong naging kaibigan dito pero halos lahat sila ay naging kagalit ko din bandang huli dahil sa mga jowa nila na nagkakagusto sa akin. Hayy, di ko naman kasalanang maakit sa akin ang mga jowa nila tsaka duhh! never ko din namang papatulan ang mga chaka nilang jowa tska jusko day, tapos na ako sa yugto na yan ng buhay ko dahil sawang sawa na ako sa mga panloloko ng mga lalake na yan! Hmp!

Kaya focus lang ako ngayon sa work. At sobrang proud ko din dito sa kaibigan ko na to dahil lagi niya akong pinoprotektahan kaya minsan tuloy eh napagkakamalan pa kami na mag nobyo't nobya. Tsaka itong bestfriend ko na to eh kahit na isang sirena at pumipilantik ang daliri ay hindi mo din naman siya mapagkakamalan na miyembro nito dahil sa angking tindig nito na mala Daniel Padilla ang datingan at idagdag mo pa ang laki ng katawan nito dahil tambay din siya ng gym. Buti nga at nag improve na ang katawan niya ngayon dahil paano ba naman? Sa ilang taon na niyang nag gygym ay ngayon lang talaga lumaki ang katawan niya dahil saan ka makakita ng tao na pupunta lang sa gym para lang sumulyap sa mga muscles at nagwoworkout na lalaki ang ginagawa maghapon? Kaya maigi nalang talaga at sumama ako sa pag gygym niya kaya napepwersa siyang sabayan ako sa pag eexercise.

Hayy nako, kaya sobra akong naloloka sa kaibigan ko na to pero sobrang blessed din ako dahil araw araw niya akong napapasaya...

" Aba girl, iba ka talaga. Balita ko, lagi ka daw may plus points kay Dr. Blaire ahh? Kaya alam mo, hindi din ako magtaka kung bakit mabaliw baliw sayo yung tao na yun. Kasi ba naman, hinuhusayan mo masyado ang trabaho mo kaya ayan lagi ka tuloy napapansin.

Konti nalang talaga girl at baka mapalitan mo na din pati si Madam Olivia!" sabay tawa nito pero agad ko siyang sinaway sahil si Madam Olivia lang naman ang CEO nitong Hospital. And she was a terror at talagang tumatahimik ang lahat tuwing dumadating siya.

" Gaga ka, mamaya may makarinig sayo dyan eh. Ikaw, napakamalisyosa mo, issue ka din ah. Malay mo naman sadyang appreciative lang yung tao. Tsaka kung masipag talaga ako eh, hindi naman ako pasikat sadyang this is me girl, born to be a Nurse ang Lola mo." tugon ko dito habang nakataas ang kilay sa aking matalik na kaibigan.

----

Ilang oras ang lumipas at tapos na kami sa aming mga duty. Uwian na kaya heto, ang parati naming ginagawa ni Rylie na kumaen sa labas. As in labas dahil paborito naming kumaen sa mga turo turo gaya ng mga fishball-an, turon, mga palamig at kung anu ano pa.

Pero habang naglalakad kami papunta sa lugar na yun ay biglang humirit itong kaibigan ko.

" Teka te, tutal natapos naman natin ang hell week bakit hindi natin i-treat ang sarili natin girl diba? I think we deserve it." nakangiti nitong sabi.

" I-treat??"

" Ayy hala, nabingi lang ? Oo te, treat tutal kakasahod lang natin nung isang araw diba? I think deserve natin na mag restaurant naman, dun sa may aircon! At hindi dito sa puro usok at polusyon!!" at napapailing nalang ako sa sinasabi nito at syempre, hindi naman ako tumanggi dahil tama nga naman siya. Ilang linggo na din kasi kaming nagtitipid ni Rylie kaya heto, napa " we deserve this" moment kami.

Kaya nag abang kami ng masasakyan namin na taxi papunta sa mall kung saan kami mag didinner ni Riley nang may bigla namang may bumusina sa amin. Sabay pa kaming nagulat at mas naloka kami nang makita namin ang isang magarang sasakyan na kulay itim! At pagkababa ng bintana ay si Dr. Blaire pala ang sakay nito.

" Hi, girls." Nakangiting bati nito sa amin.

" Ayy! Hello po Dr. Blaire." nakangiti ding tugon ni Rylie.

Samantalang umiwas naman ako dahil sa malagkit nitong tingin sa akin.

" Tara na, uuwi na ba kayo? sabay na kayo sa akin. Hahatid ko na kayo." at agad naman kaming nagkatinginan ni Riley.

" Ano girl? tara na ba? Ayan na si Dr. Blaire oh nakakahiyan naman kung tatanggihan natin siya." sabay hawak ni Riley sa braso ko na parang anytime ay ready ako nitong hilahin papunta sa sasakyan ni Dr. Blaire.

Pero nagdadalawang isip ako dahil nga iniiwasan ko ding maissue kay Dr. Blaire lalo na at malapit lang din kami sa Hospital ngayon at malamang ay baka may nakakakita sa amin.

Kaso patuloy pa din sa pagpilit sa akin si Riley na g na g na sumabay sa kanya.

" Ano na bat ang tagal mong magdecide? Head Doctor natin yan. Gusto mo bang masisante tayo? Pumayag ka na ngayon lang naman yan." pabulong nitong sabi sa akin pero ramdam ko ang gigil niya sakin habang kinakausap niya ako.

At dahil wala na din akong choice at sumakay na kami sa sasakyan niya.

At hay nako. Pagkasakay na pagkasakay pa lang ay umawra na agad ang kaibigan ko. Sabi ko na nga ba eh, malamang isa din itong si Dr. Blaire sa mga crush niyang Doctor. Talagang todo paimpress siya dahil todo chika na akala mo eh close na close talaga sila.

Kulang na nga lang kumandong na siya rito. Kaloka...

" Grabe, ganito pala ang feeling na sumakay sa mamahaling sasakyan no? Tapos sobrang linis pa ng loob nito." habang pinagmamasdan ni Riley ang sasakyan ni Dr. Blaire.

Pero infairness totoo namang malinis dito sa loob at mabango din. Sports car kasi itong sasakyan ni Dr. Blaire at sabi nga nito na pili lang ang mga pinapasakay niya rito dahil nga sa mahal nito kaya sobra nya daw itong inaalagaan. Kilig na kilig tuloy si Riley dahil feeling niya ay napakaespesyal niya para maisakay ni Dr. Blaire.

" Talaga ba, Dr. Blaire? Nakakahiya naman pero wag kang mag alala hindi naman kami magkakalat dito ni Nurse Monica tska eto oh meron akong dalang pang disinfect para pag labas namin mamaya isprayan mo nalang Doc." at talagang ready na ready si bakla.

Biruin mo may disinfectant sa bag niya. Talagang pabibo ang bestfriend ko ah.

" No, it's okay. No need to disinfect dahil hindi naman kayo virus. Nakakatawa ka talaga Nurse Ryle. Pero teka, bakit parang ang tahimik naman ni Nurse Monica? is there anything wrong?" at biglang napataas ng sabay ang kilay ko sa pagkagulat.

" Ahh wala po Doc, ayos naman po ako. Siguro pagod lang po..." tugon ko dito.

" At gutom." biglang singit ni Rylie at bigla din akong napatingin dito at napasimangot.

" Gaga ka, napakaingay mo mamaya ipunta tayo niya sa magarang restaurant, nakakahiya. Sa bahay nalang sana tayo dapat kumain!!" bulong kong sabi kay Rylie habang nakaamba ang pangkurot ko sa bewang nito.

At gaya ng inaasahan ko ay inaya na nga kami nitong kumaen sa labas.

" Ohh, gutom na pala kaya pala tahimik. No problem, Nurse Monica akong bahala sa inyo. Treat ko na kayo." at nagkatinginan kaming muli na magkaibigan. Pilit naman ang pagkakangiti ni Riley sa akin.

" Ahh eh, Dr. Blaire, hindi ba nakakahiya naman po ata? Nakisakay na nga po kami tapos magpapalibre pa."

" No problem Nurse Ryle, at gaya ng sabi ko, ako nang bahala sa dinner niyo. Wait, imemessage ko lang yung chef namin para nakahanda na yung kakainin natin pagkarating natin sa hotel.

" Hotel?!" gulat na sabi ni Riley.

" Yeah, sa D.G Grand Hotel." at muli ay nagkatinginan nanaman kami ni Riley dahil ang D.G Grand Hotel lang naman ang isa sa mga pinakakilala at sikat na Hotel dito sa Elyu. Maraming nagpupunta dito lalo na ng mga sikat at mga politiko kaya alam naming parehas na hindi basta basta itong pupuntahan namin.

---

Hanggang sa ilang saglit lang ay nakarating na din kami sa Hotel.

Pagkababa namin ay sinalubong kami ng mga security at agad kaming inalalayan. Grabe, ganito pala ang feeling ng mga maiipmluwensyang tao dahil first time kong maglakad sa red carpet at salubungin ng mga body guards.

Hanggang sa pagpasok namin ay bumungad sa amin ang mga nagkikislapang mga bato mula sa paligid nito dahil punong puno ito ng mga dyamante at ginto na sobrang kikintab.

Hindi kami makapaniwala ni Riley sa mga nakikita namin. At sa talang buhay ko ay ito na ata ang pinakabongga na Hotel na napasukan ko. Talaga nga naman high class itong hotel na to.

Hindi talaga maitatanggi na sobrang yaman ng pamilya nila Dr. Blaire.

" Bongga dito girl. Alam mo kahit isang tipak lang siguro nitong mga bato na to for sure napakayaman mo na." habang pinagmamasdan nito ang dyamante na nakadisplay sa lamesa. Hay nako, at umiral pa nga ang pagiging kawatan ng kaibigan ko na to.

Hanggang sa maya maya lamang ay tinawag na kami ni Dr. Blaire para pumunta sa loob. Medyo nakakahiya pa nga dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

Hanggang sa marating na namin ang restaurant na pagkakainan namin.

At omg! Nagulat kaming dalawa ng bestfriend ko sa aming mga nakita pagkadating namin sa table namin dahil sobrang daming nakalatag na mga pagkaen!

Omg! Kaya naman pala pinaiwan niya muna kami sa lobby ay dahil may pa buffet pala itong si Dr. Blaire! Sobrang nakakahiya tuloy.

" So, let's enjoy our meal, ladies. Wag nang mahiya. Feel free to get what you want." nakangising sabi ni Dr. Blaire.

Inalalayan niya din kami sa aming pag upo.

Buti nalang at walang tao ngayon dito sa restaurant kaya hindi gaanong nakakailang. At dahil hindi na namin kinakayanan ang gutom namin kaya nag umpisa na kaming kumaen.

Konting chikahan habang kumakaen about sa trabaho at konting tawanan din kaya medyo nakapalagayan din namin ng loob si Dr. Blaire. Pero hindi pa din maalis sa akin ang pagkailang dahil sa lagkit ng titig nito sa akin. Pilit ko namang dinededma dahil mas nangingibabaw ang kalam ng sikmura ko.

At sa kwentuhan naming iyon ay nabanggit ni Dr. Blaire na meron daw palang super typhoon na paparating sa bansa na maaaring tumama dito sa lugar namin. Nakakatakot tuloy dahil bahain itong lugar namin pero sana, gaya nung nakaraan ay lumihis ang bagyo at hindi na tumama.

At nang matapos kaming kumaen ay nagpahinga muna kami at hindi rin nagtagal ay nag akit na akong umuwi kay Riley dahil 7:00 pm na at malamang ay hinahanap na ako ni Mama Emma. Hindi pa naman ako nakapagtext sa kanya dahil naubusan na ako ng load.

" Salamat po Dr. Blaire ah. Talagang nabusog po kami." nakangiti kong sabi rito at tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Nang bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko. And I felt a little bit awkward dahil sa ginawa niyang yun at yung titig niya sa akin ay sobra talagang nakakakilabot kaya agad ko inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

" Ahh, I'm sorry Monica. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil. Alam mo, sobrang saya ko kasi at hindi makapaniwalang kasama kita ngayon. Sa totoo nga nyan eh, matagal ko na din talagang balak na ayain kang lumabas kaso lang ay wala namang tsansa na magawa ko yun dahil madalas ay hindi ko kayo maabutan. " medyo nanginginig nitong sabi at hindi din mapakali ang tingin.

" Ahm, okay lang po Doc. Tsaka maraming salamat din po dito sa treat." nakangiti kong sabi rito. At nang matapos ay inaya ko na si Riley at nakakaloka nga dahil parang ayaw pa nitong umuwi.

" Ahh, aalis na ba talaga be?"

" Oo girl, tara na!" pabulong naming deskusyunan.

" Tsk, ano kasi girl eh...Yung ano ko..." hindi mapakaling sabi ni Riley. Nang mapahinto kami sa paglalakad. Naku, mukhang may nalimutan pa ata kaya inantay ko nalang siya malapit sa pinto ng restaurant.

" Ah, Hi po Dr. Blaire. May nalimutan po kasi ako." nakangiti nitong sabi.

Nang biglang lumapit ang isang waiter at may mga plastic na iniabot kay Riley.

" Ayun! Maraming salamat!" nakangiting tugon nito, sabay suksok ng mga plastic sa loob ng bag nito.

Nakakaloka! Nakakahiya talaga itong kaibigan ko na to. Talagang nagpa-sharon pa sa mamahaling restaurant. Kung pwede lang sanang umalis para hindi nila makita na kasama ko ang tao na yun, nakakaloka!

" Hoy, girl! Hintayin mo ko!" sigaw ni Riley dahil dali dali akong naglakad papalabas.

---

At pagkauwi ko ay nakita ko ang aking masipag na ina na nagluluto sa kusina namin kaya agad ko siyang nilapitan para humalik.

" Hi, Mama." nakangiti kong bati dito.

" Ohh, bat parang ginabi kana, anak? Traffic nanaman ba? Sabi ko naman kasi sayo na bumili ka na ng sasakyan e para di ka na

nahihirapan. Tutal maayos na naman na ang kalagayan ko, panahon na din siguro para ireward mo ang sarili mo."

At yan ang palaging sinasabi sa akin ni Mama. Hindi ko din naman magawa dahil nag memaintenance na siya at isa pa eh madami pa din kaming kailangang asikasuhin dito gaya ng tuition ni Faith at ng mga bata. Kamakailan nga ay naisugod namin sa Hospital si

Mama dahil inatake nanaman siya ng highblood niya kaya niresetahan siya ng gamot at pinag memaintenance na siya.

Hindi ko rin naman din kasi kaya na pabayaan nalang si Mama kaya never na sumagi sa isip ko na unahing bilhin ang sasakyan dahil ayos lang naman sa akin kahit na araw araw akong mag commute tutal lagi ko din namang kasama si Riley sa pagbabiyahe dahil magkalapit lang kami halos ng tirahan.

Napakalaki ng utang na loob ko kay Mama Emma dahil sa pagmamahal nila na binibigay sa akin kaya napamahal na din ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Faith actually.

" Naku Ma, uunahin ko pa po ba yang sasakyan eh kayang kaya ko naman pong magcommute kaya kung ako po sayo Mama, magbawas bawas na sa pagkaeng matataba ha? Alagaan po ang sarili, mahal na mahal po namin kayo Mama." sabay yakap ko kay

Mama habang nagluluto ito at napansin kong nagpunas ito ng luha kaya ayun, nadamay na din ako.

Mag inang mag ina nga kaming tunay dahil parehas kaming mababaw ang luha.

" Anak naman, pinapaiyak mo naman ako. Sige na, halika na at ikaen nalang natin to. Luto na itong paborito mong ulam." at napa wow ako nang makita kong sinigang pala ang niluluto ni Mama. Hindi ko ito agad napansin dahil pagkauwi ay inalala ko agad si

Mama dahil baka nga alalang alala na ito sa akin.

At kahit na busog pa ako ay kumaen pa din ako dahil ayaw ko namang makita na walang kasabay si Mama dahil nauna nang kumaen si Faith at natulog na kaya tanging ako nalang ang magiging kasabay nito.

Nang biglang...

" Mommy??"...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ian General (bhang)
ang tagal po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status